Kabanata 6
"Fyuch, tama na! Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa! Hahahaha! Gusto ko na yata talagang mag-asawa!"
"Para kang sira. Ano bang ginagawa ko sa 'yo?" tinignan niya 'ko ng masama bago niya ibinaling ulit ang tingin niya sa daan. Pauwi na kami at pinipigilan ko na ngang maasar siya dahil baka mabangga pa kami sa kaharutan ko.
"Ewan ko ba, Fyuch. Ang sama sama na ng tingin mo sa 'kin, pero ba't gano'n? Kinikilig pa rin ako? Malala na yata talaga ang tama ko sa' yo. Kailangan mo 'kong panagutan!" tinakpan ko ang bibig ko at tumingin ako sa labas ng bintana para hindi ko makita ang umuusok na ilong ng bb ko.
"The heck is wrong with your brain?"
"Uyyyy. Concern siya sa brain ko! Pinapasabi tuloy ng utak ko kinikilig daw siya."
"Annoying."
Tinakpan ko ang mukha ko ng mga palad ko. "Please 'wag ka na lang sumagot. Kahit magalit ka pa d'yan kikiligin pa rin yata 'ko. So spare me, Fyuch. Manahimik ka na lang. Nakakahiya kung mamatay ako sa kilig! Ayokong mag-trending at magka-headline na isang babae inatake sa puso dahil sa kilig, patay!"
Shutanginames!
Bigla siyang tumawa ng malakas! Desperado na ba talaga siyang burahin ako sa mundong ibabaw?! Dahil sa sexy laugh-sexy laugh?! May gano'n?! Hahahaha! Oo meron 'yung bb ko kaya baka tuluyan na talaga 'kong mamamatay sa kilig at mag-te-trending!
Nagpasalamat ako sa lahat ng santong tagapagligtas ng mga babaeng marurupok nang makarating ako sa condo niya ng buhay. Nilapag niya sa lamesa ang mga pinamili namin pagkatapos ay umupo siya sa sofa sa sala habang hinihilot ang kanyang sentido. Na-stress na yata! Hahaha!
Kinuha niya iyong eyeglasses niya sa side table at sinuot. Nag-scroll siya ng kung ano sa ipad niya at mukhang seryoso na siya sa binabasa niya. Hay naku! Wala akong mailuluto kung hindi ko siya titigilang titigan. Back to work, Portia! Mamayang dessert na lang si Attorney.
After kong magluto at makapaghain, oras na para tawagin ko siya. Teka natatawa ako. Hahahaha! Inubos ko muna 'yung tawa ko bago ako magsalita.
"Honey, kain na tayo! Handa na ang hapunan!" sigaw ko sa tono ng isang sweet at mabuting maybahay.
Seryoso siyang napatingin sa direksyon ko, pero wala naman siyang violent reaction. Shet! Unti unti na yata talaga akong natatanggap ni Fyuch! Hahaha! Tinanggal niya ang suot niyang salamin at ipinatong pabalik doon sa side table. Tumayo siya at nagtungo na sa lamesa. Umupo na rin ako sa katapat niyang upuan at inabangan ko ang judgment niya.
Nakanganga ako habang pinapanood ko siyang hinihipan iyong sabaw sa kanyang kutsara. Nasa point na talaga ako ng buhay ko ngayon na gusto ko na lang maging kutsara. Napakasarap naman kasi talagang madikit sa mga labi na 'yan oh!
Napalunok ako nang higupin na niya iyong sabaw ng sinigang kong made with love and tender care.
Oh gosh.
Nakakaloka naman yung paraan niya ng paghigop na 'yon. Napaka-smooth! Parang mas bet ko ng maging sinigang na lang para higupin rin niya 'ko ng ganern. Asdfghjkl!
"Kamusta lasa?" Sinulyapan niya 'ko pagkatapos ay nilasahan niya ulit ito ng mabuti. "Ano na? Masarap ba ang sinigang na Porksha?"
Nasamid siya bigla at madali akong naging si the flash at inabutan ko siya ng tissue. Tinignan naman niya' ko ng masama after niyang magpunas. Hahahaha!
"Ano na? Na-speechless ka na sa sarap ng luto ko?"
"Pwede na."
"Pwede na 'kong maging asawa mo?!"
"Pwede na kitang palayasin."
At nahulog ako mula sa upuan ko. Char!
"Ihhh!! Bakit ka ganyan!" ngumuso ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Kahit pala palayasin mo 'ko kikiligin pa rin ako, eh no?"
