KABANATA 11 Nanlulumo ako habang naglalakad ako palabas ng school. Nasayang ang dalawang taon na pag-aaral ko rito nang dahil lang sa kagagawan ni Austin. Sa isang iglap nawalan ng direksyon ang buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy. ‘Yung daan patungo sa magandang kinabukasan ko, wala na. Mananatili na lang akong ganito. Mahirap at tinatapak-tapakan. Bago ako umuwi dumaan muna ako sa tindahan. May limang daan pa akong natira mula sa allowance ko bilang student assistant. Ibinili ko ‘to ng alak at pulutan. Habang pauwi na ‘ko, nakasalubong ko si Mona. Mukhang bagong paligo siya dahil basa pa ang buhok niya. “Baste!” Kumaway siya at patakbong lumapit sa ‘kin. “Kumusta? Bakit ang aga mo atang umuwi?” “Wala kaming teacher,” pagsisinungaling ko sa kanya. “Ikaw, maaga

