CHAPTER 8

1952 Words
STEPHANIE'S POV Pagkatapos kong picturan si Drake at Trina ay agad ako bumalik sa kinauupuan ko.Hindi ko itatanggi nung napagmasdan ang kanyang mukha kanina ay talagang ang gwapo niya. Unang beses akong nagwapuhan sa isang lalaki.Bukod kasi na gwapo ito sa pisikal na anyo, gwapo din ito sa kagandahang loob.Hindi ko akalain na isang katulad niya ay tatratuhin niya ako ng maayos base kasi sa naranasan ko kadalasan na nangyayari na kinukutiya at pinagtatawanan.Pagkatapos kong magbasa ay inaya ko na si Trina para magpunta sa canteen. "Best,tara na kain na tayo, nagugutom ako.sabi ko. "Sige Best,wait lang.wika nya. Nakita ko siya na pumunta sa kinauupuan ni Drake nagtataka ako kung bakit kaya pinagmasdan ko lang siya. Narinig ko sa usapan nila na inaaya niya si Drake para magpunta sa canteen sumagot naman ito na susunod nalang samin at hihintayin daw nito si Amber. "Best, tara na alis na tayo.saad ni Trina. "Pumaparaan ka best ha.Gusto mo lang naman makasama si Drake kaya inaya mo siya diba? "Syempre isa na din yun, pero gusto ko din siya maging kaibigan. Paalis na kami papunta sa canteen ng biglang sumulpot ang grupo ni Raymond sa classroom namin. "Totoo nga pala ang bali-balita?!Na pumapasok na ka na pala?Hindi mo man lang sakin sinabi! may pagtatampong saad nito.Papunta ito sa kinauupuan ni Drake at nag brotherhood handshake silang dalawa. "Hindi ko na sinabi sayo kasi alam kong abala ka sa pambabae mo'couz." Nagulat ako hindi ko akalain na magpinsan si Drake at Raymond.Ang layo kasi ng mga pag-uugali nilang dalawa. Nakita ko din ang naging reaksyon ni Trina tila hindi rin ito makapaniwala sa narinig. "Ano?! pinsan mo tong kumag na ito Drake?! saad ni Trina at bumalik ito sa kinauupuan ni Drake at Raymond. Napalakas ang sigaw ni Trina kaya pati ang iba namin kaklase ay nakatingin na sa kanila. "Oo Trina pinsan ko siya.Yung mommy ko at mommy niya ay magkapatid kaya pinsan buo ko siya.Bakit Trina may problema ba?! pagtatakang tanong ni Drake. "Wag ka nga umepal dito sa usapan namin amazona ka!! inis na sigaw ni Raymond. "Sa totoo lang wala naman problema.Hindi lang kasi ako makapaniwala na pinsan mo pala si Habagat hahaha."Napakalayo kasi ng pag-uugali ninyong dalawa." "Konti lang kasi na nakakaalam na magpinsan kami ni Raymond. "Mabuti nalang talaga na hindi kayo magkaugali ni Habagat.Alam mo kasi Drake madalas niya kasi ibully si Stephanie kaya madalas ko iyan nakakaaway. halatang nagsusumbong ito kay Drake. "Ano??!! Totoo ba Raymond ang sinasabi ni Trina?paniniguradong saad ni Drake. "Well couz,it's just a play ang sarap niya kasing paglaruan hahahaha!! sabi nito na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Nagpantig ang tainga ko,hindi ko mapigilan magalit sa sinabi niya.Ayoko na nang ganito na pinaglalaruan nila ko.Naikuyom ko ang kamay ko sa sobrang galit at di ko mapigilan iyon.Tila sasabog ang dibdib ko at kailangan ko na pakawalan at lahat ng sama ng loob ko. Dali-dali ako pumunta sa kinaroroonan nito at mabilis ko ito sinampal. "f**k! Ano bang problema mo manang ka!! galit na sigaw nito. "Para yan sa lahat ng ginawa mo sakin!! pilit kong tinitiis lahat dahil ayoko nang gulo!!.Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak sa tindi ng sama ng loob ko. "P-porket gwapo ka at mayaman pwede mo nang gawin lahat ng gugustuhin mo sa isang tulad ko!! lalo nang wala kang karapatan na paglaruan mo ako dahil hindi ako bagay na pwedeng mong paglaruan na pampalipas mo ng oras!! sigaw ko sa kanya. "B-best.. wika ni Trina. Nakita ko sa reaksyon nila na tila mga nagulat ito.Hindi sila makapagsalita at nakatingin lang sila sa akin.Hindi siguro nila akalain na lalaban ako sa pagkakataon na ito. Naghalo-halo na ang luha at sipon ko dahil sa tindi ng pag-iyak ko at agad ko itong pinunasan. "Ilang taon ako nagtiis! Tiniis ko ang lahat ng pag-aalipusta nyo sakin! Sobra na ang ginagawa mo!! Hindi ko na kaya magtiis pa dahil wala naman kayong ambag sa buhay ko!!! "S-stephanie,kung ano man ang ginawa sayo ng pinsan ko,ako na ang humihingi ng tawad sayo."wika ni Drake. "Bakit ikaw ang humihingi ng tawad sakin'Drake, hindi ka naman nagkasala sakin.sagot ko sa kanya. Wala pa din imik si Raymond,matalas ang mga tingin niya sakin marahil ay hindi niya matanggap na sinampal ko siya.Tumingin ako sa paligid at maraming mga estudyante ang nakasilip sa bintana ng classroom namin. Dumating si Amber sa pagkakataong yun na tila nagtataka at nakatingin sa gawi namin. "What's going on here?wika niya. Mabilis akong lumabas ng classroom dala-dala ang gamit ko. "B-best, san ka pupunta??sigaw ni Trina. Hindi ko na sinagot si Trina.Gusto kong mapag-isa, napagdesisyonan ko na hindi muna ako papasok.Nailabas ko na ang sama ng loob ko pero bakit ganun pa rin ang sakit isipin na gaganituhin nila ang isang tulad ko.Tao din ako marunong masaktan. Dinala ako ng aking paa sa park.Nakaupo ngayon ako sa swing.Ang gandang pagmasdan ng kapaligiran.Berdeng-berde ang kulay ng mga dahon, maraming mga bata na naglalaro at may naghahabulan.Makikita ko sa kanilang mga inosente nilang mga mata ang saya sa kanilang mga labi na tila habang pinanunuod ko sila ay napapawi ang nararamdaman ko kalungkutan. Napunta ang atensyon ko sa isang pamilya na masayang kumakain.Bigla ko naalala si Itay.Namimiss ko na siya,namimiss ko ang pag-aalaga at pag-aaruga niya sakin noong bata pa ko. Naaalala ko na madalas din kami mamasyal noong nabubuhay pa siya. Kung nabubuhay pa siguro ang itay marahil ay siya ang magtatanggol sakin sa mga taong katulad ni Raymond.Napabuntong hininga nalang ako. "Ang lalim naman ng buntong hininga mo? Mukhang ang lalim din ng pinang huhugutan mo." "Ay anak na kabayo!! sigaw ko.Nagulat ako hindi ko alam na may tao dito bukod sakin.Sa pagkaalala ko eh ako lang mag-isa na nakaupo sa swing nakaupo na din kasi ito. "Ang gwapo ko naman para maging anak ng kabayo?Iwasan mo na din kasi ang pag-inom ng kape, masyado ka ng magugulatin." natatawang biro nito. "D-drake, ikaw pala.Ano ginagawa mo dito?? takang tanong ko kay Drake. "Sinundan kita ng pagkaalis mo ng classroom.Nag-aalala kasi sayo si Trina.Pagkaalis mo kasi kanina ay hindi ka niya nahabol dahil pinagsusuntok nya si Raymond. "Ah ganon ba.Pasensya kana Drake ha! sa nangyari kanina." "Ano ka ba'Stephanie? wala ka naman ginawa nang hindi maganda.Tama lang na ipagtanggol mo ang sarili mo.Ako nga ang nahihiya sayo dahil sa mga ginawa ni Raymond.saad niya. "Kalimutan mo na yun Drake wala na yun. "Hindi pwede na kalimutan iyon Stephanie, dahil baka may trauma kana sa mga nangyari sayo."pag-aalalang saad ni Drake. " Bakit ang bait mo sakin Drake? hindi naman sa minamasama ko ang pagiging mabait mo sakin gusto ko lang talaga malaman?pilit kong ngiti rito. "Sabihin na natin na parehas tayo ng pinagdaanan.Nung nasa grade school kasi ako nabully din ako sa pagiging lampa ko." "Talaga ba? Akala ko,ako lang ang nakakaranas na mabully".Hindi ako makapaniwala. "Oo naranasan ko din yun.Katulad mo din dati hindi ako lumalaban pero nung nadamay na si Amber dun ako natutong lumaban." "Bakit ano ang nangyari? Gusto ko tuloy malaman kung bakit hindi ko napigilan ang sarili ko. "A-ah I-im sorry okay lang kahit hindi mo na sagutin."nakayukong wika ni Stephanie. "Ayos lang,gusto ko din naman ishare sayo.nakangiting sabi ni Drake. Flashback.. Drake's POV Pauwi na ako sa bahay dumaan muna sa locker ko para ilagay ang mga gamit ko.Pagkabukas ko ng locker ay mayroon ako nakitang card kinuha ko yun at saka ko binasa. "Pumunta ka sa hideout namin kung ayaw mong madamay si Amber" Alam ko kung saan ang hideout nila Charles.Agad ako pumunta mabilis ang ginawa kong pagtakbo.Sa mga oras na iyon ay si Amber lang ang nasa isip ko, ayoko pati siya madamay nang dahil sakin. Pagdating ko sa hideout nila Charles hinanap ko agad si Amber nakatali ang mga kamay at paa nito.At nakita ko si Charles at ang dalawang kasama nito na si Rasty at Jacob na naglalaro ang mga ito ng cards. "Drake tulungan mo ko! umiiyak na sabi ni Amber. "Oh! Nandyan na pala ang prince charming mo!! saad ni Charles. "Ano ang ginawa nyo kay Amber?!! Bakit nyo siya dinadamay Charles!!! galit kong sigaw.Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit. "Naiinip kasi kami! kailangan namin ng pampalipas oras!!! Hahahahaha!!.May halong pang-aasar ang mga ngisi ni Charles. "Pakawalan nyo na siya!! Wag nyo na siya idamay!!! "Hep! Hep! Hep!!! Bago namin gawin iyon,kailangan mo kami matalo para hindi na siya madamay.Pero kung ikaw ang matatalo, alam mo na ang mangyayari sa kaibigan mo!! Agad ako sinugod ni Jacob.Pinaulanan ako ng suntok sa mukha at sa tiyan.Napahiga ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. "Oh ano Drake?!! yan lang ba ang kaya mong gawin!!! wika ni Jacob "Drake!! Tulungan mo ko!! umiiyak sa saad ni Amber. Pinilit kong tumayo.Pinauulanan ko ng suntok si Jacob pero nakakailag siya hindi tumatama ang mga suntok ko.Nakakita ito ng tiyempo at tinamaan uli ang mukha ko. Sa pangalawang pagkakataon ang napahiga ulit ako sa sahig at mayroon ako nalalasahan na dugo sa aking bibig. Muli ako tumayo at saka aambaan ko ng suntok si Jacob sa wakas ay tinamaan ko ito,plakda ito sa sahig. Pinuntahan agad ni Rasty si Jacob at tinatapik niya ang pisngi nito pero di pa rin ito nagigising.Napuruhan ko ata. Sumunod naman ay si Rasty, masamang tingin ang pinukol niya sakin.Nag stretch muna siya ng ilang sandali at saka ito pumorma na handa na siyang makipagbakbakan sakin.Nauna siyang sumugod,naiilagan ko ang mga suntok nya pero hindi ko inaasahan ang sumunod na atake niya sinipa niya ako sa mukha. Sa pangatlong pagkakataon ay natumba muli ako.Hindi ako pwede na sumuko dahil nakasalalay sakin ang kaligtasan ni Amber.Kahit masakit na ang mga katawan ko ay pinilit kong tumayo dahil kailangan ko sila mapatumba lahat. Mabilis akong tumayo nakaporma na rin si Rasty na sisipain ako.May naisip ako paraan para mapatumba ko siya.Nakaporma na si Rasty ng sipa mabilis kong sinalo ang binti nya at hinila ko para mapahiga siya. Agad ko siya pinagsusuntok sa mukha hindi ko siya nilubayan ng kakasuntok sa mukha. Naramdaman kong hindi na siya pumapalag kaya napahinto ako sa pagsuntok. Tumingin ako kay Charles at tinignan ko siya ng masama.Nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sakin.Nakipagsukatan din ako ng tingin sa kanya. "Wag mong isipin na kaya mo ko Drake!! Nagkakamali ka ng akala! Humanda ka sakin Drake Torres!! "Drake, mag-iingat ka! Narinig kong sigaw ni Amber. Dali-dali niya ko pinagsusuntok sa mukha hindi ko itatanggi na mas malakas sumuntok si Charles kaysa kay Jacob at Rasty.Halos mahilo ako sa mga suntok niya na pinapakawalan niya. Hindi ako makalaban sa kanya dahil siguro sa pagod at sakit na ng katawan ko.Muli ko tinignan si Amber na nakatingin siya sakin na tila sinasabi niya na kaya mo yan wag kang sumuko.Hindi ako pwede paghinaan ng loob,hindi ko kaya na masaktan si Amber ng dahil sa akin. Nakakita ako ng tubo sa gilid, hindi ko muna iyon kinuha naghihintay ako ng tiyempo kung kailan susugod si Charles.Tumakbo siya papunta sakin,mabilis kong kinuha ang tubo at sabay ko ito hinampas sa kanya. Sunod-sunod ko siya inatake hindi ako tumigil hanggang sa napatumba ko siya. Agad ko ito dinukwang at pinagsusuntok ko siya,lahat ng galit ko nilabas ko sa pamamagitan ng pagsuntok ko sa kanya. "Drake!! tama na sigaw ni Amber sakin. Bumalik ako sa ulirat sa sigaw niya na yun.Huminto ako sa pagsuntok kay Charles wala na din ito ng malay.Mabilis kong pinuntahan si Amber na wala pa din lubay sa kakaiyak.Agad ko tinanggal ang tali sa kanyang kamay at paa mabilis ko siyang niyakap. "Tumahan ka na, wala na sila wag kana matakot nandidito na ko,ligtas ka na".wika ko kay Amber.Inalalayan ako ni Amber sa paglakad at mabilis kami umalis sa hideout nila Charles. END OF FLASHBACK..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD