SIMULA
Twelve years ago…
Palinga linga si Hershey habang palapit sa magarbong pinto ng kanilang bahay. Habang papalapit siya sa pinto ay lumiliit at bumabagal ang hakbang niya. Nang mahawakan niya ang hamba ng pinto ay tumigil siya at saglit na kumubli para silipin ang gate.
No bodyguards? Yes! Sigaw ng utak niya at agad na tinahak ang daan palapit sa mataas nilang gate sabay dahan dahang binuksan iyon. Ang laki ng ngiti niya pagkatapos! Feeling niya ay isa siya sa mga bida sa pinapanood niyang animè tuwing hapon!
"Iba ka talaga, Hershey! Cute ka na, maabilidad ka pa! Swerte mo talaga sa'kin, Steven baby!" kinikilig kilig pa na sambit niya at agad na tinawid ang distansya sa pagitan ng mga bahay nila.
Isang linggo na niyang pinagpapantasyahan ang bagong lipat na anak ng dating gobernador sa tapat nila na si Steven Hwang. Napaka gwapo naman kasi nito at higit sa lahat ay matalino dahil abogado rin ito katulad ng Daddy niya.
Sobrang hot ni Steven at talaga namang malalaglag hindi lang ang panty ng kahit na sinong titingin dito kundi pati na rin ang bra lalo na kapag nasa court na ito at naglalaro ng basketball!
Paboritong sport ni Steven ang basketball at mukhang magaling na magaling itong maglaro dahil ilang beses na niya itong napanood na naglalaro sa court.
“Sana ay naging pawis na lang ako para araw-araw akong nakadikit sa katawan mo!” Ngiting-ngiti na sambit niya habang iniimagine ang pawisang katawan nito habang naglalaro ng basketball.
Excited na tinanaw niya ang kulay itim at mataas na gate ng bahay ng mga ito at humawak sa bakal na nasa pagitan at nilinga ang loob.
"Nasaan ka na ba, baby Steven? Nandito na ako! Waiting na ako dito sa gate ninyo para mag-date na tayo!” Kinikilig na bulong n'ya habang palakad lakad sa tapat ng gate ng mga ito at sinisilip silip ang loob.
Tuwing ganitong oras niya madalas na makita si Steven na lumalabas para maglaro ng basketball kaya bago pa lang ito lumabas ay inunahan na niya para makasilay na agad sa gwapong mukha nito!
Ilang sandali pa ay napatigil siya nang makarinig ng tunog ng tumatalbog na bola. Bumilis agad ang t***k ng puso ni Hershey at agad na inayos ang buhok at kinapa kapa ang suot na damit at umayos ng upo. Tumikhim tikhim pa siya at inamoy amoy ang hininga bago ngiting ngiting sinilip muli ang loob at hinintay ang paglabas ni Steven.
"Fūck you, Stan! You almost hit my nose!"
Isang iritadong boses ng lalaki ang narinig niyang nagsalita. Kasunod nito ay ang isang malutong na halakhak ng isang lalaki.
Sa boses ng mga ito ay mukhang ka-edaran niya lang. Nadismaya agad si Hershey nang hindi si Steven ang nabungaran niya pero na-curious siyang silipin kung sino ang mga ito at kung anong ginagawa ng mga ito sa loob ng bahay ng mahal niyang si Steven!
Tumingkayad si Hershey at sinilip ang pinagmulan ng mga boses. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakatayo sa kanang bahagi ng gate. Ang isa ay nakahawak sa ilong at pinipisil pisil iyon habang may hawak na bola sa kaliwang kamay.
Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil nakatalikod na ito sa gawi niya ngayon.
Lumipat ang paningin niya sa isang lalaking kasama nito. Nakaharap naman ito sa gawi niya pero hindi niya masyadong maaninag ang features ng mukha nito pero sigurado siyang matangkad ito at maputi. Nakangisi ito ng maluwag sa lalaking kaharap. Kumunot ang noo niya nang tuluyang maaninag ang mukha ng lalaki.
Malaki kasi ang pagkakahawig nito kay Steven pero hamak na mas bata ito at mukhang mas singkit ang mga mata.
"'Wag mo kasing iniisip 'yon dahil hindi ka naman mamahalin 'non!" Kantyaw nito sa lalaking mukhang tinamaan ng bola sa ilong.
Narinig niya ang malutong nitong mura at saka padabog na ibinalibag ang bola patalikod bago nagmamadaling nagmartsa papasok sa loob ng bahay.
Tumawa ulit ang lalaking kamukha ni Steven at naiiling na tumakbo at kinuha ang bola na hinagis ng kasama nito.
Namilog ang mga mata ni Hershey nang napagtantong gumulong na ang bola malapit sa gawi ng pinagtataguan niya kaya palapit na ngayon ang lalaki sa gawi niya!
Agad na tumayo siya at hindi na nagdalawang isip na kinuha ang atensyon nito.
"Psst!" Isang malakas na sitsit sabay kaway dito ang ginawa niya.
Nag-angat naman ito ng tingin sa kanya at kumunot ang noo matapos mapatingin sa kanya ng ilang sandali.
Mas lalo niyang napagtanto na halos kahawig nga ito ng sinisintang irog niyang si Steven. Mas maliit at mas singkit lang ang mga mata nito at lutang na lutang ang dugong Chinese! Teka? Kaanu-ano kaya ni Steven ang lalaking ito? Kapatid? Pwede! Pero mas hot at mukhang mabait si Steven kesa sa kanya.
Ang lalaki sa harapan niya ay mukhang suplado at mukhang puro kalokohan ang nasa isip!
Wala sa sariling napairap siya. Pero ganun pa man, pinilit niya pa rin ang sarili na ngumiti dito. Kapamilya ito ng lalaking mahal niya kaya ang mga mahal nito sa buhay ay mamahalin na rin niya!
"Who the hell are you?"
Natigil sa pag-iisip si Hershey nang magsalita ang lalaki sa harapan niya. Malamig at baritono ang boses nito nang magsalita. Ang singkit nitong mga mata ay nakatuon lang sa kanya. Imbes na sagutin ang tanong nito ay ngumiti siya ng todo at pinapungay pa lalo ang mga mata.
"Si Steven, nandyan ba?" tanong niya pabalik. Yumuko ito at pinulot ang bola at saka inipit sa tapat ng bewang at nakapamewang na hinarap ulit siya. Umangat din ang kaliwang kilay nito na para bang may nasabi siya na kung ano.
Matamang nakatitig ito sa kanya kaya lalo niyang napagtuunan ang kabuuan ng mukha nito.
Kumpara kay Steven ay medyo alon alon ang buhok nito na may iilang strands ng buhok na tumatabon sa dulo ng kanyang kanang mata.
Mas matangos din ang ilong nito at perpekto ang panga. Makurba rin ang mapupulang labi nito na parang laging nakanguso. His lips kinda reminded her of the actress Angelina Jolie!
Ang hot pala tingnan ng ganung mga labi kapag sa lalaki!
"I’m asking who the hell are you?"
Muling nagsalita at nagtanong ang lalaki kaya napakislot siya at napatitig ulit sa mukha nito. Nakatagilid ang ulo nito at mukhang iritado at naiinip na sa ginagawang pag-uusisa kung sino siya!
Pinigilan ni Hershey ang taasan ito ng kilay pero hindi na niya kinaya ang pagtitimpi dahil sa mayabang na presensya ng lalaking kaharap.
Ang buong presensya nito ay nagsusumigaw ng kayabangan na nag-uumapaw na sa hindi malamang dahilan ay nagpapainit sa ulo niya at nagpapakulo sa dugo niya!
Muling kinalma ni Hershey ang sarili para pigilan ang gustong kumawala na mga sungay at buntot niya!
‘Mahal ka ni Steven kaya papatayin kita–sa pagmamahal ko!’
Huminga siya ng malalim at ngumiti ng pagka tamis tamis habang inilalagay ang kanang kamay sa tapat ng dibdib at proud na ipinakilala ang sarili dito.
“I'm Hershey…” Malumanay ang tono na pakilala niya at saka muling pinilit ang sarili na ngumiti sa lalaki. “I am going to be your future sister-in-law! Nice meeting you, Stan…”
Nagniningning ang mga mata niya matapos magpakilala sa lalaking tinawag ng kasama nito na Stan. Naglahad pa siya ng kamay para mas maging friendly ang dating niya!
Ngunit ilang sandali nang nakalahad ang kamay niya sa harapan ni Stan ay hindi pa rin nito 'yon tinatanggap kaya nag-angat na siya ng tingin dito.
“Hindi mo ba tatanggapin ang pakikipag kamay ng future sister-in-law mo?” muling tanong niya kay Stan.
Pero sa halip na tanggapin ang pakikipag kamay niya ay humagalpak ito ng tawa. Kitang kita ni Hershey ang pagkawala ng mga mata nito at ang paglitaw ng dalawang mababaw na dimples na ka-level ng cheek bones nito dahil sa ginawang pagtawa. Napasinghap siya at kumuyom ang kamao.
Pakiramdam n'ya ay iyon na yata ang pinaka nakakairitang tawa na narinig niya sa loob ng dose taong nabuhay siya sa mundo!
"This is why I hate anyone who’s using drugs. Ang aga aga pa ay sabog na!" tumatawang sigaw nito sabay talikod sa kanya at dribble ng bola palayo!
Nalaglag ang panga ni Hershey habang sinusundan ito ng tingin. Rinig na rinig niya pa ang huling sinabi nito bago tuluyang mawala sa paningin niya!
"Future sister-in-law my āss!"