Kabanata 13
"Just kidding." He laughed a little when he saw my face. "Get some rest before you leave later," dagdag pa niya bago tumalikod at naglakad paalis.
Naiwan akong nakatanga sa may hamba ng pintuan habang pinapanood ang likod niyang papalayo. Unti unti ay kumukurba ang magkabilang sulok ng labi ko. Teka, nilalandi na ba 'ko ni Fyuch?! Ibig sabihin ba nito ay mag-ML na kami? Mutual Landian ganern?!
Pigil tuloy ang tili ko na pumasok sa loob. Pagsarado ko ng pinto, nagsisigaw agad ako sa sobrang kilig at tuwa sa naiisip ng assumera kong utak! Packing tape. May himala nga yata talaga!
After kong makapag-ayos ng gamit ay humiga muna ako. Sinunod ko ang gusto ng bb ko na magpahinga muna ako before bumyahe. Ang sweet namin 'di ba? Couple goals. Chour.
"Sigurado kang wala ka nang nakalimutan?" masungit na tanong ni Justine na mukha na namang binasted ng sampung babae. Ang malas ko lang na isa siya sa mga makakasama ko ng limang araw.
"Wala na." final na sagot ko.
"Siguraduhin mo lang dahil mag-isa ka ng babalik kapag nagkataon." ang sungit talaga!
Sumakay na siya sa van at sumunod na rin ako. Nasa loob na rin ang iba pa naming mga kasama dahil ako ang pinakahuling dinaanan nila.
"Hi, Kuya Rey! Hi, Kuya Archie!" bati ko sa dalawang cameraman naming kasama. "Hi, Kim." Bati ko rin sa aming technical assistant. Ako lang ang nag-iisang babae sa team, pero okay lang. Kaya kong mag-adjust at magpaka lalake rin minsan. Flexible ang gender ko. Lol.
Chinat ko agad si Fyuch para i-update siya. Parang kami na, e no? Siya lang talaga 'tong pakipot. Sa 'kin kasi okay lang naman, I swear.
porkshaaa: paalis na kami, bb. where na u?
seen
sssmith: are you with the whole company?
Uy ang bilis mag-reply. I feel so special na tinapay tuloy. Malanding tinapay. Charing!
porkshaa: nope. Team ko lang kasama ko. San ka na?
sssmith: ilan kayo? Are you all girls?
porkshaaa: 5 po. We're all boys. ^.^v
sssmith: ikaw lang babae?
porkshaaa: yes, fyuch. Pero don't worry ikaw pinakapogi sa kanila.
porkshaaa: san ka na bb? di mo ko sinasagot. ☹ sagutin mo na ko para tayo na. Char.
sssmith: airport. My flight is in 30 mins.
Hmp. Di man lang tinamaan sa hidden message ko na medyo bulgar. Lol.
porkshaaa: yung anak natin nasan na?
sssmith: home. Where are you staying exactly?
Gosh tanggap na talaga niyang pamilya kami. Hihihi. Kilig!
porkshaaa: sa puso mo, to be exact.
sssmith: Tss.
porkshaaa: hihi. Di ko pa sure hotel namin e. Send ko later bb.
sssmith: ok. Tc.
porkshaaa: tc?
sssmith: take care.
porkshaaa: ahhh! Kala ko thanks crush.
porkshaaa: Char! Hahahahha! Oshaaa ily. .<)
sssmith: I'm digesting cases.
porkshaaa: sabi ko nga e. :( Sige good night na. Tulog ka na rin ha? Mwa mwa tsup tsup. Sweet dreams.
sssmith: good night, Portia. Dream of your guy.
porkshaaa: i'll dream of you for sure. :*
seen
Naka-smile akong pumikit at baka may continuation pa iyong panaginip kong ikinasal kami. Excited akong natulog dahil baka honeymoon na talaga ngayon ang eksena namin! Wala naman sigurong nabubuntis sa panaginip? Chos! Ang landi mo, Portia!
Everyday from 8am-3pm ang seminar namin. Then after that ay free time na namin at bahala na kami kung saan namin gusto magpunta. Lagi tuloy kaming nasa bar tuwing gabi dahil uso pala iyon dito at ang daming alam na bar ng mga kasama ni Captain. Oo sila ang kasama ko. KJ kasi iyong mga ka-team ko.
Inubos ko ang laman ng baso ko at tinignang muli ang screen ng phone ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng chineck ang ito dahil baka nakaligtaan ko lang ang message ni Fyuch, kaso wala talaga. Simula kinabukasan noong huling chat namin ay hindi pa kami nagkakausap. Ewan ko ba kung anong nangyari. Nagchachat naman ako sa kanya pero mukhang hindi naman niya nababasa dahil offline siya palagi. Nakakawalang gana tuloy makinig sa seminar dahil wala akong vitamin Fyuch for 2 days now. Huhu.
Pagbalik namin sa hotel ay 2am na. Pinigilan ko ang sarili kong kumonek sa internet dahil baka ma-disappoint lang ako kapag nakita kong wala na naman siyang message sa 'kin. Ano na kayang nangyari kay Attorney? Nainis na ba siya sa 'kin kaya ayaw na niya 'kong kausapin? Na-bored kaya siya?
Napahawak ako sa ulo ko at isinubsob ang mukha ko sa unan. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko at hindi ko maitatanggi na medyo nasasaktan na ako sa nangyayari. Kinusot ko ang mata ko at kumonek ako sa wifi. Baka nag-chat na siya ngayon tapos sasabihin niyang I miss you tapos hindi ko agad makita at mainip siya at amag-offline na naman. Haaay. Kelan ko kaya matitiis itong si Fyuch?
Pagka-connect ko waley namang notif. Binisita ko iyong IG niya at wala naman siyang recent post. Pati iyong ibang social media accounts niya like twitter ay inistalk ko na rin dahil baka may hint doon kung ano ng nangyayari sa kanya sa China. But to my disappointment when I opened my f*******:, unang unang bumungad sa newsfeed ko iyong tagged post sa kanya ng isang Jenny Serrano.
Ah so kasama niya pala iyong babaeng iyon sa China?
They were in a bar at mukhang nagkakasiyahan sila roon. They were all smiling tapos magkatabi sa upuan sina Fyuch at iyong si Jenny. Napanguso ako habang tinitignan isa isa iyong mga nakapost na pictures nila. Ewan ko pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang iniisa isa ko ang mga litrato nila.
Napahinto ako roon sa kuha nilang nakahalik sa pisngi niya si Jenny. Parang may masakit na kumurot sa bandang dibdib ko habang pinagmamasdan ang kuha nilang iyon. May naramdaman akong hapdi na hindi ko maipaliwanag. Parang gusto kong magalit pero bakit ako magagalit? Sino ba 'ko para magalit? He's technically single at walang kaso kahit makipaghalikan pa siya sa Jenny na iyon o kahit na kanino.
Pero bakit kasi parang nasasaktan ako?
Am I falling in love with Sam?
Tangina naman, Portia. Ang usapan kasi crush lang pero ang landi landi mo kaya ayan ang napapala mo!
Pakiramdam ko ay walang tama iyong nainom ko sa bar dahil malinaw pa rin sa sistema ko iyong kakaibang naramdaman ko sa picture na iyon. Tumayo ako at kahit mag-a-alas tres na ng madaling araw at dapat natutulog na ako ay binuksan ko pa ang ref at kumuha ako ng beer. Ewan ko anong trip ng hotel na 'to at may pa-beer pero buti na lang. I think I have to drink more para lang makatulog ako at makalimot sandali ng katangahan.
Kinabukasan ay parang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit. Halos wala akong maintindihan sa pinagsasabi ng mga speaker namin for today.
"You're wasted," singhal sa 'kin ni Justine paglabas ng speaker at nag-announce ng coffee break. Hindi ko siya pinansin at isinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. Tangina parang binibiyak ang ulo ko. "Ano ba kasing trip mo at ginabi gabi mo ang pag-inom?"
"Wala lang. Pake mo?" masungit na sagot ko at nakasubsob pa rin.
"Nakakasira ka ng paningin e." Tss. Feeling ko talaga may itinatagong sama ng loob sa 'kin ang kolokoy na 'to e.
Napaangat ako ng tingin nang may narinig akong naglapag ng kung ano sa lamesa ko. Pagtingala ko ay nakatayo si Captain sa gilid ko.
"This can lessen your headache," aniya. Tinignan ko ang inilapag niyang coconut juice sa harapan ko. Agad kong binuksan iyon at ininom pagkaalis niya. Sumenyas ako ng okay sa kanya na nasa 'di kalayuang table nang makaramdam nga ako ng kaginhawaan.
Hindi ko alam kung papaano ko na-survive ang maghapon nang hindi ako nagpapass-out. Mabuti na lang talaga ay may pinainom sa 'kin si Captain at tumagal ako ng maghapon. Pagbalik ko sa hotel room ay bagsak din agad ako. Gusto ko na lang matapos ang seminar na ito at umuwi ng Maynila. Kailangan kong i-focus ang utak ko sa trabaho at hindi ako tatagal sa ganitong seminar lang na nakikinig sa speakers. Iyong bagay lang na pinakaayaw kong isipin ang siguradong papasok sa utak ko.
Napatitig ako sa phone kong nasa kama. Maghapon ko nga pa lang iniwan ito rito sa kwarto dahil ano bang gagawin ko kapag dinala ko? Siguradong mang-iistalk lang ako tapos masasaktan lang ulit ako. Gaya ngayon, parang may magnet na naman ang kamay ko na pilit kinukuha iyon. Alam na alam ko na ang gagawin ko kapag nahawakan ko ang phone ko, kaya no. Hindi pwede.
Bumuntong hininga ako at dinaganan ang mga kamay ko habang nakadapa. Pumikit ako at pinilit ang sarili ko na matulog na kahit maaga pa. Ayoko na kasing mag-bar dahil baka sukuan na 'ko ng atay ko. Ayoko pa namang mamatay, 'no.
Naramdaman ko ang unti unting pagkabasa nang unan ko. The heck? I can't believe I'm crying like a f*****g kid right now. Wala na yata talaga akong swerte sa lalaki. It seems like every men in my life were always meant to break me. Kaya nga nililibang ko na lang ang sarili ko kay Fyuch pero ganoon pa rin ang kinahinatnan. I should've seen this coming. I shouldn't have let myself fall for someone who's not into me. Alam ko namang mahirap magkagusto at magmahal ng taong hindi sigurado sa 'yo, pero heto ako at nasa sitwasyong iyon na naman. Nakakaloka ka talaga, Portia Deanna. Kelan ka ba matututo?
Kinapa ko ang phone kong nag-va-vibrate kahit sumisinghot singhot pa 'ko. I answered it without looking at who the caller was.
Hindi ako nagsalita at hinintay ko lang na sumagot iyong nasa kabilang linya. Gusto kong i-assume na siya ang tumawag pero parang niloloko ko na lang ulit ang sarili ko. Ni hindi nga namin alam ang contact number ng isa't isa. And I doubt na ibibigay niya sa 'kin ang number niya dahil isang stalker at scammer lang naman ako sa paningin niya. Ang saklap 'di ba?
"H-Hi." Panimula nito nang hindi talaga ako nagsalita.
Napa-pause ako sa pagsinghot at umayos ng umupo. Chineck ko agad ang screen ng phone, to see kung sino ang tumawag pero numero lang ito. I don't wanna assume, but his voice was familiar.
"Sino 'to?"
"It's me." Mabilis na sagot nito na tila alam niyang mahuhulaan ko agad kung sino siya. Para akong nabato sa kinauupuan ko. "It's...Sam."
Napaawang ang labi ko sabay kunot din ng noo ko.
"How did you get my number?" nagtatakang tanong ko. As far as I know ay hindi pa naman ako ganoon ka-walangya para i-save ang numero ko sa phone niya without him knowing.
"Doesn't matter," masungit na sagot niya. "Are you still in Baguio?"
