Kabanata 7
"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at nagpunta ka sa club ng mag-isa?!"
Abot langit na naman ang sermon na inabot ko kay Kairo kinaumagahan. Akala ko pa naman ay makakaligtas na 'ko dahil pagdating namin ni Fyuch kagabi ay tulog na siya.
"May kasama naman ako. Naaya lang ako ng friend ko."
Paroo't parito siyang naglalakad sa harapan ko. "Paano kung hindi pa 'ko nakauwi kahapon?! Magdamag ka na namang guguluhin ng gagong ex mo na 'yon?"
"Nagkataon lang naman na nando'n siya kagabi. Grand opening kasi 'yon ng club nung friend ko at saka Police Captain 'yung kasama ko at hindi ako pababayaan no'n. Nahiya lang ako sa kanya kaya kita tinawagan."
Ugh. Pagdating sa gan'tong sitwasyon, inaamin kong mas takot talaga ako sa mokong na 'to kaysa sa sarili kong ama. Aba'y daig pa kasi niya ang magulang ko. Halos sa aming lahat na magpipinsan naman gan'to siya kaya lahat kami takot sa kanya. Siguro ay dahil siya lang ang lalaki at babae kaming lahat kaya sobrang strict niya.
"This would be my last warning, Portia. Sa oras na may gawin pang hindi maganda 'yang ex mo pasensyahan tayong dalawa. Lulumpuhin ko 'yan." Kinuha niya ang susi ng kotse niya sa ibabaw ng lamesa at naglakad na siya palabas. Agad akong sumunod dahil sasabay ako sa kanya papasok sa trabaho. Hehe.
As usual sobrang dami na naman ng ginagawa sa opisina. Kelan ba nabawasan ang mga kailangang i-accomplish naming mga nasa media? Kapag kulang ang balita, hindi ka man pwedeng magsaya dahil sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong maghanap ng karagdagan. That's how it always goes. Ang sabi nila kapag paulit ulit ang ginagawa mo, malaki ang tendency na magsawa ka agad. Pero kung nasa media ka, walang bagay na umuulit. Lahat ay may progreso. Lahat ay may kaakibat na follow up news at katapusan para sa isang istorya.
"Oh kape." Napataas ako ng kilay nang ilapag ni Justine ang kape sa lamesa ko.
"Anong nakain mo at ang bait mo yata ngayon?"
"Nakain ko yung report mo kahapon kay Vasquez at Andrada." masungit na sagot niya.
Natawa ako ng bahagya. Siya pala ang lucky editor ko kahapon. Lol.
"Ikaw pala sumalo no'n. Sorry you had to work yesterday."
"Okay lang. No choice ka rin namang nagtrabaho kaya ayan pampalubag ng sama ng loob."
"Pampakaba kamo! Hindi ko pa nga iniinom, kinakabahan na 'ko kung wala ba 'tong lason." Sinamaan niya 'ko ng tingin bago siya umalis pabalik sa station niya. Habang gumagala ang tingin ko sa paligid, nahagip agad ng mata ko ang isang katrabaho ko na hindi ko naman ka-close pero nahuli kong nakatingin ng masama sa 'kin.
Minsan napapaisip talaga ako sa role ng bawat tao sa buhay natin. Nakaka-amaze lang na kahit hindi kayo close or kahit nga minsan napadaan lang siya sa paningin mo, meron at meron siyang papel sa buhay mo. Katulad ng babaeng 'yon na masamang nakatingin sa 'kin sa hindi ko alam na kadahilanan. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya, pero role niya sigurong inisin ako sa araw na 'to. Pero si Fyuch? Alam kong agad na malaki ang papel niya sa buhay ko. Ang ganda ko kase. Chos!
Pagod na pagod na naman ang katawang lupa ko sa pagsubaybay sa mga ganap ng mga kandidato. Hindi na talaga ako makapaghintay na matapos ang election period na 'to. 3 months pa 'kong mai-stress jusko! Buti na lang may stress reliever ako sa buhay. Ahihihi.
Kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung may IG ba si Fyuch. At sheeeet! Feeling ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan at nagpagulong gulong ito ngayon sa sahig!
Meron nga! At naka-public pa! Finollow ko na agad for safety measures. Hahaha! Baka bigla niyang maisipang mag-private at abutin na naman ng siyam siyam bago niya i-accept ang request ko! Amp! Hanggang ngayon nga hindi pa rin niya inaaccept ang friend request ko sa f*******:. Huhu.
Syempre nag-stalk agad ako. Nagningning ang mga mata ko nang may makita akong bagong post niya. Isa itong magandang shot ng sunrise. Pero alam niyo ba kung ano pang nakita ko sa IG niya? Mygosh. Parang gusto kong mag-fangirling ng bongga at iprint lahat ng ito at idikit sa buong kwarto ko! Napakadami niyang pictures na kwela! As in ang kengkoy kengkoy niya!
Siya na talaga 'to?! Hindi tuloy ako makapaniwalang ang sungit na niya ngayon! I was giggling like a teenager when I scrolled down until his first ever post. Feeling ko ma-o-overdose yata ako sa umaapaw na vitamin Fyuch intake ko today. Ohmaygaaas! Kaso may mga nakita rin akong stolen shots ni Adara. Amp! Selos ako. Yoko na.
Charot lang!
Alam ko namang sa huli, sa 'kin din ang bagsak mo. Paano ako nakakasiguro? Lakas lang ng loob ang puhunan mga kaibigan. Whoo! Balang araw, magiging mga stolen shots ko rin 'yan! Magtiwala lang tayo sa kagandahan ko. Hahaha!
Accidentally, na-like ko bigla 'yung kauna-unahang post niya. Nataranta ako shet mygosh! Kaya naman ang ginawa ko, para hindi niya isiping palihim ko siyang iniistalk, ni-like ko na lang lahat ng pictures niya para bulgarang pang-i-stalk na ituuuu!
Pinusuan ko lahat maliban lang sa mga stolen shots ng best friend kong maganda. Hahaha! Kahit siya ang first love ni Fyuch, wala naman akong sama ng loob sa kanya dahil siya ang nag-introduce sa 'kin sa picture ni Attorney. Oo sa picture lang, pero nabihag agad niya ako. Ang lupet ei!
After kong mapusuan lahat hanggang sa latest post niya, nag-refresh yung feed niya at...biglang nawala lahat ng mga old posts niyang selfie! The fudge?! Magpapanic na sana ako ng tuluyan, kaso buti na lang talaga advance akong mag-isip! Syempre na-screenshot ko na lahat ng mukha ni Fyuch bago pa nawala. Ika nga nila, daig ng maagap ang masikap!
Attysmith: stalker.
Feeling ko kumirot 'yung pwet ko sa kilig! Omg! Omg! Ibang level na talaga kami ni Fyuch. Huhuhu. Mine-message na niya 'ko ngayon. Huhuhu. In-screenshot ko ang kauna-unahang message niya sa 'kin sa IG bilang remembrance.
Portiaaa: bakit ka nagbura ng picturessss bb?! ☹
Attysmith: a virus entered my account.
Dang! Parang akong tanga na tumawa ng malakas. Napatingin tuloy sa gawi ko ang mga katabi ko sa station at maging ang mga nasa harapan kong inabutan ng malakas kong halakhak ay napatingin din. Yumuko ako ng kaunti sa kahihiyan at para akong estudyanteng patagong nagtetext sa klase.
Portiaaa: and the virus is now entering your heart. *evil laugh*
Attysmith: I thought hate started with H. Why does mine starts with U?
Muntik na 'kong mahulog sa upuan ko sa kakatawa ng walang sound. Tangina ang hirap pa lang tumawa ng walang sound?! Tinakpan ko ng mahigpit ang bibig ko dahil baka mabulabog ko na naman ang lahat. Pakiramdam ko mamamatay na 'ko sa kakatawa! Hahaha! Hirap na hirap akong nag-type ng reply, bwiset!
Portiaaa: can't talk to you now. I'm at a funeral. ☹
Attysmith: what? You okay? Who died?
Portiaaa: I died from laughing. ?
Tinakpan ko ng mga palad ko ang buong mukha ko sa kakatawa ng walang sound. Anak ng tokwa! I kennat live without my Fyuch na yata in my life! Nai-imagine ko pa lang ang mukha niyang inis na inis ay nanggigigil na ako. Amp!