"Tss. Just eat then go."
"Ikaw rin kain ng marami ha? Wag papagutom."
Nakangiti akong naglagay ng pagkain sa plato ko. Pasulyap sulyap ako kay Fyuch habang kumakain kami. Kada titingin ako sa kanya, sabay susubo ako ng kanin. Ngayon ko na-realize na kapag naging mag-asawa pala kami nito, makakatipid siya sa 'kin. Hindi na niya kailangan magbigay ng pera pang-ulam ko dahil kaya kong kumain ng kanin na siya lang ang ulam ko! Hahahaha! Jusko mukha pa lang niya ulam na e! Paano na lang kapag kasama na katawan? Edi araw araw fiesta, pasko, at bagong taon?!
Sinubo ko ang huling kutsara ng kanin ko.
Kunot noo niya 'kong tinignan. "Why didn't you touch your dish?"
"Hmm?" tinaas ko ang dalawang kilay ko. Doon ko lang na-realize iyong tinutukoy niya. Literal na naubos ko pala talaga 'yung kanin ko na si Attorney ang ulam ko! The fudge, Portia?!
Nilabanan ko ng mabuti ang paghalakhak ko ng malakas, pero hindi ko kinaya. Naibuga ko mismo sa buong mukha niya ang kanin na nginunguya ko dahil sa hindi ko na napigilan pa ang pagtawa.
"Portia!!!"
Parang dumagundong sa buong building ang malakas na pagsigaw niya sa pangalan ko. Kikiligin sana ako kung hindi lang nakakatakot iyong tono niya. Huhuhu. Nasamid pa ako kaya mabilis akong tumakbo papuntang lababo at doon inubo lahat ng natira sa bibig ko. May mga lumusot pa sa ilong ko. Shet! Ang sakit! Suminga ako ng paulit ulit at sinundot sundot ko ang ilong ko para lumabas 'yung kanin! Jusko karma na ba 'to ng makasalanan at maharot kong utak?! Humugot ako ng tissue towel na nasa tabi ng sink at nagpunas. Naghugas din ako ng kamay at nilinis ang sarili ko. Pagkatapos ko ay dahan dahan akong lumingon, pero wala na siya ro'n. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig sa banyo at mukhang napaligo yata siya ng wala sa oras! Nakakahiya omg!
Habang mukhang naliligo nga talaga siya, nagsimula na 'kong magligpit pampalubag loob man lang sa katangahan ko. Naghugas ako ng mga pinagkainan namin at nilinis ko iyong mga kanin na nagkalat sa sahig at sa lamesa. Wala akong iniwan ni isang butil. Pagkatapos kong malinis lahat ay tumakbo na 'ko palabas. Magpapakita na lang siguro ulit ako kapag nakalimutan na niya ang nangyari ngayong araw! Bago ko maisarado ang pinto ay nakita ko pa siyang lumabas at nagkukuskos ng buhok niya.
"Sorry talaga, Fyuch! See you again next time! Sorry ulit! Good night! Sweet dreams! Mwah mwah chup chup!" agad kong sinarado ang pinto at tumakbo pasakay ng elevator. Run for your life, ika nga!
Maaga akong naghanda kinabukasan para sa isang another 1 stressful hour ng buhay ko. I was wearing a stripes sleeveless shirt and a black slacks, then pinatungan ko lang ng white blazer for an instant boss look. Kailangan kalmahan ko lang mamaya lalo kapag nakita ko ang pagmumukha ng mag-amang Vasquez doon. Sinundo ako ng company driver naming si kuya Jes kasama ang assigned cameraman ko na si kuya Rey.
Isadora Art Gallery
Pagdating namin sa hotel, nasa labas ka pa lang ay nagkalat na ang mga poster stands ng Art Gallery. Sinadya kong dumating ng sakto sa oras para hindi na ako maghintay pa ng matagal dito. Kaya naman pagkaupo ko ay kasunod ko lang din ang pagdating ni Mayor Vasquez kasama ang anak niyang si Pablo at wow-Mika Andrada is also here. Nice.
Kalahating oras na pambobola ang ginawa nila para sa aming lahat. And obviously hindi ako nabola. Sinong tanga ang maniniwala na itatayo nila ang Museum na 'to para mag-benefit ang mga batang may cancer? This is obviously just for their own gain. He's using a museum now for his ambitions. What a plot twist for his candidacy this year, right? Now the Q&A session has come. This is the moment when press conferences can go wrong.
I stood up. I saw his smile faded when he saw me.
"Where is this Art Gallery's fund coming from, Mayor Vasquez? As far as we all know, you came from an average family. You are a son of a farmer who sold his land to educate you, but were you even educated? Or were you just brainwashed?" nagsimula ang bulung bulungan ng mga tao sa paligid ko. Someone tried to get the mic from me, pero inilayo ko ito at nagpatuloy.
"You entered politics at a very young age like you were just 18, right? That's impressive. You started a small business and it's doing good until today, but still, that won't give you enough resources to fund this personal project of yours-especially today that you are running for your last term. Please enlighten us, Mayor. We do not want to think that you are using the money of the people for a personal project. Thank you."
Halos burahin ako sa mundo ng matatalim na tingin ni Mayor Vasquez, pero ginantihan ko lang siya ng isang matamis na ngiti para balance. Haay. Nahagod ko yata masyado ang sugat niya. Sad. But as usual, he knew how to slip through it. Ginamit na naman niya ang legendary name ng kanyang namayapang asawa na nag-iwan ng malaking kayamanan, na para sa kanya ay nararapat lamang na gamitin niya para sa ikabubuti ng nakararami. Kaya ayun, bumenta na naman sa pandinig ng mga tao.
"Hello to my favorite media personnel!" bati sa 'kin ni Pablo nang magkasalubong kami sa paglabas ko ng hall. "Ginandahan mo sana ang pagkasulat mo sa article ko, Ms. Martin?" Pang-iinis niya.
Pinasadahan ko ng tingin ang kasama niyang si Mika na hindi makatingin ng derecho sa 'kin bago ko binalingan si gago. Akmang sasagot pa lang sana ako nang may biglang humawak na sa palapulsuan ko.
"Captain?"
"There's an urgent matter you have to check on. Let's go." Hinatak niya 'ko palayo sa dalawa, pero sinigurado kong nairapan ko ng bongga ang bwisit na Pablo na 'yon bago ako matangay ng Alvarez na 'to.
Nakita ako ni Kuya Rey na hinahatak ni Captain at sinenyasan ko siyang mauna na silang umuwi. Kilala naman nila si Captain at na-gets siguro agad nila na may importante kaming dapat pag-usapan. Kinuha niya ang susi ng kanyang BMW sa valet at saka niya 'ko pinagbuksan ng pinto.
"So, what's the urgent matter, Captain?" madaling madali kasi siya sa paghatak sa 'kin. "At saka bakit ka nandito? Wala naman siguro sa workflow mo ang umattend ng presscon?"
"I just thought na baka pumunta ka, so I came. And nandito ka nga."
"Oh. Okay. So, ano talaga 'yung urgent?"
He didn't answer. He just kept on driving kaya tumahimik na lang ako. Pati pala ang Alvarez na 'to ay may topak din, eh no? Chance ko ng masupalpal sana ang lecheng Pablo na 'yon kanina e.
"There's a new club opening tonight."
"What?"
"Let's have a drink. It would help your mood for sure." His face looked serious. Nanatili ang mga mata niya sa daan at hindi ko napigilang matawa. Gano'n na ba talaga niya 'ko kakilala?
"So, this is the urgent?"
"Why? Disappointed?"
"Nope. I'm amazed actually," I answered, honestly. Ngumiti din siya sa wakas.
"I just don't want you to waste your time with that f*****g Pablo."
Sabi na e! Hinayaan ko na lang siyang mag-drive papunta sa tinutukoy niya. Grand opening pala ito ng club ng kaibigan niya. Pagpasok namin ay na-excite agad ang katawang lupa ko sa tugtugan at sa amoy ng alkohol. RIP liver na naman po tayo nito mga kaibigan. At kapag nalaman na naman ng mga pinsan ko na pumunta ako sa isang bagong bukas na club nang hindi sila inaaya, siguradong katakot takot na namang panunumbat ang aabutin ko sa kanila. Pero 'di bale, dadalhin ko na lang sila rito sa susunod.
May mga binating kakilala si Captain at nang makitang may kasama siya which is ako, mapang-asar na sumasaludo ang mga ito sa kanya. Tawang tawa ako nang pagsasapukin niya ang mga ito na dating mga kaklase pala niya.
"Hey dito na kayo pumwesto!" aya ng isang lalaki roon.
"Ayy ayaw isama sa atin ni Captain ang leading lady niya." tumatawang wika pa ng isa.
Tinignan ko si Captain na back to serious mode na ang itsura. Ang moody pala neto?
"It's okay if we join them. Para naman may makausap ka."
Baka ma-bored kasi siya kung ako lang ang kausap niya. Di pa naman ako madaldal.
"No. We're not joining them. Let's go." Bago pa 'ko makaangal ay hinatak na niya 'ko papunta sa kabilang lamesa. Bakit ang hilig niya 'kong hatakin ngayong araw na 'to? Pansin ko lang.
"Hard or soft?" he asked, pointing out what to drink.
"Come on, Captain. I've always liked hard stuff!"
I didn't mean to give a double meaning to it, but it's up to him. I saw his surprised reaction and I couldn't help but laugh.
"Ang inosente mo naman, Alvarez!"
Napakamot siya ng ulo at parang bigla siyang nahiya. Shet! Ang cute! Nag one on one kami ni Captain na ako lang ang umiinom. Nukayayun?! Akala yata niya ay hindi ko napapansing dinadaya niya 'ko sa pag-inom. Nakakaraming shot na 'ko at feeling ko nga tinamaan na 'ko, pero siya normal pa rin.
"Ang daya mo. Hindi ka naman umiinom e!" dinuro ko siya. Shet ang tapang ko. Dinuro ko ang isang police captain.
"I'll drive. I can't get drunk."
Ginaya ko ang salita niya. "I'll drive. I can't get drunk."
He laughed with what I did. Hay nako. Pinagkakatuwaan na lang yata ako nito e.
"I'll just go to the restroom." Paalam ko.
"Samahan na kita."
"No. You stay there. I can manage." I winked at him before I tried walking straight, pero gumewang gewang pa rin akong nakarating sa banyo.
Naghilamos ako ng malamig na tubig para mahimasmasan ng slight. Mag-isa lang ako kaya naman napansin ko agad ang lalaking nakatayo sa may pintuan at pinapanood ako. Pinagpatuloy ko ang paghilamos ko dahil parang lasing na nga yata talaga ako at hindi na tama ang mga nakikita ko. Nagpunas ako ng mukha at palabas na sana ako nang higitin ako sa braso nang lalaking akala ko'y imahinasyon ko lang kanina.
"Let me go." sinamaan ko siya ng tingin.
"Come with me." Hinatak niya 'ko, pero nagpumiglas ako. Napatingin tuloy sa amin iyong mga dumadaan sa pasilyo patungong restroom.
"Easton, let my hand go."
"Sino'ng kasama mo? Are you with Adara?"
"Pake mo? Who you?"
His jaw clenched. "I'm your f*****g fiancé, Portia."
"Wow. Who said?"
Ipiniglas ko ang kamay ko ngunit mahigpit niyang hinawakan ulit ito. Hinatak niya 'ko palabas at dahil ubos na ang energy ko ay hindi ko na nagawa pang magmatigas.
"Tangina naman, Easton! Bitawan mo nga 'ko!"
Dinala niya 'ko sa parking space kung saan nakapark ang sasakyan niya. Pilit niya 'kong pinapasok sa loob, pero nagmatigas ako. Hindi ko na matukoy kung sarili ko ba ang nangangamoy ng matinding alak o siya. Pero baka nga ako. Mukha pa naman siyang walang tama. Pero sa 'kin, sure na may tama pa siya. Lol.
Sinubukan niyang hawakan ako sa siko ngunit mabilis akong nakadistansya sa kanya.
"Please, babe. Ayusin natin 'to. Makinig ka naman sa explanations ko. Intindihin mo naman ako kung bakit ko nagawa 'yon." His eyes were begging. Nagmamakaawa ang mga ito katulad ng pagmamakaawang ginawa ko noon sa kanya para lang 'wag niya 'kong iwan, pero ginawa pa rin niya.
"Hindi ka pa ba napapagod, Easton? Wala na tayong aayusin. Sinira mo na e." pagod na sagot ko. Sumandal ako sa sasakyan niya dahil sa panghihina ng tuhod ko.
"Babe, nagawa ko lang naman 'yon dahil ipinagkasundo ako ng mga magulang ko at wala akong magawa! I didn't cheat on you! Everything was just a show to avoid you!"
Wow. Edi karapat dapat ko pala siyang awardan ng best actor award dahil napaniwala niya 'ko at nasaktan ng todo sa palabas niyang iyon.
"And you succeeded! Kaya manahimik ka na."
"Hindi ako mananahimik. Babe naman-kung alam ko lang na ikaw ang ipinagkasundo nila sa 'kin, I won't do that stupid thing to hurt you! Please naman maniwala ka sa 'kin. Ang tagal nating magkasama, Portia. Kilala mo 'ko. You should know me well!"
"Yun nga ang masakit do'n tangina ka! Ang tagal nating magkasama, pero hindi pa pala talaga kita gano'n kakilala." Tumingala ako para iwaksi ang mga lintik na luhang kumakawala sa mga mata ko. No-I can't cry. Not in front of this f*****g cheater!
Tinipon ko ang natitirang lakas ko para makalayo. Habang tumatakbo ako ay kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at mabilis na tinawagan si Kairo. Siguradong nakauwi na 'yon ngayon at nagdasal talaga ako na sana ay wala siyang ibang ganap.
"K-Kai! P-Please sunduin mo 'ko!" Sinabi ko sa kanyang nagkita kami ni Easton at hinahabol ako nito ngayon. Magkakasunod ang pagmumurang narinig ko mula sa kanya.
[You can't drive, Kairo! You're drunk, bro!] napakunot noo ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon ni Zeno. Lasing si Kai? Pucha hindi nga niya 'ko masusundo kung lasing siya. Sasabihin ko na sanang 'wag na siyang pumunta at kakapalan ko na lang ang mukha ko para magpahatid kay Captain kaso naputol na iyong tawag.
Nagtago ako sa gilid ng isang sasakyan nang hindi ko na nakayanan ang pagod at pag-hangos ko. Tangina hindi ba siya napapagod sa kakahabol?! Nanginginig ang mga kamay kong tinext si Alvarez at pinakiusapang lumabas siya sa parking. Tumayo ako para tumungo sa parteng madali akong makikita ni Captain ngunit agad naman na nakita ako ni Easton. Pucha naman oh!
"Tama na, Easton. Pagod na pagod na 'ko." Physically and emotionally. Tangina hindi pa ba sapat 'yung mga iniyak ko sa kanya noon?! Napaupo ako sa semento at niluhod niya ang isang tuhod niya para lumebel sa 'kin.
"P-Please, babe. I'm really sorry." Nabasag ang puso ko sa basag niyang boses. Tangina 'wag kang umiyak sa harapan ko. Wag sa harapan ko tangina please. "S-Sobrang pinagsisisihan ko 'yung ginawa ko. I should've just told you the truth."
Hindi ko na napigilan pa sa pagbagsak ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya. Pero kung sana ay 'yan ang una niyang naisip na solusyon, maayos pa sana kami ngayon.
"Y-You should've thought about that earlier." Tumawa ako ng mapakla at kasabay niyon ang pagbagsak ng mga luha ko sa sahig. "You should've told me the truth, but you didn't trust me! Apat na taon tayong magkasama, Easton, pero hindi pa rin pala sapat iyon para pagkatiwalaan mo 'ko tungkol sa pribado mong buhay. Alam ko na may kasalanan din ako. Naglihim ako sa 'yo, pero ipagtatapat ko naman sa 'yo 'yon. Wala naman akong pake kung nagmula ako sa isang mayamang pamilya or what. I don't f*****g care about my family's f*****g wealth!"
Sunod sunod ang pag-agos ng mga luha ko ngunit mabilis ko iyong pinunasan at matalim ko pa ring sinalubong ang mga mata niya.
"--pero 'yung pinagmukha mo 'kong tanga na bigla ka na lang makikipaghiwalay dahil may bago ka na, ang bullshit no'n! Alam mo ba kung ilang beses kong kinuwestiyon ang sarili ko kung saan ako nagkulang?! Saan ako nagkamali?! Napakaraming beses, Easton! You made me doubt my self-worth and I hate you so much for making me feel that way dahil hindi ako gano'n! Malaki ang pagpapahalaga ko sa sarili ko at sobrang tanga ko na pinagdudahan ko ang halaga ko bilang babae dahil lang sa gagong katulad mo!" pinaghahampas ko siya sa dibdib na maluwag lang niyang tinatanggap ko.
Pakiramdam ko ay ubos na ubos ang boses ko sa lakas ng pagsigaw ko. Pero para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa ginawa kong 'yon. Ang tagal kong kinimkim ang mga salitang 'yon sa sarili ko. Ang tagal kong itinago ang mga hinanakit kong 'yon sa kanya. Akala ko ayos lang na ibaon ko na lang ang mga 'yon sa limot, pero totoo pala iyong mas magaan sa pakiramdam kapag nailabas mo ito. Lalo na kung sa mismong taong dahilan pa nito.
"Portia!" narinig ko ang boses ni Captain at agad kong hinanap ang pinagmulan niyon. Nakita ko siyang tumatakbo palapit sa 'kin at malakas niyang itinulak si Easton palayo sa 'kin. Inalalayan niya 'kong tumayo.
"Let go of my fiancé!"
"Fiancé?" nagtatanong ang mga mata ni Captain na tumingin sa 'kin.
"He's just an ex who can't move on from me."
Sinubukan akong hawakan ni Easton ngunit mabilis ang mga pagkilos ni Captain para harangin ito.
"I don't know what's happening to the both of you, but you can't talk this way." He's acting like a police officer now na pumapagitna sa aming dalawa. Napaka-kalmado ng kanyang boses, pero ramdam mo ang awtoridad ng bawat salita niya. "The woman doesn't want to talk to you, so please respect her decision."
Easton frustratedly run his fingers through his hair. His pained eyes looked at me before he started walking away.
"Thank you, Captain. May utang na naman ako sa 'yo." Nginitian ko siya at ang hirap talagang basahin ng mga mata niya. He wiped the tears on my cheeks and wrapped his arm around my waist to help me walk straight. We were walking towards his car when a familiar Ferrari lit up in front of us.
The vehicle's headlights turned off and a man got out from it. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa pagkasilaw ko sa ilaw ng sasakyan niya kanina. Pero nang makalapit siya sa amin ay agad ko siyang nakilala.
"Fyuch?"
Tinignan ako ni Captain. "Do you know him?"
"Y-Yeah. He's..." my future husband. Pero syempre hindi ko sinabi 'yon. Baka mausog kapag sinabi ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Attorney na seryosong nakatitig sa kamay ni Captain na nasa baywang ko kaya lumayo ako ng kaunti.
"Your cousin got drunk, he can't drive. H-He asked m-me to fetch you."
Oh god. So nandito ngayon ang isang Atty. Sam Spencer Smith para sunduin ako? Ihhhh. Pwede gumulong muna 'ko sa damuhan bago umuwi? Hindi ko alam na may ikagaganda pa pala ang araw ko na 'to! Akala ko ay matatapos na lang sa isang kunsomisyon. Haaays! Napakatalinong hakbang nitong ginawa ni Kairo! Kailangan ko siyang bigyan ng reward pag-uwi ko.
"Captain, thank you for today ha. Hindi na kita aabalahin pang ihatid ako." Yung asawa ko kasi sinusundo na 'ko.
"O-Okay. Mag-text ka na lang kapag nakauwi ka na para hindi ako mag-alala."
I smiled and nodded at him. Maingat niya 'kong inilipat sa piling ng taong mas makapagpapasaya sa 'kin. Ghaaaad. Kahit lasing ako tunay at tapat pa rin talaga ang damdamin ko kay Fyuch.
Tahimik lang kami sa byahe. Pero nanghihinayang ako sa rare chance na kasama ko siya kaya nag-isip agad ako ng pag-uusapan namin.
"Bakit magkasama kayo ni Kairo? Nag-iinom kayo?"
"Sila lang. Di ako kasali."
"Bakit hindi ka sumali? Naawa ka na ba sa atay mo? Trying to live a healthier life?"
"Yeah. Unlike you."
"Grabe siya oh. Umiinom lang naman ako kapag badtrip ako."
"Ah. Araw araw kang badtrip kung gano'n."
Hagalpak ako sa tawa. Shet! May funny side pala 'tong si Fyuch kahit seryoso siya. Pero gusto kong makita 'yung mas funny side na tinutukoy ni Adara. Kasi naman 'yung bff ko na 'yon, na-heartbroken masyado sa kanya 'tong bb ko kaya naging cold tuloy. Ma-inlove ba naman kasi siya sa girlfriend ng kakambal niya? Ayan tuloy pagdating sa 'kin, ang sungit na. Amp!
"Was that your ex?"
Magkasalubong ang kilay ko na tumingin sa kanya.
"How did you know-" napahinto ako nang maalalang ipinasundo nga pala ako sa kanya ng pinsan ko. "-ahh Kairo told you. Pero hindi 'yun 'yung ex ko. Police Captain 'yon na nagbibigay ng mga fresh news sa 'kin. Napalayas na ni Captain 'yung gagong ex ko kaya hindi mo na inabutan."
I saw his grip on the steering wheel tightened.
"Ilang lalaki ba meron ka?"
"Ikaw lang." mabilis at matapat kong sagot.
***