"Bastos! " ani ni Anne kasabay ng malakas na sampal ang iginawad niya sa kanang pisngi ng binata.
"I think I'm your first kiss" naka ngising ani ni Paulo habang himas himas nito ang nasampal na pinsngi
"Bastos ka talaga! Bastos! " inis na sabi ni Anne at pinag papalo nito ang binata
"Kung hindi ka titigil hahalikan ulit kita" pag babanta ng binata. Habang papalapit ulit ito sa Dalaga
"Ito gusto mo!" Saad ni Anne sabay pakita ng kaniyang kamao.
"Magaling ako humalik diba? Baka hanap hanapin mo. I'm always free to teach you mag sabi kalang" pilyo wika ng binata at hinatak nito ang bewang ng dalaga kaya napa singhap ito sa pagka gulat
"Bi..Bitiwan monga ako impakto ka! " pag pupumiglas niya habang pinag papalo nito ang matipunong dibdib ng binata.
Mas lako nman hinigpitan ni Paulo ang pag diin niya sa katawan ng dalaga sa kaniyang katawan. kaya halos hindi na makakadaan ang hangin sa pagitan nila dahil sa sobrang higpit ng pag kakayakap niya sa bewang ng dalaga.
"Babasagin ko talaga Yang nguso mo pag naka wala ako impakto ka! Bitiwan----
Nabitin nanaman sa pag sasalita ang dalaga ng halikan ulit siya ng binata.
Madiin, mapag parusa ang mga halik ni Paulo at walang pag iingat kaya napa daing Pa ang dalaga ng maramdaman niya. ang padiing pag kagat ng binata sa ibabang labi niya. Kaya Nalasahan niya ang sariling dugo, na nag mula sa kaniyang labi. Hindi niya tinutugon ang mga halik nito. Nabitawan lamang siya ng binata ng bigla niyang ubod lakas tinuhod ang pagitan nito kaya napa mura ito sa sakit at halos mag tatalon habang hawak ng dalawang kamay nito ang namimilipit sa sakit na alaga.
"F*ck f*ck! F*ck s**t Damn you! Damn you! " pag mumura ng binata habang matalim ang tingin na ipinukol nito sa Dalaga.
"Buti nga sayo! Mabaog ka sana manyak! " ani ni Anne at bago niya iniwan ang binata ay binelatan niya muna ito ng mata at nag dirty finger pa
"Aaarg may araw karin magagantihan rin kita tomboy parrot.... Jologs arrrg! " namimilipit sa sakit na wika ni Paulo.
-----
"Walang hiyang 'yon! Hindi nanga Virgin ang mata ko dahil sa betlog niyang nakita ko. Tapos ngayon ang lips ko na naman ang hindi na Virgin! Aaarg bwisit na lalaki nayon. Kay Lennon dapat ang Firstkiss ko eh buwisit! " saad ni Anne habang pinag papalo ang unan. ini imagine niyang si Paulo iyon kaya duon niya ibinuhos ang inis niya sa binata.
Si Lennon ang binatang kapit bahay ni Anne. Isa itong basketball player sa barangay nila. Guwapo, makisig at higit sa lahat ay mabait. Kaya sobrang hinahangaan ito ng dalaga
Kinagabihan. Dahil sa sobrang inis ng dalaga kay Paulo ay napag pasiyahan niyang umpisahan na ang kaniyang trabaho. Ang trabahong pag papahirap sa binata , at uumpisahan niya ngayong gabi.
Pinuntahan niya ito sa silid nito .upang utusang mag igib ng tubig. Mahabang sagutan at pilitan pa ang nangyare bago niya napapayag ang binata. Kung hindi paniya ito tinakot na mag susumbong siya kay Mrs Paulyn tungkol sa pag halik nito sa kaniya. Ay hindi Pa ito gagalaw
"Hoy Anne! " tawag ng binata sa dalaga. ngunit hindi man lang siya nito pinapansin
'Bakit? ba niya ako pinag igib ng tubig sa kasagsagan ng gabi. Pinag igib Pa niya ako eh may gripo naman sa Bahay tsaka never Pa akong nag iigib no.. Arrg kainis pag hindi ko naman sinunod ay baka isumbong niya ako kay mommy na hinalikan ko siya ' saad ng kalooban ng binata
"Ayoko na! "Sigaw ni Paulo
"Aba! Master wala pa ngang tatlong hakbang nagagawa mo suko ka na, isusumbong kita sa mommy mo. Sasabihin ko tamad ka mag trabaho" wika ni Anne sa binata sa may tonong pananakot.
"I Don't Care! " sigaw ni Paulo
"Kapag hindi mo binilisan ang pag hakbang bahala ka. Balita ko panaman sa ganitong probinsya ay meron daw pagala-galang mga maligno" pananakot Pa ng dalaga kaya natigilan naman si Paulo at mabilis Pa sa twenty Seconds ay kaagad itong naka lapit kay Anne. Habang buhat buhat parin ang dalawang Baldeng tubig sa magka bilang kamay nito.
"Weh 'di nga totoo? " mahinang saad ni Paulo at kitang kita ng dalaga ang panginginig ng tuhod ng binata.
"Oo nga, at alam mo ba ang gusto nila 'yong mga taong tamad sa Gabi. " wika Pa ng dalaga habang nag pipigil lamang ito sa pagtawa
"T.. Talaga? " ani ng binata at binitawan ang isang balde at inihawak nito ang kamay sa kaniyang braso.
'Hahaha kalalaking tao. Matatakutin rin pala' tumatawang wika ng isip ng dalaga.
"Oh bakit ka kumakapit saakin Master Paulo? Natatakot kaba? "
"Hi... Hindi ah " umiiling na sagot ng binata habang naka hawak parin ang kamay nito sa braso ng dalaga
"Eh ano? tsina-tsansingan mo ako? " ani Pa ng dalaga
"Mas lalong hindi no. Tara nanga" mabilis na sagot ng Binata at nag buhat na ito.
"Mag pahinga muna tayo "wika ng dalaga at dahil bariyo ang lugar na iyon ay may kalayuan sa bahay na tinitirahan nila ang mga kabahayan. Kaya halos tanging mga kuliglig lamang ng mga insekto ang kanilang naririnig at tanging Flashlight lamang na hawak ng Dalaga ang nag sisilbing ilaw nila.
"Ahaaay mas mabuti panga" wika naman ni Paulo at naupo na ito sa tabi ng Dalaga. Pagka tapos maka pag pahinga ng dalaga ng ilang munuto ay tumayo na ito at humarap sa binata habang naka pamewang
"Tara na " saad ni Anne.
"Five minutes. Ang bigat bigat ng dalawang timba nayan. Kaya saglit pa"sagot naman ng binata
"Hindi tumayo kana d'yan baka maabutan Pa tayo ng maligno " sagot naman ni Anne
"Sabi konga tatayo na. Ikaw naman kasi eh bakit Pa tayo nag pahinga.. Bilisan mo nang maka pag pahinga na ako" ani ni Paulo at nag lakad na ito. dala-dala ang malaking Timba na may lamang tubig.
"Haaayst salamat dumting rin " wika ni Paulo at dahil sa sobrang pagod ay naupo na siya sa sahig.
"Oh nasan na ang tubig? " nag tatakang tanong ni Anne ng makita niyang konte nalang ang natira sa Tubig na inigib ng binata
"Binilisan ko ang pag lalakad kaya tumalon sila. Hindi kona napigil. Dahil baka takot rin sila sa Maligno. Kaya konte nalang ang natira" sagot ng binata at ang tukoy nito ay ang mga mga tubig na natatapon.
"Mag igib ka ulit. Kulang payan " saad ni Anne na ikina busangot ng mukha ni Paulo
"Gusto mo ng tubig? Pumunta ka sa ilog maraming tubig duon. Ikaw kaya ang mag dala ng malaking timba na punong puno ng tubig " pag dadal dal pa ng binata.
"Mag iigib ka o isusumbong kita----
" mag susumbong ka o ikakama kita ngayon din. Tutal mag susumbong karin Lang edi lubusin ko----
Hindi na naituloy ng binata ang kaniyang sasabihin ng sampalin ito ng Dalaga.
" nakaka ilang sampal kana ha. Isang sampal pa babe Hahalikan ulit kita" naka ngising wika ni Paulo habang himas himas ang nasaktang pisngi
"Manyak! Bastos bastos! " inis na turan ni Anne at padabog na tumalikod
"Takot naman palang mahalikan eh. Pakipot pa " mahinang bulong ni Paulo at ngumisi ng nakaka loko.
Kinabukasan. Beast mode na kaagad si Paulo dahil sa dalaga, bwisit na bwisit siya dahil alas kwatro palang ng madaling araw ay nasa kuwarto na niya ang dalaga. may dalang sandok at kaldero , sabay kanta ng Christmas song
Ewan ba niya kung anong trip ng dalaga. Alas nwebe ng umaga na siya natapos sa lahat ng pinag uutos nito. Pagka tapos ay naligo narin siya upang magin hawaan ang pakiramdam niya. Ilang minuto siyang nag pahinga saglit ng may biglang kumatok sa kaniyang Pinto.
"Master nasa baba po si Boss Paul" wika ng lalaking tinig. Kaagad naman siya napa balikwas ng bangon ng marinig niya ang pangalan ng kaniyang kapatid. Pagka baba niya ng hagdan ay nakita niyang nag kakape ang kaniyang kuya Paul.
"Kuya! Anong meron? " wika niya sa may tonong pag tataka. Kilala niya ang kaniyang Kuya Paul. Hindi ito mag aaksaya ng panahon pumunta sa Probinsyang lugar na iyon ng walang importanteng dahilan.
"Nothing. Sinabihan Lang ako ni Dad na silipin ka dito at may kikitain ako sa kabilang Barangay" sagot nito at humigop ulit ng kape
"So how are you?" Ani nito.
" so bad" tipid na sagod niya
"Why? "
"May kinuhang personal maid s***h lady guard si mommy para saakin aaarg Bwisit talaga 'yon! Pagka tapos niya akong gisingin, dinala niya ako sa kusina at tinuruang mag luto aaarg! Hindi Pa naman ako marunong mag luto. Pagka tapos ay pinag linis Pa niya ako ng buong bahay eh may mga kasambahay naman" parang batang pag susumbong ni Paulo sa kaniyang kapatid na Si Paul.
Tahimik lamang itong nakikinig sa mga pag rereklamo niya. Nag tungo duon si Paul dahil rin sa paki usap ng kaniyang Daddy Pablo.
"Kuya ayaw kona dito isama mona ako pag uwi mo" pag uungot Pa ni Paulo sa kapatid
"Kuya wala kaman lang ba sasabihin. Kuya kausapin mo si Mommy---
"I think tama ang naging disisyon ni mommy. Take care yourself bro I have to go" tanging sagot lamang ng kaniyang kuya Paul at tinalikuran na siya nito.
"Aaarg pati ba naman ikaw. Pinag kakaisahan niyo talaga ako" pahabol Pa ni Paulo sa kapatid ngunit hindi na siya nito nilingon.
Papasok Pa lamang ng gate sina Anne at Madona habang nag kukwentuhan sila. Sinamahan siya nitong bumili ng pandisal dahil iyon ang naka sanayan niyang almusal sa umaga. Hindi siya gaanong nakakain kanina dahil naiilang siya kasabay kumain si Paulo. Nang mahagip ng mata niya ang isang lalaking palabas ng Pinto. Napa kunot nuo siya dahil naka suot ito ng kulay itim na long-sleeved shirt , maong na pants at kulay itim rin ang sapatos nito maging ang sunglasses sa mata nito.
"Sandali si Paulo bayun! " aniya at mas binilisan ang pag lakad
"Hoy impakto! Saan ka pupunta? Tatakas ka no? Baka gusto mong isumbong kita sa mommy mo." Ani ng dalaga nang maka lapit ito sa binatang papasok na ng sasakiyan. Mabilis niyang hinawakan ang braso ng binata upang pigilan ito. Ngunit nagulat siya sa ginawa nito sa kaniya
"Araay ang kamay ko bitiwan mo paulo! " daing niya ng biglang tanggalin ng lalaki ang kaniyang kamay sa braso nito at pinilipit iyon.
"don't touch me again if you don't want to break your hand" malamig na wika ng lalaki sa kaniya. At dahil sa boses ng lalaki ay alam na niyang hindi si Paulo ang kaharap niya. Ngunit pinag tataka niya kung bakit kamukhang kamukha ito ni Paulo.
"Aray bitiwan mo muna ang kamay ko " aniya. At binitawan naman nito ang kaniyang kamay
"Sino ka"
"Rayan let's go" ani ng lalaki sa kasama nito.
"Hoy kinakausap kita sino ka!? " aniya at akmang hahawakan paniya ito ulit ng biglang isinara ng binata ang Pinto ng sasakiyan nito.
"Bastos walang modo! " inis na wika niya.
"Ate Anne si Boss Paul iyon. Kakambal ni Senyorito Paulo." Wika ni Madona ng maka lapit ito sa kaniya.
"Kakambal? " pag uulit niya sa kaniyang narinig
"Oo at ganun talaga iyon. Takot nga kaming lahat duon eh. Huwag moyun kausapin at hawakan sasaktan ka nun. Halika nanga " ani ng dalagita sa kaniya at hinila na siya papasok ng bahay. Nakita niyang naka upo sa may sofa si Paulo habang sambakol ang mukha nito.
"Uyy ayus kalang? " aniya ng lapitan niya ang binata
"Tsssk hindi ako magiging maayus hanggat nakikita kita" masungit na sagot ni Paulo
"Aba't inaano ba kita ha? "
"Aaarg bwisit na buhay to! " inis na wika ng binata at walang lingon na iniwan na siya nito.
"Ang sasama talaga ng mga ugali. Mga anak ba sila ni Tita Paulyn " bulong ng dalaga habang naka tanaw na lamang sa lalaking paakiyat ng hagdan
Pagka tapos kumain ulit ng dalaga ay naisipan niyang puntahan ang binata sa kuwarto nito upang yayain ito. Nag taka Pa siya ng hindi ito mag reklamo at hindi siya nito pinag salitaan
"Saan moba ako dadalhin ha? Ang sakit sakit na ng paa ko" pag rereklamo ni Paulo
"Malapit na tayo. Saka huwag kang mag reklamo dahil ito ang ipinunta natin dito sa Antique" sagot naman ng Dalaga. Ilang minutong pag lalakad ay narating narin nila ang pupuntahan
Nilingon ni Anne ang binata at nakita niyang napa nga-nga ito
"Seriously? Dito, ayoko uuwi na ako" sabi ng binata Sabay talikod
"Saan nga ba yun? " bulong ng binata ng maka limutan niya kung saan daan sila dumaan
"Oh bakit hindi kapa umu-uwi? " tanong ng dalaga
"Bwisit! "Asar namang wika ng binata at humarap ito sa dalaga
"Anong gagawin natin dito?" Ani ni Paulo kahit naiisip na niya ang kanilang gagawin sa bukirin naiyon.
"Mag tatanim ng palay " simpleng sagot ng dalaga.
"Mag tatanim ng palay. No way!" Singhal ni Paulo
//continue