Napakagandang motivation pala sa 'kin ni Fyuch. Dahil sa kanya natapos kong agad lahat ng pending ko at makakauwi ako ng maaga para maabangan ko siya sa tapat ng office niya. Charot! Magkikita kami ng best friend kong si Adara. Sinuggest ko lang na dito na kami sa Smith Corp. magkita para hindi mahirapan ang buntis kong kaibigan at hindi naman dahil dito ang office ni Fyuch at siya ang head corporate lawyer nila. Hahaha!
Pumasok ako sa coffee shop sa baba ng building nila at nakita kong agad ang dyosa kong kaibigan.
"Nakakaganda ba talaga lalo kapag buntis?" bumeso ako sa kanya at hinawakan ang tiyan niyang hindi pa naman gano'n kalaki, pero visible na. Nakapag-order na rin siya ng kape for me at milk naman for her.
"Oo kaya magpabuntis ka na rin para magkapinsan agad ang baby ko."
Medyo kinilig ako sa suggestion niyang 'yon kaso hindi naman pwedeng buntisin ko ang sarili ko at sabihin ko kay Fyuch na siya ang ama! Baka ma-shock siya at tuluyan na talaga niya kaong sampahan ng kaso. Hindi bale sana kung habang-buhay na pagkakabilanggo sa piling niya ang sentensya sa 'kin.
Dakpin niyo na 'ko ngayon din!
"Saka na kapag crush na 'ko ng crush ko," sumimsim ako sa kape ko.
Puno ng intriga ang mga mata niyang tumingin sa 'kin.
"Seryoso ka talaga kay Sam? Paano si Easton?" nakataas ang kilay na tanong niya. Saksi kasi siya sa inakala kong love story namin ng manlolokong 'yon.
Binaba ko ang tasa ko sa lamesa at tinignan siya ng deretso.
"Seryoso ako at wala na 'kong pake sa lalakeng 'yon." ayy award winning ang linya kong iyon!
"He called me last night."
"What?! Sinagot mo?!"
"I just wanna know what he wants."
"Of course he wants me." I rolled my eyes. "Nagkita nga kami sa isang club kagabi. Buti kasama ko si Captain Alvarez."
"At bakit kasama mo naman si Captain Alvarez?" lalong nagmataas ang kilay niya. Nakakataray din yata ang magbuntis.
"Nagkita lang kami sa pa-presscon ni Vasquez. Then niyaya niya 'kong uminom kasi sobrang badtrip ko kahapon."
Minsan hindi ko malaman kung best friend ko ba talaga 'tong si Adara. Kung makatingin kasi siya lagi sa 'kin ay parang wala siyang tiwala sa mga sinasabi ko.
"Uminom lang kami, okay? Actually ako nga lang ang uminom dahil mag-da-drive daw siya."
"Wow. Very much Captain Alvarez." Natatawang aniya at sumimsim ng inumin niya. Kilala rin kasi niya si Captain dahil minsan nag-aagawan kaming dalawa na makakuha ng scoop sa kanya. In short, pareho naming tine-take advantage si Alvarez. Chaaar!
Sinundo ng brother-in-law kong si Christian si Adara para sa checkup nito sa kanyang OB. Haaay. Hindi ko talaga minsan maiwasang mainggit sa love life ng best friend ko. Napakaswerte niya sa kakambal ni Fyuch! Masungit din 'yun actually, pero 'yung sungit niya ay may halong umaapaw na pagmamahal. Samantalang itong kakambal niya ay jusko may halo yatang sama ng loob! Kapag kausap ko ay parang lagi akong gustong sipain palabas ng earth zone.
Kumaway ako sa kanila hanggang sa makalayo ang kanilang sasakyan. Pabalik na sana ako sa loob ng coffee shop nang makita kong nakatayo na si Fyuch at nakatingin sa 'kin. Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya sa valet at lumapit siya sa 'kin.
"You know them?"
Shet ang pogi niya sa suit niya. Huhu. Pwedeng pwede na kaming magpakasal right here, right now. Nasaan na ang wedding gown ko?!
"Sino?" tumingin ako sa paligid ko. "Ikaw lang kausap ko."
"You were waving at a car."
Oh my gosh. The time has come na ba? Hindi naman siguro siya magagalit kung malaman niyang kilala ko sila at medyo alam ko ang nakaraan niya? Omg kinabahan ako. I tried not to look guilty kaya tinignan ko siya ng derecho at ngumiti ako ng masaya.
"That's my best friend Adara. Nagkita kami at sinundo siya ng asawa niya."
Natigilan siya sandali at biglang tumawa. Sarcastic ba 'yung tawa niya?
"You're Adara's best friend," he said, slowly nodding.
"Hehehe. Uuwi ka na ba?" Pag-iiba ko ng usapan. Tinaasan niya 'ko ng kilay at tinalikuran. Naglakad siya papunta sa kotse niya kaya hinabol ko agad siya. Kelan ba darating ang time na ako naman ang hahabulin niya? "Uy pasabay na 'ko! Sayang gas!"
Kahit hindi pa siya pumapayag ay binuksan ko na ang front seat at sumakay. Sa awa ng Diyos ay hindi naman niya 'ko sinigawan at pinababa. Nabawasan ang kaba kong baka galit siya.
"Why didn't you tell me you're Adara's best friend?" he asked, while driving.
"Bakit? May excemption ba kung malaman mong best friend ako ng crush mo?" ng babaeng minahal mo? O baka naman mahal pa rin niya? Shet. Huhu. Bakit parang medyo nasaktan 'yung heart ko sa thought na yo'n? Anubey, Portia. Crush mo lang naman si Attorney.
"Stop it. She's my brother's wife."
Uh oh.
Tumahimik na lang ako sa topic na 'yon dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Medyo pasmado pa naman ang bibig ko minsan at kung anu-ano ang inilalabas na salita. But that doesn't mean na tatahimik na 'ko sa buong byahe namin. Hehehe.
"Ang funny mo pala dati, no? Bakit ang sungit mo na ngayon? Dahil na-broken ka?"
Ay s**t.
Napahawak ako sa napakatabil kong bunganga. Why did I f*****g say that?! Kakasabi ko lang na tigil na sa topic na 'yun e. Huhu. Inuntog ko ang ulo ko sa salamin ng bintana. We stopped at the red signal of the traffic light.
"I'm still funny. I love fun. Nothing has changed."
Napatigil ako sa pag-uuntog sa ulo ko at bahagyang lumapit ako sa kanya.
"Hey! I'm fun..." sinamaan agad niya ako ng tingin. "...ny. I'm funny sabi ko nga."
Inirapan ko siya at sumandal ako pabalik sa seat ko. Jusko babanat pa lang ako sinisira na agad niya ang diskarte ko. Wala man lang ka-support support sa love team namin! Paano na lang bibilis ang usad ng love story namin kung gan'tong hindi siya nakikipag-cooperate? Char!
Pagkapark namin ay nagtanggal agad ako ng seatbelt. Hinintay ko siyang maunang lumabas, pero tahimik lang siyang nanatili sa seat niya.
"Did you plan this?" seryosong tanong niya. Medyo naguluhan ako.
"What did I plan?"
"Itong panggugulo mo sa 'kin. Because I guess, you know I had this thing with your best friend." He looked at me accusingly. "Did Adara told you to do approach me?"
What the f**k?
Pinagbibintangan ba niya 'kong kinakasabwat si Adara? At panggugulo lang talaga ang tingin niya dito sa ginagawa ko?
"Adara has nothing to do with this," seryosong sagot ko.
"Ah. So you're just normally annoying."
Shit. Parang tinamaan ako bigla ng hiya sa sinabi niya. Wala man lang preno ang bibig!
"N-Nagugulo na ba kita masyado?"
"Yes. Because you keep on invading my privacy. Why are you doing this?"
"Syempre crush kita. Duh?"
"Then stop. I don't like you."
Ay derechahan?!
"But you will like me soon." He turned his head and looked at me deadpan. At hindi ko inasahan ang sumunod na sinabi niya.
"Tangina tanga ka ba? Hindi nga kita gusto. Alin do'n ang hindi mo maintindihan?"
Napatulala ako sa mga sinabi niya at sa tono niya. Ito ang unang beses na nasaktan ako sa mga salita niya. Mahigpit akong napahawak sa bag ko at pinigilan ang mga mata kong maluha. Puta bakit ako naiiyak? Kung ayaw sa 'yo, edi ayaw! Bakit kailangan mong mag-feeling hurt d'yan, Portia? Ugh tangina! Nakakahiya kung makikita niya 'kong umiyak sa katangahan ko.
Mabilis akong yumuko at nag-fake ng tawa. Madalas naman niya 'kong barahin at bastedin, pero ito na yata ang pinaka masakit. Nakakasakit din pala kahit crush lang, ano?
Pilit akong ngumiti kahit nakayuko ako. "S-Sorry ha...kung nagulo kita. Sorry I didn't know. Akala ko okay lang sa 'yo na ginugulo kita. "I faked a laugh again. "Promise hindi na mauulit."
Mabilis akong tumalikod sa kanya at dali dali akong lumabas ng kotse niya. Tumakbo ako paakyat at naghagdan ako dahil ayokong makasabay siya sa elevator. Pagdating ko sa condo ay nadatnan ko si Kairo na nanonood ng TV sa sala, pero nilagpasan ko siya at dere-derecho akong pumasok sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto ko at pumasok ako sa cr. Oh my god I'm literally crying!
"Ang tanga mo kasi. Alin ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi niyang hindi ka niya gusto?" para akong sira na kinakausap ang sarili ko sa harapan ng salamin.
"Portia? Are you okay?"
Naghilamos ako ng malamig na tubig bago sumagot.
"Okay lang, bakit?"
"I think I saw you crying."
Kinurot ko ang pisngi ko para pigilan ang panginginig ng boses ko.
"Hala? Bakit naman ako iiyak? Ubos na ba alak sa mundo?"
I heard him laugh at hindi na siya sumagot pagkatapos niyon.
Martin Girls GC
Mona: huy @Portia balita ko umuwi ka raw?
Lyra: kelan pa?
Dior: seryoso? Anong trip mo @Portia?
Ewan ko ba feeling ko kasi hindi ko pa kering makasalubong sa building si Fyuch—este si Sam sa condo kaya naisipan kong umuwi muna sa bahay. Yeah kay Daddy. Ilang buwan na rin naman akong hindi nakakauwi kaya ang saya lang niya nang dumating ako. Kahit madalas hindi kami magkasundo ni Dad, umuuwi pa rin naman ako para bisitahin siya. Labag man sa kalooban ko ang makita ang pagmumukha ni Allyson.
Portia: yeah a week ago pa.
Tapos ayun...shinare ko sa kanila ang dahilan kung bakit talaga ako umuwi.
Dior: I didn't know Atty. Smith could be that harsh, huh?
Lyra: jusko lalaki lang 'yan! Ilan ba gusto mo? Tell it to mommy.
Mona: at talagang pati sa trabaho mo hindi ka pumapasok?! Nag-adik ka na ba talaga sa crush mong 'yan?
Portia: excuse me. I'm on leave.
Mona: sick leave due to heart and brain failure.
Lyra: alak lang lunas niyan. Di ka pa ba natitigang sa 1 week mong walang paramdam?
Dior: club tayo later. Itatakwil ko ang sino mang tumanggi.
Portia: okay G!
Para akong sira na tumatawa mag-isa sa napakalaki naming sala habang nakahilata ako sa sofa. Ano bang ginawa ko dito buong linggo? Nag-meditate lang ulit ako dahil feeling ko nag-da-doubt na naman ako sa self-worth ko. Parang bigla na naman kasing bumaba 'yung confidence ko sa sarili ko kaya kinabahan ako. I had to build it up again! Tanga ako minsan, pero hindi naman ako tanga forever.
Kung ayaw, edi move on! Mas madali naman sigurong maka-move on sa crush kumpara sa long-term relationship ko.
"You seem happier now, my Princess."
"Hey, Dad!" tumayo ako at bumeso sa kanya. Galing siyang office.
"Who are you talking to? Mukha kang masaya."
"Just my cousins. Labas kami later."
"Okay. Just bring a driver just in case you get wasted." he mocked.
"Daddy!"
"What? You think you I didn't know?" inirapan ko siya at tinawanan niya lang 'ko. May hinugot siya sa wallet niya at inabot sa 'kin ang isang magical card. "Use it. Buy whatever you want. You can go wherever you wanna go too."
"Really? Can I take a month trip to Europe?" at doon ako magmu-move on.
"It's up to you, Deanna."
Tumatawa ko itong ibinalik sa kanya. "Just kidding. I don't need it, Dad. May sarili naman akong pera."
Simula nang gumraduate ako, I stopped receiving money from him already. I had to do it dahil gusto kong ipakita na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.
"Itabi mo na lang kung hindi mo kailangan." He pushed it back to me. Bumabawi ba siya ngayon?
"Thanks, Dad." Niyakap ko siya bago siya pumasok sa kwarto niya.
This house feels so lonely. Kahit maraming maids ay halos hindi pa rin kami magkitaan sa laki ng bahay kaya ang lungkot lang tumira dito. Noong buhay naman ang mommy ko hindi gan'to ka-gloomy ang bahay na 'to. Pero simula nang mawala siya, parang tinangay rin niya paalis ang saya nito.
Pabalik na 'ko sa kwarto ko nang magkasalubong kami ni Allyson. Na-stress na naman tuloy ako bigla pagkakita ko sa mukha niya. Bumagsak ang tingin niya sa kamay kong hawak iyong card na binigay ni Dad.
"The ungrateful daughter just got what she wants."
"And the ambitious mistress have enjoyed our wealth while I was away." I smirked.
"You!"
"Yes, me?"
"How dare you talk to me like that?!"
"Bakit? Sino ka ba? Sampid ka lang naman dito na walang hiyang gumagasta sa pera ng pamilya ko." Humakbang pa ako palapit sa kanya. "Bakit? Masakit bang marinig ang katotohanang iyon?"
If only her eyes can kill, I'll be cold dead now on my spot. Inirapan ko siya at pumasok na 'ko sa kwarto ko. Okay na sana kung hindi na lang niya 'ko kinausap. Kaso epal talaga e.
Naligo ako at naghanap ng masusuot. Since nasa bahay ako, mas madami akong pagpipilian dahil nandito lahat ng gamit ako. I wore a sheer top and a dark bralette underneath, paired with a coulorful skirt and heels. I let my wavy hair fall on my shoulders. And to compensate my semi dark aura, I put on a dark smokey eye shadow and nude lipstick.
Nagpahatid ako sa driver ni Dad sa Royal. Sinabihan kong tatawagan ko na lang siya kapag magpapasundo na ako.
Pagpasok ko pakiramdam ko pumasok ako sa ikalawang tahanan ko. Lol. Hinanap ko agad sa usual spot namin ang mga pinsan ko at isang himala na kumpleto silang lahat sa couch. Dati rati ay nagkalat agad sila kung saan saan para maghasik ng kalandian.
Tinignan agad ako ni Mona mula ulo hanggang paa.
"Wow! Dapat yata bumalik ka na sa bahay niyo for good para lagi kang mukhang tao!"
Nagtawanan ang magagaling kong mga pinsan. Palibhasa sila laging nakaayos kahit saan magpunta.
"Maganda ako kahit saan ako tumira."
"Pero in fairness, ang sexy mo ngayon! Para kang nakipag-s*x ng buong week!" that sinful mouth of Lyra!
"Baka may i-se-s*x? Basted na nga."
Sinamaan ko agad ng tingin si Dior na nag-peace sign sa 'kin.
"Pinapunta niyo ba 'ko rito para pasayahin o para asarin?"
"Pareho."
"Psh." Pumwesto ako sa gitna nina Dior at Lyra.
Sineryoso nga nila iyong sinabi nilang pasasayahin nila 'ko tonight. Hindi sila lumandi at sinamahan nila 'kong uminom habang nag-aasaran kaming lima. And guess what kung sino ang nangunguna sa pang-aasar sa 'kin sa nangyari kay Sam? Ang magaling na Kairo lang naman. Akala ko pa naman ay kakampihan niya 'ko dahil super love niya 'ko. Aba't sinabihan pa 'ko na buti nga sa 'kin dahil at least daw naging honest si Sam maaga pa lang. Huh!
"Taksil ka! Dun ka nga!"
Mapang-asar niya 'kong tinignan bago siya tumayo dahil may tumawag sa kanya.
"Lipat muna 'ko do'n sa mga friends ko." Tinuro niya ang bagong dating na grupo nina Zeno na kumakaway sa pwesto namin. Fudge! Buti na lang nakatalikod yung ex-crush ko dahil may kausap siya sa phone. Tsk. Nag-wave naman ako kina Zeno at Steel dahil wala naman silang kasalanan para madamay sila sa gusot naming dalawa. Wow may gusot. Lol. Pero napamura ako nang tumingin sa amin si Fyuch—este si Sam nang ituro kami ni Zeno. f**k, Zeno!
Nag-iwas agad ako ng tingin at ayokong makita siya ng mata sa mata. Mahirap na at baka malunod at makalimot na naman ang puso kong maharot. Uminom ako ng magkakasunod para ma-distract.
"Huy, kanina pa patingin tingin dito si Attorney," bulong ni Dior na parang demonyong nanunuksong tignan ko ito.
"Pake ko?"
She laughed. "Ay wow. Naka-move on ka na talaga sa kanya?"
"Naman! Para crush lang e." nagsalin ulit ako ng alak sa baso ko.
"Para crush lang, pero kinailangan umuwi ng bahay para umiwas." Matalim kong pinukulan ng tingin si Mona.
"Oh gosh. May girlfriend na ba siya? Look oh. May kasama siya."
"Nasaan?!" napatayo ako sa sinabi ni Lyra at tinignan ko agad ang pwesto ng mga ito.
"Yan pala ang walang pake," ani Dior.
"At yan pala ang naka-move on na sa crush," ani Mona.
"Mga bwisit kayo!" singhal ko sa kanila pagkakitang wala naman siya do'n sa pwesto nila.
"Ayun kaya siya oh sa may counter! May kasama ngang girl!"
Sinundan ko ng tingin ang itinuro ni Lyra. At nandoon nga siya sa may bar counter...may kasamang babae. Malungkot akong tumingin sa kanila at nagsilapitan sila sa 'kin para yakapin ako. Lyra tried to introduce me to guys, pero wala ni isa sa mga ito ang kina-interesan ko. Tahimik lang akong nakatingin ngayon kay Sam at sa kasama niya na nandoon na sa couch nila.
Akala ko 'pag dinamihan ko ang pag-inom ay madidistract na 'ko sa kakatitig sa kanila. Pero parang wala namang nangyayari. I still kept on staring at them lalo na sa kamay nung babae na nakapatong sa hita niya. Nahuli niya 'kong nakatitig sa kanila.
Fuck. Nag-iwas agad ako ng tingin at tinawagan ko agad ang driver ko para magpasundo. At habang hinihintay siya, nagpaalam ako sa mga kasama ko na mag-c-cr ako. Kaso sa kinamalas malasanan ng gabing ito, nadatnan ko siyang nakasandal sa may pasilyo.
Nag-angat siya ng tingin at nakita niya 'kong nakatayo. Ngayon ko na lang ulit nakita ang mukha niya ng malapitan after a week. Sobrang miss na miss ko 'tong titigan. Huhu. Pero bakit parang may gustong sabihin ang mga mata niya?
Ugh. Kaya ayoko siyang titigan sa mata ay dahil sa lintik na nararamdaman kong 'to e. Kung anu-ano na naman tuloy ang ina-assume ko sa mga titig niyang iyon. Naputol ang tinginan namin nang lumabas mula sa restroom iyong kasama niyang babae kanina na siyang hinihintay yata niya rito. Napatingin ito sa 'kin at agad itong kumapit sa braso niya. Psh. Arte.
Di naman maganda e!
Tumalikod ako sa kanila at hindi na 'ko tumuloy pang mag CR. Nagtuluy-tuloy akong umexit ng club at nagpasyang sa labas ko na lang hihintayin si Kuya.
Pagdating ko sa bahay ay nakadapa kong ibinagsak ang sarili ko sa malambot kong kama. Patulog na sana ako para kalimutan na ang kung ano mang nakita ko kanina nang biglang tumunog ang notification alert ko. Tamad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa para i-check dahil baka hinahanap ako ng mga pinsan ko. Ang paalam ko lang pala sa kanila ay mag-c-cr ako. Ugh.
Napakurap kurap ako sa screen ko. Napabalikwas ako nang mapagtanto kung ano ito at napaupo pa ako para pakatitigan ito ng mabuti.
Sam Spencer Smith accepted your friend request.
What the holy f*****g s**t is this?!
***