Kabanata 14

3419 Words
Kabanata 14 Sa sobrang pagmamadali kong bumaba pagkasabi niyang nandito siya ay hindi ko na nagawang makapagsuot pa ng jacket. Napansin ko lamang iyon nang makalabas na ako sa elevator at sumalubong sa 'kin ang napakalamig na klima. Yakap ang sarili ko, hinanap ko agad si Fyuch paglabas ko sa lobby ng hotel ngunit si Alvarez ang nakasalubong ko. "Where are you going? Bakit..." tinignan ako ni Captain mula ulo hanggang paa. "Napakanipis ng suot mo?" Napatingin ako sa sarili ko mula sa repleksyon ko sa salamin ng hotel. Naka-ternong pajamas lang ako at hindi pa pares ang suot kong tsinelas. Anak ng tokwa! Nagmamadali lang?! Sasagutin ko pa lang sana si Captain pero isang mahaba at malakas na busina ang umagaw sa atensyon naming dalawa. Tinanaw ko ang pinagmulan niyon at nakita ko ang kulay pulang Ferrari ni Attorney na naka-park sa tabi. Nagmamadali masyado! I looked at Captain apologetically. Bumagsak ang tingin ko sa hawak niyang jacket na naka-ambang iabot niya sa 'kin. "Sorry, Captain. I have to go. Good night!" Nilampasan ko siya at naramdaman ko pa ang sunod na tingin niya sa 'kin patungo sa pulang ferrari ni Attorney. Agad akong sumakay sa front seat at manginig nginig pa ang buong katawan ko sa sobrang lamig. Nang lingunin ko sa gilid ko si Fyuch, parang mas lalo akong nilamig sa aura niya. Inipit ko ang mga kamay ko sa pagitan ng hita ko upang bahagyang mainitan ang mga ito. Tahimik na may kinuha sa backseat si Fyuch pagkatapos ay ipinatong niya sa kandungan ko ang isang itim na jacket. "T-Thanks," sabi ko at agad na isinuot ko ito. Kumalma sa panginginig ang buong katawan ko nang balutin na ako ng init ng jacket niya. Tapos ang bango pa. Amoy bb. Char. Galit ka dapat, Portia. Galit ka. Please naman. Ayokong mag-isip at mag-assume kung bakit siya nandito. Tahimik ko lang siyang hinintay na magsalita. Gusto ko man sanang manguna sa pagputol sa katahimikan naming dalawa ngunit hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Hindi katulad noon na walang pakundangan kong naisasatinig ang kahit na anong pumasok sa isipan ko. Ngayon ay may pag-aalinlangan nang pumipigil sa 'kin. "Why were you crying, Portia?" He asked in a very stern voice. Parang nagtindigan ang balahibo ko sa tanong niyang iyon. Gusto ko siyang banatan ng kaharutan pero parang lowbat ang kalandian ko sa katawan. Seryosong tumingin lang ako sa labas. "Hindi naman ako umiyak." "I clearly heard you sobbing." "Namaliktenga ka lang siguro. Bakit naman ako iiyak?" hinaluhan ko pa ito ng pabirong tawa. Bumaling ako nang nakangisi sa kanya. "Bakit, Sam? Akala mo ba talaga nagseselos ako? Do you really think you have that effect on me?" Nangunot ang noo niya na tila hindi mapaniwalaan ang sinasambit ko. I can't let my feelings get too deep for someone who can't reciprocate it. I can't be stupid twice. "I'm not stupid to get jealous with someone not mine. Maharot lang, pero 'di tanga!" pinilit ko pang tumawa ulit at sobrang galing ko na yatang umarte dahil maging ako ay napaniwala ko yata ang sarili ko sa sinabi kong iyon. "So I was just being f*****g mistaken all this time." Naguguluhan akong napatingin sa kanya. "Mistaken of what?" "Damn." He sarcastically laughed. Bahagyang napahampas pa siya sa manibela habang napaiiling. "Nothing. Maybe it was really just me." "Hindi kita maintindihan." naguguluhang sabi ko. "Just forget about it." "Galit ka ba?" "No." malamig at tipid na sagot niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya at hindi ko mabasa kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya. Deretso lang siyang nakatingin sa harap. "Bumalik ka na sa taas." "Bakit?" "I'm going back to Manila," he answered with a small smile on his face. "What?! Sira ka ba? Bumyahe ka ng mahaba papunta rito tapos babalik ka nang ganun-gano'n na lang? Alam mo ba kung anong oras na?" napatingin ako sa digital clock niya at malalim na ang gabi. Inismiran niya ako bigla at muntik na 'kong kilabutan sa tingin niyang bumaling sa 'kin. "Why do you care?" Nagsalubong ang kilay ko sa tono ng boses niya. Kumpara sa pagsusungit niya noon sa 'kin, parang dumoble na naman ito ngayon. "Galit ka ba talaga sa 'kin?" "Why would I get mad?" "Galit ka e." pagpipilit ko pa. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman 'yon. "I'm not f*****g mad, okay?" Nagulat ako nang lumabas siya ng sasakyan at naglakad paalis. Yan ba ang hindi galit niyan? Mabilis akong bumaba rin ng sasakyan at syempre hinabol ko siya. Ano bang problema ng lalaking 'to?! Parang ako yata dapat ang may walkout scene dito at hindi siya ah! Madapa dapa ako sa pagsunod sa kanya dahil ang laki ng mga hakbang niya! Wala man lang konsiderasyon sa mga binti ko! Kung ako ang hinahabol niya, malamang ay binagalan ko pa para mahabol niya 'ko. Hmp! "Sam, wait!" hinigit ko ang braso niya na muntik ko ring mabitawan dahil sa matalim niyang tingin sa 'kin. Hawak ko ang kumakabog kong dibdib sa pagod at sinalubong ang masasamang tingin niya. "Stop following me," utos niya. "Bakit ka ba nagkakaganyan? May nagawa ba 'kong masama sa 'yo? Di ba ako dapat ang nagagalit? Bakit parang kasalanan ko?" sunod sunod na tanong ko kaya lalo akong hiningal sa pagod. "Exactly!" sigaw niya sabay sipa sa basurahang nasa tabi. Nagpagulong gulong ito sa kabilang kalsada. Halaaaa! Baka ako na ang sunod na sipain nito! Gosh. "P-Pwedeng kumalma ka muna?" binasa ko ang labi ko sa kaba ko habang pinakikiusapan siya. "P-Para kang mamamalo ng pwet e." Sinamaan niya lalo ako ng tingin. Huhuhu. Mabuti na lang ay gabi na at wala ng masyadong tao. Pero may mangilan ngilan pa ring nagdaraan ang napapatingin na sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ko ang bulto ni Alvarez na papalapit sa aming direksyon. No no no no. Hindi sila pwedeng magtagpo. Siguradong hindi magiging maganda ang kahihinatnan nito kapag sinita pa ni Captain itong si Attorney na masyadong mainit ang ulo. Hinablot ko ang palapulsuan ni Sam at hinatak siya patungo sa hotel. Bahala na kung anong iisipin ni Captain basta ang importante ay mailayo ko sila sa isa't isa. Lalabas akong masyadong maganda kapag nagkataon na nag-away sila tapos nasa pagitan nila 'ko. Haba lang ng hair ko. Nasulyapan ko pa ang pagsalubong ng kilay ni Captain nang lampasan namin siya at laking pasasalamat ko na lang na hindi nagmatigas 'tong si Fyuch. May pasipa sipa pa kasing nalalaman! Ayan tuloy agaw eksena! "Saan mo 'ko dadalhin?" masungit na tanong niya pagpasok namin sa elevator. "Sa kwarto ko." "I'm not going to your room." "You will." "No." "Don't worry hindi pa tayo gagawa ng baby, okay?! Don't panic! Feeling mo naman! Parang ikaw pa lugi ah?!" Inirapan ko siya at mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Pagbukas ng elevator ay hindi ko na siya kinailangan pang hatakin. Kusa na siyang sumunod sa 'kin papunta sa room ko. Pagbukas ko sa pinto ay pabagsak agad akong umupo sa queen size bed at saka ko pinagkrus ang aking mga braso. "Dito ka na magpalipas ng gabi. Bukas ng umaga ka na umuwi." Tinaasan niya 'ko ng kilay. "There's only one bed." Nice. Mukhang hindi naman pala siya kokontra. "Ano naman? Don't tell me, gusto mo 'kong matulog sa lapag?!" "No. I can sleep...on the sofa." Tinignan ko ang sofa na tinutukoy niya. Maliit lang ito at sa tangkad niya ay siguradong kahit bumaluktot siya ay hindi siya makakatulog ng maayos. "We can both sleep on the bed. May tiwala naman ako sa 'yo," sabi ko. "Kaso sa 'yo wala akong tiwala." Ang sama ng bibig nito ah! Natatawa akong tumayo at hinatak ko siya patungo sa kama. Malaki naman ito at pwede pa nga kaming maglagay ng unan sa gitna pero syempre hindi ako maglalagay! Like, duh? "Patayin ko na 'yung ilaw?" "Sige." Kinuha ko ang remote ng light switch at pinatay na ang mga ilaw. Naiwan na lang iyong mga small reflector light bulbs. Hinanap ko ang comforter since malamig. Pero dahil dim light na lang ang ilaw at medyo mahina ang mata ko sa dilim, hindi ko sinasadyang madikit nang kaunti sa kanya. "Hala sorry! Hindi ko sadya promise!" depensa ko agad at lumayo ako na tila napaso sa balat niya. "It's okay. Don't be too guilty if you really didn't mean it;" medyo may kasungitang tugon niya. Maingat kong kinapa ang comforter at baka kung ano pa ang makapa ko. Hehe. Hinatak ko ito nang makuha ko. "Oh kumot. Share tayo." "Are you not scared?" "Scared of what?" Niladlad ko ang kumot at ibinahagi iyon sa kanya. "Of me," sagot niya pero naki-share naman siya. Itinaas ko ang buhok ko at pinagsiklop ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng tiyan ko. Pinagmasdan ko ang unti unting pag-ilaw ng mga glow in the dark stars na nagbigay ng ganda sa gitna ng kadiliman. "Bakit naman ako matatakot sa 'yo?" nakangiting tanong ko. "You're still a woman. You can't just sleep beside any guy." Aww. Gentleman namern ng bb na 'yan. Sige na nga at kahit may kasalanan ka pa sa 'kin, 1 pogi point for you. "Pero ikaw naman 'yan e. Anong ikakatakot ko?" confident na tugon ko. Kung ibang lalaki ito ay malamang hindi ko tatabihan. But he's Fyuch. My Fyuch. Char. "Ah. Ako kasi takot." "Huwaw?!" Kahit hindi niya 'ko maayos na nakikita ay nilingon ko siya nang nanlalaki ang mata ko. "Ang kapal mo po, 'no?" "I'm just worried about my safety. You trust me, but I don't trust you." Naramdaman ko ang paghila niya sa comforter at mukhang pinakabalot pa niya ng maigi ang kanyang sarili. Takot na takot?! "Kung sabagay may point ka naman." pag-sang-ayon ko nalang sa kanya. Tinantya ko ang kinaroroonan niya dahil nga 'di ko siya makita ng maayos. I got up and my hair fell down when I went on top of him. I put my hand on his side and smirked even though he don't see it. "I don't trust myself too," I whispered. Pakiramdam ko ay sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. I may not clearly see his face in the dark, but I could feel his uneven breathing against my skin. I even heard him gulped and licked his lips that made me froze a bit. Kahit malamig ay tila biglang uminit ang aking pakiramdam. Hindi ko naman idinikit ang sarili ko sa kanya pero medyo nabahala ako na baka marinig niya ang malakas na pagtambol ng puso ko. Mabilis akong umalis sa posisyon kong iyon bago 'ko pa mapatunayang hindi talaga katiwa-tiwala ang sarili ko. Natahimik kaming dalawa. Hindi na siya nagsalita kaya hindi ko sigurado kung gising pa ba siya o tulog na. Kahit hindi ako gumagalaw sa pwesto ko ay naghahabol ako ng hininga dahil sa hindi ko malamang dahilan. Dahil ba katabi ko siya? Tinakpan ko pa ang bibig ko sa takot ko na baka marinig niya ang paghangos ko. When finally my breathing got better, I felt him move. "Gising ka pa?" "Tulog na," masungit na sagot niya. "Nice. Talented talaga." Nakangiti kong pinagmasdan ulit ang mga stars sa kisame. Ang galing lang ng trip ng hotel na 'to. Noong unang nakita ko 'to nung first night ko rito, natuwa na agad ako. At kahit nga last night ko na rito, hindi pa rin ako nagsasawang pagmasdan ang mga ito. Feeling ko bibili ako ng glow in the dark stars pag-uwi ko ng Maynila. "Sam?" "Hmm?" "Bakit hindi ka pa natutulog?" "I'm scared you might do something to me." Ano ba 'yan! Alam niya yung plano ko! Mukhang mahihirapan akong dumamoves dito at masyadong mataas ang security. Char. "Do you wanna do something for real?" tanong ko nang medyo natatawa pa. "Kaysa pagbintangan mo 'ko hanggang mamaya, aba totohanin na natin!" Masaya sana kung nakikita ko ang itsura niya ngayon. Malay ko ba kung kinikilig na pala siya 'di ko man lang alam. Lol. "What is it now?" walang tiwalang tanong niya. "Let's play a game." "What game?" "Jack en poy." Humagikgik ako ng tawa. "Tapos ang matatalo ay magsasabi ng something negative about ourselves." "Okay call." mabilis na sagot niya. "Wow. Mukhang ang dami mong sama ng loob sa 'kin ah?" Hindi man lang binagalan ng konti ang pagsagot. He laughed softly and I couldn't help but admire how sexy it sounds. So just like what I suggested, we played jack en poy. We didn't bother switching the lights on since may dim light naman at naaaninag pa rin namin ang aming mga kamay. Una akong natalo kaya siya ang unang bumanat. "You're such a playgirl." "What?!" Napabangon ako at bumaling sa kanya. "Ako? Playgirl? Saang banda?!" "You can't defend yourself." pauna niya bago ko pa maipagtanggol ang sarili ko. Napakadaya naman nitong kalaro! Sa pangalawa, pangatlo, pang-apat at sa mga sumunod pang round ng aming game ay siya pa rin ang nanalo! Nakailang ulit kami at ni isa ay wala man lang akong naging panalo! Wtf?! "You're cheating on me!" inis kong akusa sa kanya at ibinagsak ko ang sarili ko pahiga. "I'm not." "You are!" Inulan na niya 'ko ng mga masasamang words at hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko. Ni hindi man nga lang din ako makaganti dahil hindi man ako nananalo! "I'm not cheating on you, Portia." Marahang pag-uulit niya. Bigla akong natigilan sa paraan ng pagkakasambit niya nu'n. Ewan ko ba pero parang iba 'yung tinutukoy niya. At dahil feelingera ako, feeling ko nagpapaliwanag siya sa bagay na hindi naman dapat niya ipinapaliwanag. "You looked happy." Halos pabulong na sabi ko. "Tapos nakayakap pa siya sa baywang mo. Alam kong wala naman akong karapatang sumbatan ka, pero pwedeng pa-isa? Kase nakakainis e!" Parang tumataas na naman ang dugo ko sa ulo nang maalala ko iyong mga pictures nila. "Ngiting ngiti ka kasama siya, pero pagdating sa 'kin para kang laging pinagsasakluban ng langit at lupa. Di naman nagkakalayo ang itsura namin ng Jenny na 'yon ah? In fact, original pa nga 'yung akin samantalang siya...ahh never mind!" Ginulo ko ang buhok ko at inis na pinagkrus ko ang mga braso ko. "Someone's extremely jealous," he teased. "So what?" makapal na mukhang tugon ko. Di na 'ko magpapanggap! "Ang unfair mo lang kase. Dapat kapag nilandi kita, aba'y makipag-cooperate ka naman! Para kasing tanga. Ako lumalandi, pero ako lang din ang kinikilig!" patuloy na reklamo ko pa. "Okay." "Anong okay?" "Next time, I'll cooperate." He said in between a soft laugh. Nanlaki ang mata ko na napabangon ulit. "Talaga?! Eh diba mas gusto mo 'yung Jenny na' yon? The way you smile around her--" "I don't like Jenny. She's just a colleague." putol niya sa litanya ko. Malapad akong napangiti at kung hindi ko lang siya katabi ay baka nag-ala sushi roll na 'ko rito sa kama! Hindi naman pala gusto ei! Masyado lang akong advance mag-isip! Nag-isip pa 'ko ng itatanong ko dahil parang ayaw ko pang matulog at gusto ko pa siyang makilala ng husto. "Ano ba talagang type mo sa babae? Last time na tinanong kita, hinayaan mo lang akong manghula," sabi ko. "Ano ba talagang type mo? Maliban sa Portia dapat ang pangalan niya," kinikilig na tanong ko at humiga ulit ako. "Is that even a question?" "Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pero sagutin mo na lang." Kinuha ko ang cellphone ko at inilawan ang mukha niya. Gusto ko kasing makita ang reaksyon niya habang sinasagot ang tanong ko. Kaso napakasama niyang tumingin sa 'kin kaya pinatay ko na lang ulit 'yung ilaw ng phone ko. Tumagilid ako ng posisyon at naramdaman kong ganoon din siya. Kaya kahit hindi kami nagkakakitaan, alam kong magkaharap kaming dalawa. Ilang segundo akong naghintay bago siya sumagot. "Just someone who has a very strong belief. Someone who can incredibly be confident to go against anyone who would deprive her rights as a citizen of the country and as a person. Someone who would fight for her liberty, equality, and power." Napasimangot ako. "Bakit ganyan? Si Miriam Defensor Santiago ba ang ideal girl mo?" I heard him laughing like he's just making fun of me pero hindi ko rin maisip na sinasadya niya iyon. Dahil base sa mga binanggit niyang katangian, napagtanto ko lalo kung bakit niya nagustuhan si Adara. My best friend possessed all those qualities. "Nahiya naman ako bigla sa ideal girl mo." Ngumuso ako at sumimangot. Narinig ko na naman ang mahinang pagtawa niya. "How about you? What's your ideal relationship?" "Relationship agad? Di mo muna iko-confirm kung anong type ko sa lalake?" "You'll just certainly answer my name. So, why bother?" I pursed my lips and inhaled a large amount of air, calming myself. "Confident, ha? Pero sige na nga dahil tama ka naman, sasagutin ko na lang ang tanong mo." Niyakap ko ang comforter na nakabalot sa 'kin habang inisip ko sa utak ko ang klase ng relasyon na pangarap ko. "Simple lang naman ang pangarap kong relasyon. Gusto ko syempre 'yung very open tayo sa isa't isa. Yung tipong kaya kong sabihin na baby assorted color 'yung tae ko, anong panis na naman kaya ang nakain ko?" "Is that even serious?" "Oo naman! Di mo ba bet? Sige ikaw na lang mag-decide. Consider your partner's opinion sabi nga nila." Kinagat ko ang labi ko at pati ang loob ng pisngi ko para kalmahin ang sarili ko. Diniinan ko pa ang kagat ko para lang pigilan ang sarili kong matawa. "I like your confidence." "I like you too," mabilis na sagot ko. Hindi ko na napigilan pa ang paghagikgik ko at tinakpan ko na ng comforter ang buong mukha ko. Patuloy ang panginginig ng katawan ko sa kakatawa habang siya ay naririnig ko ring mahinang tumatawa. "Let's sleep now, Portia." "Okay. Good night, Fyuch." "Good night, Miriam." Napahawak ako sa dibdib ko at mabilis akong bumangon ulit para paluin siya. Tinamaan ko ang matigas niyang dibdib. I heard him chuckle. "Ang pa-fall mo!" "Sa 'yo lang." Shuta na-fall na yata talaga ako bigla! Ang paasa nang lalaking 'to, amp! Alam ko namang one sided lang ang relationship naming dalawa pero ang tanga ko shet dahil kinikilig pa rin ako! Feeling ko tinalo na ng init ng mukha ko ang lamig ng Baguio! Kinabukasan ay hinintay niya 'ko sa kwarto habang tinatapos namin ng team ko ang huling bahagi ng seminar na 'to. Sabi niya kasi ay sabay na raw kaming bumalik sa Maynila. Sino ba naman ako para tumanggi?! Aarte pa ba?! Char. Ngayon ko lang nakitang mukhang natuwa ang walangyang Justine sa buong stay namin dito nang sinabi kong hindi ako sasabay sa kanila pauwi! "Bakit hindi ka sasabay sa team mo?" tanong ni Captain na mapilit na namang hinatid ako pabalik sa room ko. "Di mo ba nakita 'yung itsura ni Justine? Kulang na lang mag-alay siya ng bulaklak sa sobrang tuwa niya!" pagrereklamo ko habang naglalakad kami. "Pwede ka namang sa 'kin na lang sumabay." "Naku, Captain. Wag na. Maabala ka lang." "No, Portia. I insist." He argued. Binilisan ko na ang lakad ko para makarating agad kami sa tapat ng room ko. Agad kong binuksan iyon at saglit kong hinarap si Captain. "Nakakahiya na, Captain. Ang dami ko ng atraso sa 'yo. Bawi na lang ako sa pagbalik natin ng Manila, okay? See you!" Pumasok na 'ko sa loob at hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Agad na namilog ang mga mata at bibig ko nang abutan ko si Fyuch na nakatapis lang ng tuwalya pang-ibaba habang nakabalandra ang hubad niyang pang-itaas sa paningin ko. Luh, meryenda time na ba?! Chour. Hindi ko nagawang mag-iwas agad ng tingin dahil parang may magnet iyong mga butil ng tubig na nag-uunahang bumaba sa katawan niya at hindi ko maalis ang tingin ko roon. s**t lang. Para siyang freshly baked bread! Ugh. Gusto kong hawakan. Hmp. Napalunok ako at binasa ang labi ko. Pero tila hinatak ako sa katotohanan ng ingay ng muling pagbukas ng pinto sa likuran ko. Nilingon ko ito at napaawang ang labi kong nang nakita ko si Captain. Hala sinundan pala niya 'ko! Kabadong nagpabalik balik ang tingin ko sa gulat nitong mukha at sa nakakunot noo na si Fyuch. Parang may kuryenteng dumadaloy sa titigan nilang dalawa at walang may gustong bumitaw. Pero nagulat ako nang magsalita si Attorney. "Where did you put my shirt last night, Portia?" marahang tanong niya. Ipinilig ko ang ulo ko at naguguluhang tumingin sa kanya. Hala tinago ko ba? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD