CHAPTER 4

2000 Words
NATATAWA at naiiling ang kasama ko sa trabaho na si Lexter habang nakatingin sa akin. Kunot-noo ko siyang tinanong kung bakit. Sinagot naman niya ako ng tanong din. "Okay ka lang ba, Jovert?" Ako naman ang tumawa ng mahina. "Oo naman. I'm really okay. Bakit, hindi ba ako mukhang okay?" "Hindi..." Nangunot ang noo ko habang sinisipsip ang strew ng iniinom kong energy drink. Saka ako muling tumingin sa kanya. "Bakit mo nasabi na hindi ako okay?" "Sobra na ang pag-inom mo ng energy drink na 'yan. Patatlo na 'yan ngayong araw na 'to, ah. Breaktime, lunch break at ngayon uling coffee break natin. Baka mamayang dinner ay iisa ka pa." "Masarap, eh. Ang totoo, maamoy ko lang ito kapag binuksan ay tumutulo na ang laway ko." "Hala! Iba na 'yan, pare," sabi ni Lester na tumawa. Umiling. "Addict ka na d'yan, Jovert. Hindi na maganda 'yan. Alam ko na naririnig mo din 'yong mga balita na may namamatay sa pag-inom niyan." Umiling ako. Totoong marami akong naririnig na masamang balita tungkol sa pag-inom ng energy drink pero hindi naman ako naniniwala. Para sa akin ay gawa-gawa lang iyon, na ewan ko kung paninira sa produkto o para maging curious ang tao at lalo itong maging mabenta. "Hindi naman totoo ang mga balitang 'yon. Fake news, p're. Kung totoo, dapat sana ay patay na ako o may masama nang nangyari sa akin." "Huwag mong mamasamain ang sinabi ko at sasabihin ko pa. Concern lang ako at gustong magpaalala. Hindi sa direkta kong tinutukoy na masamang uminom ng energy drink pero lahat naman ng sobra ay masama, 'di ba? Pare, sobra na ang pag-inom mo n'yan. Ginagawa mo ng tubig, eh." Tumawa ako. Saka muling sumipsip sa strew ng energy drink. "Addict na nga ako dito," pag-amin ko. "Kapag nakikita ko lalo na kapag halatang malamig na malamig ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na uminom. Para sa akin ay ang sarap-sarap nito. Ikaw? Hindi ko nakikitang umiinom ng ganito." Seryosong umiling si Lester. "Ayoko! Ayokong ma-addict." Nang magkatinginan kami ay sabay kaming tumawa. "Addict talaga?" sabi ko. Saka ako sumeryoso at bumulong sa kanya. "Pero alam mo, p're... may isa akong sure na epekto talaga nitong energy drink." "Ano 'yon, pare?" "Nagiging active ako sa s*x kapag umiinom nito. At feeling ko pati sperm cell ko ay aktibo din." Napatawa siya. "May ganoong factor?" Tumango ako. Seryoso. "Kaya nga nasundan pa 'yong inakala namin ni Sally na bunso na. Mula kasi noong uminom ako nito ay naging hard si Bututoy ko. Kumisig. Puwera bastos, ha. Nagsasabi lang ako ng totoo." "Naku! Aasahan ko na. Ahindi na ako mabibigla kapag nabuntis uli ang misis mo. Confirm na epekto iyan ng kinaa-adikan mong energy drink." Natahimik ako. Dahil sa sinabi ni Lester ay napaisip ako. Malamang na masusundan nga ng maaga ang pang-anim naming baby dahil madalas akong umiinom ng energy drink, na hindi lang isang bote sa isang araw kundi higit pa. Dahilan ng pagiging aktibo at makisig ng bututoy ko.   "PAGSABIHAN mo nga si Aldin," iyon ang bungad sa akin ni Sally nang umuwi ako.  Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako nagtanong. "Bakit? Anong problema, mahal?" "Parang addict na sa online games. Kapag narito sa bahay ay walang ginawa kundi ang tumutok sa tablet niya at naglalaro. Hindi ko na mautusan. Ni hindi ko makausap ng ayos dahil ayaw maabala sa ginagawa." "Dapat kinuha mo ang gadget. Hindi puwede 'yan. Baka pati pag-aaral niya ay maapektuhan sa kaka-online game niya." "Hindi ko nga mapigilan, eh. Kapag kukunin ko iyong tablet ay tumitigil tapos itinatago. Makikipag-usap sa akin at susunod kapag may inutos ako. After that at nalingat na ako ay back to gaming na uli." "Hayaan mo't kakausapin ko." "Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Mga pasaway at pahirap talaga sa mga magulang." "Tayo ang kailangang makisama sa kanila, e. Kasi kung paiiralin natin iyong style kung paano tayo pinalaki ng mga parents natin noon ay hindi na uobra. Noon, okay lang ang pamalo at paghihigpit. Ngayon, kailangan nating manimbang at baka magrebelde sila."  Naiiling akong nagpakawala ng buntonghininga.  "Ang hirap maging magulang," pagkuwa'y sabi ko. "Ngayon ko naiisip na hindi ito madaling obligasyon." "Kaya nga I always pray na sana'y huwag malihis ang mga anak natin. Sana, kahit napakaraming tukso sa paligid nila ay makaiwas sila at maiba sila sa mga kabataan ngayon na nalilihis ng landas." "Sana nga, mahal. Sobra kong ikalulungkot kapag may napariwara sa mga anak natin. O may nalihis ng landas. Kaya hangga't maaga ay kakausapin ko si Aldin para hindi siya mahulog sa online gaming addiction. Talamak na ngayon 'yan, eh. Napakarami ng kabataan ngayon ang nahuhulog sa ganyang sitwasyon." "Naku, Jovert, do your moves as soon as possible. Kapag na-addict si Aldin sa online games ay tutularan pa siya ng nakababata niyang kapatid. Baka mamalayan na lang natin ay mga addict na silang lahat sa ganyan." "Iyan ang hindi natin hahayaang mangyari, mahal. Kaya kung ano man ang maging problema sa mga bata ay ipaalam mo agad sa akin. Ikaw ang mas madalas nilang kasama kaya ikaw ang nakakakita." "Maiba ako, Jovert. Kumusta naman ang trabaho mo? Talaga bang desidido ka na, na kapag may kontrata sina Lester ay sasama ka? Napapabayaan mo na ang hamburger store natin. Mas madalas na sarado dahil hindi ko naman masyadong maasahan si Aldin doon." Inakbayan ko si Sally. "S'yanga pala, mahal. May naisip na akong maganda para sa business natin. Tutal ay lagi nang may magandang offer na trabaho si Lester ay mas makabubuting mag-hire na lang ako ng crew sa hamburger store natin. Isu-supervise ko na lang iyon. Bago ako umuwi dito sa bahay mula sa trabaho ko ay dadaan ako do'n para kunin ang benta at alamin kung ano ang mga kailangan." "Tatanungin kita, Jovert. Kaya mo bang magpasuweldo ng tao? Hindi ba tayo malulugi? May tutubuin pa ba tayo?" "Ang kukunin kong crew ay with pleasing personality. Malaki rin kasing panghatak iyon para maraming mabenta. Kapag maganda kasi ang nagtitinda ay nakaka-engganyong bumili. Kapag maraming benta ay mas tutubo tayo." "Bahala ka sa desisyon mong 'yan. Sana nga ay makakuha ka ng magandang crew." "At siyempre, importante ay honest. Hindi puwede na mukhang magnanakaw." "Okay. May tiwala naman ako sa 'yo at alam ko na kaya mo 'yan. Ikaw pa?" Niyakap ko siya. "Ang bait talaga ng misis ko, bukod sa maganda. Ang laki pa ng tiwala at bilib sa pogi niyang mister." Humagikhik si Sally. "Pogi talaga?" "Kaya nga minahal mo ako, 'di ba?" "Ewan ko sa 'yo!" "Tulog na tayo, mahal." "Tumigil ka, Jovert. Alam ko ang nasa isip mo. Umayos ka!" Binuhat ko siya. Napatili siya. Humalakhak kaming dalawa. "Jovert, ibaba ko ako. Tumigil ka, ha." Inihiga ko siya sa kama. Saka ako dumapa sa ibabaw niya. Nagtitili siya at pinaghahampas ako. "Tumigil ka sa iniisip mo, Jovert. Hindi puwede. Meron ako." "Meron ka? Seryoso?" Humahagikhik siyang nagtaas ng kanang kamay. "Sorry." "Grrr! Nakakainis!" Mahigpit niya akong niyakap. "Bawi na lang ako next week. Okay?" Hinalikan ko siya ng smack sa labi. "Okay, mahal. I love you." "I love you, too, Mr. Jovert Soriano." Ang laki nang panghihinayang ko. Kanina pa naman nagwawala si Bututoy ko. Parang hindi ko mapigil ang panggigigil. NGINITIAN ko ang babaing aplikante na pumasok sa loob ng aking tindahan na Jolly Hamburger. Atubili siyang gumanti ng ngiti saka bahagyang yumukod. Maganda ang timbre ng boses niya nang bumati ng 'good morning'. "Applicant?" "Yes, sir," sabi niyang iniabot sa akin ang hawak na bio-data form. "With 2x2 picture na po kagaya ng nabasa kong requirement sa paskil sa harap nitong Jolly Hamburger." Tinanggap ko iyon. "Have a sit." "Thanks, sir." Umupo siya at tumingin sa anak kong si Althea, na nagluluto ng hamburger. Siya ang isinama ko ngayong araw na ito dahil kahapon ay ang Kuya Aldin niya. Binasa ko ang nakasulat sa bio-data niya. "So, your name is Anna. Anna de Dios. Eighteen years old and presently residing at Block 33, Sitio Maligaya, Barangay San Isidro, Antipolo City." "Yes, sir. Bale tumutuloy po ako sa bahay ng tita ko. Address po nila ang nakasulat d'yan. Two months palang po ako dito sa Antipolo. Galing po ako sa province namin sa Mindoro at nagbabakasakali po na magkaroon dito ng magandang trabaho." "With experience?" Biglang namula ang kanyang mukha. Parang napahiya na biglang tumungo. Nangunot ang noo ko at nagtaka sa naging reaction niya. "A-Anna..?" Hindi pa rin siya tumunghay. "Tinanong kita. Bakit hindi ka sumagot?" Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha pero hindi pa rin siya tumingin sa akin. Lumunok siya. Lalo siyang namula. Gusto kong tumawa pero pinigil ko ang aking sarili. Bakit ganito ang reaction niya? She looks weird! Uulitin ko sana ang tanong ko in tagalog pero bigla na siyang nagsalita. "Nagka-boyfriend na po ako, sir. But... but I'm still a virgin. Wala pa po akong experience sa gano'n." Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tatlong beses na tumuldok ang isa niyang daliri sa ibabaw ng table. Nag-init ang mukha ko dahil naunawaan ko ang ibig niyang sabihin. Ang totoo ay nakadama ako ng hiya sa kanya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ako makaapuhap sa isip ng puwedeng sabihin na hindi siya mau-offend. "A-ang totoo ho, kabi-break lang namin ng boyfriend ko. Iyon ho ang totoong dahilan kaya ako lumuwas dito. Gusto ko hong maka-move-on agad..." Napalunok ako ng makitang nag-teary eyes siya. Ewan ko ba pero nakadama ako ng awa sa kanya. Kahabag-habag talaga ang mukha niya habang patuloy na nagkukuwento. "Gusto ko hong makalimutan agad ang taksil na 'yon. First boyfriend ko pa naman ho siya... first love... tapos niloko lang niya ako. I hate him. Sobra ko ho siyang kinasusuklaman." Mabilis kong iniabot sa kanya ang table tissue na mula sa kabilang mesa ng tuluyang pumatak ang mga luha niya. Agad naman siyang kumuha ng isang piraso at pinunasan ang nabasang pisngi. "Ang sakit ho ng ginawa sa akin ng lalaking 'yon. Seryoso pa naman ho ako sa kanya tapos may iba pa pala siyang girlfriend."  Kumuha uli siya ng tissue. Napaigtad ako sa pagkakaupo ng bigla siyang suminga.  "Sorry, sir. Pasensiya na ho. Hindi ko ho napigilang umiyak. Ang sakit-sakit ho kasi talaga sa puso." "A-Anna, nauunawaan kita. Damang-dama ko ang sakit na naranasan mo. Pero..."  Napakamot ako sa batok. Sana ay hindi siya ma-offend sa sasabihin ko. "This is not the right time to say about that. No offense meant pero you're an applicant kaya hindi mo dapat ikinukuwento ang ganyang bagay sa magiging amo mo." "Naku! Sorry, sir. I'm sorry ho. Na-carried away ho ako." Kumuha uli siya ng tissue at pinunasan ang mga luha. "Sir, bagsak na ho ba ako? Hindi n'yo na ho ba ako tatanggapin dito sa hamburger store ninyo?" Iniikot niya ang tingin sa loob ng Jolly Hamburger. Saka niya ibinalik sa akin ang pansin.  "Sayang naman ho. Feel ko pa naman itong store ninyo. Ang cute ho kasi. Sosyal kahit maliit. At kayang-kaya ko ho ang work dito." Napangiti ako. Natuwa ako sa sinabi niya. Cute at sosyal naman talaga ang ambience ng Jolly Hamburger. 'Jolly' ang business name nito dahil pinagdugtong ang name naming mag-asawa. 'Jo' mula sa Jovert at 'lly' mula sa Sally, na match at maganda sa pandinig.  Bale ba'y may tatlong maliit na table sa loob ng lugar, na puwedeng tambayan ng gustong mag-dine-in. Colorful and artistic ang design ng dingding, na maaliwalas sa pakiramdam. "Sir..." "What?" "Minor-de-edad ho ang crew. Maganda pero maliit." "Anak ko siya. Si Althea. She and her kuya are temporary crew here kaya nga gusto kong mag-hire para hindi na sila mag-work dito." Tumangu-tango si Anna. "Sana ho ay matanggap ako." "We will see. Ganito na lang, Anna. Tutal may cellphone number ka naman dito sa bio-data mo... I will call you for the result." "Sana ho matanggap ako, sir. I need this job ho talaga para makalimot at maka-move-on." "Okay, Anna. Puwede ka nang umuwi and wait for my call." "Thank you, sir. Thank you ho."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD