Episode 5

2186 Words
   Alaine..       Nakakasilaw ang liwanag sa paligid,halos hindi ko maidilat ang aking mga mata pilit kong ginalaw ang aking mga kamay.Naramdaman ko ang mainit na palad ang mahigpit na nakakapit sakin.     "Anak?kamusta na pakiramdam mo?"nagaalalang tinig ni mama      "ayos lang ako ma,si papa nasaan ?"pilit kong ibinangon ang sarili ngunit nahihirapan pa rin ako sa hilo     "may gusto ka bang kainin anak?"hindi sinagot ni mama ang tanong ko pero halata ang lungkot at pagkadismaya sa kanyang tinig.     "Wala po ma  ayos lang ako, sigurado akong pagod lang ito"hirap na sagot ko kay mama.Sa buong maghapon ay si mama lamang ang nakasama ko sa ospital.    Kinabukasan ay nakalabas na ako ng ospital ngunit hangang makasakay kami ng bus  pauwi sa probinsya ay hindi ko man lang nakita ni anino ni papa, hindi rin ako sinasagot ni mama ng maayos sa tuwing magtatanong ako ay iniiba niya ang topic oh kaya ay nagiging busy sya.     Nakapagtaka pero kakaiba ang kinikilos ni mama , andun pa rin naman ang lambing at alaga niya pero bakas ang lungkot ng kanyang mata.Sabi ng doktor ay ok lng naman ako pahinga lang naman ang kelangan ko  pero bakit parang OA ang reaksyon ni mama.     Ng makarating kami sa station  ng bus sa sa aming lugar ay hindi man lang kami sinundo ni papa busy ba un?Baka me sorpresang party sa lugar namin alam ko sobrang saya nila mama dahil sa graduation ko  at hindi lang yun c*m lau de  ako ,Yes! siguro mga ilang buwan lang na pahinga enjoyin ko muna ang magandang tanawin sa lugar namin tapos babalik na ako sa maynila para maghanap ng trabaho.Merong mga offer sa akin mula sa mga OJT ko maganda ang pasahod at kung hindi man siguro marami pang ibang company ang pwedeng pasukan,nagbigay din ng referal si Mrs Marasigan.Naeexcite na ako sa mga darating na araw, sa ngayon ispoil ko muna ang sarili bilang reward sa ilang taon ng aking pagsisikap. Ngunit pagdating ko sa bahay ay ni walang bakas ng pagsalubong man lang sa aking ama kahit biko man lang oh pansit bihon ay walang nakahain sa lamesa. Ano ka ba Alaine, pinagalitan ko ang aking sarili bakit ba ako nag eexpect eh malamang napagastos sila  sa ospital ang dami pang gamot na binili ni nanay paguwi,pinilit ko sya na ako na ang magbabayad pero tumangi siya.Mukang mahal pa ang mga ito mayroong Folic acid,Iron,Calcium,Vitamin D sabi ni nanay anemic na daw kase ako.Masyado kase akong nagpuyat para sa last requirements at kung ano ano  pang gawain before graduation.Ayaw ko na din magalala sila kaya kahit hindi ako mahilig uminom ng gamot ay pipilitin ko mga  vitamins naman un eh, alak nga nainom ko eh eto pa kayang mga  importante.Masaya na akong maakauwi at makasama muli ang aking pamilya.Sobra ko silang namimis sa isang taon isang beses lang ako kung makauwi pero nung nakaraang taon hindi ko nagawang magbakasyon dahil sa sobrang busy sa school.     "Ate" malakas na sigaw sa akin ni Mylene ang aking bunsong kapatid ,patakbo itong lumapit at mahigpit na yumakap sa akin.     "ayeng  kamusta ka na may pasalubong ako sayo"excited kong sabi      "nagtatampo hindi ka kase pumunta nung graduation ko eh, Valedictorian din ako oh!"sabay labas ng kanyang mga medalia.Grumaduate na rin ito sa high school nuong nakaraang buwan kaso hindi ako nakauwi dahil sa dami ng dapat asikasuhin sa school. Isa rin itong top student bagay na talagang ipinagmamalaki ko dahil kahit mahirap lang kami ay sinisigurado naming magkapatid na maayos ang aming pagaaral. "Naku mana ka talalga sa akin"sabay pisil sa kanyang ilong "lika at pakita ko sayo tong mga pasalubong ko" sabay akay paakyat sa aming kwarto. "magingat ka  naman sa pagakyat ng hagdan anak" nagaalalang habol ni mama     "ok na ako ma magaling na ako,tawagin mo ako pagdating ni papa ah may pasalubong din ako sainyo"sabay kindat bago tuluyang umakyat sa kwarto. Hindi ko napansin ang sakit na saglit kong nakita sa kanyang mata baka nagaalala lang sa akin si mama.     Excited na binuksan ni Mylene ang kanyang mga pasalubong ibat ibang gamit pambabae ngpatulong pa ako kay Kelly at alam kong parehas sila ng kapatid ko pagdating sa kakikayan.Tuwang tuwa naman ang batang ito at halos sambahin ako sa  pagpapasalamat. "eto pa oh dahil isa kang mabait na bata reward ko rin ito pagsisikap sa pagaaral, alam kong kekelanganin mo din yan sa pagaaral mo sa  College"sabay abot ng isang box ng smart phone.Nanlaki ang mga mata nito at halos maiiyak sa tuwa.Halos abot langit ang pasalamat  niya."May sim and load na yan ayen mumurahin lang yan pero magagamit mo yan lalo nat mapapalayo ka narin kila papa"     Natangap din si Mylene na scholar sa parehong school ko at alam kong magiging maayos siya dun malaki ang tiwala ko sa kapatid ko na may mataas na pangarap din ito.    Dinukot ko sa kailaliman ng aking bag ang sobreng nakaipit sa mga damit ko.     "Ate pera ba yan?aba mukang nakaipon ka ah ano sideline mo sa maynila"curious na tanung ni Mylene     Nakaipon ako ng kaunting pera sa mga part time na  binibigay ni Mrs Marasigan malaki ang naitulong nito sa akin sya rin ang naglapit sa akin ng sponsor na tumulong sa mga gastos ko sa school, kahit scholar na ako marami pa ring projects at gamit na kelangan bilhin mejo mahal din ang mga ito ah ayaw ko na rin masyadong iaasa sa magulang ko ang mga ito.Mejo malaki ang monthly allowance na binibigay ng taong ito kaya iniipon ang bawat tira para kila mama and papa.  Hindi ko na nakilala ang taong ito hindi na daw mahalaga sabi ni mam kaya hinayaan ko na lang sayang lang hindi ako personal na nakapagpaslamat sa kanya, nagpaabot na lang ako ng thank you letter kay mam para kahit papaano mapaabot ako aking pasasalamat sa laki ng naitulong niya sa akin.   Maghahapunan na wala pa rin si tatay ano kayang nangyari doon."Alaine ,Mylene  halika't maghapunan na tayo"aya ni nanay sa baba.     Nagmadaling bumaba si Mylene at ibinida ang ang kanyang bagong celphone halatang excited ang batang ito.Sumunod ako sa kusina at masaya naming pinagsaluhan ang masarap na gulay at pritong isda ni mama,pero pansin ko na kahit ngumingit ay may kakaiba sa mata ni mama.     Inilabas ko ang sobra at inaabot  kay mama " ma ito para sainyo naipon ko yan  para sa inyo ni papa  bili kayo ng gusto ninyo"inilapit ko ang sobre pero ibinalik sa akin ni mama "anak itabi mo na lang yan para sainyo kakaylanganin mo yan"sabay balik g sobre sa kamay ko "para sa inyo po talaga inipon ko yan sa isang buwan babalik na ako  maynila  mayroong nag offer sa akin don kaya siguradong may mapapasukan na ako" "ma regalo daw yan ni ate sainyo  bil ka na nung gusto mong duster dun sa tyange"singit ni Mylene "mama tagnapin mo na please pasasalamat ko yan sa lahat  ng suporta ninyo sa akin,umpisa pa lang iyan pagnakapagtrabaho na po  ako ipapagawa ko itong bahay"sunod sunod kong sinabi lahat n mga pangarap ko kay mama pati ang balak kong pagbili ng maliit na lupa para tamnan ng saging para kay papa.     Nakikinig lang si mama sa lahat ng sinabi ko at excited namang nakatitig si Mylene sa gilid.     Patapos na kami sa aming pagkain ng dumating si Papa."Pa tara na po kain na kayo"aya ko sa kanya. Tumitig lang ito at dumiretso pataas ng hindi man lang ako pinansin.Biglang parang natusok ang dibdib ko nakaramdam ako ng tampo kay papa bakit ba sa tingin ko ay may galit ito sa akin, ano ba ang nagawa ko ,dahil ba sobrang nagaalala sya sa pagkaospital ko?     "Anong problema ni papa ma?"tanong ni Mylene.     "Pagod lang yun,bilisan nyo na at magligpit magsitulog na rin kayo at bawal magpuyat itong ate mo." nakatingin lang ako kay nanay. Nakatulog na lang ako sa pagiisip kung ano ang nangyari kay tatay at bigla itong nagbago ng pakikitungo sa akin.Alam ko nga sobrang excited pa nito ng dumating sa school para umatend sa graduation ko. Nagising ako ng marinig ko ang ingay sa baba parang may pagtatalo nangyayari ,rinig ko ang parang paghikbi ni Mylene at  ang galit na boses ni papa.     "Makinig ka sa akin Mylene.Hindi ka na pwedeng pumunta sa maynila magaganda din ang mga university dito kaya  hindi ka pupunta ng maynila." Bumaba ako at sumilip kung ano ang nangyayari ngunit ng malapit na ako sa huling hakbang biglang umasim ang panlasa ko biglang parang nagaakyatan ang mga kinain ko kagabi,tumakbo ako papunta sa banyo para  ilabas ang lahat ng bumubulwqak sa dibdib ko.Halos wala na akong mailabas pero nasususka pa rin ako magkahalong maasim at maalat ang nalalasahan ko sa aing bibig.Ang problema pa ay rinig na rinig sa sala kung nasaan silang lahat ang ingay ng suka ko.     "ok ka lang ba ate?"narinig ko ang basag na tinig ni Mylene sa likod ko halatang bagong iyak lang ito.     "oo baka may nakain lang ako kagabi"sabay punas sa mga laway sa bibig ko , kumuha ako ng tubig at uminom para mawala ang pangit na lasa sa bibig ko.     "halika ayeng ako kakausap kay tatay"tugon ko sa kanya sabay lapag ng baso. Sabay kaming pumunta ng sala ngunit matalim na titig ni papa ang sumalubong sa akin.Bumaling ako kay mama ngunit tahimik lamang itong umiiyak sa upuan. "Pa,bakit ka ba ganyan magandang oportunidad ang naghihintay kay Mylene sa maynila"matapang kong sabi kay papa kahit sa totoo lang ay halos matumba ako sa  kaba dahil sa mga titig nya.Tahimk lang sya at nagiwas ng tingin.     "Ako na pong bahala sa kanya sa susunod na buwan isasama ko na sya duon para masanay na sya sa maynila"sabi ko habang hinihimas ang likod ni   Mylene.     "Walang pupunta ng maynila mananahimik kayo dito sa probinsya"matapang nasagot ni papa     "Pa malaki na kami kaya na namin ang aming mga sarili wag ka magalala"tugon kko kay papa     "Panong hindi magaalala sa sintwasyon mong yan"sabi ni papa sabay turo sa tyan ko      "Kaylan mo aaminin samin ang nangyari sayo"nagiiba na ang tono ni papa mas lalo itong naghahasik pero hindi ko maintindihan kung bakit. "Julio tama na yan hayaan mo muna ang anak mo"awat ni mama kay papa   Nagpapalipat lipat ngtingin sa min si Mylene pero nagtataka ako kung anong ibig sabihin ni papa wala naman akong inililihim sa kanila.     "Ano bang ibig sabihin mo pa?ano ba dapat kong aminin sa inyo"nagtatakang tanong ko      "Anak maupo ka muna makakasama saiyo ang sobrang pagiisip"aya sa akin ni nanay at pinaupo ako sa maliit naming sofa."Mylene anak ikuha mo nga muna ng tubig ang ate mo uminom ka na rin n tubig" pumunta ng kusina si Mylene apra sumunod sa uto ni mama.     "Tigilan mo ang pagkampi mo sa anak mo Marcela,"malakas na tinign ni papa     "Ikaw na bata,pinagkatiwalaanka namin tapos ano, uuwi ka ng ganyan ka,tapos gusto mo pa bumalik doon isasama mo pa ang kapatid mo "sunod sunod na sermon ng papa     Nakatingin lang ako ng pagtataka sa kanya hindi ko talaga alam kung anong nangyayari patuloylang sa pagiyak sa mama at paghilot sa likod ko.         "Kausapin moang lalaking iyon at sabihin mong humarap ng maayos sa amin, hangat hindi sya nagpapakita dito ay hindi ka babalik ng maynila"padurong sabi ni papa     "Pa ano pong sinasabi nyo,sino pong lalaki un?"nagtataka pa rin ako kung ano ang ibig sabihin ng mg salita ni papa.     "Eh sino pa,edi ang ama ng dinadala mo"galit na sabi ni papa habang nakaturo sa tyan ko. baggg..kalansing ng basag na baso,galing sa kusina napatingin kami ni nanay sa pinto ng kusina kung saan naestatwang nakatingin si Mylene sa amin.     Hindi ko maiproseso sa utak ko kung ano ang ibig sabihin ni papa sabay naalala ko ang gabi sa hotel kasama ang lalaking iyon.Naramadaman ko ang pagbasak ng aking balikat kasabay ng lahat n mga plano at pangarap na nais kong matupad piparusahan ba ako dahil sa isang gabi ng pagkakamaling iyon?     "Buntis ka ate?"mangiyak ngiyak na sabi ni Mylene "paano mo nagawa sa amin to,"mabilis na tumakbo palabas ng bahay si Mylene at sumunod si mama para habulin sya.Hinarap ako ni papa at nagbanta "Tawagan mo ang lalaking iyan sabihin mong panagutan nya ang dinadala mo" padabog na lummabas si papa at binagsak ang pinto.     Naiwan akong nagiisa,nagtataka at nanalulumo napakapit ako saaking tyan at hinimas iyo.     Magiging nanay na ako?Paano ko masasabi ito sa kanya,pano kung itangi niya ,ni hindi ko nga alam ang number nya,pano ko ipapaliwanag kila papa ang nangyari...gulong gulo ang utak ko wala na akong nagawa at umiyak na lang ng umiyak.At naramdaman ko na ang paguho ng mundo sa paligid ko isang malaking pagsubok na hindi ko alam kung handa ba akong harapin ito ang tangin naisip ko na lang ay iiyak lahat  ng lungkot na nararamdaman ko.Ngunit sa isang sulok ng aking utak ay hindi ako nagsisi dahil kahit alam kong malabo na kaming magkita ulit ay  may isang maliit na nilalang ang mabubuhay sa loob ko.     Hinihimaas himas ko ang aking tyan at umiyak habang tumatawa na inaalala ko ang imahe ng lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD