"YOU need to undergo for a general check-up, Jovert," sabi ni Doctor Ramirez pagkatapos niyang basahin sa akin ang result ng aking ECG. Kaaalis lang ng oxygen na inilagay sa akin dahil okay na ako. "Bibigyan muna kita ng gamot na iinumin for pain reliever kapag sumakit uli ang dibdib mo, since ayaw mong magpa-confine dahil sabi mo nga ay kaya mo na." Nagsulat siya sa reseta. "Kailangan mong bumalik sa Tuesday para sa x-ray at laboratories. Basta gawin mo 'yong pasting na ipinaliwanag ko sa Monday night for blood chem. Be on time on Tuesday morning para magawa ng maayos ang kailangang gawin." Tinanggap ko ang iniabot niyang reseta. "At muli kong ipapaalala," sabi pa niya nang magpasalamat ako. "Stop drinking energy drink. Sisirain niyan ang kidney mo lalo't abuso ka sa pag-inom. Hindi m

