Bumuga ako ng hangin. Akala ko makikita kong muli si Luna na masaya at buo. Hindi ko inaasahan na ganito siya ngayon. Tumayo ako at lumapit sa mesang pinag-inuman namin. Niligpit ko ang kalat. I even washed the dishes para lang maabala ang isip ko at hindi na muling maalala ang masakit na nakaraan. Ayaw kong maalala ngayon iyon habang nasa poder ako ni Luna. Nang matapos ay naupo akong muli sa upuan. Hindi na naman ako binibisitq ng antok. I have sleepless nights pero ito ang halos sunod-sunod na halos walang tulog. "Lorenzo..." "Hmm," napabaling ako kay Luna na palabas na sa silid. Pupungas-pungas ito at kinukusot ang mga mata. "Are you feeling okay now?" tanong ko sa kanya nang lumapit siya sa akin. "Si Sugar?" tanong niya na nilibot ang mga mata. Natawa ako nang mahina. Hindi n

