"ILANG araw kang mawawala, Anna?" Hindi ko inaasahan ang pamamaalam ni Anna bago kami magsara ng Jolly Hamburger. Ito ang ikalawang araw kong pamamalagi sa store. "One week po sana, sir. Kung okay lang sa inyo." "Wala namang problema, Anna. Pero be honest... hindi ba 'yan dahil sa pagka-alangan o pagka-asiwa na kasama mo ako sa buong araw dito sa store?" "Naku, hindi, sir. Nagkataon lang po na uuwi sa Mindoro ang tita ko at isinasama po ako para makapagbakasyon na rin." Pinilit kong ngumiti. Nagawa ko pa siyang biruin tungkol sa dati niyang boyfriend. "Never," sabi ni Anna na napasingot. "Naka-move-on na po ako sa lalaking 'yon, sir. Kaya ni sulyap ay hindi ko po siya uukulan." "Tama. Ipakita mo at ipadama sa kanya na hindi siya kawalan sa 'yo," payo ko sa kanya. "So, goodluck na la

