Kabanata 11

3342 Words
Kabanata 11 "Ayy bakit may action scene?!" eksaheradang sigaw ni Dior pagka-chika ng chismosang si Lyra sa nangyari kagabi. Isa isa na naman silang nagsidatingan dito sa condo ni Kairo nang walang pasabi! "Malandi ka! Ang harot harot mo!" pinagkukurot ako ng maliliit ni Mona kaya nagrereklamo akong gumulong sa kabilang side. Nakahilata kasi kaming dalawa sa carpeted floor sa sala. "Kasalanan ko bang maganda ako?!" nanlalaking mata na singhal ko. "Kaya pala pinagpalit mo si Easton sa lawyer na 'yon, huh? Magaling sa action scene!" asar ulit niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me, that f*****g cheater has nothing to do with my Fyuch, okay? Wag niyo silang ipagkumpara dahil sobrang layo!" Well, pareho silang matangkad pero wala pa rin sa kalingkingan ni Attorney si Easton dahil una sa lahat, Fyuch is not a cheater. Hindi pa lang talaga niya 'ko masyadong gusto sa ngayon, pero bukas malay niyo magkaro'n ng himala. "Ano bang meron d'yan sa jowa-jowaan mong 'yan at mukhang patay na patay ka? Malaki ba?" Napatingin ako kay Lyra na mukhang sobrang seryoso sa tanong niya. "Alin? Ang sahod? Di ko pa natatanong e. Required ba 'yon?" "Boba ka yung etits niya tinutukoy ko!" barumbadong sagot niya. Nanlaki ang mata ko sa kabastusan niya habang siya naman ay hagalpak sa pagtawa. "Pakyu ka, Lyra Juliette!" "Hina mo naman siz!" naiiling na singhal niya. "Pero siguro naman 'yung kay Easton-" Tumayo na ako para takpan ang bastos na bibig niya. "Pucha siz past is past! Walang ungkatan ng nakaraan!" defensive agad ako. Lol. "Hahahahaha! Okay okay fine." Itinaas niya ang dalawang kamay na animo'y sumusuko na sa laban. "Kinonfirm ko lang naman kung kailangan na ba talaga kitang itakwil sa pamilyang 'to. Dahil hindi ko mapapayagan kung sakaling never kayong nag-s*x ni Easton sa tagal ng landian ninyong dalawa." We were young, wild, and free back then. Pero kung pwede ko lang din bawiin lahat ng nangyaring iyon ay baka ginawa ko na sa sobrang galit ko sa gagong 'yon. Bakit ko ba kasi binigay lahat? Kase mahal ko ang gago. Gumapang ako paakyat sa sofa at ipinatong ko ang ulo ko sa kandungan ni Dior. "Haay. Ikaw talaga ang pinakamarupok sa ating apat kaya ka nasaktan ng Easton na 'yon." aniya habang sinusuklay suklay ang buhok ko. "Sana natuto ka na ha? Wag masyadong marupok." "Kapag kasi usapang lalake, 'wag paiiralin ang puso. Men were just made to f**k in bed-not to f**k our lives." panenermon ni Lyra. "May utak din pala 'yang k**i mo minsan, ano?" singit ni Mona. "Namern!" Proud na proud si gaga kaya puro tawanan na naman kaming apat! May point din naman siya. Pero kasi kahit nasaktan ako, hindi ko naman nilalahat ng lalake gago. Si Easton lang talaga. Yung akala mo siya na dahil sobrang perfect na e. Kilala niyo na ang isa't isa at kung minsan nga mas kilala ka pa niya kaysa sa sarili mo. Sobrang saya ninyo kapag magkasama tapos sa bandang huli gagaguhin ka lang ng walanghiya. For the first time in forever ay nagpalipas lang ng oras ang mga pinsan ko rito. Walang halong inom dahil may mga sched pa sila in an hour. Ako naman ay chill na lang dahil nakapagpasa na 'ko ng script ko kay mini boss. Marami akong time para landiin si Fyuch kaya chineck ko kung online siya kaso hindi. Baka nasa work. Pero chinat ko pa rin siya. Porkshaaa: hi fyuch! Miss you! Medyo ang tagal niyang magreply kaya tumayo muna 'ko at naghanap ng pagkain sa kusina. Wala naman akong napala sa paghahanap ko kundi isang kinagatang burger na inaamag na sa ref. "Di ba kayo nagugutom?" hawak ko ang kumakalam kong tiyan habang pabalik sa sala. "Gutom na. May lalake ka ba d'yan?" "Malandi ka! Pagkain tinutukoy ko!" "Eh sa lalake kinakain ko, may magagawa ka?" Sinapok ko tuloy siya bago ako tumabi ulit kay Dior. Wala na yata talagang pag-asa na sumagot ito ng walang bahid ng kalandian. Napabalikwas ako nang tumunog ang chat alert ko. Halos buhatin ko si Dior mula sa pwesto niya dahil dinaganan niya 'yung phone ko! "Atat na atat naman! Sino ba 'yang ka-chat mo?" "Sino pa ba? Edi 'yung future ko!" sssmith: what. Ang sweet naman ng reply! Wala man lang miss you too! porkshaaa: wer r u, bb? sssmith: office. porkshaaa: hala sana pala kinuha ko muna si Tammy. Wawa naman siya dun. sssmith: get him. He has a scheduled vaccine today. sssmith: pswrd 767842 Ohmayghaaad! Binigay niya 'yung password ng unit niya?! Pinilit kong kalmahin ang kumakabog kong puso sa tuwa. porkshaaa: san vet niya? sssmith: I'll pick you up. Hindi ko na napigilan pang mapasigaw sa kilig kaya napatingin iyong tatlo sa 'kin. Nag-peace sign lang ako sa kanila bago ako kinikilig na nag-type ng reply. porkshaaa: okii bb. Take care. ? Tumayo agad ako at pumunta sa unit ni Fyuch. Nilagay ko 'yung binigay niyang password at pagbukas ko ay sinalubong agad ako ni Tammy. Kinuha ko iyong backpack na lalagyan niya ng mga gamit at binuhat ko na siya pabalik sa unit namin ni Kairo. "Hoy wala bang rabies 'yan?!" sigaw agad ni Lyra nang pakawalan ko si Tammy. "Mukha ka pang may rabies d'yan sa totoo lang." pumasok ako sa kwarto para magpalit ng damit. Medyo mainit sa labas kaya nag-sleeveless shirt lang ako at shorts, tapos sandals at 'yung sling bag kong white. Paglabas ko nilalaro na nila si Tammy. "Aalis ka?" tanong ni Dior. "Susunduin kami ng Daddy niya. May checkup kasi ang baby namin today." Binuhat ko si Tammy at sinukbit sa likod ko ang backpack niya. May diaper siya dito, tissue, leash, cologne, at towel. May poop bag din siya for emergency. "Wow may roleplaying," ani Mona na tinignan pa 'ko mula ulo hanggang paa. "Feel na feel maging inaso." "Hoy! Grabe ka!" singhal ko kay Lyra. "Anong grabe ka!" ginaya pa niya 'ko. "Ina ka naman talaga ng aso. Edi inaso in short!" "Inggit lang kayo! Babush!" Bumaba na kami ni Tammy at sa lobby na lang namin hinintay si Fyuch. "Tam, tulungan mo naman si Mommy later kay Daddy, ha? Tayo ang tunay na magkakampi rito kaya dapat nagtutulungan tayo!" hinimas himas ko 'yung ulo niya at pinaulit-ulit lahat ng bilin ko. Tumayo kami nang mag-chat na si Fyuch na nasa labas na siya. "Say hi to Daddy, Tammy." Kinuha ni Fyuch iyong backpack ni Tammy sa balikat ko at nilagay niya sa backseat. Huhuhu. Pakshet feeling ko talaga isang masayang pamilya kami ngayon! "Did you bring him toy?" "Hala. Wala ba sa bag?" "Never mind." kinuha niya ulit 'yung backpack at kinuha iyong diaper ni Tammy. Takot niya sigurong kalatan itong sasakyan niya! Lol. "Angat mo konti." Inangat ko naman at buti ay sobrang behave lang ni Tammy habang sinusuotan siya ni Fyuch ng diaper. "Naks pwede na," asar ko sa kanya. "Anong pwede na?" tanong niya nang naka-focus pa rin sa pagsusuot ng diaper. "Pwede na kitang bigyan ng anak." Sinamaan niya 'ko ng tingin bago siya umayos ng upo at binuhay ang makina ng sasakyan pagkatapos. Habang nagda-drive siya ay naisipan kong magpatugtog kaya pinakelaman ko 'yung player niya. Buti na lang may dala ako laging otg at sinaksak ko iyon sa player niya. "Aaaah! Oooh! Ahhww!" Humigpit ang hawak niya sa manibela. "Portia..." nagbabantang tawag niya sa pangalan ko. Hindi ko siya pinansin kaya para akong tutunawin ng masasama niyang tingin nang puro kanta ng sexbomb ang nasa playlist ko. Hahahahah. May sad song pa nga ng daisy syete at sinabayan ko lahat ng pinatugtog kong iyon kaya nang makarating kami sa vet ay akala ko mapapatay na 'ko ni Fyuch. Mapapatay sa kilig! Chos! "Hi, Atty. Smith!" bati agad nung babaeng veterinarian at muntik ko ng mabitawan si Tammy nang bumeso ito kay Fyuch! "How are you, Tammy?" pabebeng tanong nito at kinuha sa 'kin si Tammy nang hindi man lang ako tinitignan?! Bakit ba ginagawa akong hangin ng mga beso girls na 'to ni Attorney?! Hindi ba nila 'ko nakikita? Gano'n na ba ko kaliit para hindi nila mapansin ang presensya ko? Hmp! Pinagkrus ko ang mga braso ko at nakasimangot akong pinaupo ni Fyuch sa tabi habang pinapanood ko na landi landiin siya nung veterinarian na 'yon. Sa susunod ako na lang ang magdadala rito kay Tammy! O kaya hahanap ako ng ibang vet! Yung lalake para sure! "Naku gumaan ka yata, Tammy?" napairap agad ako at pakiramdam ko ay lalong humaba ang nguso ko. "Arte talaga." Inip na inip ako kahit wala pang 30 minutes ang tinagal namin sa clinic niya. Si Fyuch na ang nagbuhat kay Tammy nang pabalik na kami sa sasakyan. "Sasayad na labi mo sa sahig," aniya at inabot niya sa 'kin si Tammy nang makaupo na 'ko sa front seat. "Edi maganda. Sana umabot sa 'yo." Tinaasan lang niya 'ko ng kilay bago sinarado ang pinto at umikot siya papuntang driver's seat. "Is there a problem? Ang sama ng mukha mo." Tanong ulit niya pagkapasok sa sasakyan. "Sino naman kasing hindi sasama ang mukha na panoorin kang landiin ng veterinarian na 'yon?" inis na sagot ko. "Hindi niya 'ko nilalandi." "Ows? Di nga? Kaya pala kuntodo chika habang tinuturukan si Tammy tapos ikaw naman sagot ka lang ng sagot." "It's rude not to respond." "Wow pag sa 'kin hindi rude. Sabagay, veterinarian ba 'ko?" sarkastiko akong tumawa. "You're really mad, huh?" a small amused smile appearing on his face. "Talaga! Tapos may pa-beso pa! Naku nanggigigil talaga ako." "It's a normal way of greeting." "Ah. Okay. Normal way of greeting naman pala." Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang yakap yakap ko si Tammy. "Are you jealous?" Gulat akong napalingon sa kanya "Jealous? Ako?" at tinuro ko pa ang sarili ko. "I'm not jealous! Hindi naman tayo para magselos ako." "Defensive." Sasagot pa sana ako nang biglang iba 'yung sumagot sa kanya. Yung tiyan kong kanina pa nagwawala sa condo. "What do you wanna eat?" "Jollibee." Mabilis na sagot ko. "Okay then. Jollibee." Ang babaw lang ng kaligayahan ko 'di ba? Pag talaga jinowa ako nito, walang magiging matinding pagbabago sa spending niya. Hindi naman kasi ako maluho katulad ng ibang babae. Kahit nga d'yan lang kami sa tabi tabi kumain ayos lang! Noong bata kasi ako, I'm used to eating at expensive restaurants and lagi kong pinapangarap noon na kumain sa mga turo turo. So ngayong nagpaka-independent ako, I'm now living the dream! Nag drive thru siya at umorder ng pagkadami dami! "Dun tayo sa ilalim ng malaking puno na 'yon!" tinuro ko sa kanya iyong puno sa tabi ng simbahan. Sumunod naman siya at doon kami nag-park sandali. He had his car top down at dito kami kumain. Sobrang sarap ng hangin dahil puro mga puno ang nakapaligid. Tapos may simbahan pa. Natawa tuloy ako at napatingin siya sa 'kin. "What gibberish are you thinking again?" "Judgmental ka." "I'm not. It's just that you always think crap." "Ayy judger. Natutuwa lang naman ako na nasa tabi tayo ng simbahan." Natawa ulit ako habang sinasabi iyon. "So what? Gusto mong mangumpisal?" "Gago hindi. Pero gusto ko nang magpa kasal. Tara? " "Baliw." Naiiling niyang tinulak ng mahina ang noo ko at saka tinanaw ang direksyon ng simbahan. "Yiee pinag-iisipan niyaaaa." asar ko. Sa 'kin okay lang naman kasi. Chour! "In your dreams." So nabusog ako sa dami ng nakain ko at sa dami ng tinawa ko. "Kailangan kong mag-gym later. Ang dami kong nakain." Sabi ko habang nag-iinat ng katawan. "Kaso tinatamad pala ako." Nakita kong inismiran niya 'ko. Eh sa tinamad ako bigla e! "Wala ka bang alam na other way to burn fats? Yung hindi nakakapagod?" "Wala." "Ako meron." Mukha na naman siyang walang tiwala na napatingin sa 'kin. "But I would need your help." "What help?? "They said kissing someone for one minute burns 2.6 calories. Wanna help me burn cals some time?" "You're hopeless, you know?" inirapan niya 'ko tapos biglang tumunog 'yung cellphone niya. Tangina ako yung bumabanat pero ako lang rin kinikilig! Pfftt... "What?" masungit na bungad niya sa kausap. Parang na-feel ko bigla 'yung nararamdaman nung nasa kabilang linya. Hahahaha. "You know I don't take criminal case." Parang biglang lumamig iyong ihip ng hangin sa nakakatakot na tono ng boses niya. "Just ask Steel to take it... No, I'm not changing my mind." puno ng diin na wika niya. Parang biglang kinilabutan ako sa batok. "Then tell them to find another lawyer." inis niyang pinatay ang tawag. Isinandal niya ang kanyang ulo sa headrest habang hinihilot ang kanyang sentido. Nakapikit lang siya na parang sinusubukan niyang kalmahin ang kanyang sarili. Mukhang stressed na stressed talaga siya doon sa nakausap niya. "Hindi ka tumatanggap ng criminal cases?" lakas loob na tanong ko. Sinulyapan niya 'ko sandali. "Yeah," tipid na sagot lang niya at saka pumikit. "Bakit? Di ba naipanalo mo naman iyong kaso ng Papa ni Adara?" Iyong murder case kasi ng Papa ni Adara ang kauna unahang kaso na hinawakan niya at naipanalo. Bigla siyang napaayos ng upo at tinignan niya 'ko ng seryoso. "That's why I don't wanna take another one. Dahil hindi lahat ng kaso ay dapat ipanalo." Nagtaas ako ng kilay sa pagtataka. "Anong ibig mong sabihin? Di ba dapat magsaya ka kung maipanalo mo lahat ng kasong hawak mo?" "Pero paano kung hindi siya karapat dapat na manalo?" "Edi 'wag mong papanalunin." simpleng sagot ko. Natawa siya bigla. "That's not how the law works, Portia. As a lawyer, it would be inappropriate and unethical to judge your client." "It's part of our profession to thoroughly evaluate them and pay attention to details to ensure that every side of the story is well represented." "There is always more than one side of the story and we need to be objective about it." Medyo ni-nosebleed ako do'n pero hindi ko iyon pinahalata. "Ahh. Kaya totoong mga sinungaling kayong mga abogado." "Judger," panggagaya niya sa sinabi ko kanina. "Hahahaha! Totoo naman kasi base sa mga sinabi mo! Kung nagkataon pala na magaling ang abogado ng isang guilty client, malaki pala talaga ang chance niyang manalo!" "Innocent until proven guilty." "Yun na rin 'yon! Kung alam mong guilty naman talaga siya kahit wala pang tamang proseso ng batas, guilty pa rin siya!" "It's not anyone's job, even lawyers to secretly judge their client before the court released its verdict." Napairap ako dahil hindi ko matanggap na ganoon ang proseso ng batas. Nakaka-stress! "Paano kung harapan mo ng nakitang siya ang pumatay? Pero dahil sa wala pang verdict ay hindi pa rin siya pwedeng tawaging guilty?! Punyemas. Kaya maraming mahihirap sa bansa natin ang nakukulong ng walang kasalanan! Dahil sa maraming mayayaman na halang ang bituka ang kayang magbayad ng magaling na abogado!" Sapo sapo ko ang dibdib ko habang hinahabol ko ang paghinga ko. Sumasakit na ang ulo ko sa usapang 'to! I heard him chuckle. "Okay let's stop this talk. You're getting too emotional." "Am I?" "Yes, judger." sarkastikong sagot ulit niya. Nawala na iyong sama ng mukha niya kanina at nakangiti na siyang nag-drive pauwi. Hindi muna ako dumeretso sa unit ni Kairo at sumama ako paakyat kay Fyuch. "Wala ka ng work?" tanong ko habang nakasunod sa likuran niya. Nakasabit pa ang bag ni Tammy sa balikat niya. Ang kyuuuut! "Meron." "Bakit umuwi ka na? Di ka na babalik sa office?" "I'm sleepy." "Ah kapag anak ka ng may-ari ng kumpanya at inaantok ka, pwedeng umuwi?" "Tss." "Siguro nung nag-aaral ka ganyan din ginagawa mo?" Bigla siyang huminto sa paglalakad. "What's wrong with going home when you're sleepy?" ngising tanong niya pabalik sa 'kin tapos naglakad ulit siya. "Wow so tama nga ako?!" natatawang akusa ko. "Grabe ang sakit mo siguro sa ulong maging estudyante!" Naaalala ko pang sinabi ni Zeno noon sa 'kin ay bully daw itong si Fyuch noong bata. Natatawa tuloy ako hanggang sa pagpasok namin sa unit niya. Parang gusto kong alamin lahat ng mga kalokohan niya noong bata siya! Feel at home ako na humilata sa kanyang sofa habang siya naman ay pinakain agad si Tammy. Alam niyo na ngayon kung sino ang magiging mas mabuting magulang sa amin. Lol. "Kwentuhan mo naman ako ng mga funny moments mo nung bata ka!" sigaw ko sa kanya. Nakataas ang mga binti ko sa sandalan ng sofa habang ang ulo ko ay nakabitin sa gilid at pinapanood ko siya nang nakabaligtad. "They're not funny for me." "Malay mo naman funny sila for me! Dali na!" "Hmm." Napahawak siya sa baba niya habang nag-iisip kuno. "My teacher asked us to prepare a poem for our next day class. But I was so sleepy to think when the night came so I asked kuya Chan to make one for me, but he didn't want to." "Teka 'di ka pa natatapos natatawa na 'ko. Hahahahhaha!" nakahawak ako sa tiyan ko habang tumatawa. "So paano ka nakagawa?" "I just searched on the internet. Actually I still memorize every word of it until now. My teacher got so mad when she heard my poem." He cleared his throat as he prepared to deliver his poem. "Roses are red, Violets are blue. A face like yours, Belong to the zoo. Don't you worry, I'll be there too. Not in the cage, But laughing at you." Tuluyan akong nahulog sa sahig habang mamatay matay ako sa kakatawa! Tangina! Hahahahahaha! Naawa ako bigla sa teacher nito! Hindi ko ma-imagine iyong mga taon na tinanda niya sa sobrang stress niya siguro sa batang 'to! "Too much laughter will kill you." "Pffthahahahahah putangina hahahahahahahaha! Paano kang naging ...lawyer kung ganyan...ka..hahahahha." "I was born smart." "Gaguuuu. Hahahahahahah! Intelligence isn't something you're with! Hahahahaha. Yabang mo! Siguro nag-aral ka lang ng mabuti!" "I actually don't always study. But when I do, I make sure my parents could see." "Mapagpanggap ka pala kung gano'n! Pero kwentuhan mo pa 'ko dali! Tuluyan mo na 'kong patayin sa tawa today!" Natatawa pa siyang nag-isip ulit. He snapped his fingers when he thought about another one. "We were told to compose a short story. I submitted a story about my cat and my teacher told me I copied my brother's work. Then I told her it's just the same cat. She got angry and she dismissed our class early. All of my classmates thanked me after." Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa mga palad ko at pinilit kong makaupo ng maayos dahil feeling mamamatay na talaga ako sa kakulangan ng hininga sa kakatawa. Napakatagal ng panahon magmula noong last akong tumawa ng ganito katindi! Binigyan niya 'ko ng tubig nang medyo kumalma na 'ko. Pero nang iinumin ko na ito at maalala ulit iyong kwento niya, naibuga ko iyong tubig at nagkalat ako ng 'di oras sa sala niya. "Portia!!" "Sorry...hahahahahahahahahha!" pati damit ko ay nabasa sa kakatawa ko. Feeling ko madami daming hangin ang naipasok ko sa katawan ko ngayong araw na 'to. Pagod na pagod ako pagkatapos kong itawa lahat ng kasiyahan ko sa katawan. Kanina sabi ni Fyuch inaantok siya kaya hindi na siya babalik sa office. Pero dahil yata sa kakatawa ko ay naglaho na lang bigla ang antok niya. Tumayo siya at naglakad papuntang kusina. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya dahil kahit nakatalikod ay sobrang pogi pa rin niya sa paningin ko. Nakagat ko ang labi ko nang mahulog ang tingin ko sa pwet niya. Humahagikgik ko na namang tinakpan ang bibig ko sa kamanyakan ko. "Fyuch, may band-aid ka?" "Meron." "Penge naman ako, please?" Umayos ako ng upo nang lapitan niya 'ko at may dala nga siyang band-aid. "Nasa'n ang sugat mo?" Tinuro ko ang malinis kong tuhod sa kanya. "I scrapped my knees falling for you." Tinulak niya sa daliri ang noo ko at nangingiti naman siyang tumayo. Sa kakaharot ko hindi ko namalayan na ginabi na pala ako dito. May konti hiya pa naman ako kaya tumayo na ako para magpaalam. "Fyuch! Uwi na 'ko!" "I ordered dinner. Don't you wanna eat first?" "Ay sure sige." At bumalik ulit ako sa sofa. :) ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD