Pagdating nila Allan sa resort, saktong tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya, tumatawag ang mommy niya. Bago siya bumaba ay sinagot na muna niya ito. “Hello, mom!” “[Hello, Allan, saan ka ba? umuwi ka muna.]” Narinig niyang umiiyak ang mommy niya sa kabilang linya kaya kinabahan siya. “What happened, mom?” tanong niya. “[Ang daddy mo kasi—ayos lang ako, huwag mo na pauwiin ang anak mo—huwag ka ngang maingay riyan. Please, anak, uwi ka muna. Dito ko na lang sasabihin,]” wika nito. Narinig niyang nagsalita ang daddy niya kaya naguluhan siya lalo. Hindi niya alam kung uuwi ba siya o mag-i-stay pero dahil sa iyak ng mommy niya kailangan niyang umuwi. “Okay, mom, uuwi ako. Diyan na lang po tayo mag-usap,” sagot niya. “[Sige, anak, ingat ka.]” “Sige, mom.” Pagkatapos ay in

