Chapter 32

2007 Words

NANLAKI ang mga mata ni Jelly at sinipat si Allan pero hindi nito alam kung sino roon dahil dalawang lalaki iyon. “Saan?” tanong nito sa kanya. “Iyong naka-white t-shirt, khaki short at flat cut hairstyle. Kausap si Alee,” sagot niya habang nagtatago. “Sino, iyon—” “Mamaya ka na magtanong ulit, puntahan mo si Alee!” natatarantang sambit niya kaya napatakbo palabas si Jelly papunta kay Alee. Paglabas nito, sumilip siya sa hamba ng pintuan, pero dahil medyo malayo hindi niya makita ng maayos. Marami kasing bumibili at nahaharangan ang tingin niya. Samantala, nilapitan naman ni Jelly si Alee. “Ilang taon ka na?” Narinig niyang tanong ni Allan sa bata bago siya makalapit. “I’m four years old,” sagot ni Alee at ipinakita ang apat na daliri. “Alee, ano nakapili ka na?” singit niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD