SOBRANG nalungkot si Anna ng pagbalik niya sa trabaho ay sinabi ko sa kanya na isasara ko na ang Jolly Hamburger. "Sayang naman po," sabi niyang tila bumagsak ang balikat. "Nag-i-enjoy pa naman po ako sa trabaho ito at sanay na ako. Pero wala naman po akong magagawa kung kailangan na talagang i-close itong business n'yo." Ipinaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon at naunawaan naman niya. "Since may sakit po pala kayo at hindi kayo puwedeng magpakapagod ay kontakin n'yo lang po ako kapag kailangan uli ng crew." "Huwag kang mag-alala, Anna. Ikaw talaga ang tatawagin ko kapag kailangan ko uli ng crew. Pero sa ngayon ay sisikapin kong tutukan muna ang business ko na ililipat sa harap ng bahay namin." "Sige po, sir. Sana nga po ay maging mabenta rin doon ang Jolly Hamburger. Pero tiyak naman

