"What!" Hindi ko napigilang mapasigaw matapos kong marinig ang magiging parusa ko. "I m-mean, w-what?" Shutaness to the highest level! Kaharap ko ngayon si Mrs. Faunillo, ang in-charge sa disciplinary office. Siya rin ang nagbibigay ng parusa sa mga estudyanteng lumalabag sa rules ng university. Nakaharap ako sa kanila. Oo, hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Genesis. Naisip ko tuloy na baka siya ang nagbigay ng idea kay Mrs. Faunillo. "Expulsion na dapat ang parusa sa iyo, Miss San Juan. Simula noong unang taon mo rito magpahanggang ngayon ay patong-pato na ang mga kasalanan mo," paliwanag pa ni Mrs. Faunillo. "Nakailang offense ka na pero pinalagpas iyon ng lahat dahil sa relasyon ng school ninyo sa university." Yeah, right. Tita ko ang may-ari ng university na ito. Sa side ni Mama

