"MALALA kaya ang sakit mo, Jovert? Ano kaya iyan? Nininerbiyos ako." Hinawakan ko ang kamay ni Sally. Malamig ito. Nininerbiyos talaga siya kanina pa habang papunta kami sa ospital. At hindi na nga nawala iyon hanggang ngayon na pauwi na kami. "Huwag mo ng masyado pang isipin, Sally. Ipanalangin na lamang natin na hindi malala ang sakit ko. At sana ay maayos ang results ng x-ray at laboratories ko." "P-parang hindi ko kayang marinig ang sasabihin ni Doctor Ramirez kapag bumalik tayo para sa result," sabi niyang natutop ang sariling dibdib. "Talagang kinakabahan ako." "Okay lang kung hindi ka na sumama sa akin sa pagbalik sa ospital sa Thursday, Mahal. Kaya ko namang mag-isa." Umiling siya saka tumingin sa akin. "Kinakabahan ako, Jovert. Natatakot sa result. Pero sasamahan kita. Oblig

