"Umuwi na tayo, Luna," masuyo kong saad. Ngumiti ako at muling tumitig sa namumungay niyang mga mata dahil sa kalasingan. Tahimik niyang inabot ang aking kamay. Hinila ko siya patayo papunta sa katawan ko. Agad na pumulupot ang kamay ko para yakapin siya. At sa unang pagkakataon ay walang pagpupumiglas na nangyari. Ang kamay niya ay napayakap rin sa katawan ko. Ilang minuto rin na ganoon ang naging puwesto namin. Nang maramdaman kong bumigat siya sa pagkakayakap ko. "Luna?" "Hmmm." Akala ko ay tulog na siya. Ngunit alam kong dahil sa kalasingan kaya hindi na niya makaya pa ang sarili. Walang kaabog-abog ko siyang binuhat. Bridal style, kung saan ay pinangko ko siya sa aking mga bisig. Kusang pumulupot ang kanyang mga kamay sa aking leeg at isinandig niya ang ulo sa aking dibdib. Ka

