"Paulo sundin mo ang mga pinapagawa ni Anne okey... Siya ang mag rereport saakin.. At puwede ba huwag narin kayo mag talo kanina Pa sumasakit ang tenga ko sa inyo" wika ni Paulyn ng maka rating na sila ng Probinsya
"Mommy pa'no ang mga naiwan Kong business---
"Ako na muna ang bahala. Basta huwag molang pabayaan ang Farm. One month kalang mag tatrabaho dito. Anne ikaw na ang bahala sa anak ko. " wika ng ginang at niyakap ang dalaga.
"Opo tita" sagot ng dalaga.
Hinatid lamang sila ng ginang sa bahay na tutuluyan nila. na pag-aari pa nuon ng mga magulang ni Mrs Paulyn. Sinamahan lamang sila nito dahil gusto rin nitong maka usap ang naiwang pamilya ni Mang Domeng.
Mayamaya ay naiwan na lamang ang dalawa sa malaking bahay. Walang gustong mag salita sa kanila kaya nakaka bingi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Magandang hapon po Senyorito Paulo. Ako nga po pala si Madona ang anak ng katiwala ng bahay na ito " wika ng isang dalagita at bumaling naman ito kay Anne at nag bigay bati rin ito
"Puwede moba kami samahan kung saan ang magiging kuwarto namin" naka ngiting saad ni Anne sa Dalagita.
"Opo seniyorita---
"Nako ate Anne nalang itawag mo saakin madona" agad na sabi niya
"Si.. Sige po ate Anne" sagot naman nito.
Pagka tapos maituro ni Madona kung saan ang magiging kuwarto nila ay umalis narin ito.
"Haaayst nakaka pagod ang mahabang biyahe. "Mahinang wika ni Anne habang naka higa sa malambot na kama. Ilang sigundo lang ay paidlip na sana ang kaniyang mata ng maka rinig siya ng malakas na sigaw! Sigaw iyon ng pamilyar na tinig.
"St*pid Anne! " rinig niyang sigaw ni Paulo. Kaya kaagad siyang napa bangon at padabog na tinungo ang kinaroroonan ng binata.
"Anoba?! Bakit kaba sigaw ng sigaw! " aniya ng walang katok na binuksan niya agad ang Pinto ng kuwarto ni Paulo
"Ang bigat ng maleta ko. Buhatin monga ilapag mo dito sa taas ng kama ko" utos ng binata sa kaniya. Kaya napa taas siya ng kaliwang kilay habang naka pamaywang
"Ikaw nga na lalaki hindi mo kaya. Ako Pa kaya na babae lang. Saka mga gamit moyan kaya trabaho mona yan" sagot niya
"Hey hey. Jologs, maid kita kaya wag kang mag reklamo---
"Utusan mo ang sarili mo. Mag papahinga na ako. Bukas mag sisimula na tayo sa farm" balewalang sabi ni Anne at tumalikod na.
"Hey tulungan mo nalang ako please hindi ko kaya mag isa 'to" pahabol pang sabi ni Paulo kaya napa hinto ang dalaga at binalingan ang binata
"Anong sabi mo ulit? " pag lilinaw ng dalaga. Kung tama ba ang narinig niyang nag sabi ng Please sa kaniya ang binata.
"Please tulungan mo akong itaas ang maleta ko dito sa kama" nababagot na wika ni Paulo. Sobrang inis na inis na siya. Siya ang amo pero bakit siya ginaganito ng maid niya.
"Okey" kibit balikat sagot naman ni Anne at lumapit na sa binata upang tulungan ito.
"Bakit ba kasi ang laki laki ng maleta mo. Isang buwan kalang naman dito ah. Daig mopa ang nag lipat bahay." Saad ng dalaga.
" one two three " halos magka sabay na pag bilang nila at kinaya naman nilang mailapag sa kama ang malaking maleta
"Makaka labas kana" malamig na wika ni Paulo na siyang nag painis naman sa dalaga.
"Wow thank-you ha hiyang hiya naman ako sayo " sarcastic na wika ng dalaga at tumalikod na.
"Bwisit ito 'yong ayaw ko rito eh, walang signal "inis na wika ni Paulo ng maka labas siya ng bahay. Katatapos lamang niya mag meryenda at napag isipan niyang tawagan ang mga kaibigan.
"Anong ginagawa mo dito? " ani ng pamilyar na tinig ng babae. Napa ismid naman si Paulo ng malingunan niya si Anne
"Pakealam mo" masungit na sagot ng binata
"Ikaw para kang babae. Daig mopa ang inahing manok laging putak ng putak .eh Kinakausap naman kita ng maayos" napipikon na ani ng Dalaga.
"Eh ayaw kitang maka usap eh" sagot naman ng binata.
"Ayaw mo talagang maki pag usap? Alam Kong naboboring ka puwede mo akong kausapin " wika ng dalaga sa mabait na tono
"Bakit ba ang kulit mo?! Ayaw ko sayo at akala mo ay magiging maayos tayo pagka tapos mo gawin ito saakin!" Singhal Pa ng binata sabay turo sa mukha nitong namamaga parin ang mata
"Kasalanan morin naman eh. Saka mawawala rin yan at ang cute monga d'yan sa mukha nayan eh. Sandali wait " pang iinis Pa ng dalaga sabay kuha nito ng Cellphone at mabilis na kinuhanan ng litrato ang binata
"Hahahaha para kang tutube." Hindi mapigilang tawa ni Anne ng tignan nito ang larawan ni Paulo sa kaniyang phone. Ng bigla na lamang iyon hablutin ng binata at itinapon sa sementadong pader kaya kitang kita niya ang pagka sira ng Cellphone niya
"Ang cellphone ko! Bakit mo sinira ang Cellphone ko! " naiiyak na wika ni Anne habang pinupulot nito ang nagka sira-sirang Cellphone
Bigla ay naka ramdam naman ng pagka habag si Paulo ng makita niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ng dalaga. Lumapit siya dito ngunit itinulak lamang siya ng dalaga
"Ikaw ang mag hugas ng mga Plato at ikaw ang mag luto mamayang gabi. Subukan mong tumanggi e rereport kita sa mommy mo bwisit ka! " wika ng dalaga at tinalikuran na siya nito.
"Pa'no na.. Hindi ka puwedeng masira" umiiyak na ani ni Anne habang inaayos niya ang sirang Cellphone. Kahit may kalumaan iyon ay ayaw niyang palitan dahil niregalo Pa iyon ng nanay niya tatlong taon ang lumipas. Iyon ang unang cellphone niya sa buong buhay niya at galing Pa iyon sa ipon ng kaniyang ina sa pag luluto ng kakanin. Kaya sobra niya iyon iniingatan
Habang si Paulo naman ay tapos nang mag hugas ng pinggan. Isang baso at Tatlong Plato ang kaniyang nabasag . Wala naman siyang alam sa gawaing bahay kaya, hindi niya alam kung pa'ano ang gagawin.
"Anong lulutuin ko For Dinner... Tssk bakit koba sinusunod ang Jologs na 'yon. Dapat ako ang nag uutos dun ah. Pero baka ereport nga niya ako kay mommy. Baka mas lalo Pa akong patagalin dito aaarg kainis" ani ni Paulo at napapasabunot na lamang ng sariling buhok
"Nako senyorito! Anong ginagawa niyo po. Jusko! Ako napo d'yan baka po masunog ang bahay" tarantang wika ni Madona ng maka pasok ito ng kusina at nakitang nag luluto si Paulo.
"Bakit lumipad ang apoy diyan sa kalan? " ani ni Paulo
"Ano pong nilagay niyo sinyorito? Jusko! Abel tubig! " malakas na tawag ni Madona sa binatang siyang nag aalaga ng mga hayop at halaman duon
"Ito.. Diba mantika ito? " ani ni Paulo kaya napa tampal ng nuo si Madona.
"Senyorito hindi po yan mantika... Gasulina mo yan. Hindi niyo poba naamoy? "
"Nakita mong naka mask ako diba saka ----
Hindi na naituloy ni Paulo ang kaniyang sasabihin ng may humila sa kaniyang Tenga kaya napa daing siya dahil sa lakas ng pakaka hawak nito
"Aray ano ba?!" Inis na wika ni Paulo ng mabitawan na ni Anne ang kaniyang tenga.
"Sinira mo ang Cellphone ko. Tapos susunugin mopa itong bahay.. Wala kana ba talaga alam na tamang gawin?! " singhal ni Anne
"Pamamahay ito ng mga lola ko. Kaya bahay korin ito kaya wala kang pakealam. At sino kaba? Maid lang naman kita ah ---
"Impakto ka talaga Akin na ang Cellphone mo! " ani ng dalaga at kinapa kapa ang bulsa ng pantalon ng binata.
"Anong kailangan mo sa cellphone ko? At ingat ka baka hindi selpon ang mahawakan mo" pilyong wika ng binata. Na ikina pula naman ni Anne.
"Basta Akin na! " pag pupumilit parin ng dalaga.
"Tsssk! "Asik ng binata at tumalikod ito bigla dahil naramdaman niya ang pagka buhay ng kaniyang alaga dahil lang sa pag hawak sa kaniya ng dalaga.
"Seniyorito. Kami napo ang mag luluto. Lilinisin lang po namin ito" ani ni Madona at tukoy nito sa nag kalat na tubig .dahil sa muntik na pagka sunog ng kusina ay nataranta ang mga ito
"Okey" tipid na sagot ni Paulo sa dalagitang kasambahay. Pagka tapos ay lumingon siya upang kausapin sana si Anne. Ngunit napa kunot nuo siya ng hindi na niya makita ang dalaga.
"Damn my Phone! "Bulalas niya. Nang maisip na baka nag tungo ang dalaga sa kaniyang kuwarto upang kunin ang kaniyang phone. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kaniyang kuwarto, pagka rating ay nakita niyang naka bukas ang Pinto ng silid.
"Hey! What are you doing?! Anong kailangan mo sa phone ko at bakit mo pinapakelaman.
"Hihiramin kulang. Ayaw mo mag pahiram eh saka sinira mo ang phone ko." Sagot ng dalaga habang sa Cellphone parin naka tuon ang atensyon. Hinayan naman ni Paulo ang dalaga dahil alam niyang hindi mabubuksan ng dalaga ang mga App ng Phone niya kaya lihim siyang napangisi ng makita niyang sumimangot na naman ang mukha ng dalaga.
"Bakit merong Code pati ang Call dial meron pang Code! Anong klaseng selpon ito. Walang kwenta! "Inis na turan ng dalaga at walang pag dadalawang isip ay ibinato nito ang hawak na Cellphone sa sementong pader
"Damn sh*t my phone!...Are you out of your mind bakit mo itinapon ang phone ko?"tiim bagang ani ni Paulo sabay haklit nito sa braso ng dalaga.
"Aray ano ba! Bitiwan mo ako impakto! "Inis na daing ni Anne dahil sa higpit na pagkaka hawak ng binata sa kaniyang braso
"Ayaw kona makita ang pag mumukha mo! Umalis kana dito! " galit na sabi ng Binata pagka tapos ay patulak nitong binitan ang braso ng dalaga
" binasag morin naman ang cellphone ko ah. Saka kung ayaw mong makita ang mukha ko. Pumikit ka! At hindi ako aalis dito dahil ang mommy molang ang pwedeng mag paalis sa------
Hindi na naituloy ni Anne ang kaniyang sasabihin ng biglang hatakin nang binata ang kaniyang batok at siniil nito ng halik ang kaniyang naka awang na Labi.
Nanlaki ang mata niya habang hindi parin makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Habang ang binata naman ay dahan dahan gumagalaw ang labi nito sa kaniyang labi.
" ang daldal mo parrot girl" mahinang saad ni Paulo habang hindi inaalis ang labi nito sa naka awang na labi ng dalaga. Para namang naistatwa si Anne dahil sa pagka gulat at hindi niya inaasahang gawin sa kaniya ng binata.
"Hmm taste good ...ang sarap pala ng mga labi mo "ani Pa ng binata na nag pagising sa katinuan ng dalaga
//continue