Kabanata 16

3424 Words
Kabanata 16 Kinabukasan maaga akong gumising dahil maaga akong sinundo ni Daddy. Badtrip lang dahil maaga ring nasira ang araw ko sa presensya ni Allyson. Oo kasama siya! Kaya nakasimangot ako buong byahe namin papuntang airport. Naka-LV luggage pa si gaga habang ako backpack lang ang dala ko! Feeling yata niya out of the country ang lakad niya. Inirapan ko si Allyson nang maunang maglakad papasok sa airport si Daddy kasama 'yung assistant niya at naiwan kaming dalawa sa sasakyan. "Bakit ba kasama ka?" inis na tanong niya sa 'kin pagkalayo ni Dad. Demonyita talaga 'to. Buti na lang at hindi ako 'yung tipo ng stepdaughter na kaya niyang api-apihin lang. "Sana nga 'di na lang ako sumama. Panira ng mata 'yang makapal mong mukha e." Padabog akong bumaba ng sasakyan. "Gosh, my poor eyes." "How dare you, b***h!" Isinukbit ko ang bag ko sa balikat at nag-make face pa 'ko bago ako nagpaunang sumunod kay Dad. Ang hilig hilig niya 'kong simulan ng away pero siya naman 'tong laging pikon. Pagsakay namin sa eroplano, hindi pa rin ako nakaligtas sa kapangitan ng mukha ni Allyson. Hindi ko sila katabi sa seat pero nasa kabilang aisle lang naman ako kaya kitang kita ko pa rin ang nakakairita niyang itsura. Lalo pa't kapag nagkakatinginan kami, parang may auto-roll 'yung mga mata naming dalawa. Laking ginhawa ko pagdating namin sa hotel at naging mapayapa rin sa wakas ang paligid ko. Napilit ko si Dad na mag-book ako ng room close to the beach na may panoramic views of the sunrise. Para naman medyo matuwa ako sa trip na 'to at makapagpahinga naman ang mga mata ko kakairap sa asawa niya. Lumabas ako sa veranda at pinagmasdan ang napakagandang tanawin ng dagat. Ang sarap sigurong tumira dito kasama si Fyuch. Hihi. Malayo sa lahat ng kumplikasyon ng buhay sa Maynila. Pumikit ako at nilanghap ang napakasariwang simoy ng hangin. Ito talaga ang klase ng buhay na gusto ko noon pa man. Noong nabubuhay pa kasi si Mommy, natatandaan ko iyong mga pagsama niya sa 'kin sa mga ganitong klase ng lugar because we both love beaches so much. Kahit kaming dalawa lang ang umaalis dahil laging busy si Daddy sa work, I could still remember her smiling happily towards the sea. Kaya siguro hanggang sa paglaki ko ay baon ko pa rin iyong ala-ala niyang iyon. Pakiramdam ko nga ay naipasa niya sa 'kin iyong kagustuhan niyang mamuhay sa tabi ng dagat. How I'd love to fulfill that with the man I love! Or kung hindi talaga ako ibe-bless ng langit na makatuluyan si Fyuch, mamumuhay na lang ako ng mag-isa sa ganitong lugar. Pero sana i-bless ako. Huhu. Konting kayod na lang at matutupad ko na ang pangarap kong makabili ng property sa tabing dagat. Ang mahal kasi e. Ayoko namang gamitin ang pera ng Daddy ko para sa pangarap kong iyon. I want to fulfill it with my own effort because it's not just a simple dream of mine. It's a dream of me and my mom. Nagbihis ako bago tumawag ng room service for my lunch. In fairness, napakabilis ng service at kabog ang pagkain! Damang dama ko ang pagka-VVIP ng Daddy ko sa hotel na 'to. Lol. Pagkatapos kong kumain ay pumwesto agad ako sa hammock na nasa balcony. Nang nakita kong online si Fyuch, tumayo ulit ako at naghanap ng magandang anggulo para mag-selfie. Gumamit pa 'ko ng selfie stick para makita pati ang view sa likuran ko. Maganda na nga 'yung background, tapos maganda din 'yung subject. Haay. Perfect! Porkshaaa: *sent a photo* Porkshaaa: Wish you were here. ? Ang landiii! Kumuha ako ng unan at niyakap ito ng mahigpit. Kunwari unan muna si Fyuch. Lol. Nakita kong typing na siya at hindi maalis ang ngiti ko sa labi habang hinihintay lumitaw ang reply niya. Hulog ng langit talaga 'tong si Fyuch sa 'kin. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hanggang mamaya akong nakasimangot dito sa sobrang asar ko kay Allyson. Sssmith: ang ganda. Porkshaaa: yieeee! Thank you, Fyuch! Ikaw talaga nambola ka pa. Amp! Sssmith: ng view. Hindi ikaw. Napasimangot ako. Porkshaaa: sana naging masaya ka, Sam Spencer Smith. Sssmith: I am. ? Porkshaa: alam mo ang tawag sa tulad mo? Sssmith: gwapo. Porkshaaa: gwapong epal. Haay. Pasalamat talaga 'tong gwapong epal na 'to crush ko siya! Pero kahit ganyan siya sa 'kin, natutuwa pa rin ako dahil feeling ko malapit na talaga niya 'kong pakasalan. Hahaha. Syempre kung mangangarap na lang din naman ako, 'yung pinakamataas na! Sssmith: what are your plans today? Porkshaaa: dinner lang later with Dad. ☹ Gusto ko sanang mag-rant sa kanya about kay Allyson kaso hindi ko pa naman nababanggit na may nag-e-exist na kontrabida sa buhay namin ng Daddy ko. Buti nga at hindi na nila 'ko pinilit na sumabay sa kanilang mag-lunch. Sabi ko na lang kay Dad ay gusto ko munang magpahinga, so he just told me to ask his assistant for food. At dahil ayokong magpa-istorbo talaga, I just asked for a room service. Porkshaaa: maybe I'll also swim in a while. Or maggagala ako mamaya sa labas tapos sendan kita ng maraming selfie para hindi ako mamiss ni Tammy. Hehehe. Sssmith: don't go too far if you're not familiar with the place. Porkshaaa: yes bb! Pramis sa tabi mo lang ako. Porkshaaa: este sa tabi tabi lang. HAHAHAHA. Sssmith: lol. I giggled. Sana naman pareho kaming kinikilig ngayon ni Fyuch para fair. Porkshaaa: anong ginagawa mo ngayon maliban sa iniisip mo ko? Sssmith: I'm in a meeting. Porkshaaa: luh! Bad ka di ka nakikinig! Sssmith: I'm listening. Porkshaaa: weh? Tingin nga kung nakikinig ka. Send me a selfie daliiiii. Sssmith: no. Porkshaaa: hmp. KJ. Halos napuno ko na 'yung gallery ko kaka-selfie pero walang dumating na selfie mula sa kanya. Napaka-damot talaga! Di marunong mag-share ng blessings sa kapwa! Naku, 'wag lang talaga 'tong ma-i-inlove sa 'kin at sisiguraduhin kong pahihirapan ko siya ng bongga. Char. Sige, lang Portia libre mangarap. Tumayo ako nang may kumatok sa pinto ko. Pagbukas ko ay 'yung assistant lang pala ni Dad na si Mr. Champ. May dala itong apat na paper bags at isang malaking puting kahon. "Ano po 'yan?" "Ipinahanda ito ng Daddy mo para isuot mo." Tinaasan ko siya ng kilay at kinuha ang mga iyon sa kanya. Nagpaalam din agad siya at umalis na. Akala ko pa naman ay maiisahan ko na si Daddy! Idadahilan ko sana na wala akong isusuot at hindi ako makakasama sa gathering o sa kahit saang lakad niya rito, pero heto at pinadalhan niya 'ko ng mga damit! Hindi talaga ako makakalusot sa ama kong 'to. May pagka-advance rin mag-isip! Medyo nagmana siya ng konti sa 'kin sa part na 'yon kaya wala na talaga akong takas pa. Huhu. Dinala ko sa queen size bed ko ang mga ito at nilabas ko lahat ng laman. Napanganga ako nang makita ang iba't ibang set ng outfit. Apat na set ng formal attire at gown. May complete accessories din ang mga ito mula ulo hanggang paa. At kung nakita ang mga ito ni Allyson, siguradong badtrip na badtrip na naman iyon dahil from luxurious brands lahat ng ipinadala sa 'kin ni Daddy. Habang siya ay kailangan muna niyang magpa-cute at mang-uto para payagan siyang mag-shopping. Generous si Dad pero hindi ito kunsintidor. Tinignan ko ang mga damit at siguradong dyosang dyosa na naman ako pagsuot ko ng mga ito. Maiistress na naman ako nito sa pananaboy ng mga business partners ni Daddy na gusto akong manugangin! Kung nandito lang sana si Fyuch para masilayan ang kagandahan ko, baka mas natuwa pa 'ko. At dahil busy sa meeting niya si Fyuch, nag-decide akong mag-swimming muna. Binuksan ko ang backpack na dala ko at nilabas ang mga baon kong swimsuit. Oo—puro bikini lang ang mga binaon ko dahil wala talaga akong balak na umattend sa gathering. Not until my father ruined my plan. Ugh. I wore a red two-piece bikini that perfectly fitted my curves. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa malaking salamin na nasa kwarto. Napa-palakpak na lang ako ng mabagal habang pinagmamasdan ko ang sarili ko. This is how you define perfection. Kailangan akong pasalamatan ng kasalukuyang sexiest woman ng FHM dahil hindi ako nagpapa-discover sa madla. Siguradong mag-uunahan sa pag-aalay ng mga bulaklak ang mga lalaki kapag nakita nila ang kagandahan ko. Haayst. Sana mauna si Fyuch sa finish line kapag nagkataong ganoon nga ang mangyari. Hmp. Nagsuot ako ng cover up bago lumabas ng kwarto. Excited akong dumiretso sa infinity pool na nasa malapit lang sa room ko. Pagdating ko ay napangiti agad ako nang makita kong walang katao-tao. Perfect! Private amenity kasi ito at mga VVIP lang ang mga may access. I'm not saying na VVIP ako pero 'yung Dad ko, oo. Nilibot ko ng tingin ang pool at nakatalikod ito sa dagat kaya't napakaganda lalo ng view. IG worthy! Sinet-up ko agad ang dala kong mini tripod at ang camera ng phone ko. Kapag talaga walang jowa pahirapan sa pagkuha ng pictures sa mga ganitong pagkakataon. Kailangan ko 'tong masabi mamaya kay Fyuch para mahabag naman siya at ligawan na 'ko pag-uwi ko. Pwede rin naman kahit sagutin na lang niya 'ko para mas mabilis. I was busy posing para sa magkakasunod na shot na sinet ko nang hindi ko namalayan na sa kakaatras ko ay wala na pala 'kong aatrasan pa. Napapikit ako nang maramdaman ko ang unti unting pagbagsak ko ng patalikod kasabay ng puso kong tila kasabay kong nahuhulog. Gusto kong sumigaw pero ayokong may makarinig at makakita sa kahihiyan kong ito kaya pinilit kong itikom ang bibig ko hanggang sa naramdaman ko ang pagkahulog ko sa tubig. Patuloy ako sa paglubog at ganon na lang ang kaba ko dahil hindi ako marunong lumangoy at nasisiguro kong malalim na parte na itong kinahulugan ko. Jusko naman wala pa nga akong matinong lovelife, mamamatay na 'ko?! Gusto kong maiyak habang unti unti akong kinakapos ng hininga. Ramdam ko na ang unti unting pagkawala nang lakas ko pero biglang may pumalibot na braso sa aking baywang at iniligtas ako. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nasilayan ko ang nag-aalalang itsura nitong unti unting lumalapit sa mukha ko. Then I felt those very familiar lips into mine. He gave me air. He saved me with a f*****g kiss. "Portia! Portia!" Mahina ako nitong sinampal sampal sa mukha at napaubo ubo ako habang pilit nilalabas ang tubig na tila bumara sa dibdib ko. "Portia! f**k, magsalita ka!" Hindi ako makamulat ng mata dahil sa nakakasilaw na liwanag ng langit. Gusto kong batukan 'tong lalaking 'to na tila ginagantihan na 'ko sa pagsampal sampal niya sa magkabilang pisngi ko. Hindi naman malakas pero dahil paulit ulit ito ay pakiramdam ko talagang mamamaga na ang pagmumukha ko. "T-Tangina ka kita mo ng inuubo pa 'ko—" Pinilit kong magsalita pero mabilis niya 'kong niyakap at nagpatuloy naman ako sa pag-ubo kahit ang sakit sakit na ng lalamunan at ilong ko! "B-Bitiwan mo nga 'ko. T-Tangina ka chansing ka na g-gago!" Tumatawa siyang humiwalay sa 'kin. "Mukhang okay ka na nga," aniya. Inalalayan niya 'ko patungo sa mga pool lounge chairs at pinaupo niya 'ko roon. Ilang sandali akong tumahimik para bumawi ng sapat na hangin sa baga ko. Nang maka-recover na 'ko nang tuluyan, saka ko lang napansin ang kamay niyang nakapalibot pa rin pala sa baywang ko. "Take your arm off my waist, Mr. Easton dela Vega," I said with a warning in my voice before I stood up. "Thanks for saving me," I said, without even looking at him Paalis na 'ko ngunit bigla niyang hinawakan ang palapulsuan ko para pigilan. Muli niya akong iniharap sa kanya at sa pagkabigla ko ay naitukod ko ang palad ko sa kanyang dibdib. Napalunok ako nang magtama ang tingin naming dalawa at wala akong naramdamang kahit anong inis at galit sa kanya katulad nang nararamdaman ko noon. Bumaba ang kanyang hawak mula sa palapulsuan ko pababa sa aking kamay. Marahan niyang hinahaplos iyon at ganoon na lamang ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa kanyang ginawa. "Babe... I'm sorry. I really do," he said in a very low voice. Nagsusumamo ang mga titig niya at hindi ko tuloy magawang sigawan siya para layuan ako katulad ng palagi kong ginagawa sa kanya noon. Iyong mga titig niya, iyon 'yung mga gustong gusto kong nakatingin lang sa akin noon. Iyong mga mata niyang gusto ko'y sa 'kin lang nakatuon. I suddenly remembered how much I loved those stares of him. How much they made me insanely in love and broken. Handa na ba akong patawarin ang gagong 'to? Tinatanggap ko na ba iyong paliwanag niya kung bakit niya 'ko nagawang iwan noon? Napabuntong hininga ako at napatingala sa langit. "Okay fine..." pagsukong wika ko at nakangiti akong muling bumaling sa kanya. Pagod na pagod na rin naman akong magtanim ng galit. Gusto ko na ng peace of mind. "You're forgiven, Easton. Quits na tayo." Siguro naman ay sapat ng dahilan ang pagligtas niya sa 'kin ngayon para ibigay ko ang kapatawaran na matagal na niyang hinihingi. And besides, kung iyon ang mas makapagluluwag sa puso ko, sa tingin ko ay tama naman ang gagawin ko. "Thank you, Babe! Thank you!" masayang sabi niya at niyakap na naman niya 'ko. But this time, mas mahigpit. "Teka tangina nasasakal ako!" "God, I missed you so much!" niluwagan lang niya ang pagkakayap sa 'kin pero hindi siya bumitaw. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinigilan ang sarili kong mapangisi. "But forgiving you doesn't mean we're going back to what we used to be. Hindi ganoon 'yon, Easton." Humiwalay siya bigla sa 'kin at naguguluhang tinignan ako. "What do you mean?" "I'm forgetting about the s**t you did—" "I didn't cheat on you, Portia, if that's your only concern. I didn't even have s*x or even kissed anyone after we broke up!" Aba at inirapan pa 'ko! "Hindi lang 'yon ang concern ko, okay? Also, you don't need to share your s*x life with me," I said, rolling my eyes. "Why not?" he asked. Biglang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "You're the best part of my—" Tinampal ko agad ang kanyang bibig bago pa niya matapos ang sasabihin niya. "Shut up, Easton! Will you?" Inirapan ko uilit siya at kumawala ako mula sa kanya. Tinungo ko iyong kinaroroonan ng tripod at phone ko at pinulot ko rin iyong cover up ko at muling isinuot. Napahawak ako sa dibdib ko nang paglingon ko ay nakita ko ng maayos ang kanyang kabuuan. He's not wearing anything aside from his dark blue swimming trunks. His body seemed more perfect now with his flawless skin and well defined abs. Shit bakit hindi ko napansin 'yon kanina? Napalunok ako. Ngayon ko mas na-appreciate iyong mas matured niyang itsura na lalong mas nagpa-gwapo sa kanya. "Are you dating someone else?" seryosong tanong niya at napalunok na naman ako. Tangina mauubos ko ang laway ko rito kapag hindi niya 'ko tinantanan sa mga tanong niyang ganito. Napabalikwas ako nang tumunog ang alert tone ng phone ko. Napunta ang tingin niya roon. Kahit kabado ako ay pinilit kong hindi mautal sa pagsasalita. "Kailangan ko ng bumalik sa room ko," sabi ko. Nakahinga ako ng maluwag nang nasabi ko iyon ng derecho. "Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko." Ang kulit lang niya. Hindi ba niya napapansin na nahihirapan akong sagutin siya? Kilala ako ni Easton simula noong College ako at alam kong kabisado niya ang itsura ko kapag ganitong hindi ko alam ang sagot sa isang bagay. Dahil sa tuwing mag-e-exam ako nang walang alam isagot dahil nag-inuman kami buong gabi, siya ang saksi sa lahat ng sama ng mukha ko. "Actually I don't know how I should respond to your question. Dahil ako mismo hindi sigurado." Natawa ako sa pagpasok sa isip ko ng sitwasyon namin ni Fyuch. Paano ko sasabihin dito kay Easton na may di-ne-date na 'ko kung hindi pa pumapayag iyong ka-date ko? Medyo natatawa pa akong tumingin ulit sa kanya. "Next time kapag sigurado na 'ko mismo sa isasagot ko, inform agad kita." Gusto ko tuloy palakpakan ang sarili ko sa aking magandang sagot pero kailangan ko munang makaalis dito. Sunod sunod na ang pagtunog ng phone ko—hudyat na miss na miss na 'ko ng bb ko. Binilisan ko ang lakad pabalik sa room ko at hindi ko na nilingon pa si Easton. Sssmith: Hey, what are you doing? Sssmith: Hey. Sssmith: Hey. Napangiti ako pagkakita sa mga chat niya. Miss na miss ako? Char. Porkshaaa: someone's missing me so much. Hart hart. Sssmith: lol. Porkshaaa: nag-swim lang ako saglit and I took some photos para hindi mo ko mamiss masyado. Sendan kita wait. Namili ako ng mga matitinong pictures ko kanina at sinend ko iyong 3 best photos ko sa kanya. Confident akong malalaglag ang panga niya sa mga 'yon. Tignan ko lang kung 'di pa niya 'ko jowain pag-uwi ko. Hahahaha. Nakapag-request na 'ko ng cold drink sa room service at hindi pa rin siya nagrereply, pero na-seen naman niya 'yung mga sinend ko! Porkshaaa: buhay ka pa, Fyuch? Jusko hindi yata kinaya ang hotness ko Sssmith: typing... Napakatagal mag-type! Kanina pa siya typing tapos biglang mawawala na naman! Naubos ko na 'yung iniinom ko at naghintay pa 'ko ng another 3 minutes bago siya nakapag-reply. Sssmith: you know I'm in a meeting, right? Mabuti na lang at naubos ko na 'yung inumin ko bago siya sumagot dahil baka nagkalat pa 'ko ng 'di oras. Bakit ba 'ko kinilig sa reply niya?! Masyado na yatang sensitive ang kilig bones ko sa katawan nowadays. Rumurupok ako masyado. Porkshaaa: tagal naman ng meeting mo. Maganda ba ko, bb? Sssmith: You're tormenting me. Hindi ko na napigilan pa ang tawa ko. Buti na lang at nakabalik na 'ko sa kwarto bago pa may nakakita sa kabaliwan ko rito kay Fyuch! Porkshaaa: hmm. You think so? Sssmith: but you won't succeed. Porkshaaa: aww. I'll do better next time. Pero alam mo Fyuch? Feeling ko kailangan ko na talaga ng boyfriend pag-uwi ko. Ang hirap mag-picture mag-isa e. Feeling mo rin ba? Sssmith: I'll buy you a tripod when you get back. Porkshaaa: sige, basta dapat pakikiligin din ako ng tripod na yan ha. Kung hindi wag na lang. Sssmith: funny. Tumatawa akong nag-prepare para sa dinner namin nina Daddy. Kinuha ko iyong paper bag na may label na isusuot ko para sa dinner namin for tonight. Yes, may label iyong mga pinadalang damit ni Dad kanina para sa lahat ng kailangan kong samahang lakad niya. Tsk. It's a gold off shoulder dress with black and white stripes. I really don't understand why I have to wear this formal if we would only have a simple dinner. But maybe being with my Dad is enough reason for me to look decent. After putting a little makeup, I already heard a knock on my door. "Teka lang!" sigaw ko ko at lakad takbo kong tinungo ang pinto at binuksan. "Easton? Bakit nandito ka?" gulat na tanong ko nang siya ang bumungad sa 'kin pagbukas ko pinto. He's wearing a formal attire too at parang nagka-ideya na ako kung bakit siya nandito. "I really have no idea about this, babe," depensa agad niya nang nakataas ang dalawang kamay. "Talaga lang, ha?" naniningkit at medyo natatawang tanong ko pabalik. "Yes, I swear." He smiled and nodded when he looked at me. "You look like an angel, babe." "Stop calling me that, Easton. Baka ano pang isipin nila kapag narinig ka." Tumalikod ako at sumunod naman siyang pumasok sa loob. Chineck ko ang mga accessories na kasama sa ipinahanda ni Dad and I don't think I'd need to wear this much, so itinabi ko na lang sila at iyong sling bag na lang ang kinuha ko. I looked myself in the mirror and I saw him standing behind me. He tried touching my shoulders, but I was quick to move aside. "Tara na..." sabi ko at nagpauna na 'kong naglakad papuntang pinto. But before I was able to open it, he managed to grab my waist and was quick to pin me against the wall. He was so close I could feel his heart pounding against his chest. "I still love you so much, babe. Please...please come back to me. Give me another chance." My lips parted and a tear suddenly fell from from my eye. Fuck. Do I still love him? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD