CHAPTER 9

1129 Words
STEPHANIE'S POV Pagkatapos ikwento sakin ni Drake ang naranasan niyang pambubully noong nasa grade school pa siya hindi ko mapigilan isipin na mas malala pa pala ang naranasan niya kaysa sa'kin.Sa kalagayan ko pangkukutiya at pinagtatawanan lang ang naranasan ko, pero kay Drake halos saktan na siya ng pisikal. "Grabe pala ang naranasan mo noon kung tutuusin sa kalagayan ko wala pa pala sa kalingkingan iyon.Hanggang sa salita lang naman kasi ang ginagawa nila sakin pero ikaw may pisikalan na tapos nadamay pa si Amber."saad ko sa kanya. "Kaya nga,ayoko na may nadadamay na ibang tao dahil lang sakin." "Ang lalim na pala ng pinagsamahan nyo ni Amber."wika ko. "Oo kababata ko siya,magbestfriend din kasi ang mommy ko at ang mommy niya.Madalas sila noon pumasyal sa bahay namin.Parang nakababatang kapatid na din kasi ang turing ko sa kanya kahit na magkasing edad lang naman kami." nakangiting saad nito. Sa ilang oras namin pagkakausap ni Drake napagtanto ko na isa talaga siyang mabuting tao.Lalo tuloy ako humanga sa kanya dahil hindi niya pinagbabasehan ang pisikal na anyo bagkus ay sa kalooban ng isang tao. Sa di kalayuan, may nakita ako ng nagtitinda ng fishball bigla ako nakaramdam ng gutom.Naalala ko na hindi pala ako nakapag miryenda dahil sa nangyari kanina. "Drake,gusto mo ng fishball? alok ko sa kanya. "Sige okay lang busog pa ko"tanggi niya sakin. "Sige na please..? pagpupumilit ko dito."Eto na din ang paraan ko para magpasalamat sa'yo.Kung hindi dahil sa'yo baka hanggang ngayon umiiyak pa din siguro ako nagmumukmok pa din ako." "Fishball lang pala ang katapat ko hehehehhe!! Ang mura ko naman".Biro niya sakin. Napayuko ako at nahiya ako sa kanya. "P-pasensya ka na iyan lang kasi ang kaya ko sa ngayon eh".Nahihiya kong sabi sabay kamot ko sa aking batok. "Ano ka ba?binibiro lang naman kita ahhahahaha!! ang cute mo pala mahiya namumula ka". Pakiramdam ko lalo pa nag-init ang dalawa kong pisngi dahil sa sinabi niya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa sobrang hiya. "H-halika n-na! bumili na nga tayo".sabi ko sa kanya nang hindi nakatingin sa kanya.Narinig ko nalang na tumatawa ito at hindi ko nalang siya pinansin. Pagdating namin sa pwesto ni manong marami pa ito tinitinda bukod sa fishball meron din kikiam,itlog ng pugo,tokwa,hotdog,squid ball at palamig. "Manong,magkano po ang fishball at itlog ng pugo?maagap kong tanong kay manong. "Hija,limang piso apat na piraso ang itong fishball, ito naman na itlog ng pugo ay limang piraso ay bente pesos".sagot naman nito. "Sige po, pabili po ako ng fishball at itlog ng pugo".wika ko kay manong.bumaling ako kay Drake para tanungin kung ano ang gusto niya. "Drake, ano ang sa'yo?tanong ko sa kanya. "Fishball at itlog ng pugo na din ang sakin".saad niya.Agad ko naman sinabi kay manong ang order namin. "Sige,manong pabili po ng fishball tig sampung piso po kaming dalawa at yung itlog naman po ng pugo ay tig bente pesos naman po.Idagdag niyo na rin po ang palamig tig isa po kami. "Sige, mga anak pakihintay nalang ha!,sandali lang naman ito maluto!!".nakangiting sabi ni manong. "Sige po manong wala po problema". Naghintay kami nang ilang minuto dahil niluluto pa ni manong ang binili namin,hindi naman nagtagal ay natapos na din ito. "Hija, eto na ang binili nyo.Ano ba ang gusto ninyong sawsawan?tanong samin ni manong. "Yung sakin po magkahalo po ang suka at ang sauce po na maanghang wika ko."Saiyo Drake,ano ang gusto mong sawsawan?"maagap kong tanong sa kanya. "Suka lang na may sili,nakangiting sabi niya. Hindi ko maiwasan madistract sa mga ngiti ni Drake dahil lalo siyang gumagwapo tapos ang dimple niya ang lalim bumagay sa kanya.Pakiramdam ko tuloy kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. "A-ahh manong magkano po ang samin?' mabilis ko kinuha ang wallet ko sa bag para bayaran ito.Umiwas ako ng tingin kay Drake at ibinaling ko ang tingin kay manong dahil kung hindi ko gagawin yun ay baka madala ako sa ngiti niya. Nakita kong dumukot din sa bulsa si Drake at agad kumuha ng pera para mgbayad kay manong. "Manong eto po bayad namin"wika ni Drake.Mabilis kong pinigilan ang kamay ni Drake at agad ako tumanggi. "Ako na Drake! pagpupumilit ko dito. "Ano ka ba? Binibiro lang naman kita.Hindi ako papayag na ikaw ang magbabayad ng kinain natin. "Hindi naman ako matatahimik Drake! kaya pag bigyan mo na ko hmmmm??sinsero ko siyang tinignan. Bunting hininga siya at mabilis na tumango."Papayagan kita sa ngayon, pero sa susunod na kumain tayo ako naman manlilibre ha?' Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Drake tila ba hindi pa ito rumerehistro sa utak ko ang kanyang mga sinabi. "Gusto niya ulit ako makasabay kumain? "Ibig sabihin masusundan pa ito? wala sa sariling napatango ako sa kanya.Bakas pa din sa mukha ko ang sobrang gulat dahil hindi ko iyon inaasahan mula sa kanya. Bumalik agad kami sa swing pagkabigay ng binili namin doon na din namin kumain.Napapansin ko na din na halos samin na nakatingin ang mga tao dito sa park.Hindi ko maiwasan mailang dahil sa pamamaraan nila ng pagtingin sa amin. Tinignan ko si Drake abala ito sa pagkain ng fishball hindi pa din niya napapansin ang nangyayari sa paligid namin. Habang kumakain siya ay nabaling niya ang tingin sa direksyon ko napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya. "Stephanie, May dumi ba ako sa mukha ko?nagtatakang tumingin sa'kin. "A-ahh, e-ehh wala n-naman Drake!! umiiling na tutol ko dito."Nakakahiya naman nahuli niya ko na nakatitig ako sa kanya jusko lord!! sa isip isip niya. "Kung ganon bakit mo ako tinititigan?tanong niya sakin na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. "E-eh k-kasi kanina pa tayo tinitignan ng mga tao dito.Baka kasi ako ang dahilan kasi kasama mo ang tulad ko." "Stephanie,walang masama kung ikaw ang kasama ko wala ako pakialam sa kanila hindi kita kinakahiya." sinserong tumingin siya sakin. "Salamat Drake, bukod kasi kay Trina ikaw pa lang ang tao na hindi hinahamak ang katulad ko. "Wag mo na silang pansinin.Wala ka naman ginagawang masama sa kanila.Sa buhay natin hindi talaga mawawala ang mga taong nanghahamak ng tao. Ngumiti ako kay Drake tinignan ko ang relo na suot ko alas kuwatro na pala ng hapon.Pagkatapos kong kainin ang binili kong fishball ay napagpasyahan ko ng umuwi. "A-ahh Drake mauna na ko kailangan ko ng umuwi.Salamat nga pala dahil nung kailangan ko ng kausap ay dumating ka." "Gusto mo ihatid na kita hanggang sa inyo',pag-alok nya sakin.Mabilis ako tumanggi, ayokong makita kami ng mga tsismosa sa lugar namin kapag nangyari yun tiyak na pagpipiyestahan ako ng mga yun. "Wag na Drake pupuntahan ko pa kasi ang inay sa pwesto namin sa talipapa pagdadahilan ko sa kanya. "Sige ikaw bahala.,ingat ka nalang pa pag-uwi mo.Magkita nalang tayo bukas ng school. "Sige,salamat ulit Drake. Kumaway ako sa kanya at mabilis kong nilisan ang parke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD