BOOK 2: CHAPTER 66

1962 Words

CHAPTER 66: Pinunong Kahab MULA SA ANGKAN ng magigiting na sundalo nagmula si Kahab. Hinahangaan at ipinagmamalaki ng Ezharta ang kanilang pamilya. Ngunit ang magiting na pagkilalang iyon ay hindi na naabutan pa ni Kahab. Hindi pa man siya isinisilang ay naputol na ang pamamayagpag ng kanilang pamilya sa pagkilalang iyon na nasusulat na lamang sa kasaysayan ng kaharian ng Ezharta. Lumaki sa gitna ng kagubatan si Kahab malayo sa palasyo. Simple at payak na pamumuhay kasama ng ilang mga diwatang nais na malayo sa maingay at magulong buhay sa mga bayan. Nag-iisang anak lamang si Kahab, kasama niya ang kanyang mapagmahal na ama at ina sa kanilang munting tahanan. Nais ni Kahab na magkaroon ng mga kapatid na lalaki upang kanyang makalaro, bagay na hindi naibigay sa kanya ng kanyang mga mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD