CHAPTER SIX

1058 Words
DAHAN-DAHAN siyang lumabas ng pinto at tahimik na iginala ang paningin sa pasilyo. Nakita niya ang binata ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan niya. Nakaupo ito at nakasandal sa dingding habang nakatingala. Nakaunat ang mga paa nito sa gitna ng pasilyo at nakapikit. Bahagya lang niyang maaninag ang anyo nito dahil patay ang ilaw sa pasilyo at bahagya lang ang liwanag na nagmumula sa di kalayuan. Nakagat niya ang ibabang labi. Lalo siyang inatake ng sundot ng kunsensiya sa nakikitang anyo nito. Tuloy ay parang gusto niyang kastiguhin ang sarili. Malakas siyang tumikhim upang kunin ang atensiyon nito. Lumingon sa kanya si Gilbert ng marinig ang pagtikhim niya. Naglinis muna niya ang bara sa lalamunan bago nagsalita. Iniwasan niyang magsalubong ang kanilang paningin. Na-guilty siya bigla. “D-dito ka nalang sa loob.” Ginawa niya ang lahat para magmukhang blangko ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Hindi ito kumilos sa halip ay nagsalubong ang dalawa nitong kilay at mataman siyang tinitigan. “Ang sabi ko, pumasok ka na dito sa loob. Dito ka nalang.” Pahina ang tono ng boses niya. “Wouldn’t be that bother you? I’m fine here. As long as maayos ka diyan sa loob.” Sa halip ay sagot ng binata at muling ibinalik ang pagkakasandal ng ulo sa dingding. Mababakas sa tinig nito ang lungkot kahit pilit nitong pinapasigla ang tinig. Muli niyang nakagat ang ibabang labi. Lalo siyang nakaramdam ng guilt. Mukhang tumatalab ang paawa effect ng binata sa kanya sa pagkakataong iyon. Napabuntong-hininga siya. “Si-Sige na Sir. Dito ka na sa loob. Isa pa, opisina mo ito. Kung may lalabas man, ako dapat ‘yun.” Mababa na ang tonong wika niya. Hindi ito sumagot. Saglit siya nitong pinag-aralan. Mukhang hindi ito naniniwala sa mga sinasabi niya. Nailang naman siya sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya. “S-Sige Sir…” naasiwang sabi nalang niya. Iyon lang at muli siyang pumasok sa loob. Bahala na ito kung susunod sa kanya o hindi. Bumalik siya sa sofa at muling namaluktot doon. Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Pumasok doon si Gilbert. Nagyuko siya dahil hindi niya napigilan ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang labi. Kahit siya ay nabigla kung bakit bigla siyang napapangiti. Napaisip tuloy siya. Bakit nga ba siya napangiti? “Akala ko matitiis mo ako eh.” narinig niya ang masiglang tinig nito. Bigla ay nawala ang lungkot sa tinig nito kani-kanina lang. Muli niyang naramdaman ang mabilis na pagtambol ng kanyang dibdib ngayong magkasama ulit sila sa loob ng silid. Nandiyan na ‘yan. Hindi ito ang oras para pairalin mo ang kasungitan mo Cali… aniya sa sarili habang pilit kinakalma ang mga nerves niya. “Hindi iyon kagaya ng iniisip mo. Nakakahiya lang dahil ako pa ang may ganang palabasin ka sa sarili mong opisina.” Sa halip ay iyon ang lumabas sa bibig niya. Pero ang totoo ay nag-iisip na siya kung ano ang maaring maganap sa mga oras na lilipas. Kung ano ang gagawin nila ng binata. Teka? May gagawin ba sila? Gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi talaga niya mapigilan ang sariling huwag kabahan. Hindi niya magawang kalmahin ang sarili. Lalo ang kanyang puso. Ang lakas ng t***k niyon. Wala kayong gagawin. Ano ba Cali? Masyado kang paranoid. Makakasama mo lang si Sir Gilbert sa loob ng opisina nito ng mga ilang saglit…. O mga ilang oras. Walang mangyayari… breathe in… breathe out…. Ngayong hinayaan na niya ang binatang manatili doon ay hindi niya alam kung paano aasta o paano kikilos sa harap nito. Hindi niya alam kung hanggang anong oras sila magkakasama doon at hindi niya alam kung ano ang mangyayari habang magkasama sila doon. Magtulog-tulugan nalang kaya siya. O makipagkwentuhan dito? Eeeekkk… Danger! Hindi siya pwedeng makipag-kuwentuhan dito. Baka kung saan makarating ang usapan nila. Baka mamalayan nalang niyang nahuhulog na siya dito…. Teka… malayo nanaman ang nararating ng isip niya. Erase. Erase. Erase. Ipinilig niya ang ulo. “Are you okay?” napansin ng binata ang ginawa niyang pag-iling. Akmang lalapitan siya nito pero mabilis siyang nagsalita. “O-okay lang ako. D-diyan ka lang…” Ang totoo ay may bahagi sa kanyang kalooban na tila masaya na magkasama sila doon ni Gilbert. Hindi niya iyon mapigilan. Hindi din nakaligtas sa kanya ang pakiramdam na para bang kinikilig siya. May parte ng hormones niya ang tila nanginginig pa dahil sa kilig. Kanina pa niya iyon nararamdaman pero hindi niya masyadong pinapasin. O ayaw niyang pansinin. Ayaw niyang i-entertain ang ideyang kinikilig siya sa sitwasyon. Mas dapat niyang pagtuunan ang pagdistansiya sa binata. Kung sa ibang pagkakataon ay hahayaan niya ang sariling tangayin ng kilig. Dahil kagaya ng mga nababasa niya sa mga romance book ay nakakakilig naman talaga kung makukulong sa ganoong pagkakataong ang mga bidang character. Pero sa puntong iyon ay hindi dapat siya makaramdam ng kilig. Dahil kahit pa malakas ang tama nito sa kanya ay wala siyang tama para dito. Hindi sila ang bida sa kwentong iyon. Weh? Talaga lang ha! E bakit pinipilit mong pagsungitan siya kahit ang totoo e gusto mong titigan ang mukha niya? Sabat ng mahaderang bahagi ng utak niya. Guwapo siya! Natural lang naman na matitigan ang isang nilalang na may napakaguwapong mukhang  kagaya niya diba??. O di inamin mo din na naguguwapuhan ka sa kanya at tinititigan mo din talaga siya… Muli ay gusto niyang batukan ang sarili. Paagdating talaga sa binata ay hindi na nagkakasundo ang dalawang bahagi ng utak niya. Hindi din niya alam kung ipinag-aadya iyon ng panahon dahil sa dinami-dami ng taong maaring makasalubong niya sa gabing iyon ay ang binata pa. Nananadya ba talaga minsan ang pagkakataon? Pero okay na din siguro kung ang binata ang kasama niya ngayon. Isipin palang niya na ibang tao ang kasama niya ay parang ayaw ng tanggapin ng kanyang sistema. Baka mamaya kung nasaan na siya ngayon kapag nagkataon. Napukaw ang kanyang atensiyon at natigil ang pagtatalo ng mga nerves niya sa utak ng magsalita si Gilbert. “Cali… pwede ba tayong mag-usap?” malumanay nitong tanong. Nawala na ang kaseryosohan sa tinig nito kanina ng ipilit niyang uuwi siya. Heto na…. kailangan mo siyang kausapin kung ayaw mong mapanisan ng laway girl! Para nalang din sa kagandahang loob…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD