Umalis si Allan upang hanapin si Samantha. Hindi niya alam kung paano at saan siya magsisimula kaya pinaharurot niya ang kotse niya sa bahay nina Kyrie dahil magbabakasakaling nandoon ang asawa niya. Habang nagmamaneho naramdaman niyang may pumatak na luha at nagbu-blurred na rin ang tingin niya kaya pinunasan niya ang kanyang mata. Na-realize niyang umiiyak sjya pero hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung mahal ba niya si Samantha at nagi-guilty lang siya sa nangyari kaya niya ginagawa iyon o dahil iniwan na siya ni Chelsea kaya ayaw na niyang pati si Sam ay mawala sa kanya. Nang makarating sa bahay nina Kyrie, agad siyang bumaba ng sasakya at nag-doorbell. Lumabas si Kyrie na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. “Allan, napadalaw ka. Ano ang kailangan mo?” tanong nito

