CHAPTER 7

1182 Words
DRAKE'S POV Hinila ko si Amber palabas ng classroom dahil hindi ko nagustuhan ang kanyang inasal.Hindi ko maiwasan na maiinis sa kanya. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Amber? pasigaw ko sabi rito. "Drake naiinis kasi ako simula sa entrance ng school hindi magkamayaw ang mga may crush saiyo pati ba naman sa classroom?! pagtatampong sabi nito. "Amber, makinig ka! ayoko nang gagawin mo pa ito na ipahiya mo ko sa harap ng maraming tao!.Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo sakin sana sa simula pa lang pinigilan na kita! hindi na sana ko pumayag na dito ka lumipat!.Naiinis talaga ko hindi ko akalain na magagawa niya sakin ito. Nagulat siya sa inasal ko at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Drake, hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis dahil alam mo naman na gusto rin kita!" "Hindi ba ilang beses ko nang sinabi sayo na hanggang kaibigan lang naman ang pagtingin ko sayo!Ayoko ng umasa ka pa sakin,parang kapatid na rin ang turing ko sayo sana naman maintindihan mo ako!!Ayoko na masira ang matagal nating pinagsamahan! "Ayoko Drake! hindi ako susuko gagawin ko ang lahat para magustuhan mo din ako! Wag mo naman sana ko pigilan na iparamdam sayo na gustong-gusto kita. Napabuntong hininga nalang ako at di ko parin maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya. "Ngayon pa lang Amber sinasabi ko na wala kang aasahan sakin at isa pa bakit mo ko pinalipat kay Ma'am Sanchez.Bakit hindi mo agad sinabi sakin ang tungkol dun?! "Gusto kitang sopresahin Drake,pero ako yata ang nasorpresa."maluha-luhang wika niya. "Palalampasin ko ito Amber! Pwede mo pakialam lahat ayoko na pati mga desisyon ko sa buhay ay pakikialaman mo na din! Wala kang karapatan na pahimasukan ang buhay ko!! Kung ayaw mong masira lahat ng pinagsamahan natin wag na wag mo ng gagawin ito !! mahaba kong lintaniya sa kanya. Tinalikuran ko siya agad at babalik na ko sa classroom.Nakakailang hakbang na ako ngunit hindi siya sumusunod sa akin. "Halika na! bumalik na tayo." Pinunasan niya ang kanyang mga luha at agad ng tumalima sakin.Bigla naman ako naawa sa kanya lahat ng sama ng loob ko biglang napawi.Ayoko na nag-aaway kami hindi lilipas ang araw na ito na hindi kami nagkakaayos. Pagkalapit niya sakin ay agad ko hinawakan ang kanyang mga kamay . "I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina.Sana naman naiitindihan mo kung ano ang ibig kong sabihin". sabi ko na may pagsusumamo sa kanya. Nakita ko na siyang ngumiti sakin at nakahinga ako ng maluwag. "I'm sorry din Drake, pasensiya kana din di ko alam na sumosobra na pala ako." "Tara na bumalik na tayo.tumango siya sakin biglang pagtugon. Pagkadating namin sa classroom ay pumunta si Amber sa harapan. "Ma'am Sanchez, may I speak? "Go on Ms.Soriano" "Classmates,i'm sorry sa inasal ko kanina.Sana ay mapatawad niyo ako. Kung pagiging mabait lang ang paraan para hindi magalit sakin si Drake ay gagawin ko! Magbabait-baitan ako sa ninyo mga losers! sa isip-isip ni Amber. Sa kabilang banda ay natutuwa si Drake dahil naghingi ng tawad si Amber sa lahat ng kanilang kaklase. "Please sit down Ms.Soriano and Mr.Torres.So we can start the class." Agad na tumalima silang dalawa, nakahanap ng bakanteng upuan si Drake sa bandang dulo at katabi nya si Amber. Pinagmasdan ni Drake ang paligid ng buong classroom at napukaw ang kanyang atensyon sa isang babae. "Siya yung babae kanina.Classmate ko pala siya." Mabilis lumipas ang oras ay naging maayos naman ang unang araw ko sa classroom.Napapansin kong masyado pa silang ilang sakin dahil siguro ay nahihiya pa sila sa akin. Si Amber ay kasalukuyang pumunta sa comfort room. Napansin ko yung babaeng nabunggo ko kanina tutok ito sa libro nitong binabasa. May palapit sa kinauupuan ko ang isang babae agad naman itong nagpakilala. " Hello Drake!nakangiting wika nito. "Hi! wika ko naman. "Ako nga pala si Trina mabilis na nilahad nito ang kamay niya para makipagkamay .Mabilis ko naman tinanggap ang kamay nito."Nice to meet you.wika ko. "OMG ! Hindi ko akalain na magiging classmate kita ayiiieehhh! namumula ang mukha niya sa sobrang kilig. "Ako din naman Trina heheheh".sabay kong himas sa batok ko. "Drake, lulubos lubusin ko na ha! Ahm pwede ba ko magpapicture sayo? "Sure, walang problema". Agad naman nito kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at may tinatawag ito. "Beessstttt!! tawag ni Trina. Lumingon sa gawi namin ang babaeng nabunggo ko kanina.Kinakawayan ni Trina ang babae na ibig sabihin ay pinapunta niya ito sa kinauupuan ko pero panay naman ang iling nito. "Ahh pasensiya na Drake ha! Mahiyain talaga yung bestfriend kong yan sandali lang ha? Tumango naman ako at agad naman pumunta si Trina sa kinauupuan nung babaeng nabunggo ko. Ilang sandali ang lumipas ay kasama na ni Trina ang bestfriend nito,halata sa itsura nito na halatang napipilitan lang. "Drake,pasensiya na ha kung natagalan. "Okay lang.nakangiting sagot ko. "Ahh Drake, eto nga pala si Stephanie siya ang bestfriend ko. "H-hello a-ako si Stephanie nice to meet you." utal niyang bati sakin.Hindi ito nakatingin sa akin dahil siguro sa hiya. sabi niya na may pilit na ngiti. "Ako nga pala si Drake, nice to meet you! bati ko sa kanya.Agad ko nilahad ang kamay ko para makipagkamay. Nag-aalangan tinanggap nya ang kamay ko. "Best, eto na yung phone ko! pakipicturan mo naman kami. "Si-sige.wika ni Stephanie. Mabilis lumipas ang ilang sandali ay natapos na kami. "Thank you best.wika ni Trina.Ikaw ba best hindi ka magpapapicture kay Drake? "Hindi na.iling nito.May gagawin pa kasi ako Best. Mabilis na bumalik si Stephanie sa kinauupuan niya. "Pagpasensyahan mo na yan Drake ha! talagang ilag sa tao yang si Stephanie, sana maintindihan mo nag-alalang wika nito. "Sure no worries."nakangiting sabi ko. "Salamat, sige alis na ko.Mabilis na umalis si Trina. Habang papalayo sila Trina ay di ko mapigilan ang nararamdaman ko. May parte kasi sa sarili ko na parang gusto ko pa kilalanin si Stephanie.Sa tuwing pagmamasdan ko kasi siya may lungkot sa kaniyang mga mata. Stephanie's POV Pamilyar sakin ang bagong naming kaklase na si Amber, pero hindi ko matandaan kung saan.Pinipilit ko alalahanin kung saan ko siya. "Best, alam mo pamilyar sakin si Amber, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya huling nakita.Naging abala kasi ako nitong araw pagkagaling ko kasi sa eskwela ay mga gawain sa bahay ang aking ginagawa. "Alam mo Best hindi magaaan ang pakiramdam ko kay Amber.Halata naman na may gusto siya kay Drake. "Ano ka ba naman best?! wag mo nga pairalin ang pagiging maritess mo. "Marites na kung marites ! Sinasabi ko lang naman ang nakikita ko! saad pa nito "Dyan ka pa mapapahamak sa kadaldalan mo eh". "Hay naku! wag na nga natin siya pag-usapan".pagtataray niya. "Mabuti nalang ay pumayag si Drake na magpapicture ako sa kanya." Habang tinititigan ni Trina ang kuha nila ni Drake na tila hinahalikan pa nito ang screen ng kanyang cellphone.Napapailing nalang siya sa kabaliwan nito.. "Ang lakas ng tama mo best! Lubayan mo nga yan! Para kang tanga. "Malakas talaga ang tama ko pagdating kay Drake.Napapailing nalang si Stephanie sa mga kinikilos ni Trina na hatang patay na patay kay Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD