CHAPTER 5

918 Words
DRAKE'S POV Dalawang linggo ako sa hospital dahil medyo grabe ang natamo ko pinsala sa pambubugbog sakin ng grupo ni Jasper. Nangyari ang insidente nung huling araw na pumasok ako sa school. Flashback.. Papauwi na ako sa bahay, nakita ko sila Jasper na nakaabang sa sasakyan ko sa may parking lot.Tinignan ko si Jasper at mukhang galit na galit. "Nag-iba ata ang ihip ng hangin?bakit ka nandito?tanong ko. "Walang hiya ka! Nang dahil sayo nakipaghiwalay na sakin si Samantha!!sabi nito. "Bakit sa akin mo sinisisi kung bakit nakipaghiwalay siya sayo? "Dahil may proweba ako na nagpapatunay na nilandi mo ang girlfriend ko!! Pinakita niya sa akin ang picture na magkasama kami ni Samantha natatandaan ko kung saan yun, doon sa birthday party ni Jared. "Hindi ko nilalandi ang girlfriend mo! Siya nga ang panay lapit sakin! Daig pa ang ahas kung makalingkis. "Sinungaling ka! hindi magagawa ni Samantha yan. "Wala na ako magagawa kung ayaw mong maniwala sakin.Hindi ko na kasalanan kung bakit siya nakipaghiwalay sayo.Baka naman may nakita sa sakin na wala sa iyo".sabi ko naman lalo siyang nagngingitngit sa galit. Ang tinutukoy niya ay ang girlfriend niya na si Samantha Chavez.Nakilala ko siya sa birthday party ng bestfriend ko si Jared dahil pinsan ni Jared si Samantha.Maganda si Samantha, makinis,maputi at sexy.Noong umpisa masarap siya kakwentuhan pero habang tumatagal ay iba na ang kinilos niya masyado na siya nagiging agresibo.Akala ko ay dahil sa kalasingan kaya ganon ang mga kinikilos nya,pero may iba pa itong pakay sakin. Hindi ako tanga para hindi ko mahalata na may gusto siya sa akin,kung makadikit siya ay halos pangalandakan nya sa akin ang dibdib nya. Hindi ko itatanggi, malulusog ang mga dibdib nito parang kay sarap hawakan. May mga pagkakataon pa nga na hindi ko sinasadyang masagi ang dalawang bundok nito at alam kong sinasadya ni Samantha yun. Kaya hangga't maaga pa ay agad ako nagpaalam dito na uuwi na ako at baka mamaya ay makalimot ako at kung ano pa ang mangyari.Hinanap ko si Jared para makapagpaalam na uuwi na ako, nakita ko siya na kausap niya si Kristine ang girlfriend nito. End of Flashback.. " Aba't ang yabang mo ha!! tignan ko lang kung magustuhan ka pa ni Samantha sa gagawin ko sayo !! Mabilis niya ako sinugod naiiwasan ko naman ang mga atake ni Jasper sa umpisa pero naramdaman kong may humampas sa likod ko na matigas na bagay kaya napahiga ako sa sahig.Nakita ko na may hawak na tubo ang isa sa mga kasama nya, marahil ay tinago nila iyon para hindi ko mapansin. Pinagsusuntok ako ni Jasper sa mukha pagkatapos ay pinaghahampas naman ako ng isang kasama niya ng tubo sa iba't ibang parte nang aking katawan. Mabuti nalang mayroon nakakita samin at agad nitong tinawag ang mga guard.Kumaripas ng takbo sila Jasper pagkatapos ay nawalan na ako ng malay. Nandito ako ngayon sa kwarto ko , pagkalabas ko ng hospital ay hindi muna ko pinapasok ni mommy sa school dahil sinigurado nya muna na maayos na ang pakiramdam ko. Inip na inip ako kaya napagdesisyonan ko na mag movie marathon muna ako para malibang naman ako.Napag isipan ko na sa Netflix ako manunuod ng movie.Kasalukuyan ako namimili ng panunuorin ko at hindi nagtagal nakapili na ko at horror movie ang natipuhan ko,nagulantang ako sa katok ng pintuan ng kwarto ko. "Sir Drake, pinapatawag ko kayo ng mommy mo dumating po si Ma'am Amber sabi ni manang Rosa. "Sige po manang Rosa pakisabi po bababa na po ako. Pinatay ko na agad ang TV at mabilis kong inayos ang kama ko pagkatapos ay nagshower ako sandali. Pagkababa ko nakita ko na masayang nag-uusap si mommy at Amber. " Kumusta ka na Hija?Mabuti naman at pumasyal ka dito sa bahay.! Kumusta na ang mommy mo." "Mabuti naman po ako Tita Athena, okay lang din po si mommy.Kaya po ako naparito para kumustahin po si Drake,"saad ni Amber. "Maayos na siya, pwede na siya pumasok bukas." masayang ibinalita ni mommy. "Mabuti naman po kung ganon. "Oh hijo nariyan ka na pala! Ikaw na bahala kay Amber pupunta lang ako sa kwarto ko. "Sige po mom.magpahinga na po kayo, ako na po bahala kay Amber." Humalik muna ko sa pisngi ni mommy bago siya umakyat sa kwarto nila. "Hi Drake! may sasabihin nga pala ako sayo, kaya ako naparito. "Ano yun Amber? tanong ko. "Umalis na ako sa school na pinapasukan ko.Lumipat na ako sa iba."Nakangiti nitong sabi. "Eh saan ka lumipat? tanong ko sa kanya. "Hulaan mo hehehe. panunudyo pa niya sakin. "Sabihin mo na kasi kung saan ka lumipat.pangungulit ko dito. "Sa Saint Benedict Academy ako lumipat ! "Ano?!! doon ka nagpalipat sa school namin? tanong ko dito. Teka bakit ka umalis sa dati mong school may kaaway kaba dun?! tanong ko. "Bakit ayaw mo ba?nakita ko na bigla nalang siya nalungkot. "Hindi naman sa ayaw ko,nabigla lang naman ako. "Wala ako kaaway Drake!Ikaw ang dahilan kung bakit ako lumipat doon kasi gusto ko na nabantayan kita Drake! Ayoko nang maulit yung nangyari sayo.nag-aalala ako sayo. "Maraming Salamat Amber sa pag-alala mo, pero hindi mo naman kailangan gawin yan! "Huwag ka nang tumutol pa Drake! Maayos na ang lahat bukas na bukas din ay pwede na ako pumasok.sabay irap sakin. " Eh ano pa nga ba?Hindi naman kila mapipigilan sa gusto mo eh."sabi ko sa kanya.sabay iling ko. "Sige na,hindi na ako magtatagal aayusin ko pa kasi ang mga gamit na dadalin ko bukas.See you tommorrow ! paalam niya sakin tumango nalang ako sa pagtugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD