"ENLARGE ang puso mo, Jovert," paliwanag ni Doctor Ramirez ng bumalik kami ni Sally sa ospital ng umagang ito para alamin ang results ng aking medical check-up. "May konting tubig ang lungs mo. Okay ang kidney pero stage three na ang iyong diabetes." Hindi napigilan ng aking asawa ang umiyak nang marinig ang sinabi ng doktor. "Sally," sabi ko na hinagod ang kanyang likod. "Don't cry, please. I'm okay." "Ang dami mong sakit, Jovert. At hindi biro ang mga ito." Hindi ko siya nasagot dahil nagpaliwanag pa ang doktor. Sinabi niya ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin. Itinuro din niya ang tamang pag-inom ng mga gamot na isinulat niya sa reseta. "Jovert, tama ang misis mo na hindi biro ang iyong mga sakit kaya kailangan mong mag-ingat. Regarding sa heart enlargement mo ay iri-refer k

