Kabanata 8

3284 Words
Kabanata 8 Nag-ha-hallucinate na ba 'ko? Did he just accept my friend request now? Sabay na nalaglag ang mga balikat ko habang malungkot na nakatitig pa rin sa screen. Bakit ngayon pa? Ngayon pa na kailangan na kitang i-uncrush? Naibato ko na lang ang cellphone ko at ibinagsak ang sarili ko sa kama, una mukha. Napatalon ako at dali daling hinanap ang cellphone na ibinato ko nang marinig kong tumunog ulit ito. Damn! Saan na napunta 'yon?! Dinungaw ko ito sa ilalim ng kama ko at bumaligtad ako sa sobrang pagkadungaw. "A-Aray ko tangina." Nagising ako lalo sa pagkakauntog ng ulo ko. Shet! Ang sakit ng bumbunan ko ah! Di bale sana kung nakalilimot ng crush ang pagkakauntog ko. Amp! Pagapang kong tinungo ang phone ko na tumilapon pala sa pinakasulok ng kama. sssmith: Portia. Holy s**t. Dahil sa hindi ako sigurado kung siya nga ba itong nag-chat sa 'kin o baka lasing lang talaga ako, vinisit ko ang profile niya at pinakatitigan ang profile picture niya. He's wearing a plaid trench coat, then eyeglasses. Tapos nasa isang event yata siya, nakaupo, malayo ang tingin. Kung siguro'y kilala na niya 'ko nang kinunan ang litratong ito ay iisipin kong ako ang iniisip niya rito. Char! Pero no no no. Stop na. Hindi na kayo pwede, Portia.  "Bakit mo ba 'ko chinat?" parang tanga na tanong ko sa profile picture niya. Aba magugulat ako kapag ito nagsalita. sssmith: tulog ka na? Napaigtad ako nang magpop-up ulit ang chat head niya sa screen ko! Omfg what's the meaning of this?! sssmith: typing... Fuck! He's f*****g typing and I'm so f*****g tensed! sssmith: sorry for disturbing you late. sssmith: I just want to apologize. sssmith: Portia, I'm sorry. I didn't mean to accuse and hurt you. Sumakit bigla ang ulo ko, pero pinakatitigan kong mabuti iyong messages na sinend niya. Totoo nga sila my gosh. Huhuhu. Pucha nanginginig 'yung mga daliri ko na nagta-type ng reply! porkshaaa: luh! Seryoso po ba 'to? Hindi po ba prank 'to? Baka naman po may camera dito sa kwarto ko tapos biglang may boses na sisigawan akong tangina tanga ka ba? Hindi nga kita gusto! Alin do'n ang hindi mo maintindihan? sssmith: I'm serious. Kelan ka babalik sa condo? Let's talk. Fuck! porkshaaa: now na sunduin mo 'ko. Sinend ko sa kanya ang address ng bahay namin at nagmamadali kong pinaglalagay ang mga gamit ko sa duffle bag ko. Hindi na 'ko nagpaalam kay Daddy dahil ayokong malasin pa kapag kumatok ako sa kwarto nila at makita ko ro'n si Allyson. I'll just call him tomorrow na lang. Pagkaayos ng mga gamit ko ay umupo ako sa harap ng salamin at inayos ang sarili ko. I fixed my hair and makeup. Nanlalamig pa rin sa kaba ang mga kamay ko habang hinihintay na mag-chat si Attorney. And finally the long wait is over! Nasa labas na raw siya! Halos madapa ako sa kakamadaling lumabas. Nakita ko agad ang kulay pula niyang Ferrari at pinanood niya 'kong lumabas ng gate. Luh. Alam na niya kung saan ang bahay ko!  Maingat na binuksan ko ang front seat niya at tahimik akong umupo. Inabutan niya 'ko ng kape na malugod ko namang tinanggap. Pampagising din 'to kung sakaling nananaginip lang ako. "Portia." Tangina Portia pa lang ang sinasabi niya maghunos dili ka, self! "O-Ow." Idinikit ko ang lid ng kape sa bibig ko habang hawak ito ng dalawang palad ko. "Galit ka?" tanong niya habang deretso lang ang tingin niya sa harap. Nakahinto pa rin ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin. "Hindi. Bakit ako magagalit?" feeling ko ang hinhin ko ngayong gabi. "Because I hurt you." Gulat akong napatingin sa kanya. "Luhh!! Normal lang naman magkasakitan tayo 'pag may LQ. Okay lang." "What?" naguguluhang tanong niya. "Wala. LQ lang hindi alam. Ilang taon ka na ba?" "27." "Pumapatol ka sa 25?" "Oo. Basta suntukan." Pinitik niya 'ko sa noo. Grabe, ang lakas ng pitik niya! Pakiramdam ko bumalik lahat ng feelings ko sa kanya. Nag-flashback lahat ng mga ala-ala namin noong mga panahong masaya pa kaming magkasama! "Stop saying nonsense." "Hindi naman nonsense 'yung tanong ko. Confirmation 'yun." Natahimik ulit kaming dalawa. Pero binuhay na niya ang sasakyan at nagsimula na siyang mag-drive. Feeling ko kahit medyo okay na kami, may kailangan pa rin akong i-clear sa kanya. Pero okay na ba talaga kami? Humugot muna ako ng isang malalim na paghinga. "Sam." Mga 5 seconds bago siya sumagot. Binilang ko talaga. "You're calling me by my name." "Bakit, ayaw mo? Can I call you mine again? Joke." Tumawa ako at uminom ng kape ko para naman kabahan ako sa mga pinagsasabi ko. "Anyway, gusto ko lang na linawin sa 'yo na wala namang kinalaman si Adara sa paglapit ko sa 'yo." Kahit magkaayos siguro kami ngayon ni Sam, kailangan ko pa ring i-uncrush na siya. Nakapag-desisyon na 'ko. "Natanong ko lang naman kasi sa kanya noon kung may kapatid ba si Christian kase kinikilig ako sa kanilang dalawa. Then kinulit ko siya nang sabihin niyang may kakambal ito. Pinilit kong ipakita niya yung picture mo syempre gano'n lang talaga kaming mga babae. Tapos ayun naging crush kita. Pero wag kang mag-alala." Ngumiti ako sa kanya kahit mesheket. "Hindi na ulit kita kukulitin. Magiging peaceful na ulit ang buhay mo. Sorry talaga kung sobrang naabala kita ha?" Nalungkot ako ng kaunti pero alam kong ito naman ang gusto niyang mangyari. Siguro kahit friends ay hindi niya gugustuhin sa 'kin. Natakot ko siguro siya masyado at na-trauma siya sa mga damoves ko. Hmp! Di ko naman sinasadya e. Nag-ka-crush lang naman ako. Ewan ko ba kasi bakit hindi ko mapigilang humarot 'pag siya ang kaharap ko. Lol. Ma-mimiss ko siguradong akitin siya. Tahimik kaming nakarating sa condo. Nagpaalam at nagpasalamat ako sa kanya paghinto ng elevator sa 10th floor. Batid kong may nais pa siyang sabihin ngunit nagsara na ito. Goodbye, my crush. Your future wife, signing off. "Hello?" antok kong sagot sa lapastangan na tumatawag sa 'kin nang gan'to kaaga. [Portia? You have to report back to work asap. May pinadala raw na emergency coverage si boss sa 'yo. Check your message now!] Inis akong napakamot ng ulo at bumangon ng nakapikit pa. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit nito habang kinakalkal sa email ko ang tinutukoy ni mini boss. Napa-s**t na lang ako pagkakita nito at mabilis akong naligo at nag-ayos. "Oh. Umuwi ka pala kagabi?" bati ni Kairo paglabas ko ng kwarto. Nakasukbit na ang bag ko sa balikat ko habang may hawak akong suklay. "Yeah. May emergency sa work." Kinuha ko ang toasted bread niya sa pinggan at sinubo ko ito. "Alis na 'ko!" Nagsusuklay ako habang tumatakbo papuntang elevator. Tangina eto ba ang kaparusahan ko para sa pag-li-leave ko ng 1 week?! Tinignan ko ang oras sa relo ko. 7am pa lang, pero kailangan kong makarating sa location ng 7:30! Tapos wala man lang akong service! Ang lupit nila sa 'kin, Lord! "Ground floor please," pakisuyo ko sa kasabay ko dahil inuubos ko pa ang pagkain ko at busy ako sa pagbu-book ng grab. "You're in hurry." Nabilaukan ako nang makita si Sam sa tabi ko. Agad niyang inabot sa 'kin ang inuminan niya. Umubo ubo ako pagkatapos kong uminom sa kanyang tumbler. Mukhang pababa siya para mag-jogging dahil sa ayos niya at sa suot niyang rubber shoes. Tapos ininom ko 'yung water niya! Nakakahiya!! "Hala pasensya na naubos ko 'yung tubig mo! Nagmamadali kasi ako!" inabot ko ito pabalik sa kanya. "It's okay." Binalingan ko ang phone ko. "s**t. Bakit walang pumapansin ng booking ko sa grab?!" chineck ko ulit iyong app ko kung nag-hang ba. Pero wala lang yata talagang available na taxi dahil rush hour. "Got a problem?" Worried akong tumingin sa kanya. "May emergency coverage kasi ako ng 7:30. Pucha baka pagdating ko ro'n tapos na 'yung vote buying na kukunan ko! Sariling sikap na nga ako sa pagcacamera, mukhang kakailanganin ko pa yatang tumakbo papunta ro'n. Napakamalas!" Haaay. Bakit ba ako nag-ra-rant sa kanya? "Wait for me in front. I'll get my car. Hatid na kita." Gulat akong napabaling sa kanya. "Haluuuhhhh seryoso ka? Pero sige kahit nahihiya ako hindi muna ako tatanggi!" hinampas ko siya sa braso pero mahina lang. Omg pinigilan kong mabuti ang sarili kong 'wag siyang sunggaban at yakapin. Pasasalamat lang ba. Hinintay ko siya sa tapat ng building at sumakay agad ako sa front seat paghinto niya sa harapan ko. Parang mahihirapan akong mag-move on neto sa ginagawa mo bb. Huhu. You're saving my life, how can I not fall? Char. Pagmamasdan na lang kita sa malayo. So near, yet so far. "Stop staring at me." "Nyee hindi naman kita tinititigan. Assuming ka." nag-iwas tuloy ako ng tingin. "Liar." Niyakap ko ang bag ko. "Don't worry hindi na kita guguluhin like before." "Why?" "Para hindi ka na mainis sa 'kin." "Hindi naman ako inis sa 'yo." "Hala parang tanga si Attorney! Okay lang don't worry! Hindi mo naman ako kailangang i-crush back!" Pabiro ko siyang hinampas sa braso. Tigas talaga shet! "Pinagsasabi mo?" "Promise ayos lang talaga. Pero kung mapilit ka, sige na nga!" "Are you on drugs?" "Huy sa 'yo lang ako nag-a-adik! Joke! Moving on na 'ko sa 'yo, pre! Hindi naman kita mapipilit kung may iba ka ng gusto na sinasama mo pang mag-inom. Hindi naman ako tanga. Minsan lang pero nakakabawi naman ako agad." "Sinong gusto ko?" "Sus nag-de-deny ka pa. Wag kang mag-alala hindi na ikaw ang top 1 sa crush list ko, so you can hurt me now." "Kelan ulit ako mag-ta-top?" "Luh! Parang tanga talaga 'to!!" kinikilig kong ibinaon ang mukha ko sa bag ko. "Tama na please tao lang ako, marupok at nagkakamali." Nahuli ko siyang napapangiti at naiiling iling. Nagsisisi na ba siyang pinakawalan niya 'ko? Char! Mag-uumpisa pa lang ang araw ko, pero pakiramdam ko ay kumpleto na agad ito. My gosh, Portia. Stop yourself from falling~ falling ~ in crush~ with Sam. And I don't~ I don't know what to do~. "Thank you sa paghatid ha? Pasensya na ulit sa abala!" sabi ko pagkababa ko ng kotse niya. "Anong oras labas mo?" Hala jowa? Chos! "8:30 po. Isang oras lang ako dito tapos sa condo na 'ko magsusulat." "Okay." Binalik na niya ang tingin sa daan kaya sinara ko na ang pinto. Tumakbo agad ako sa barangay hall kung saan daw nando'n ang nagaganap na vote buying. Pagdating ko ay may mga pulis na at agad akong nanghatak ng mga residenteng nakatanggap ng pera. Jusko hassle ng mag-isa! Ako na nga ang naglagay ng lapel, ako na mag-ca-camera, ako pa mag-i-interview! Wala na ring nagawa iyong pulis nang suotan ko na siya ng lapel. Hahaha. Sapilitang hingi ng panayam. Pagkatapos ko ay bumalik ako sa condo. Okay lang naman kahit hindi ako magpuntang opisina basta't mai-submit ko ang script ko on time. "Aww! Aww!" Isang white french bulldog ang tumatakbo sa direksyon ko. Sinalubong ko agad ito at hinarang. "Halalala kaninong poging baby itong naliligaw na ito, ha?" agad ko siyang nilapitan at grabe ang pagkendeng kendeng niya. "Nasaan ang magulang mo? Bakit ka tumatakbo?" Tumingin ako sa paligid dahil baka nakatakas lang siya at hinahabol na ng may-ari. Ang cute cute niyaaaaa. Naalala ko tuloy sa kanya iyong dati kong aso na namatay na. Kamukhang kamukha niya si Chikito! "Tammy!" Napalingon ako sa tumawag na iyon at agad na tumakbo sa kanya ang aso. "Sam?" Tumayo ako. Kinuha niya iyong aso at binuhat. Nilapitan ko sila.  "Hey. Nakabalik ka na pala." "Kakabalik lang." napatingin ako sa aso. "Wow ikaw pala ang may-ari sa poging bebe na 'to na super cutieee!" hinaplos ko iyong ulo nito. "Tammy pala ang name mo ha?" "Do you like him?" I like you both. Chos! "I love him! Mahilig kasi ako sa aso simula pagkabata," sagot ko habang nilalaro si Tammy. Kuchi kuchi kuuuu! Bigla niya itong itinulak sa harapan ko. "Iyo na." Napatuwid ako ng tayo. "What?!" "You said you love Tammy." "Nyek! Sa 'yo 'yan e. Bakit mo binibigay sa 'kin? Ayaw mo rin ba sa kanya?!" bigla akong nakaramdam ng awa para kay Tammy. Ang saklap naman ng kapalaran namin kung ganitong parehong ayaw sa amin ni Attorney. Lungkooot! "Gusto, but I bought Tammy for you." Napakurap kurap ako. Ano raw? Nabibingi na ba 'ko? "H-Ha?" "Peace offering." Sabi niya na parang nahihiya pa. Nagulat ako as in! Mabilis kong kinuha sa kanya si Tammy at ako ang nagkarga. Gulat ko pa rin siyang tinignan dahil hindi ako makapaniwala. "Nakikipagbalikan ka ba sa 'kin?" hindi makapaniwalang tanong ko. Syempre ramdam ko naman, pero ayaw ko ng mag-assume! "What? Did we even breakup?" gulat din niyang tanong pabalik. "Omg! So tayo pa rin pala?!" "What the hell are you saying??" Tangina gusto ko na namang magpagulong gulong mula 10th floor hanggang ground floor sa kakatawa sa kanya! "Pero seryoso? Bati na ba tayo? Pwede na ulit kitang maging Fyuch?!" ur husband? Chos! "Tss." Inirapan niya lang 'ko. Semi silence means yes?! Sheeeeet na malagkeeeet! Hinarap ko si Tammy at tinaas. "Gusto ko sana siya kaso nakikitira lang ako kay Kairo. Ayaw nung maarte na 'yon sa aso e." malungkot na sabi ko. "Kawawa naman siya kung dadalhin ko sa bahay tapos iiwan ko rin siya." "Tammy can live with me even though he's yours," he answered in a very serious voice. "Paano 'yun?" yung aso ko na magiging anak ko ay titira sa unit kasama niya. Holy mother of God. Kung ganoon ba ay magiging isang pamilya na kami?! "Y-You can visit him anytime." Kung ito'y magandang panaginip lamang pakiusap 'wag niyo na po akong gisingin pa! "Teka loading 'yung utak ko." Pero bago pa 'ko matapos sa sasabihin ko ay tinalikuran na niya 'ko at naglakad na siya paalis. "Huy saan ka pupunta?!" Iniwan niya' ko at ni hindi man lang lumingon! Tignan mo 'to, pagkatapos akong anakan ay iniwan lang ako?! Chaaar! Pumasok tuloy ako sa unit ni Kairo nang dala dala si Tammy. "Kanino 'yan?" "Anak namin ni Sam!" tumatawang sagot ko at saka ako pumasok sa kwarto ko para kunin iyong bag kong may laptop. Dali dali akong lumabas ulit. "Sa unit lang kami ni Attorney!" paalam ko kay Kairo at umakyat na kami ng anak ko sa 40th floor. Pagdating namin sa tapat ng unit ni Fyuch, nakaawang ng bahagya ang pinto. Halaaaa sinadya niyang iwan 'to ng nakabukas for me? Pero syempre kahit nakabukas, kumatok pa rin ako. Baka sabihin invasion of privacy na naman ako e. Natuto na ito uy! Pagpasok namin ay nagne-netflix siya. Wow di siya busy ngayon. Walang hawak na makakapal na mga papel. Hehe. Binitiwan ko si Tammy at nagpagala gala lang siya sa paligid. "Pwedeng dito ako magsulat? Para makasama ko si Tammy?" ay nagkadahilan si ate mo girl! Perfect wonderful great! "Whatever you want."  Hallelujah! Pumwesto ako sa lapag sa tapat ng TV niya at pinatong ang laptop ko sa coffee table. Nilabas ko iyong camera at iningest ko iyong kinunan kong interview kanina. Hininaan ni Fyuch iyong TV. Oo kami na ulit! "Okay lang. Sanay akong magsulat nang nakabukas ang TV," nakangiting sabi ko kahit hindi naman. Binabato ko nga ang mga pinsan ko kapag nag-iingay sila kapag nagsususlat ako. Pero para kay Fyuch, may exemption! Mapagpanggap ako! Char! "Thanks pala sa pag-accept mo sa 'kin sa FB." "Okay." "Pati sa buhay mo, pa-accept na rin." "Are you sick? How did you find my f*******: account? It's unsearchable." Bumwelo ako bago kumanta ng..."Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging mayro'ng paraan!" "You badly need to see a doctor." "Can I see a lawyer instead?" Sinamaan niya 'ko ng tingin at mas lalo yata akong na-fall! Pero mabilis kong ibinalik ang atensyon ko sa laptop. Baka mamaya palayasin ako bigla sa kaharutan ko. Hahahaha. Nasa kalagitnaan na ako ng script ko nang tumayo siya. Sinulyapan ko siya kahit na nagtitipa ako sa laptop ko. Flexible ako uy. Kaya kong magtrabaho habang lumalandi! Napasinghot singhot ako nang may maamoy akong mabangong kape. Haaay the aroma of coffee awakes the hell out of me. Nilapag niya sa table ko ang cup of brewed coffee at saka sticky cinnamon bun. Kalma lang, self. Please. Baka ma-heart attack ka na. "T-Thank you," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Baka tuluyan na 'kong ma-stroke kapag nakita ko pa ang pogi niyang mukha ngayon. Ang weak mo, girl! "Sino pala 'yung kasama mo kagabi sa club?" 'Yan! Yan dapat ang kanina mo pa tinanong, Portia! Ngayong nagkabalikan na kami, syempre I'm back to guarding and protecting my property again! "Sina Zeno at Steel," sagot niya nang naka-focus siya sa TV. "Hindi sila. Yung isa pa." "Gian?" "Yung babae! Jusko naman! Hindi naman ako magtatanong kung mga lalake ang kasama mo!" napairap ako habang padabog na nagtatype sa keyboard ko. "Ah. Si Jenny." Napalingon ako. "Yung retokada?!" Napahawak ako bigla sa bibig ko. Hala baka magalit na naman siya sa sinabi ko. Sensitive pa naman yata siya sa topic na iyon. Huhuhu. Hinintay ko ang galit na reaksyon niya pero bumuntong hininga lang siya at tumango ng marahan. "Yeah. Siya nga." Inistraight niya ang hawak niyang yakult. "Bakit kasama mo siya? Nag-date kayo? Crush mo ba siya?" "No." "Eh bakit magkasama kayo kagabi? Okay lang naman kahit crush mo s'ya. I'll support your love team." Eeew kasuka ka, Portia. "She's not my type." Umangat agad ang isang sulok ng labi ko. Nakangiti ko siyang pinagmasdan. "Eh ano bang type mo sa babae?" "Hmm..." hinawakan niya ang baba niya habang nag-iisip. "Alam ko na pala, hindi mo na kailangan mag-isip," sabi ko habang tumatango tango. Tumingin siya sa'kin. "Ahuh? So, anong type ko?" Umayos ako ng upo at ngumisi. "Syempre gusto mo 'yung magandang journalist na 25 years old na minsan tanga pero matalino din naman. 5'4 ang height, mahilig sa aso, favorite color ang pastel pink, mahilig sa chocolates, at ipagluluto ka ng sinigang na porksha." "Okay." "Yun nga 'yung type mo?! For real?!" "Siguro." Natatawa niyang kinuha iyong remote at naghanap ng papanoorin. "Tapusin mo na 'yang ginagawa mo." "Oki, bb!" your wish is my command! Nagco-concert ako sa utak ko sa sobrang saya habang tinatapos ang script ko. Nilapitan ako ni Tammy at umupo siya sa tabi ko kaya binilisan ko ang pagtapos ko sa script ko para makapag-bonding na kami ng mag-ama ko. f**k ang sarap pakinggan niyon! Nag-chat ako sa mga pinsan ko na pumunta bukas dahil magpapainom ako! Nang matapos ako sa ginagawa ko ay binuhat kong agad si Tammy at tumabi sa Daddy niya sa sofa. Say hi to daddy, bb! "Matagal ka ng nakatira dito mag-isa?" tanong ko habang nilalaro si Tammy at nililibot ng tingin ang buong unit niya. Ngayon ko lang ito mas na-appreciate. Ang laki nito kumpara sa unit ni Kairo. Tapos dalawang kulay lang ang makikita mo sa paligid. White and gray. Sobrang minimalist! "Yeah. Since I started law school." Ohh. Matagal tagal na rin pala. "Pero saan ka talaga nakatira?" tanong ko ulit. Tinaasan niya 'ko ng kilay na para bang stalker na naman akong nagtatanong. Amp. "Hindi naman kita pupuntahan sa inyo, 'wag kang mag-alala." "I live with my parents' house before," he anwered, laughing a little. Ay magaling sumagot. "Where do your parents' live ba?" "With me." Ay matalinong sumagot talaga! "Eh saan kayong lahat nakatira? Iyong mismong bahay ninyo?" "Sa tabi ng kapit-bahay namin." Potek ayaw talaga sabihin! "Saan ba 'yung bahay ng kapitbahay ninyo?" "You won't believe it if I tell you." Bahagyang namimilog pa ang mga mata. Na-curious ako lalo! "Halaa! Bakit? Saan?" "Sa tabi ng bahay namin." Pinitik ulit niya 'ko sa noo bago siya tumatawang tumayo. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD