“UMALIS na ‘Day! Ang haba talaga ng buhok mo kahit kailan. Gusto ko ng gupitin!” Nakaismid na wika sa kanya ni Carmen ng makaalis si Gilbert sa harap ng kanilang kainan. “Ang ganda mo Calixa! Grabe! ” malakas na sambit naman ni Sonia. “Nakakainggit ka na Cali ha! O heto ang mga bulaklak nanaman para sa iyo. Araw-araw nalang!” ibinigay nito sa kanya ang mga bulaklak pero hindi niya iyon tinanggap. Hindi niya pinansin ang mga kasama. Sumilip-silip muna siya sa may pinto ng kusina kung talagang nakaalis na ang binata. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng matiyak na wala na nga ito. “Ano bang nangyari sa inyong dalawa at lumala ang pag-iwas iwas mo sa kanya pamangkin?” tanong naman ni Auntie Mila. Ito ang tumanggap ng mga bulaklak. Wala pa din siyang planong tumanggap ng kahit na ano mul

