Masuyo ang halik na iginawad ko sa kanya. Saglit lang, naninimbang. Ayaw ko siyang idaan sa haras dahil lalayo lamang ang loob niya sa akin. Ngayon pa na alam kong lumalapit na kami sa isa't isa. Natitibag ko lna ang pader na namamagitan sa amin. Pagkatapos ko siyang saglit na halikan ay pinagpatong ko ang aming mga noo. "Mabait ako sa taong mabait sa akin, Luna," usal ko habang nakapikit. "Demonyo naman ako sa mga taong nakagawa sa akin ng mali..." sa isip ko. "Pero hindi lang dahil sa kabaitan kung bakit gusto kong manatili. Gusto kita," malakas ang loob na bigkas ko. "Magagaya ka rin kay Zoren, Lorenzo. Mapapagod, mawawalan ng gana, iiwanan ako..." saad niyang may paghikbi. Nagmulat ako at nakita ko ang luhaan niyang mga mata. Nakapikit pero ang luha niya ay pumapatak na parang ulan.

