Sabay na napatingin sina Glendon at Xia sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa iyon ni Martha. "Hi?" mahihiyang bati nito sa kanila pero agad namang nag-iwas ng tingin si Xia. "Iiwan ko muna kayo para naman makapag-usap kayong dalawa," sabi ni Glendon sabay tayo. Hindi na nito hinintay pa ang magiging sagot ni Xia. "Nalaman ko ang nangyari sa'yo kaya heto dinalhan kita ng mga prutas. Sigurado akong kailangan mo ang mga ito," anito saka nito inilapag ang dalang basket na may lamang prutas sa ibabaw ng maliit na mesang nandu'n saka ito dahan-dahan itong umupo sa silyang nasa gilid lang ng kanyang hinihigaan, ang silyang ukupado kanina ni Glendon. "Alam kong ayaw kong makita mo 'ko ulit pero nais ko lang makumusta ang kalagayan mo," pahayag pa nito habang siya naman ay bahagyang

