PAGDATING nila sa bahay nina Jelly, nawala na ang hilo niya kaya dumiretso na siya sa kwarto nito. Naiwan sa baba sina Alee at Allan. Pagpasok niya, nakita niya si Jelly na nakaupo sa lapag at umiiyak. Habang sa sahig ay nakita niya ang tatlong pregnancy test na mayroong two lines bawat isa. Nanlaki ang kanyang mga mata bago lumapit kay Jelly. “J-Jel, kanino ’to?” nalilito niyang tanong. Dahil impossible naman na kay Jelly iyon gayong wala naman itong boyfriend. “Sam…sorry pero hindi ko alam ang gagawin,” wika nito at yumakap sa kanya. Nabigla siya sa sinabi nito at napagtantong sa kaibigan nga ang mga pregnancy test na iyon. “P-paanong nangyari ’to? Napaka-impossible, Jel. I mean, wala ka naman boyfriend ’di ba?” tanong niya. Bumitaw ito sa yakap at tiningnan siya. “Huwag mo sabihing