"Y-Yeah. N-Nakauwi ka na?" nauutal na tanong ko. Tangina sana hindi niya nahalatang kabadong kabado ako ngayon. Tinanong ko pa kung nakauwi na siya eh obvious naman dahil PH number itong pinantatawag niya sa 'kin.
"Are you busy?" mahinang tanong niya. Medyo nanibago ako sa tono ng boses niya dahil hindi ito tunog masungit.
"H-Hindi naman," Tapat na sagot ko.
"You're not answering my messages."
Medyo napa-rewind ako ng 3x sa utak ko nu'ng sinabi niya.
"You're...messaging me?" pagkumpirma ko. Ilang segundo siyang natahimik bago sumagot.
"Y-Yeah...earlier."
Kinagat ko ang labi ko.
"Ah. Hindi pa kasi ako nag-o-online." I tried to sound normal and cheerful para hindi siya makahalata sa nangyayaring katangahan sa 'kin. "Busy ka naman sa China buti naisip mo pa 'ko?"
Ay bitter si ate. Ayaw magpahalata pero ang pait!
"Nagka-problema lang sa kasong hinandle ko doon, but it's okay now."
"Ah. Pero mukha namang nag-enjoy ka. Ang saya niyo ngang nag-bar."
"What?"
"Uyy patay malisya ka pa. Okay lang naman don't worry." I sarcastically laughed tho I didn't mean it. Hindi ko lang talaga mapigilan. "At saka pake ko ba kahit makipaghalikan ka pa sa Jenny na 'yon?"
Pucha bakit ko sinabi 'yon?! Malalaman tuloy niyang iniistalk ko na naman siya. Tsk.
"How did you know I was with her?" kahit hindi ko siya kaharap ay parang naiimahe ko na ang pag-iisa ng kilay niya.
Natawa ako ng malungkot sabay kinusot ko ang mga mata ko para pigilan ang kung ano mang nagbabadyang mahulog doon.
"Pakalat kalat kaya 'yung mga tagged photos ninyo. But don't worry ha. Baka bigla kang ma-guilty na nakita ko iyon," depensa ko agad. Ayoko naman kasi talagang ma-guilty siya. Hindi naman labas sa ilong ko iyong sinabi ko na 'yon.
"Aren't you mad?"
"Why would I get mad?" mabilis na tanong ko pabalik. "Ano ba kita?"
Hindi ko gustong tarayan siya ngunit parang kusa na lang na lumlabas iyon sa bibig ko. I heard him took a deep sigh.
"Portia, look. It's not what you think—"
"So what?" pagputol ko sa sinasabi niya. "Hindi naman importante kung anong iniisip ko."
Tumawa ako ng pagak.
"What you saw isn't like what you're thinking right now." I don't know if it's just me assuming that he sounds like kinda nervous. Pero ang tanga ko naman masyado kung aasa pa rin ako sa isang bagay na malabong mangyari.
"Wag kang mag-alala susuportahan naman kita!" masiglang sabi ko at pinilit kong ngumiti kahit hindi naman niya 'ko nakikita. Mabilis kong pinalis ang lumandas na luha sa pisngi ko. "You're my friend, Sam. I can even introduce you to other girls just in case magsawa ka sa Jenny na iyon. Just tell me, okay?"
"Are you being serious?"
"Of course! Maloko lang ako madalas pero...nagseseryoso naman ako." Napatakip ako sa bibig ko nang biglang kumawala ang mga hikbi ko.
Putangina naman oh.
"You're crying. Fuck."
"N-No...fuck. I-I'm not c-crying," pagtanggi ko kahit halos ngumawa na 'ko rito sa kwarto ko.
Ni-loudspeak ko ang call para marinig ko pa rin siya kahit ilayo ako ang phone sa bibig ko. Ayokong marinig niya 'kong umiiyak. Para akong tangang pabebe na nagpapaawa. Hindi naman ako ganoong klase ng tao. Kahit crush ko siya ay hindi naman ako magpapaawa effect para lang i-crushback niya ako. I'm not that f*****g desperate yet.
"Portia...fuck. Get down. I'm here in front of your hotel."
***