Natapos na ang imbestigasyon. Bumalik na ang lahat sa headquarters at dinala na ang bangkay sa forensic laboratory. Pero nagpa-iwan ako. Nagdahilan lang ako na may bibilhin muna pero ang totoo naglibot-libot ako sa paligid. Tuluyan nang tumila ang ulan kaya nakapaglakad-lakad ako sa paligid ng ilog. At dalawang kanto mula sa ilog, sa tapat ng isang bakanteng lote ay may nakita akong isang pamilyar na bagay. Lumapit ako doon para makasiguro. At iyon nga ang sasakyan ni Grace. Hindi iyon naka-lock at ang susi nito ay nandoon pa rin. Tinignan ko ang loob ng sasakyan pero wala akong nakitang kakaiba doon. Tanging ilang damit at sapatos lang niya ang nasa likod ng sasakyan. Isasara ko na sana ang compartment nang mapansin ko ang isang kahon na nasa sulok. Kinuha ko iyon at nanghina ako nang mak

