NANG tumigil si Allan sa tapat ng bahay nila, hindi niya magawang bumaba dahil ayaw pa sana niyang tumigil sa paghahanap. Pero hindi na niya alam kung saan pa sila magpupunta para hanapin si Sam. Kahit ayaw niya ay wala na siyang nagawa kundi bumaba pa rin para buksan ang gate. Sumakay ulit siya para ipasok ang sasakyan at igarahe. Nang muli siyang bumaba para isarado ang gate, napatingin siya sa bahay. Nakasarado ang pinto at patay ang mga ilaw. Para siyang lantang gulay na naglakad palapit para buksan ang pinto at pumasok saka binuksan ang ilaw sa sala. Nakaramdam siya ng lungkot nang bumukas ang ilaw at bumungad ang tahimik na sala. Napatingin siya sa dining area kaya naglakad siya roon para buksan ang ilaw. Pagbukas niya, nakita niya si Sam na nakangiting naghahain. Napangiti siya a

