Kabanata 15

3138 Words
Kabanata 15 "You two slept together?" tanong ni Captain na parang isang pulis na kinukumpirma kung sangkot ba ako sa krimen. Dagdag pa na naka-uniporme siya. Shocks. "Hala, Captain! Ano ba 'yang iniisip mo!" umiling ako at iwinagayway ko pa ang dalawang kamay ko para burahin ang kung ano mang tumatakbo sa kanyang utak. "Ano lang... ahm... natulog lang kami at..." Shit s**t s**t. Bakit ba 'ko nagpapanic?! "At?" Napakamot ako sa ulo ko. "Nag jack en poy!" Wew! Nasabi ko rin! Umakto pa 'kong pinunasan ang pawis ko sa noo kahit wala naman. Nilapitan ako ni Captain at hinawakan niya 'ko sa ulo na parang aso. Gan'to siguro feeling ni Tammy sa tuwing hahawakan ang ulo niya. Hehehe. "Sa kanya ka ba sasabay?" halos pabulong na tanong niya at saglit na sinulyapan niya si Fyuch na bumalik sa CR. Mabilis akong tumango. "Basta 'wag ka ng magtanong ngayon Captain. Pag may time pagbalik natin sa Maynila, chichika ko sa 'yo, oki?" sabi ko nang nakatingala dahil ang lapit niya at ang tangkad din niya. Hinatid ko siya sa labas at hinintay ko munang tuluyan siyang mawala sa paningin ko bago ako pumasok ulit sa loob. Pagbalik ko ay nakabihis na si Fyuch at mukhang may dala naman siyang extrang damit sa sasakyan dahil iba na ang suot nito sa kagabi. "Did you send your guy well?" tanong niya habang nagbo-blower siya ng buhok. Mukhang mas high maintenance pa 'tong lalakeng 'to sa 'kin. "Again, he's not my guy." Pagka-klaro ko at nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko. Paglabas namin ng room ay saktong palabas na rin mula sa kani-kanilang mga kwarto iyong mga ka-team ko. Napatingin silang lahat kay Fyuch na nakasuot ng white shirt na pinatungan niya ng black coat, tapos denim pants. Nakita ko kung paano iniscan ng mga mata ng mga ka-team ko si Attorney mula ulo hanggang paa. Hindi naman niya pinansin ang mga ito at dere-deretso lang siyang naglakad papuntang elevator. Pagsakay namin sa elevator, siniko ako ni Justine sabay nginunguso kung sino itong kasama ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at dinedma. Close ba tayo? Char. Binigay ng valet ang susi ng sasakyan ni Fyuch at pinagbuksan niya 'ko ng pinto. Lumelevel up na kami 'di ba? Pinagbubuksan na niya 'ko ngayon ng pinto. Ahihi. Habang nasa byahe kami ay medyo inantok ako kaya umidlip muna ako dahil late na kaming natulog kagabi tapos maaga pa 'kong gumising dahil sa seminar. "Portia?" "Hmm?" nagising ako sa kamay na bahagyang tumatapik sa pisngi ko. "Portia, wake up. Let's have dinner first." Pagdilat ko ay gwapong anghel agad ang nasilayan ko. Nasa langit na ba ako? Charot. Sana laging gan'to ang bumubungad sa paningin ko sa tuwing gigising ako. Ahehe. Nag-inat inat muna ako bago bumaba ng sasakyan. Nasa Pangasinan pa lang pala kami. Fast food chains lang halos lahat ng kainan dito kaya inaya ko siya doon sa may mamihan na nasa tawid ng kalsada. "First time mo sigurong kumain sa gan'to?" tanong ko nang mapansin kong pinagmamasdan niya ang paligid. Malinis naman pero syempre kung ikukumpara mo sa mga mamahaling resto na kinakainan niya ay talagang ibang iba! "Are you sure that this place has undergone proper health inspection for safety compliance?" Pinanlakihan ko agad siya ng mata at tinapik ko siya sa braso. Baka mamaya ay may makarinig sa kanya rito, nakakahiya! "Alam mo minsan kailangan din natin ng bacteria sa katawan." Inilapag ng serbidora ang inorder niyang bulalo and rice habang ako naman ay umorder ako ng mami. Second time ko nang makakain dito pero ayoko ng alalahanin pa iyong kasama ko dahil siguradong kinakaibigan na iyon ni Satanas ngayon. Muntik na 'kong hindi makakain ng maayos dahil sa grupo ng mga babaeng nasa kabilang table na kanina pa sinisipat sipat si Fyuch. Nakakainis! Bakit ba hindi na lang sila mag-focus sa kinakain nila! Mabilaukan sana kayong lahat. "Mukha ka na namang papatay." "Eh nakakairita kasi 'yung mga babaeng 'yon kanina ka pa tinitignan! Bilisan na nga nating para makaalis na tayo!" nakasimangot na singhal ko. "Don't mind them. Ikaw naman ang nasa harapan ko." Anubey! Kailangan bang pakiligin muna niya 'ko bago saktan? Char. Nagpahinga kami saglit before kami tumuloy sa byahe. Bumili din kami ng snacks sa isang convenience store para may kainin kami sa sasakyan. "Anong plano mo this summer?" curious na tanong ko dahil after ng eleksyon ay parang gusto kong magbakasyon. For sure kase ay maiistress ako ng bongga that time. "Just work." Inirapan ko agad siya. "Wala man lang ba tayong family outing?!" medyo walangyang tanong ko. "My family will go to Maldives. You can come if you want." "Luh, ang sosyal naman!" reklamo ko. Wala bang sa tabi tabi lang?! "At saka nakakahiya pang sumama sa family mo. Anong role ko ro'n kapag sumama ako? Sasabihin ko ba agad na ako ang ina ng mga magiging anak mo?" "It's up to you." "Ay shet na malagket, approved agad?!" Hindi ko na yata ma-reach ang level ng relationship namin. Huhuhu. Dream come true na ba ito? Kailangan ko na bang magpamisa at humingi ng basbas kay Lord? Natatawang nagpatuloy sa pagda-drive si Fyuch. At dahil medyo nakaidlip na ako kanina, gising na gising ako para lumandi sa buong byahe namin. Feeling ko kailangan ko siyang i-entertain para hindi siya antukin sa pagda-drive. Lol. "Fyuch, ilang anak gusto mo?" tanong ko sabay binuksan ko ang binili niyang Naturals chips kanina. "Why do you ask?" "Wala lang para may pag-usapan tayo. Makipag-cooperate ka na lang." Sinubuan ko siya ng chips. "I haven't thought about that," sagot niya habang ngumunguya. Sweet namin, 'no? "Ihhh! Ang KJ mo naman! Para sasagot ka lang naman ng ikaw bahala Portia." Kilig na kilig na naman ako sa sarili kong mga banat. Ako na lang talaga ang nagpapakilig sa sarili ko. "Okay." Natatawang itinukod niya ang isang siko sa may bintana habang ang isang kamay niya ang nagda-drive. Hinaplos haplos niya ang labi niya. "Ikaw ba? Ilang anak ang gusto mo?" "Depende sa 'yo. Ilan ba ang kaya mong gawin?" mabilis na sagot ko. Tumawa ako ng malakas sa gulat na itsura niya. Hahahahaha! Tangina kasalanan ko kapag nabangga pa kami nito! Pero dapat yata maglagay na 'ko ng hidden camera dito sa sasakyan niya para naman hindi sayang iyong mga legendary moments naming gan'to! Ang saya lang i-record ng mga epic facial reactions niya. Tapos ipe-play ko lahat ng 'yon sa wedding day namin at sabay naming aalalahanin ang aming masasayang nakaraan. Aww sweet. Kailangan kong pagplanuhan 'to ng maaga. "Gusto mo bang malaman kung bakit ako dapat ang para sa 'yo?" "Okay. Enlighten me, then." he challenged. "I'm not an electrician, but I can light up your day." "Okay. Weirdo." "Hahahaha! Pero aminin mo nga, time traveler ka ba?" "No." "Eh bakit noong nakita kita, nakita ko ang future ko sa 'yo?" "Kase nalala ka na." Nakahawak ako sa tiyan ko habang malakas na tumatawa. Nakikita ko lang na napapangiti ko si Fyuch masaya na 'ko. Parang feeling ko kasi kinikilig siya. Feeling ko lang naman, ha? Di ko pa rin sure. Wait nating aminin niya soon. Late na nang nakauwi kami dahil may nadaanan pa kaming traffic. Pero keri lang dahil at least ay nasulit ko ang company ng bb ko. Ahihihi. Hinatid niya 'ko sa unit dahil may dala akong maleta. "Nandito na 'ko!" sigaw ko agad pagpasok ko. "Ang ingay—oh..." napatingin si Kairo sa amin ni Fyuch. "Bakit magkasama kayong dalawa?" "Namiss niya 'ko e." Nanlaki ang mata ni Attorney. Cutiepie! Kinuha ko ang maleta ko sa kanya at ipinasok ko 'to sa kwarto. Narinig kong nag-usap muna silang dalawa at paglabas ko ay nagpaaalam na rin si Fyuch. "Nililigawan ka ba ni Sam?" "Hindi pa nga e!" disappointed na sagot ko at kumuha ako ng tubig sa ref. Narinig kong tinawanan ako ng gago kong pinsan. "Matumal yata bentahe mo ngayon?" pang-iinis pa niya. "Onga. Gayumahin ko na kaya para mabilis?" "Puro ka kalokohan." Tumabi ako sa kanya sa sofa at humiga ako. Ipinatong ko ang mga binti ko sa kanya at minasahe niya ang mga ito. Masarap kasing mag-massage 'to at mapapa-extend ka lagi kapag huminto siya. "Nagkausap na ba kayo ni Tito?" "Hindi pa. Why?" nag-scroll ako sa newsfeed ko para mangalap ng chismis. "Nagkita kami kanina sa office. Isasama ka yata sa gathering sa Cebu." "What?! Di ako pwede, I'm busy!" ano na naman trip ng Daddy ko? Alam naman niyang may trabaho ako. "You know him. He won't take no for an answer." yeah that's why it's stressing me out now! Tinawagan ko agad si Dad kinabukasan to confirm it and yes, kailangan ko raw sumama sa kanya! Gosh! I tried convincing him na tambak ang trabaho ko, pero pinapili niya 'ko kung sasama ako o magre-resign ako! And of course, I didn't dare going against him. Pagpasok ko tuloy sa opisina, nag-request agad ako ng leave for this coming Thursday and Friday. Sapilitan ko pang pinakiusapan si Boss Amara na payagan ako at since mother dear siya ng best friend ko, inexplain ko na rin sa kanya kung bakit ko kailangan mag leave. Thank God at hindi na niya 'ko pinahirapan pa. "Portia!" "Uy, Captain!" nilapitan ko agad siya since tapos naman na ako sa iniinterview ko. Madalas talaga kaming magkita nitong si Alvarez sa tuwing may coverage akong may kinalaman sa pulitika. Todo bantay din kasi sila lalo pa't malapit na ang halalan. "Do you have time? Let's have coffee." "Sige. Pero libre ko 'to, ha?" pauna ko dahil may atraso pa 'ko sa kanya. Natatawa siyang tumango at nag-drive siya papunta sa pinakamalapit na coffee shop. "Who's that guy? Siya rin 'yung sumundo sa 'yo sa club, right?" tanong niya habang hinihintay 'yung order namin. "Yun 'yung crush ko, Captain!" "Crush?" "Yes!" I giggled like a kid, confessing about my crush. "Isa siyang masungit na lawyer." "Bakit naman? Sinusungitan ka ba lagi?" natatawang tanong niya "Jusko po oo! Pero recently nababawasan na ang kasungitan niya. Improving na 'yung relationship namin." Pagdating ng order namin ay nagkwentuhan lang kami about sa crush ko. Siya kasi walang crush kaya walang ma-share. "Di bale kapag may nakita akong babagay sa 'yo, rereto agad kita!" "No need. Wala pa 'kong oras para d'yan." Natatawang sagot niya. "Uy 'wag ganyan, Captain! Sayang genes mo, kailangan mong ipamahagi 'yan!" Pinitik niya 'ko sa noo at napangiti ako dahil naalala ko si Fyuch na hilig din akong pitikin sa noo. Speaking of my bb, nag-chat siya! Sssmith: where are you? Wala ng paki-pakipot pa at sinabi ko agad kung nasaan ako! Porkshaaa: why u asking? Susunduin mo ba ko? Sssmith: yeah. Porkshaaa: luh true 'yan?! Sssmith: yeah true po. Natawa ako sa reply niya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Pati tuloy si Captain ay natawa nang kilig na kilig kong shinare sa kanya na susunduin ako ng crush ko. Ahihihi. "Ayan na siya, Captain! Una na 'ko, ha?" "O sige ingat kayo." Dali dali agad akong lumabas ng coffee shop at feeling ko ang ganda ganda ko nang lumabas pa si Fyuch para pagbuksan ako ng pinto sa front seat. Pakiiwasan na lang po 'yung buhok kong napakahaba at baka maapakan po! "How's your date?" bungad na tanong na naman niya pagkasakay niya sa driver's seat. "Anong date ka d'yan?" depensa ko agad. "Kaibigan ko lang si Captain, oki?" "I doubt he thinks the same way, Portia," naiiling na sabi ni Fyuch. "Luh, issue ka!" "Tsk. Slow." Kunot noo akong ipinilig ang ulo ko. Hindi ko gets ang gusto niyang sabihin kaya feeling ko ang slow ko nga. Pero ano ba ang gusto niyang iparating? "Sorry 'di talaga kita gets." Nilingon niya 'ko at tinaasan ng kilay. "Okay. Just forget about it." "Eh kung ineexplain mo na lang sa 'kin ngayon edi sana in few minutes gets ko na." "You really can't feel it?" Napakamot na 'ko sa ulo ko. "Feelingera ako pero feeling ko, ang slow talaga ng feeling ko ngayon. Ano ba kasi 'yon?" Nasuklay ni Fyuch ang mga daliri sa buhok niya. Parang konti na lang ay sisigawan na niya 'ko ng bobo sa bagal pumickup ng utak ko. Hindi na niya 'ko sinagot pero parang may biglang pumasok sa isip ko. Unti unting nanlaki ang mga mata ko. "Tangina. Tingin mo ba gusto ako ni Alvarez?!" tumawa ako ng malakas at sinapak ko siya sa braso. "Kakasabi lang niya kanina bago ka umalis na wala siyang time sa babae! Tapos sasabihin mong may gusto siya sa 'kin? Ang wild ng imagination mo! Hahahaha!" "You don't believe me?" he laughed sarcastically. "Fine. You'll see soon." At dahil sinabi kong hindi pa 'ko kumakain ng lunch, he decided to have an early dinner sa isang steakhouse. Habang nasa byahe kami ay parang ewan na napapaisip ako sa possibility na may gusto sa 'kin si Captain. Napailing ako at 'di ko mapigilang matawa sa kalokohang iyon. Ang lawak lang ng imagination nitong si Fyuch. In fairness, feeling ko ay may future din siya sa pagsusulat ng kwento. We ordered rib eye at New York strip steak, then red wine. Maganda sana kung may nagpe-play na saxophone or violin sa gilid namin para mas romantic, kaso wala. Di bale may next time pa naman. Sa sobrang sarap ng food at sa sobrang gutom ko, muntik ko ng maubos pati si Fyuch. Kada susubo ako sabay sulyap ko rin sa kanya for additional flavorings. Joke! Hahahaha. Ang creepy ko na shet! Maaga akong kinilig pagkabasa ko sa chat ni Fyuch kinabukasan. Sssmith: good morning. Porkshaaa: good morning, bb. ? Full of energy tuloy akong tumayo. At ang mas nakakakilig pa, pagbaba ko ay papasok na rin siya sa work tapos sabi niya ihahatid na raw niya 'ko para makabawas sa polusyon. And me being environmental friendly, syempre pumayag agad ako! Alam naman ng Earth kung gaano ako ka-concern sa kanya. Ahihihi. "Anong oras out mo?" tanong niya pero nakatuon pa rin ang tingin niya sa daan. "8pm pa po." "Okay. I'll be done from my last meeting at 8pm. Daanan kita." "Okiii po, Fyuch." Patalon talon akong pumasok sa building at halos batiin ko lahat ng taong makasalubong ko. Sa sobrang good mood ko ay pati iyong nakaaway kong staff na hanggang ngayon ay hindi ako kinakausap, bigla kong nabati! Ganoon ang naging setup namin ni Fyuch sa mga sumunod pang araw. Isasabay niya 'ko papasok sa work tapos susunduin niya 'ko. "Kayo na ba?" tanong ni Dior habang nagla-lunch kaming magpipinsan sa isang resto. "Hindi pa." nakangiting sagot ko. "Eh bakit may pahatid sundo?" nakataas ang kilay na tanong ni Mona. "Para makabawas sa polusyon?" "Tanga. Naawa lang siguro sa 'yon 'yun. Mukha ka na kaseng walang pamasahe." "Ay epal ni Mona. Wala kasing jowa." "Ayy nagsalita ang may jowa." Balik na pang-aasar niya sa 'kin. Dapat sa mga bastos na bunganga ay tinatampal! "Naku! D'yan nagsisimulang ma-obsessed ang mga lalaki. Porket hinatid at sundo ka feeling agad nila g na g ka for commitment! Kapag ganoon ang lalaki, eliminate agad, Te!" Alam niyo na siguro kung sino 'yon? Of course, it's Lyra. "Di mo naman ako katulad na 'di ready sa commitment, no!" Tinaasan niya 'ko ng kilay at jinudge ako ng mga mata niyang very judgmental kung makatingin. "Wow so ready ka talagang jowain 'yon?" "Namern! Feeling ko siya na talaga ang para sa 'kin." Iniimagine ko pa lang na magiging boyfriend ko si Fyuch ay sheeeeet gusto ko ng tumalon sa honeymoon part. Char! "Narinig ko rin 'yan sa 'yo noon kay Easton!" nakangising asar ni Dior kaya sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Di ba pwedeng false alarm lang iyong noon? Kailangan bang lagi nilang ipaalala sa 'kin kung gaano ako naging tanga before? Hmp. "Susunduin na raw ako ng bb ko." Kinikilig na share ko sa kanila nang magtext na si Fyuch. Inayos ko ang gamit ko at nag-retouch na rin ako para fresh na fresh ang kagandahan ko pagdating ng bb ko. Sabay sabay na kaming lumabas nang sabihin ni Fyuch na nasa labas na siya. Pinakilala ko pa isa isa sa kanya ang mga pinsan ko dahil wala akong nagawa nang sapilitan silang nagpakilala sa kanya. "In fairness, yummers naman pala talaga," bulong ni Lyra sa gilid ko sabay siko pa sa 'kin. Langya talaga 'tong babaeng 'to. "Manahimik ka d'yan at ako'y nananakit ng pinsang malandi." Pinanlakihan ko siya ng mata habang siya naman ay enjoy na enjoy sa pang-aasar sa 'kin. "Payong maganda lang, 'wag mong jojowain 'yang si Portia kung ayaw mong malasin buong buhay mo." "Ang panget mo, Mona! Dun ka nga!" "Sana iwan ka na ni Tito sa Cebu at ipakasal ka sa arabo!" "f**k you!" Hinatak ko na palayo sa kanila si Fyuch at ang mga bruha ay tinawanan lang akong mapikon. Nakasimangot kong sinuot ang seatbelt ko. Hinatid ako ni Fyuch pabalik sa PBN News buildingdahil hindi ko pa naman uwian. Magkachat kasi kami kanina tapos biglang nag-aya ng lunch ang mga pinsan ko. Nagkataon naman na nasa malapit lang din daw siya kaya sinundo na niya 'ko. "Salamat sa paghatid, Fyuch!" tinanggal ko ang seatbelt ko at tinanguan lang niya 'ko. Hindi siya sumagot kaya nagtataka akong humarap sa kanya. "Alis na 'ko, Fyuch?" Tumango lang siya ulit. "Hey, may problema ba tayo d'yan?" "You didn't tell me you're going to Cebu," seryosong sagot niya. Ay s**t. "Hala sorry nakalimutan ko! Labag naman kasi sa kalooban ko 'yon kaya halos kalimutan ko na!" Hindi pa rin niya 'ko tinitignan. Since may extra time pa naman ako, hindi muna ako bumaba ng sasakyan niya. Recently kasi ay mabait na siya sa 'kin at ngayon na lang siya medyo nagsungit ulit. "When are you leaving?" "Bukas po." Ngumuso ako. He laughed sarcastically. "You're leaving tomorrow and you still haven't told me." "Gosh sorry talaga!" "How long will you stay there?" "3 days. Ewan ko ba kasi sa Daddy ko bakit kailangan pa niya 'kong isama sa gathering na iyon!" reklamo ko. "Puro matatanda lang naman kasi ang siguradong nandoon tapos ibabargain sa 'kin 'yung mga anak nila, like eeew?" Kinilabutan ako sa pag-iisip niyon lalo na sa at bigla kong naalala iyong mga nakaraang gatherings na dinaluhan ko na rin before. Para bang nagkikita kita lang ang mga matatanda roon para hanapan ng mapapangasawa ang mga anak nila! Napakagat ako sa labi ko habang tumitingin kay Fyuch. "Mamimiss mo ba 'ko?" malanding tanong ko sabay ngumisi ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko na nagkakaganito siya dahil sa hindi ko pagpapaalam na aalis ako o matatakot ako dahil mukhang galit siya. "Do you find it funny?" masungit na tanong niya pabalik. "Of course not! I find it...kilig." Hinampas ko siya sa braso at harap harapan kong pinakita ang kilig ko sa kanya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD