“HINDI PWEDE.” Walang gatol na sagot niya. Mas pinili niya ang ipagpatuloy ang pagsusungit nito keysa patulan ang sinasabi ng isang bahagi ng utak niya. Ang maging nice dito. “Bakit hindi puwede?” nahimigan niya ang amusement sa tinig nito. “Dahil ayoko.” Pinagsalikop niya ang dalawang braso sa dibdib. Pilit pa rin niyang nilalabanan ang kaba sa dibdib kahit bahagya na iyong humuhupa. Medyo nakakampante na siya sa presensiya nito. Wala naman talaga siyang dapat ikabahala sa presensiya ng binata sa totoo lang. Ang isip at puso lang niya ang nagbibigay ng dapat niyang ikabahala. Kinuha ni Gilbert ang isang upuan sa harap ng mesa nito at inilagay paharap sa kanya ilang hakbang lang ang distansiya. Umupo ito doon at tumitig sa kanya. “Bakit ba ayaw mo sa akin? Bakit ang lamig-lamig ng trat

