Wala na si mang Delfin ay ipinagpatuloy ko ang paggawa sa cr. Doon ko itinuon ang frustration na nararamdaman ko. Kailangan kong ibaling sa iba ang galit na namuo sa sistema ko dahil kung hindi, baka sumabog ako. Baka sumambulat ang naipon kong galit na ewan ko na kung para kanino. Thoughts are swirling like tornado in my mind. There are lots of things going on. Nakalilito na ang mga nalalaman ko. Like I'm swimming with lies and mystery around Luna. Ang hirap din basahin ng babaeng iyon. I paid private detectives before. Pero hindi nila nahanap si Luna. Magaling siyang magtago kaya ako na ang kusang naghanap sa kanya. It took me years to find her. Nahanap ko nga pero... Damn! Malakas kong pinukpok ang pako. Sa lakas ay lumihis ang pako sa kahoy. Inis na initsa ko pababa ang martilyo a

