HABANG kumakain sina Samantha, Allan at Alee, ay biglang sumulpot doon si Kyrie. Napatigil sila sa pagkain. “Wow, hindi ka na kumakatok. Bahay mo?” sambit ni Allan. Tinawanan lang siya ni Kyrie habang siya naman pinaupo ito. “Kumain ka na?” tanong niya. “Hindi pa nga, eh,” sagot nito kaya ngumiti siya. “Siya, sabayan mo na kami. Wait, kuha ako plato,” saad niya at tumayo. “Hi, Alee.” “Hello po!” “Ano ang ginagawa mo rito? Boring ba sa bahay ninyo?” tanong ni Allan. “Ang sungit mo naman, Allan. Sa mag-ina mo nga welcome ako, tapos sa ’yo hindi. Parang hindi tayo magkaibigan,” wika nito. Bumalik siya at inilapag sa tapat nito ang plato. “Oh, kumain ka na.” “Salamat, Sam.” “Papa, you're not friends with tito?” tanong ni Alee sa kanyang ama. Napatingin siya sa anak at nakitang nak

