DRAKE'S POV
Maaga ako gumising kinabukasan para maghanda sa pagpasok sa school.Kinuha ko ang tuwalya na nakapatong sa kama ko pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo.
Tumingin ako sa salamin napukaw ang atensyon ko sa peklat ko sa may kilay naikuyom ko ang kamay ko sa sobrang galit.
"Humanda ka sakin Jasper pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin".sa isip isip ko.
Binuksan ko ang gripo sa bath tub at warm water ang nilagay ko.Pagkatapos ang kinuha ko ang bubble bath sa shower caddy pagkatapos ay binuhos ko iyon sa bath tub.Nagbabad ako ng labing limang minuto at saka ko naisipang magbanlaw.
May mini cabinet ako dito sa cr kinuha ko ang shaving cream nilagyan ko nito sa parte ng baba, nguso at panga.Masyado na kasi mahaba ang bigote ko at balbas sa tagal kong nakaconfine sa hospital. Pagkatapos ay dahan-dahan ko inahit para hindi ako masugatan.Pumunta agad ako sa closet para kunin ang uniform ko.Binilisan ko ang kilos ko pagkatapos ay pumunta ako sa study table para kunin ang mga gagamitin ko.
Pumunta agad ako sa dining area para mag almusal naabutan ko na nandun na din si mommy at daddy.
"Good morning Mom, Dad!".pagbati ko sa magulang ko sabay halik ko sa kanilang pisngi.
I looked at my dad and he was talking to someone on the phone, maybe one of his client.
"Good morning son! mom said.Is it true that Amber transferred to Saint Benedict Academy?mom asked.
"Yes mom,she told me when she went here yesterday."
"It's good to have someone there to look after you and keep you out of trouble.
"Don't worry mom,i'm big enough to take care of myself.I don't need someone to watch over me. Please ??
Mommy nodded at the same time.And son one more thing 'can you please avoid fighting so that what happened to you doesn't happen again? he looked at me full of concern.
"I can't promise mom but i will try to avoid it hmm? i answered her.
We stared at each other for a long time before she answered. He sighed in surrender.
"Alright son i will expect that".she said and i nodded.
Pagkatapos ko kumain ay tinawag ko na Manong Luis para magpahatid ako sa school, tinatamad kasi ako magdrive.
Nasa entrance pa lang ako ng school ay dinumog na ako ng mga babae sa school mga natitilian at may nagpapapicture pa.Hindi na bago sakin ang mga ganitong scenario, noong una naiilang ako pero sa katagalan ay nasasanay na din ako.
Papunta ako ngayon sa office dahil may importanteng sasabihin sakin si Mr. Gonzales ang adviser ko.Habang naglalakad ako may dalawang lalaki ang naghaharutan kaya nabunggo ako ng mga ito.Aksidente naman na may nabangga din akong babae.
"Aray".wika ng babaeng nabunggo ko.
"Ang tanga-tanga mo kasi di ka tumitingin ka sa dinaraanan mo."sabi nung isang lalaking naghaharutan kanina.
"Tol,paano naman nya makikita ang daan eh malabo nga mga mata nya."sabi nung lalaking kasama nito at tumatawa pa.
"Panget na nga tatanga tanga pa!sabi pa nito.
Nakayuko yung babaeng nabunggo ko, hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ng buhok nya.Narinig kong ito humihikbi palagay ko umiiyak siya.
"Siraulo mga to! sila ang may kasalanan sila pa galit.Humanda kayo sakin.
Ayoko sa lahat na may makikita ako na nambubully dahil parang nakikita ko ang sarili ko naranasan ko din kasi mabully nung nasa grade school pa lang ako.
Hindi na ako nakatiis at pumasok na ako sa eksena.
Hooooyyy!sigaw ko sa mga ito.
Nagulat ang dalawang lalaki nung makita ako makikita mo sa kanilang mukha ang labis na pagkatakot.
"D-drake, i-ikaw pala.Nagkandautal sya sa pagsasalita.
"Ako ang nakabunggo sa babae na yan.wika ko.
"A-ahh, ganon ba?Hindi sila makatingin sa akin.
"Alam nyo kung bakit?Dahil may dalawang bata na naghaharutan dito sa loob ng school! Hindi to playground tandaan nyo yan!!sigaw ko sa kanila.
"O-oo.agad silang kumaripas ng takbo sa sobrang takot.
Tumingin ako sa babae, tumayo siya at kinuha ang bag niya sa sahig pagkatapos ay nagtatakbo palayo.
"Hindi man lang nagpasalamat.napapailing kong wika sa sarili ko.
."Good morning Mr.Gonzales.bati ko kay sir pagkadating ko sa office nya.
" Oh Drake nariyan kana pala.Maupo ka muna.
"Sir ano po ba ang sasabihin mo?
"Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa,simula ngayon ay hindi na ako ang adviser teacher mo? Kay Ma'am Sanchez ka na papasok.
"Bakit naman sir? May problema po ba? tingnan ko siya ng punong nang pagtataka.
"Wala naman problema Drake. sa totoo niyan ay nirequest ka ni Ms.Amber Santibañez.
"Hay naku Amber! Malilintikan ka talaga sakin !".Sinadya mo pang hindi sabihin.
Pinigilan kong mainis baka akala ni sir sa kanya ako naiinis.
"Okay sir,pasok na po ako.Tumango nalang si sir bilang pagtugon.
Stephanie's POV
Nagpunta agad ako sa cr pagkatapos nung nangyari kanina.Doon ko binuhos lahat ang sama ng loob ko.
"Lagi nalang ba ako iiyak sa tuwing kinukutya nila ako?!
"Lagi nalang ba ako magsasawalang kibo?!
"Nakakasawa na ang ganito!!".
Gusto kong sumigaw para mawala ang sakit sa dibdib ko, pero di ko alam kung paano.
Ano ba ang masama sa pagiging ganito ko?Wala naman ako tinatapakan na tao? Wala naman ako ginawa sa kanilang masama?pero bakit ganito lahat ng taong nasa paligid ko.
Naghilamos ako ng mukha at inayos ko ang sarili ko, kailangan kong magpakatatag.Alam kong pagsubok lang ito.Naalala ko ang lalaking tumulong sakin kanina.Nakalimutan kong magpasalamat sa kanya dahil bigla ako umalis.
"Sino kaya siya?sana makita ko ulit siya para personal ako na makapag pasalamat sa kanya.
"Meron pa pala na tao na handang tumulong sa isang katulad ko.sa isip isip nya pagkatapos ay nagpunta na ako sa classroom.
Saktong sakto naman ang dating ko sa classroom dahil kasunod na namin ang adviser namin na si Ma'am Sanchez, tinawag ako ni ma'am pinapunta nya ako sa harapan para mag lead ng dasal.
"Lord, Maraming Salamat po sa biyayang pinagkakaloob nyo po sa amin araw-araw.Maraming Salamat din po sa isang panibagong umaga, gabayan nyo po kami sa lahat nang aktibidad na aming gagawin.Bigyan niyo po ang bawat isa sa amin nang katalinuhan para maisaisip po namin ang lahat ng ituturo samin ng aming mga guro. Amen"
"Good morning Class!! bati sa amin ni maam.
" Good morning din po Ma'am Sanchez". bati din namin sa kanya.
" Meron kayong bagong kaklase.Sana ay maging mabait kayo sa kanya.
"Please come in Ms.Soriano and Mr.Torres."
Agad naghiyawan at nagtilian ang mga kaklase namin lalo na ang best friend ko si Trina lahat sila kinikilig maliban sakin.
Agad ko tinakpan ang tainga ko halos mabingi na ako sa lakas ng hiyaw nila.
"OMG Best! classmate natin si Drake! ayyyieehh! wika ni Trina.
"Class! Class! Please be quiet !! sigaw ni Ma'am Sanchez.
Tila lahat sila nahiya kay ma'am kaya agad sila tumahimik.
"Ms.Soriano and Mr.Torres, please introduce about yourselves."
"Good Morning everyone ! I'm Amber Soriano, i'm 18 years old and I'm Drakes besfriend,gusto ko lang sabihin sa inyo na wag kayong magkakamaling lumapit kay Drake ako ang makakalaban niyo!
wika ni Amber.
Bigla nalang tumahimik sa buong klase at halatang natakot sa sinabi nang bago namin na kaklase na si Amber.
"Ma'am Sanchez,can we go out for a moment? paalam ng kasama nitong lalaki.
"Yes,sure.wika ni Ma'am Sanchez
Mabilis naman tumalima si Drake at hinila niya ang kamay nung kasama nito.Base sa itsura nito ay parang galit ito.