Kabanata 10

4921 Words
Kabanata 10 "Kainin mo na, please?" "No. It's so creepy. I can't even look at it." "Edi pikit ka muna bago mo isubo." Kulang na lang ay literal kong makita ang usok na nagmumula sa mga butas ng ilong niya. I showed him my saddest face but in the end, he still didn't eat it. Nakasimangot tuloy akong kumain. Ang KJ! "Sam?" Sabay kaming napaangat ng tingin sa babaeng tumawag sa kanya. Nakatayo na ito sa gilid ng table namin. Teka...Ito 'yung babaeng kasama niya sa club! Yung...yung...yung retokada! Bakit naman nandito 'tong made in china na 'to? Hehe. "Jenny?" Siya nga! Yung Jenny! "What a coincidence! What are you doing here?" "Malamang kumakain," pabulong na sagot ko sabay nag-iwas ako ng tingin. Sinulyapan ko siya after few seconds na hindi pa rin siya umaalis at tinaasan agad niya 'ko ng kilay. In fairness, ang yaman ng dibdib ni ate ghorl. Tunay naman kaya? Chour! "Do you need anything?" masungit na tanong ni Fyuch. Tama 'yan! Iparanas mo rin sa kanya iyong mga kasungitan mo sa 'kin! "I just bought a takeout. Favorite ko kasi ang food nila rito," super arteng sagot niya. Sus. Di naman tinatanong e! Pero hayaan na. Share niya lang naman siguro. "Kain na tayo, Fyuch. Gutom na gutom na 'ko," singit ko nang nakanguso pa para cute. Bumaba tuloy ang tingin ni ate Jenny sa nguso ko. Yiee inggit siya. Very natural kasi ang pink kissable lips ko. Unlike hers, 'di mo sure. "If you don't need anything then, we'd like to eat now." "Can I join na lang? It's sad kasi to eat alone in my condo. Glad you're here!" Hindi pa man sumasagot si Fyuch ay tumawag na si ate mo ghorl ng waiter para magpadagdag ng extra seat sa table namin, saka niya pinalagay sa plate 'yung takeout food niya. Woah! Bilib naman ako sa kakapalan ng mukha nitong China doll na 'to. Can't she see that Sam's with his special someone? Hello? Hangin ba 'ko rito? Napairap ako at nahuli pala ako ni Jenny doon. Kiber! "Who is she, Sam?" "His girl friend." Ako na ang sumagot. Her forehead automatically creased. "Since when did you have a girlfriend?" tanong niya kay Fyuch kahit ako naman 'yung sumagot. Since birth, teh! Wala pa siya sa mundo nakatakda na 'kong maging girlfriend at asawa niya. Kaya pwede ba? Nangangain ako ng tao kahit hindi mukhang fresh. Kaso may preservative additives na 'to, so no thanks. "Jenny, please. Let's eat in peace." Dumating na rin iyong pagkain nya. "Okay okay." She smiled at Sam then bumaling siya sa 'kin. I gave her my creepiest smile. Mukha siyang kinilabutan sa ngiti ko kaya gusto ko lalong matawa. Pero in fairness ha. Medyo maganda ang pagkakagawa sa kanya. Hindi ko kasi mapigilan ang pagmasdan ang mukha niya dahil na-cu-curious ako sa kung papaano ang ginawang retoke sa kanya. Nahuhuli ko rin ang mga panakaw niyang tingin kay Fyuch kaya gusto ko tuloy tusukin ng tinidor 'yung mga mata niya imbes na 'yung mga takoyaki ko. Ewan ko na lang kung matunawan siya today sa ginawa kong pagtitig sa kanya hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi na kami nagpahinga pa after dahil niyaya ko na agad na umalis si Sam. Nakakainis dahil bumeso pa 'yung Jenny na 'yun sa kanya! Ako nga hindi pa nakakabeso e! "Since when did you become my girlfriend?" tanong agad niya pagbalik namin sa sasakyan. "Ngayon lang, kung okay lang sa 'yo. Kung okay lang naman, ha? Di kita pinipilit," medyo defensive na sagot ko. Ayokong ma-pressure siya. "Stop saying you're my girlfriend to just anyone. I don't wanna create confusion, Portia," seryosong sabi niya habang nagda-drive. Napataas agad ako ng kilay. "Ano bang mali sa sinabi ko? I'm your friend and I'm a girl. So girl friend mo talaga ako." I rested my arm on the side of the window, laughing a little. "It's you who's creating confusion. But it's okay. I like it." "Scammer." Hindi na 'ko sumagot at tumingin na lang ako sa labas para doon itinago ang ngiti ko. Stalker, scammer, kahit ano pa 'yan! Sa 'kin din ang bagsak mo sa huli. Think positive! Since wala naman akong gagawin buong araw and Sunday is family day, nag-stay ako sa unit ni Fyuch para complete family kami. Chour! Akala ko pa naman ay makakapag-bonding kami dahil nandito ako, hindi pala. Sobrang busy na naman kasi niya sa laptop niya tapos may hawak pa siyang makapal na libro. Natakot akong istorbohin siya dahil baka ihampas niya sa 'kin 'yon. "Huy." Bulong ko kay Tammy na nakahiga sa sahig. "Ayain mo naman 'yung Daddy mo na makipag-bonding sa atin! Wag kang tamad d'yan." tinusok tusok ko ng daliri ko 'yung tiyan niya. Kanina pa kasi siya nakahilata at hindi man lang worried na hindi kami pinapansin ng ama niya. Tamad na tamad lang akong sinulyapan ni Tammy tapos ay pumikit na ulit siya. Ay sus. Kailangan ko yatang i-enrol 'to sa dog school at paturuan ng tricks on how to get your daddy's attention. Nakabukas naman ang TV at hinayaan akong manood ni Fyuch para hindi ako mainip, pero inip pa rin ako dahil siya ang gusto kong magbigay aliw sa 'kin! Kaso hindi naman nga ako pinapansin! Kung anu-ano na tuloy ang nagawa ko sa buhok ko habang hinihintay siyang matapos. Pinaikot ikot ko na 'to, tinirintas, hanggang sa may mahagip ang mata ko sa ibabaw ng coffee table na nasa harap ko. Gunting. As in scissors. Nagliwanag agad ang mukha ko dahil matagal ko ng gustong mag-bangs kaso hindi matuloy tuloy dahil wala akong time magpunta ng salon. Pero ngayon feeling ko bagay talaga sa 'kin ang mag-bangs at kailangan kong magka-bangs right here, right now. Medyo natawa ako sa naisip ko. Sobrang bored ko na ba talaga at naisipan ko ng mag-bangs?! Agad akong tumayo ako at kinuha iyong gunting saka ako pumasok sa CR. Sumunod sa 'kin si Tammy at umupo siya sa hamba ng pinto kaya hindi ko na lang sinarado iyon. Pinapanood niya 'ko na nakatayo sa harap ng malaking salamin habang hinihiwalay iyong mga buhok ko na gugupitan ko. Nag-search pa 'ko ng video tutorial sa youtube para sure. Sinuklay ko sa mga daliri ko iyong buhok ko, tapos hinatak ko iyong mga nahiwalay ko at dahan dahan kong ginupitan ito ng pa-curve katulad nang nasa video. Biglang nasugatan iyong babae sa video kaya napasigaw siya ngunit sabay kaming nagulat sa kinalabasan ng bangs niya. Nabitawan ko ang gunting sa sink at hinawakan ang ginupitan kong bangs. Napatili ako nang pagmasdan ko ang sarili ko sa salamin! Pareho iyong kinalabasan ng bangs niya at bangs ko! "Ahhhhh!!!!!!" nagpapanic kong sinuklay ito at baka sakaling humaba ulit! "Portia? What happened?" dinig kong sigaw ni Sam mula sa sala at narinig ko ang mga yabag niyang patungo rito. Agad kong pinaalis si Tammy sa hamba ng pinto at mabilis na sinarado ito. "Portia? Bakit ka sumigaw?" Hindi ako sumagot. Nakatulala lang ako sa sarili ko sa salamin. Tangina ano 'tong ginawa ko sa sarili ko?! I just f*****g ruined my hair! "Portia, are you okay?" kinatok katok niya ang pinto at narinig ko na ring tumatahol si Tammy sa labas. "f**k. Open this damn door, Portia." No no no. I can't let him see me like this! Nagpabalik balik ako ng lakad habang nag-iisip kung papaano akong makakalis dito nang hindi niya 'ko nakikita! Tinignan ko ulit iyong pinapanood kong tutorial. No'n ko lang nakita ang nakasulat sa description ng title nito. When you cut your bangs the wrong way. Fuck! Bakit ba sila nag-a-upload ng gan'tong video nang hindi masyadong nililinaw ang content sa mismong title?! Napatingin ako sa seradura nang pinto na binubuksan na ni Fyuch ng susi! Mabilis akong tumalikod at umupo. Itinago ko ang mukha ko sa mga tuhod ko. Nabuksan na niya ang pinto! "Anong nangyari—" He must've seen my hair on the sink! And the tutorial video was still playing! Dammit! "Please...don't look at me." Medyo basag na boses na sabi ko sa hiya. "U-Uuwi na 'ko. P-Pwede bang tumalikod ka muna?" Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ko. s**t. Pinakatakip ko ng mga braso ko ang paligid ng mukha ko. "Portia, harap ka sa 'kin." marahang utos niya. "Ayaw. Please 'wag mo 'kong tignan." I heard him chuckle. "Let me see it." pilit niya. "No. You'll just laugh at me." "I promise...I won't laugh." "But you're already suppressing a laugh, dumbass!" "Hahahahahahhahahahahaha!" "Di na kita crush! Dun ka na!" Nakakainis! Ngayon ko hinihiling na sana ay may powers akong makapag-teleport o maging invisible man lang! Tawa siya ng tawa sa gilid ko! I felt him put his hand on my head. "Dali na harap ka na sa 'kin. Papaayos na lang natin kung hindi talaga maganda." Biglang kumalma ang puso ko dahil sa paghawak niyang iyon sa ulo ko. Binabawi ko na pala 'yung sinabi ko kanina. Crush ko na ulit siya. Dahan dahan akong nag-angat ng ulo at humarap sa kanya. "HAHAHAHAHAHAHAHA!" "Fyuch naman e!" Napaupo siya sa lapag habang humahalakhak nang hawak pa ang kanyang tiyan! Sabi mo hindi ka tatawa! "A-Ano ba kasing...pumasok...sa utak mo...at nag-bangs ka?" Kung hindi lang ang bangs ko ang dahilan ng pagtawa niya ay baka nagpagulong gulong na 'ko sa kilig na makita siyang humahagalpak. Kaso ako ang pinagtatawanan niya kaya paano akong kikiligin?! "Kasalanan mo 'to e!" paninisi ko. "Kung hindi ka sana puro trabaho at pinansin mo kami ni Tammy, edi sana hindi ko maiisipang mag-bangs!" Tumigil lang siya sa pagtawa nang nakita niyang naiiyak na 'ko. "Okay...okay...let me try to fix it." Hinawakan ulit niya ang ulo ko at inayos ang buhok ko. "S-Sigurado ka ba?" Kahit crush ko siya ay nagdalawang isip pa rin akong pagkatiwalaan siya. Pero dahil super crush ko talaga siya, sige kahit na mismong image ko ang nakataya rito, I'll trust my bangs in him. Huhu. Tahimik lang ako habang naghahanap siya ng bagong tutorial video. Chineck muna namin ng mabuti kung tama na ba itong susundan niya. Nang makahanap na siya, pumikit ako at hinayaan ko na siyang gupit gupitin ang bangs ko. I couldn't help but still feel nervous at the sound of the scissor cutting my hair! But he was so close that I could smell his manly scent and that calmed me a bit. "There you go," he said, softly. I slowly opened my eyes and quickly stood up to see myself in the mirror. My lips parted when I saw how he perfectly fixed it like it was never ruined! "P-Paano mong naayos 'to?! Dati ka bang parlorista?!" tanong ko habang chinecheck ang bawat hibla ng bangs ko. "Ang galing mo, Fyuch!" "There's a tutorial. But next time you decide to cut your hair, just go visit a salon." Tumayo na siya at naglakad palabas. "Naku ngayon pa ba? Nand'yan ka naman, gagastos pa 'ko," pahabol na sagot ko. Dinagdagan pala niya iyong strands para matakpan iyong medyo napaiksi kong gupit. Mabuti at manipis lang iyong nagupitan ko kaya naayos pa niya! Bonggacious naman ng Fyuch ko! Hmp! Pagbalik ko sa sala, nakasarado na ang laptop niya at nakaupo na siya sa sofa kasama si Tammy. Dumiretso ako sa kusina dahil nauhaw ako sa pagmamaktol ko kanina. Binuksan ko ang ref para kumuha ng maiinom. "Ay bongga! May pitsel ka na!" Wala na iyong mga bote niya ng tubig! Pitsel at mga canned beers na lang ang nasa ref niya! Kumuha ako ng dalawang beer at hinagis ko ang isa sa kanya pagbalik ko sa sala. Sinalo naman niya iyon at binuksan. Uminom ako bago binagsak ang sarili ko sa sofa. Seryoso siyang nanonood ng TV at heto na naman ako sa gusto ko siyang chikahin pero wala akong maisip na pwede naming pag-usapan. Ayokong magtanong ng tungkol sa trabaho niya dahil siguradong sasakit lang ang ulo ko at lugi ako do'n. Umusog ako ng kaunti palapit sa kanya at sinulyapan ko siya hawak ang beer kong nasa tapat ng dibdib ko. "Kelan ka bumili ng pitsel?" Toinks! Ganda ng tanong mo, Portia. Pero sige pwede na. "I didn't buy it." "Hala. Kinuha mo nang walang paalam?! That's shoplifting!" "Sira." "Charot lang syempre. Nagpapa-cute lang ako sa 'yo." Sumimsim ulit ako sa beer ko pagkatapos ay binitiwan ko muna 'to sa lamesa. Dumapa ako sa sofa at nilaro si Tammy. "Peram phone?" Nagtaas agad siya ng kilay. "Pipicture-an ko lang si Tammy!" depensa ko sa judgmental niyang utak. Di pa naman ako gano'n ka-walangya para kalkalin ang messages niya. Saka na 'pag kami na! Lol. Inabot naman niya sa 'kin tapos nanood lang ulit siya ng movie. Taray latest model ng apple ang phone! Ako nga ay tagasalo lang sa mga pinaglumaan ng mga pinsan ko. Hehe. Pumunta agad ako sa gallery niya at jusko! Wala man lang kalaman laman! Pero 'di bale at pupunuin namin 'to ng anak ko. Sinimulan ko nang i-photoshoot si Tammy. Tapos ako. Tapos kaming dalawa. Umupo ako para mas maayos akong makapag selfie. Napapasulyap lang siya paminsan minsan sa 'kin, pero wala naman siyang pake at wala rin akong pake kung nakatingin siya. Tinaas ko pa ang phone niya para makakuha ako ng magandang anggulo ko. From: Gian Resto Bar 7pm. Binalik ko agad sa kanya ang phone niya nang may biglang mag-pop up na message. "May nag-text. Di ko sadyang mabasa sorry." Bigla na lang kasing lumitaw sa screen eh nag-se-selfie ako. Pero na-curious ako kung pupunta ba siya do'n? Ayoko siyang umalis. Huhu. Pinanood ko siyang nagtipa ng reply. Binabalik niya sa 'kin 'yung phone pagkatapos niyang makapag-type pero sabi ko na lang ay tapos na 'kong mag-selfie. Ang totoo niyan ay nawala lang ako sa mood dahil mukhang mag-iinom sila mamaya. Tapos baka may lumandi sa kanyang ibang babae doon! Noooo! "Aalis ka mamaya?" malungkot kong tanong. "Yeah. It's Gian's birthday." tipid na sagot niya. "Hanggang anong oras ka do'n?" "Dunno. Pero saglit lang." "Ahh. May mga babae?" "Do you wanna come?" Napaayos agad ako ng upo at humarap sa kanya. Jusko thanks Lord at nabasa niya ang nasa utak ko bago ko pa kusang i-invite ang sarili ko! "Talaga?! Pwede?!" Natatawa siyang tumango sa reaksyon ko. "We'll go back at 9." Feeling ko ang daming Portia sa loob ng katawan ko at sabay sabay silang nagtatalon sa tuwa! Hindi ko mapigilan ang ngiti ko at mas natakot yata siya sa bigla biglang pagtawa ko ng mag-isa kaysa dito sa pinapanood naming horror movie. Hahahahaha! Nang mag 6pm na ay bumaba na ako sa unit ni Kairo para magbihis. Nagsuot lang ako ng black layered tie neck tank top, tapos shorts. Tinawagan ko si Kairo para magpaalam na aalis ako pero nando'n din pala si gago sa pupuntahan namin. Pagbaba 'ko nasa tapat na ng lobby ang Ferrari ni Fyuch. He's just wearing a simple white shirt na may black and white photo sa gitna then black pants. Madami ng mga bisita pagdating namin sa resto bar. At dahil private ito, halos mga kaibigan and common friends lang talaga ni Gian ang narito. Actually 'di ko naman din masyadong ka-close si Gian dahil tahimik lang siya kapag kasama nina Kairo at Fyuch. May mga bumati agad na kakilala kay Sam pagpasok namin. Nilibot ko ang tingin ko sa lugar at may mga bumati rin sa 'kin na mga familiar faces pero hindi ko naman kilala. I greeted them back naman para hindi rude. May mga table para sa mga bisita at mayroong mahabang couch sa gilid. May bilyaran din at bar counter. "Happy birthday!" bati namin ni Fyuch nang salubungin kami ni Gian. "Thanks, guys." Nag-apir lang sila ni Fyuch tapos iginiya kami nito sa table kung nasaan sina Kairo, Zeno, at Steel. Pinaningkitan agad ako ng mata ni Kairo nang magtama ang tingin namin tapos pinaupo ako ng KJ kong pinsan sa tabi niya. Syempre sumunod ako sa land lord ko dahil baka ako'y pulutin na lang sa unit ni Fyuch 'pag pinalayas niya 'ko. Sinalinan ako ni Kairo ng iniinom nilang Cuervo. "Bakit may bangs ka?" Biglang nasamid sa iniinom niyang alak si Fyuch na nasa tapat namin tapos nakita kong nagpipigil siya ng tawa. Tinignan ko siya ng masama at tinaasan ako lalo ng kilay ni Kairo. "Bawal ba 'kong mag-bangs?!" inirapan ko siya at inistraight iyong laman ng baso ko. "Mukha kang elementary student." "At least younger look." Inismiran ko siya at nagsalin ulit ako sa baso ko. "Sa 'kin ka sasabay mamaya pauwi." "Luh, 'wag kang kj! Ayos ayos ng landi ko tonight e-epal ka." Tagal kong nagpakahirap orasyunan 'tong si Fyuch para lumevel up kami ng ganito tapos sisirain lang niya. No way, dear cousin. Trip kong sumayaw kaya naman shumot pa 'ko ng mga limang beses para medyo kumapal ang mukha ko. Patayo na sana ako nang makita kong papasok ang pinakamalandi kong pinsan na nakasuot ng black spaghetti strap tank top at metallic mini skirt. Parang model siyang rumampa papunta sa pwesto namin nang makita niyang kumakaway ako sa kanya. Kaso may lalaking sumusunod sa kanya at tumigil sila bigla nang medyo malapit na sila sa amin. "Lyra, please I like you!" Oh. Kailangan ko yata ng popcorn. Hinawakan siya nito sa braso pero agad niya rin iyong tinanggal. Oh my god. Mukhang may bago na namang nabiktima si gaga. "Kadiri ka! Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo!" "Can't you at least give me a chance? Lyra, I can't forget about you!" "Tangina hinalikan ka lang ng isang beses 'di mo na 'ko makalimutan?!" inis na inis siyang nagpatuloy sa paglakad papunta sa amin nang nakasunod pa rin sa kanya iyong poging lalaki. In fairness, pogi talaga at maganda ang katawan. Sabagay ay hindi naman kasi siya hahalikan ni gaga kung walang itsura. Bumeso si Lyra sa amin ni Kairo. "Lakas talaga ng kamandag mo, idol!" asar ko sa kanya pagkaupo niya sa tabi ko. "I know, right? Kaya matuto ka naman kahit konti." at ako na naman ang nakita! Binalingan ulit niya 'yung lalaki sa gilid niya na mukhang walang balak na lubayan siya. "Tigilan mo na 'ko dahil wala kang mapapala sa 'kin." "But you kissed me!" "Puta ka anong gusto mong gawin ko? Panagutan ka?!" pagmamataray niya rito. Tapos nakangisi siyang bumaling sa 'kin. "Eto na lang si Portia walang s*x life 'to." Binatukan ko agad ang walangya! "Tangina ka nandito si Fyuch! Paano kung biglang magselos 'yan at mag-walkout?!" galit na bulong ko sa kanya. "Assumera ka hindi nga tumitingin sa 'yo." Tinawanan lang ako ng bruha. Tinignan ko tuloy si Fyuch na busy nga sa pakikipag-chikahan kay Zeno at hindi man lang alam na binebenta na ang future wife niya rito! Asar! I took a straight shot of tequila before I decided to just sing. Mas bet ko na palang kumanta kaysa sumayaw. Pagkakuha ko pa lang sa mic ay humiyaw na agad ang very proud kong pinsan. She knows how much I love singing when I'm tipsy. Nakisali rin sa paghiyaw ang mga kasama namin sa table nang makita akong may hawak na mic at napatingin pati ang mga nasa katabing table namin. Grabe hindi pa 'ko nag-uumpisa excited na sila! Sinenyasan ko agad si Fyuch na para sa kanya ang kakantahin ko at nakita kong napasapo agad siya sa kanyang noo. Unti unti ay tinatakpan na rin niya ang kanyang mukha. Grabe siya! "Hi, guys." Semi nahihiyang panimula ko. "I'm gonna sing this song for my crush." Parang dahil sa sinabi kong iyon ay nakuha ko agad ang atensyon ng lahat. Biglang dumami ang mga taong nagkumpulan sa paligid ko at curious sa gagawin ko. The music has started. "Aaah! Oooh! Aaaw!" Nagsigawan at naghiyawan agad ang lahat umpisa pa lang! At dahil tipsy na nga ako, sinamahan ko na rin ng sayaw ang pagkanta ko. Nakisayaw din sa pagkanta ko ang mga bisita! "...Di tulad ng iba d'yan na mayron ng jowa!" "Sintamis ng candy ang iyong mga diskarte. Kaya naman kilig sa 'yo ang aking beauty. Parang chocolateng inaasam ko lagi. Ang nais ay matikman over na 'to grabe." "Kaya aaminin ko na ang feelings ko sa 'yo baby..." sabay turo ko kay Fyuch na nakatakip ang mukha. Pinakita ko sa kanya ang mga bagong dance steps ko. "Crush kita..." lumakad ako papunta sa pwesto ni Fyuch. Kinakantyawan na siya ngayon ng mga kaibigan niya dahil sa pagtuturo ko sa kanya bilang crush ko. "Ako'y magpapakipot pa ba? Type kita...ang puso ko'y nabihag mo na!" nag-heart sign pa ako tapos may pataas taas pa 'ko ng patalikod sa paa ko. Lumakas lalo ang sigawan ng audience. Subukan lang nilang sumigaw ng Kiss! Kiss! Kiss! at hindi ko sila bibiguin! Chos! "Loves na kita at sana'y loves mo rin ako talaga..." "Aaah...Oooh...Aaaw!" Dinaluhan na 'ko sa pagsayaw ng mga tao at may nanghatak pa sa 'kin papuntang dance floor! Buti na lang ay wireless ang mic at kabisado ko ang lyrics kaya naituloy ko pa rin ang song number ko! Pinatay pa nga nila 'yung music para 'yung kinakanta ko talaga ang sayawin ng lahat! Supportive 'yung dj! Nag-otso otso na rin ako sa dance floor at nakita ko na rin si Lyra na nakikipagsayawan kasama si Steel. Tumatawa akong umalis saglit para ibalik ang mic at hindi ko napansin na may sumunod pala sa 'kin. Nakita ko lang siya nang tumalikod ako para bumalik sa dance floor. "I love the energy you've got, Miss!" sabi nito habang nakasunod sa likod ko. "Thanks!" "Are you single?" malanding tanong nito na medyo pasigaw dahil maingay. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin ako sa magkabilang gilid ko sabay nagkusot ako ng mata. "Yes, why? Doble ba 'ko sa paningin mo?" sarkastikong sagot ko. Bigla siyang tumawa na para bang nakakatawang joke 'yung sinabi ko. Pero natawa rin ako dahil ang sarap ng tawa niya. Lol! "You're funny, huh? I like you." "I like myself too!" I giggled. "Bye! See you around!" Maglalakad na sana ako pabalik sa mga nagsasayawan nang may biglang humawak na naman sa palapulsuan ko. Oh siya ulit! "Would you mind joining our table?" tinuro niya iyong lamesa nila at may isang kumaway bigla sa 'kin doon. "Portia!" biglang sigaw nung lalaki doon sa table na tinuro nitong lalaki. "James?" sigaw ko, pero 'di ko sure. Naramdaman ko ang paghatak nitong lalaki sa braso ko papunta roon sa table nila. "James, ikaw nga!" Nag-apir kami at pinanghila ako ng upuan ni kuya. Tumabi siya sa 'kin. "Musta, Portia? Sa PBN News ka pa rin ba?" "Oo," tipid na sagot ko. Classmate namin siya ni Adara nung college at balita ko ay kolumnista siya ngayon sa isang dyaryo. "Paano kayo nagkakilala?" tanong nung humatak sa 'kin. Ngayon ko lang napagmasdan ng malapitan ang mukha niya. Pogi pero ang creepy niyang tumingin. "Classmate ko siya nung college, Pare." "Ohh. Owen nga pala. Ka-trabaho ni James." He offered his hand at nakipagkamay naman ako. "I always watch PBN News." "Nice." Halos lahat naman ng tao ay nanonood ng PBN News. Lol. Binigyan ako ni Owen ng baso at sinalinan niya iyon ng tequila. "Inom ka muna." Alok niya na agad ko namang tinanggap. "Grabe ka ang lakas mo pa ring uminom!" asar ni James sa 'kin nang inistraight ko ito. "Kailangan natin ng matibay na atay sa field kung ayaw mong mamatay ng maaga sa stress," nakangising sagot ko. Sinalinan ulit niya 'ko ng isa pang shot. Balak ba 'kong lasingin nito? Inistraight ko ulit iyon. Binahiran ko agad ng asin ang dila ko para mawala ang matapang na lasa nito. Tangina tinamaan na yata ako at nagiging dalawa na 'tong mga kausap ko. Nagpaalam si James na pupunta muna ng restroom. "Bakit hindi ka lumalabas sa TV? Mas better kung ikaw ang nagbabalita," sabi ni Owen. "Mas nakaka-stress makilala ng mga tao." I answered, gesturing my hand. Medyo may pagka-barumbado pa naman akong magbalita at baka paglabas ko ng studio ay may biglang bumaril na lang sa 'kin. Napayuko ako nang medyo nakaramdam ako ng nahilo. "Sayang. Ibang klase pa naman ang ganda mo." Hinawakan niya ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. Tinanggal rin niya iyon at ngumiti. "Do you have a boyfriend?" "Err...Wala." Ayoko namang magsinungaling. Pero kung para sa 'kin lang naman taken na 'ko. "Really?" Inusog niya ang upuan niya sa 'kin. Napaigtad ako nang akbayan niya 'ko bigla at sinimulang haplos-haplusin ang braso ko. Lumayo ako ng kaunti ngunit nanigas ang buong katawan ko nang bumaba ang kamay niya sa hita ko. Tangina. Bastos pala 'to e! Gusto kong tumayo at murahin siya pero kapag nasa sitwasyon ka na pa lang ganito ay ang hirap kumilos. I felt hopeless. "Portia, let's go." Nagulat ako nang nakatayo na siya sa tapat ng table namin. I suddenly felt safe kahit wala pa man siyang ginagawa. "F-Fyuch." Agad akong tumayo para lumapit sa kanya ngunit pinigilan na naman ni Owen ang kamay ko. "Dito ka muna, Portia." medyo lasing nang wika nito. "Uuwi na kami Owen." Pakiramdam ko ay namamanhid na ang palapulsuan ko sa higpit ng hawak niya. "Don't kill the fun, Portia!" anito at napangiwi ako sa mahigpit niyang hawak sa 'kin. Akmang hahatakin na ako ni Owen pabalik sa upuan ay biglang hinawakan naman ni Fyuch ang kabilang braso ko. "Kill the fun or I'll kill you? You choose." Malakas na tumawa si Owen ng nakakaloko. Barumbado itong tumayo kaya tumumba ang upuan nito. Umagaw iyon ng eksena sa iilang mga nakakita roon. "Sino ka ba, Pre? Sabi niya wala naman siyang boyfriend." Tumaas ang boses nito kaya't napatahimik tuloy ang ilan sa mga nakarinig! "Let her go." "Paano kung ayoko? Wag kang epal, Pre. Get your own f*****g woman!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumagsak na lang sa sahig si Owen. Tuluyan nang napatigil sa mga ginagawa nila ang mga tao sa paligid at unti unting naki-usyoso sa nangyayari sa amin. "Putangina mo anong problema mo?! Boyfriend ka ba niya?!" galit na sigaw ni Owen, hawak ang nagdurugo nitong labi. Napatakip ako sa bibig ko nang tumayo na rin iyong tatlong lalaking kasama ni Owen sa table at sabay sabay nilang sinugod si Fyuch. Napaatras ako sabay napapikit sa takot. Nanginginig ang mga kamay kong napatakip sa aking tainga dahil sa mga narinig kong pagsusuntukan nila. "Puta anong nangyayari?!" dinig kong tanong ni James na mukhang kababalik lang. Nagkakagulo pa rin ang naririnig ko sa paligid at may mga boteng nagbabasagan na. Jusko ano nang nangyayari?! "Sam!" sabay na sigaw ng mga boses nina Steel at Zeno. "Nasaktan ka ba?!" kahit hindi ako magmulat alam kong si Kairo ang humawak sa magkabilang balikat ko. "S-Si Fyuch! T-Tulungan niyo siya, Kai!!" nagpapanic na sigaw ko at hinatak hatak ko ang damit niya. Jusko baka mamaya ay pinagtulungan na siya ng mga lalaking iyon at nilumpo siya! Tapos paano kapag sinabi ng doktor na hindi na siya makakapaglakad?! Paano ko ipapaliwanag 'yon sa mga magulang niya?! Kay Adara?! Kay Christian?! Paano na siya tatayo sa loob ng korte?! Tangina hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon! "Buhay pa siya 'wag kang mag-alala," sabi ni Kairo na bahagyang natatawa pa. Dahan dahan akong nagmulat at takot na takot akong baka duguang katawan ni Fyuch ang bumungad sa 'kin. Ngunit pagdilat ko ay napakurap kurap ako upang kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko. Nakahandusay na lahat nu'ng sumugod sa kanya kanina, habang siya ay inaawat pa nina Zeno at Steel na nakahawak sa magkabilang braso niya. Anong nangyari? Napatumba niya iyong apat?! Galit na kumawala siya sa hawak ng mga kaibigan niya at tumungo sa kinaroroonan ko. "F-Fyuch, okay ka lang ba?" ininspeksyon ko ang bawat parte ng mukha niya kung may sugat. Ginalaw galaw ko iyong mga kamay at braso niya kung may pilay ba. "I'm okay. Are you? Did you get hurt?" Nag-aalala ang mga mata niyang tumingin sa 'kin at feeling ko hihimatayin ako sa sobrang lapit niya. Namumula ang mukha niya na hindi ko sigurado kung dahil ba sa alak o dahil sa galit siya. Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang napakalapit niyang mukha sa 'kin. Wala siyang tinamong galos ni isa! Tapos ang pogi pala niya lalo kapag ganitong malapitan. Sa sobrang busy ko sa pagtitig sa kanya ay hindi ko namalayan na hinahatak na pala niya ako palabas. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinasakay ako. "Tangina dapat hindi na lang kita sinama rito." nagulat ako sa malakas niyang paghampas sa manibela. "W-Wala ka namang kasalanan." "Ano ba kasing pumasok sa utak mo at sinabi mong wala kang boyfriend?!" "Luh? Meron ba? Alangan naman sabihin kong ikaw eh sabi mo stop saying you're my girlfriend to just anyone. I don't wanna create confusion, Portia." ginaya ko pa kung paano niya sinabi sa akin iyon. Sinamaan niya 'ko ng tingin bago niya binuhay ang makina at biglang pinaharurot niya ito ng mabilis. Napaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan siyang serysong nagmamaneho na animo'y nasa isang car racing competition kami. Grabe napakagwapo talaga niya sa kahit anong anggulo at kahit galit pa! Ang astig din siguro kung maging car racer siya! Kaya kahit ang bilis ng takbo namin ay wala akong naramdamang kaba dahil busy akong pagpantasyahan ang side view niya. Char. At kung mamamatay man ulit ako ngayon sa isang car accident, siguradong ibabalita ako sa TV ni Adara bilang isang malanding biktima na payapang namatay habang humaharot. *** Angel's note: Follow me on twitter @missflorendo for more chika! Char.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD