Kabanata 5

3431 Words
Kabanata 5 "Tangina kasi wala ka pa mang friend request, relationship status agad nirequest mo!" Malungkot akong kumapit sa braso ni Dior at nagsumiksik sa kanya dito sa sofa after kong mag rant sa pambabasted sa 'kin ni Fyuch sa socmed. Huhuhu. Binato naman ako ng bag of chips ni Lyra. "Buti nga sa 'yo. Di kasi nag-aaya." Sumbat niya nang sinabi ko pang naro'n si Steel. "It wasn't even planned kaya paano akong mag-aaya?" Inirapan ko siya. Nagpuntahan ang mga gaga dito sa condo nang sabihin kong wala si Kairo. Ang aga aga kasi nilang nagwawala sa GC para mag-aya na naman ng inom mamaya. Kaso tumanggi ako dahil masakit pa ang ulo ko sa nainom ko kagabi. Pati puso ko masakit pa rin. My heart went oops. "Sus. Gusto mo lang lumandi mag-isa. Ashuuuuu." Sinipa ko ang nakasalampak na si Mona sa sahig habang kumakain siya sa coffee table. Nakanguso akong nagmukmok. Paano ko haharapin si Fyuch nang hindi ako napapahiya sa pambabasted niya kagabi? Should I just treat it as a joke? Na naduling lang 'yung kamay ko at ibang request ang napindot? Ay ambot! Nakakaloka itech! "Hoy gaga yung cellphone mo kanina pa nagwawala," ani Mona. "Yaan mo 'yun." "Kapag 'yon importante tatawanan kita." Hinila ko ang buhok ni Mona bago ako bwisit na bwisit na tumayo. Narinig ko pa ang pasigaw na reklamo niya pagkaripas ko ng takbo papasok ng kwarto. Tinanggal ko sa charge ang phone ko at chineck kung sinong lintek ang nang-iistorbo sa 'kin sa oras ng pahinga ko. 5 missed calls from Captain Alvarez. Hala. Bakit naman tatawag ng paulit ulit si Captain? Tapos Sabado pa. s**t. Kinabahan ako bigla pucha. It's either breaking news 'to or something that will break my heart. Ajujuju. Nag-callback agad ako nang masagot ang katanungan kong 'to. "Captain, sorry naka-charge 'yung phone ko! Anong meron?" [Mika withdrew the case against Pablo Vasquez.] "What the f**k?! Why?!" [I don't know either.] parang stress na stress din ang boses niya sa sinabi niya. s**t. [Bigla na lang inatras ng abogado niya ang kaso. And there's a news na nagkabalikan daw silang dalawa.] "Tang.ina." yun lang ang nasabi ko. Dahil ako ang may hawak ng balitang ito, kailangan kong magsulat ng update sa movement ng kaso, pero heto inatras na lang bigla? f**k. Anong isusulat ko neto? That they chose to live happily ever after? Like father, like son talaga ang mga bwiset na Vasquez na 'to. Masyadong hayok sa publicity ampupu! [What are you gonna do now?] "Maglalasing." [What?] "Badtrip kasi kainis! Wala naman tayong magagawa kung inatras niya e. Kaya iiinom ko na lang ang inis ko para masulat ko 'tong update sa kaso niya." Tumawa ako ng pagak at parang gusto kong tusukin ngayon din ang mga mata ng Mika na 'yon. Ang tanga lang niya! Paano pa niya nagawang balikan ang lalaking 'yon after all the shits she had been through with him?! I heard Captain chuckled. [Hayaan mo na 'yon. Wag ka ng maglasing. Just enjoy your weekend with a perfect rest.] "Kailangan kong isulat 'yon ngayon dahil mapapanis na 'yon sa Lunes. Wala! Sira na ang pahinga ko!" [Can I help? I know a perfect place where you can drink while writing peacefully.] "Really?!" Ang sexy tumawa ni Captain shet! Kaso may Fyuch na 'ko at loyal ako sa kanya. Ahihihi. [Sunduin kita. Send me your location.] "Okiii! Sending it!" I took a quick shower at nagbihis na before ako lumabas ng room ko. "Akala ko nilamon ka na ng phone mo." Tamad na pinasadahan ako ng tingin ni Dior. "Bakit nakabihis ka? Saan punta natin?" "Work." I showed them my backpack na may laptop. "Have to write a stressful article, so I need a drink to do that." "Tapos hindi mo man lang kami aayaing punyemas ka?" balahurang wika ni Lyra. "I'm with a friend." "Lalake?" "Yeah." "Pogi?" Mona asked. "Yes." "Anong work?" Dior seconded. "Police Captain." "f**k. Let's go!" Lyra stood up and picked up her bag. Hindi ko na rin naman sila mapipigil pa dahil pagdating sa lalake at alak laging g na g ang mga gagang 'yan. Tinawagan ako ni Captain na nasa baba na siya kaya lumabas na kami. I warned my cousins to not touch Captain dahil ayokong mapasama 'yong tao sa mga kagagahan nila. He's a good friend who's helping me survive during crisis. Lol. So, I have to protect him against my malalanding mga pinsan. I introduced him naman sa kanila pagbaba namin para hindi siya mabigla na may mga kasama akong sumusunod sa 'kin. Kala mong mga mahihinhing binibini ang mga mapagpanggap na mga babaeng 'to nang makita si Alvarez! We went to a private club and Captain got us a VIP room where I could finish my article. Wow sobrang sosyal naman dito. Parang pang mga elite pipolets lang ang lugar na 'to ah. Inabot ni Captain ang card niya sa attendant pagkatapos ay hinatid kami nito ro'n sa room. Iyong mga pinsan ko ay nag-vanish na sa paningin ko nang may grupo ng mga lalaking bumati kay Lyra pagpasok pa lang namin. Kahit saan talaga ay hindi nawawalan ng kakilala ang babaeng 'yon. Si Captain ang nag-order ng alak habang ako naman ay nilalabas ko ang laptop ko para sa isusulat kong punyetang balita na 'to. Hinayaan niya 'kong uminom, but he made sure na inubos ko muna 'yung inorder niyang food bago ako tumungga. Sobrang thoughtful niya! Napaka-swerte ng jojowain ng lalaking ito kaya paano ko siya hahayaang biktimahin ng mga pinsan ko? Pero pwede rin para may mapasamang poging police captain sa family tree namin. Chour! Saka na kapag may tumino na sa mga pinsan ko. Nag-search ako ng updates sa mga socmed nina Mika Andrada at Pablo Vasquez at putangina may bagong post nga si Mika na picture nilang magkasama sa isang dinner date. Pagkatapos ng lahat ng inilabas naming s**t news kay Pablo na siya mismo ang may pakana, magpo-post siya ngayon ng picture nila na parang feeling blessed siya with him? f**k. Spell tanga. M-i-k-a. I don't know her personally to judge her decisions, but I'm now judging her endlessly by what she just did. Tuwang tuwa na naman sigurado si Mayor Vasquez at nalinis na ang mantsa ng anak niya at feeling hero na naman siya niyan sa pangangampanya. Ayyy nakaka-stress punyeta. Kung alam lang niya kung gaano ko kagustong ipakain sa kanyang ang microphone kapag iniinterview ko siya. Lol. "Mabubutas na 'yang laptop mo sa sama ng tingin mo." Tumawa na naman ng sobrang sexy si Captain. Hindi ko agad napansin ang suot niya kanina dahil sa kabadtripan ko. Naka all black na shirt at pants siya tapos iyong dog tag necklace lang ang niya, pero napaka mamahalin ng kanyang dating. Kapag tumabi ka sa kanya, mafi-feel mo na walang sino man ang makaka-api sa 'yo dahil sa muscular body built niya. His body shows the tough trainings he had been through. Kapag naman tinitigan mo ang mga mata niya, sobrang kalmado ng mga ito. Pero kahit gano'n, parang anytime ay manununtok siya kapag binadtrip mo. Hahahaha. Nakakatakot yata ang pagkaka-describe ko kay Captain, pero in short ay sobrang intimidating lang masyado ng kagwapuhan niya. He's 28 na like Fyuch. Pero para sa isang Police Captain, bata pa ang edad niyang iyon. Kaso magaling ang Alvarez na 'to e. Dami kaya niyang nakasabit na awards sa office niya. Amp! "Hayaan mong mabutas para tumagos papunta sa mga bwisit na 'to ang kabadtripan ko sa kanila." "Bakit ba parang galit ka masyado kay Mayor Vasquez?" Napahinto ako sa pagtitipa ng balitang sinusulat ko. Bakit nga ba galit na galit ako ro'n? Ito lang naman kasi ang lalaki ni Allyson na alam kong hanggang ngayon ay kinikita niya kahit na kasal siya sa Daddy ko. Haliparot talaga 'yong gold digger na 'yon! Hindi pa makuntento sa kayamanan ng pamilya ko at gusto pa yata niya ng backup! Pasalamat lang talaga ako na hindi siya nabubuntis dahil kung sakali ay mas titindi ang kapit niya sa MGC. Ngayon pa nga lang na asawa na siya ay nagrereyna reynahan na siya ro'n, paano pa kapag nagkaro'n siya ng tagapagmana? Baka tuluyan na akong walang mabalikan pa sa kumpanya. "Kalaguyo siya ng bruhilda kong step mom." "Ohh." Nginisian ko siya. "Funny right? Kaya hindi pwedeng manalong Mayor si Vasquez. Bukod sa patong patong ang alegasyon sa kanya, baka madamay pa ang pamilya ko kapag inambunan niya ng share sa mga kotong niya ang bruhang iyon." Tawang tawa siya sa sinabi ko. Bakit ko ba shine-share sa kanya ang bulok ng pamilya ko? Lecheng Allyson kasi iyon! Kung hindi dahil sa kanya ay hindi naman madudungisan ang pamilya namin. Kagigil siyang bruha siya. Ugh! Pinanood lang ako ni Captain na magsulat at uminom habang siya ay tahimik lang sa tabi na tinitignan ako. Magda-drive daw kasi siya kaya hindi siya umiinom. Ang good boy! Kaso nahiya naman ako ng slight dahil parang sumama lang siya rito to escort me. Tapos napagastos pa siya. Nang matapos ko na ang sinusulat ko at maipasa ito for flash report, I insisted to treat him lunch before niya 'ko ihatid pauwi para makabawi naman ako! Buti na lang pumayag siya at nabawasan ng kaunti ang guilt ko. Lol. So, kumain muna kami sa isang Italian resto at pagkatapos ay hinatid na niya 'ko. Pinagbuksan pa niya 'ko ng pintuan paghinto namin sa tapat ng building ng condo. Napaka-gentleman talaga grabe! "Thank you, Captain! Ingat ka sa pag-da-drive!" kumaway siya at hinintay kong makalayo ang BMW niya bago pumasok. Kaso kuminang naman ang mga mata ko nang matanaw ko kung sino ang tumatawid na pogi. May dala siyang kape kaya malamang galing 'to sa coffee shop sa tapat. Babatiin ko na sana siya pag hinto niya sa tapat 'ko, pero nilagpasan na naman ako! Lagi na lang akong parang invisible na nilalagpasan niya. Ahuhuhu. Nakaka-hurt na talaga siya ng feelings ha. Hinabol ko siya at mukhang hinintay naman niya 'kong makasakay ng elevator. Hehe. Pagkapasok ko ay napatakip siya ng ilong sabay nagsalubong ang mga kilay niya. Kahit hindi siya deretsong nakatingin sa 'kin alam kong ako ang tinutukoy ng ilong niyang judgmental. Hiningahan ko ang palad ko at inamoy ito. Napangiwi rin ako sa amoy. Hahaha! "Sorry. I had a few shots." "Wala ka bang pahinga sa pag-inom?" "Meron naman. Kapag walang nag-aya. Hehehe." Straight face pa rin siya at hindi man lang ako sinulyapan kahit 1 second. Huhu. "Kape ba 'yang hawak mo?" tanong ko kahit may nakasulat namang Americano. Tinanong ko lang naman para may pag-usapan kami habang paakyat pa ang elevator. Nagulat ako nang itapat niya ito sa harapan ko. "Drink." Parang amo na utos niya sa aso niya. Sasagutin ko sana siya ng arf arf kaso baka sipain niya 'ko palabas. Hahaha! Syempre dahil feeling ko ang ganda ko sa pagbibigay niya sa kape niya, I shyly tucked the strands of my hair behind my ear bago ko ito kinuha. "Thank you." I said in my most pabebeng voice. Huminto na sa 10th floor ang elevator at kailangan ko ng mawalay sa kanya. Naka sad-face akong nagba-bye sa kanya habang papasara ang pinto. Parang tanga kong sinamba ang binigay niyang kape. Pagpasok ko sa condo ay pinicturan ko agad ito at pinost sa IG story ko sabay may caption na-Thanks, Fyuch. Ang bibilis magsipag chat ng mga pinsan ko sa GC namin! Lyra: nice. After mag pulis, lipat agad sa lawyer. Dior: levelled up? May pa-kape na? Kairo: wth?! You're with Sam?! Mona: anlandeeee mo Portia. Manang mana ka samin. Natawa lang ako sa mga reaskyon nila, pero hindi ko sila nireplyan. I want to enjoy the peace I have right now. Sinimsim ko ang kape na bigay ng maalalahanin at mapagmahal kong bb. Sobrang worried niya siguro kanina kaya naibigay niya sa 'kin 'tong kape niya. How sweet! Nag-init tuloy ang buong katawan ko sa paghigop ng kape. Charing! Nabawi na yung badtrip ko kanina sa pagtatrabaho ko ng weekend, pero mananatili ang inis ko sa Mika Andrada na iyon sa pag-atras niya sa kaso. Siya naman din ang napahiya sa ginawa niya. Sariling image din naman niya ang sinira niya. Hayst. Nakakapanghinayang na nakakagalit lang talaga. Humilata ako sa couch at vinisit ulit ang f*******: ni Fyuch habang iniinom ang kape ko. Since medyo nawala na ang hiya ko sa nangyari kagabi dahil mukhang wala naman ito sa kanya, inadd ko na siya. This time, friend request na ang nirequest ko. Hahaha! Gusto ko sana siyang akyatin sa condo niya kaso baka matakot ko na naman siya. PDMartin: Fyuch! Seen 3:08pm Ay shet. Sineen lang ako ng bb ko. Huhuhuhu. PDMartin: busy? SSSmith: typing... SSSmith: yeah. PDMartin: friendship na nga lang hinihiling ko ayaw mo pa ring tanggapin. Seen 3:15pm Sineen na naman ako! PDMartin: can I go there? Ipagluluto kita! SSSmith: what can you cook? Ay shet may liwanag na ang buhay! Nag-reply din siya sa wakas ng matino. PDMartin: whatever you want. Do you have a dish in mind? SSSmith: I want sinigang. PDMartin: sana all sinigang. Amp! Do you have the ingredients? SSSmith: none. PDMartin: let's go to the supermarket! Bumagsak ako sa sahig nang gumulong ako bigla! Pucha ang sakit pero tumatawa pa rin ako. Hahahaha! SSSmith: ok. Wait for me at the lobby. PDMartin: okii bb!! Halos madapa ako sa pagmamadaling tumakbo sa kwarto ko at dinampot ang sling bag ko. Pagbaba ko sa lobby nag-retouch agad ako para maakit ko naman siya kahit papaano! Sa sobrang kilig ko, hindi ko napigilang hindi ibahagi. Char! "Adaraaaaa!! Guess what?!" [What?] natatawa niyang sagot. "We're going to the supermarket! Tapos ipagluluto ko siya ng sinigang!" [Sam??] "Of course!" [Congrats daw sabi ni Christian!] "Hahahaha! Sabihin mo sa brother-in-law ko salamat! Osya teka teka babush na heto na ang bb ko!" Madali kong pinutol ang tawag nang makita ko na siyang lumabas ng elevator. He's just wearing a plain white shirt and black pants. Parang nagliliwanag ang paligid niya sa paningin ko habang papalapit siya. Kumikinang kinang pa ampucha. May sayad na yata ako sa utak, Lord! Sinenyasan niya 'kong sumunod without words. Parang tamad na tamad laging magsalita! Pero okay lang naman sa 'kin para kung sakaling gan'to rin siya sa ibang mga babae, walang makakalandi sa kanya. Tinungo namin ang kulay pula niyang Ferrari and gosh. Ito ang first time kong sasakay sa kotse niya! Dapat yata vinlog ko ito. Hahahaha! Habang nasa byahe kami biglang tumawag sa 'kin si mini boss. Nagdalawang isip pa 'kong sagutin kasi namin hello? Pahinga ko po ito. Kaso nakakahiya kay Fyuch ang paulit ulit na pag-ring ng phone ko kaya no choice. "Yes, boss?" [Are you free tomorrow?] Fuck. No please. Huhuhu. "Bakit, boss? Anong meron?" kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang inis ko. Gigil na gigil na sa pagkakuyom ang kamao ko at napapansin ko ng napapasulyap si Fyuch sa 'kin. [May presscon daw si Mayor Vasquez para sa personal project niyang Museum. I think you should be the one to go.] Screw you, Vasquez. You just ruined my weekend. "O-Okay I'll go." After I've got the details, inuntog ko ng paulit ulit ang ulo ko sa headrest. Punyemas naman kasi 'yon. Adik ba siya para magpa-presscon ng linggo?! Pahinga ko yun e! Akin dapat 'yung araw na iyon e! "Got a problem?" Nakalabi akong humarap sa kanya. "I have to work on Sunday. Huhu." "You're in the media. You have to be flexible." Parang boss na sagot niya. "I know." Kaya nga hindi ako nagreklamo kay mini boss. "Asar lang ako sa naka-assign na work sa 'kin. Can I turn this on?" tukoy ko sa radyo niya. He just nodded. Kapag ganitong may tinututukan akong balita, hindi ako mapakali sa mga news updates na nagsusulputan kahit gusto kong mag chill. Kung pwede nga lang 24/7 na naka on ang news program sa background ko baka ginawa ko na. 'Kasong r**e na isinampa ng dating nobya ni Pablo Vasquez na anak ni incumbent mayor Vasquez, iniurong na. Ayon sa nagsampang si Mika Andrada, nabigla lamang daw ang dalaga..." Nagulat ko yata si Fyuch sa biglang pagtawa ko. Bwisit na tawa. "Ang gaga lang s**t! Binugbog na at ni-r**e nagawa pang balikan!" isinandal ko ang siko ko sa gilid ng bintana habang hinihilot ang sumasakit kong ulo. "She must've a reason." Seriously?! "Whatever is that, katangahan ang ginawa niya. Respeto na lang sana sa sarili niya!" "Mika Andrada always does that." Hinarap ko siya. "You know her?" "She's a former client of Zeno." My forehead creased. "Bakit hindi na siya ang lawyer niya ngayon?" "Zeno is an ass, but he's a lawyer who really focuses on cases about violence against women. He hates women who do not fight for their rights. And Mika just kept on filing cases, then withdrew them in the end." Pabagsak akong sumandal sa seat ko. "f**k. So matagal na niyang gawain 'yan? Baliw ba siya?" "Yeah. She has filed couple of cases against different guys since she turned 18. I don't know if she's crazy or what. It's not my story to tell." "Magmumukha pa pa lang biktima ang gagong Pablo na 'yon kapag nagkataon. Tangina." Napailing na lang ako. Sabi nga ni Fyuch it's not our story to tell. Siguro may dahilan talaga siya. Pero sana ma-realize ni Mika ang halaga niya bilang isang babae. If they wronged her, she must fight them 'till the end. Nakarating kami sa grocery nang hindi ko namamalayang magkasalubong pa rin ang kilay ko. Kinilig lang ulit ako nang abutan ako ng ice cream ni Fyuch. Hindi ko siya napansing bumili! "Calm your nerves." "Yieee thank you! Sana lahat ng crush kasing bait mo 'no? Para wala ng mga babaeng nagtatanong kung bakit hindi ka crush ng crush mo." Naglakad lakad muna kami para ubusin ang ice cream namin before mag-grocery. "Just don't want my sinigang to taste bad." Ayaw yata talagang maging crush ko! Amp! Choosy pa eh best friend ko naman 'yung crush niya. Hahahaha! "Sana all talaga sinigang. Para my ownership din. Sabihin mo nga my Portia. Try lang." inismiran lang niya 'ko at nilagpasan. "Ang damot! Para two words lang!" Bilisan niyang maglakad. "Asa ka." "Ay paasa pala! Ayaw mo bang maging crush ko? Bakit ganyan ka? Siguro hindi ka rin crush ng crush mo?" Ooops! Huminto siya at tinignan niya 'ko ng masama. Bakit kahit galit siya, mukha lang siyang nag gagalit galitan? Hahahaha! Cutie kasi! Sarap kagatin-ng lips! Nang maubos na namin ang mga ice cream namin, pumasok na kami sa supermarket. Dumiretso kami sa meat section. "Anong gusto mo? Pork? Fish? Or Portia?" "Pork." "Tinalo ako ng baboy! Ampupu!" I saw him suppressing his laugh kaya ginanahan ako lalong kausapin siya. "Fyuch, anong tawag sa baka na walang paa?" tanong ko habang pumipili ako ng pork sa meat section. Tinuro ko kay kuya 'yung kukunin ko. "I don't know. I don't cook." "Sus. Edi...ground beef." Napatingin sa 'kin si kuyang attendant ng meat section. "S-Sorry po," anito nang bigla itong natawa. Inabot nito 'yung pinakilo kong pork kay Fyuch. "Pardon her. She's sick." "Huy healthy ako, kuya!" I winked at him at buti pa siya mukhang kinilig sa kindat ko. Hawak ni Fyuch ang basket habang ako naman ang naglalagay ng mga kailangan naming ingredients para sa sinigang niya. "Anong mga ulam natin ang gusto mo pa for this week?" "You're just cooking for today." Napatakip ako ng kamay ko sa bibig ko. "Luh! Today lang ba?! Akala ko pang-habangbuhay na." Napa-iling siya. "You need prayers." "Then pray for me! Kasi ako I pray to be with you every night." Pinagdikit ko ang dalawang palad ko at ibinasbas ko sa paligid niya ang mga orasyon ko para i-crushback niya 'ko. Kaso iniwan ako ng loko at dumiretso siya sa cashier! Hahahaha! Pangatlo pa kami sa pila kaya kailangan ko muna siyang pasayahin para 'di siya mainip. "Fyuch, may ipapahula ako sa 'yo." He rolled his eyes, so I laughed. "What?" "Hulaan mo." Hindi na niya 'ko kinausap after niyon hanggang sa makapagbayad na siya sa cashier. Hahahaha! Pagsakay namin sa kotse niya inis pa rin yata siya sa 'kin dahil 'di pa rin niya 'ko kinikibo. "Fyuch?" "I'm not your Fyuch." Mataray na sagot niya. Hala dini-disown na 'ko ng kinabukasan ko! Hahahaha! "You are my Fyuch. My future, my darling, my honeybunch sugarplum, pumpy-umpy-umpkin. You're my sweetie pie. You're my cuppycake gumdrop snoogums-snoogums you're the apple of my eye." I sang. "You need Jesus!" "I need you both. Pwede?" God! If you're listening, help! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD