Chapter 1

1521 Words
SUMMER 2003 Marami nang tao sa paligid ng court nang makarating siya roon. Mahigpit ang bagong bodyguard ng Daddy niya kaya hirap na hirap siyang takasan ito, makapanood lang ng finals ng basketball. May pa-liga sa kanilang subdivision tuwing bakasyon, at nakaugalian na niyang panoorin iyon at suportahan ang kanyang mga kaibigan. Apat sila sa barkada, at siya lang ang nag-iisang babae. Napangiwi siya nang maalalang posible na maging lima na sila dahil mukhang napapalapit sa tatlo ang kapatid ng ultimate crush niyang si Steven—si Stanley na ubod ng yabang at papansin! "Nakakainis talaga!" 'di niya mapigilang bulong, dahil naalala na naman niya ang unang beses na nakita niya ito. 'Yun din ang kauna-unahang beses na nalaman nitong crush niya ang Kuya nito. Magmula noong araw na 'yun, palagi na itong may nakakalokong ngisi sa mga labi tuwing magkakasalubong ang mga tingin nila. At sa halos isang linggong nakikita at minsan ay nakakasama niya ito—dahil nakadikit ito palagi sa tatlo niyang kaibigan—lalo niyang napagtanto ang kapreskuhan at ka-arogantehan nito. Palagi na lang itong nakakontra sa kanya at parang palaging ang saya-saya niyang asarin siya! "Hersh! Ang tagal mo! Tara na dito!" Natigil siya sa kakaisip sa kabwisitan ni Stanley nang hatakin siya ng pinsan niyang si Krisha. Mas matanda lang ito sa kanya ng isang taon. Nakisiksik sila sa mga nanonood para makapuwesto sa medyo harap. Nilinga niya agad ang kabuuan ng court at napangisi nang makita ang tatlo na nakapila na roon at nagsisimulang mag-warm up. Kulay blue na may halong puti ang jersey nila, at halos lahat ng kababaihan sa audience ay nakatuon ang atensyon sa mga kaibigan niyang hindi alintana ang mga babaeng halos mabali na ang mga leeg sa kakatingin sa kanila. Pare-parehong gwapo at habulin ng babae ang tatlo—lalo na si Xavier. Pero kahit ganun, hindi ito babaero na katulad ni Lenard. Si Troy ang pinakamatino sa tatlo. Nagtatawanan at nagtutulakan pa ang mga ito sa pila. Nawala ang ngiti niya nang mapadako ang tingin kay Stanley, na nakapameywang at nakatuon ang atensyon sa nagsho-shoot. Kinalabit ito ni Lenard at may tinurong kung sino sa mga nanonood. Sinundan niya ng tingin ang tinuro nito at naabutan niya ang isang babaeng malaki ang hinaharap, naka-shorts ng sobrang ikli, at may sobrang kapal na make-up. Napangiwi siya nang makitang kumindat ito kay Stan. "How cheap!" Hindi niya napigilang bulalas. Napamura pa siya ng mahina nang muntik siyang mapatid dahil sa kakalingon sa court habang hila-hila siya ni Krisha. Tinignan pa niya ng masama ang may-ari ng paang muntik nang makapatid sa kanya, pero nakatuon na rin ang atensyon nito sa court. "Dito na tayo para malapit sa kanila," rinig niyang sabi ng pinsan at agad nang umupo sa mga upuang bakal sa likod mismo ng bleachers na inuupuan ng mga ka-team ng kanyang mga kaibigan. Tumabi siya rito at binalik ang atensyon sa court. Sakto namang si Stan na ang susubok na mag-shoot. Mayabang na dinribol nito ang bola palapit sa court, at walang kahirap-hirap na hinagis ang bola sa ring—swak agad! Kitang-kita niya ang pagtutulakan ng mga babae malapit sa court. Napailing siya dahil sa kayabangan nito. Siniko pa siya ni Krisha at nginuso ang court. Sinimangutan niya agad ito. Alam ng pinsan niyang inis siya kay Stan. "Galing talaga ni Stan, o! Mana sa Kuya niya!" sabi pa nito. Lalo siyang napasimangot. "Sus! Tsamba lang niya 'yan!" sagot niya at muling binalik ang atensyon sa court. "Sino ba 'yung nakasuot ng number 7 na jersey? Cute siya ha!" rinig niyang tanong ng isang pamilyar na boses sa likod nila. "Yung singkit? Si Stanley Hwang 'yun. Bagong lipat lang dito. Kapatid siya nung gwapong abogadong madalas mag-basketball dito tuwing weekend!" sagot din ng isa pang pamilyar na tinig. Nanliit ang mga mata niya at nilingon ang mga ito. Hindi nga siya nagkamali—si Ruzzle, bagong girlfriend ni Lenard, at si Athena, long-time girlfriend ni Troy! Okay lang si Ruzzle dahil alam niyang hindi naman ito sineseryoso ni Lenard, pero itong si Athena? Hindi niya kayang palampasin ang paglalandi! First girlfriend ito ni Troy at elementary pa lang ay alam niyang may unawaan na ang dalawa. Pero eto siya—pasimpleng lumalandi? Gulat na gulat ang mga ito nang makita siya. Napatakip pa ng bibig si Athena na parang hiyang-hiya. "H-Hershey..." rinig pa niyang usal nito. Inirapan na lang niya ito at muling humarap sa court. Siniko niya agad si Krisha. Napatingin naman ito sa kanya, takang-taka. "Ikaw na ang mag-cheer kay Zave, ha? Ako na lang kay Troy kasi may iba yatang ichi-cheer 'yung girlfriend niya!" malakas na sabi niya. Sinigurado niyang maririnig iyon ng dalawa sa likod. "Okay... Go, Xavier!" malakas na sigaw ng pinsan niya. Hindi rin nagtagal at nagsimula na ang laro. Una pa lang, naka-score agad ng three points si Stan. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang iyon, pero parang tumingin pa ito sa gawi nila. Pinilig niya ang ulo at nagpatuloy na lang sa panonood. Pero kada makaka-shoot ito, tumitingin ito sa gawi nila. Hindi nga lang niya sigurado kung sino ang tinitingnan dahil masyadong maliit ang mga mata nito. "Go, Troy!" sigaw pa niya nang makashoot ito. Napairap siya nang marinig ang pagchi-cheer ni Athena sa likod. Last quarter na nang biglang magsigawan ang mga nasa likod niya. Hindi niya na sana iyon papansinin kung hindi lang may umupo sa tabi niya. Kumunot pa ang noo niya at medyo nairita nang halos masiksik na siya nito dahil sa pagpipilit nitong maupo sa maliit na space. "Ano ba—" Napatigil siya sa pagsasalita at halos malulon na niya ang dila dahil sa lalaking tumabi sa kanya! Nakatuon ang atensyon nito sa court, habang siya ay parang timang na nakatulala sa mukha nito. "Nice one, bro!" rinig niyang sabi ni Steven! Napalingon pa siya sa court at nakita niya ang pagngisi ni Stan sa gawi nila. So siya pala ang tinitingnan nito kanina pa! Naramdaman niya ang pagsiko ni Krisha sa tagiliran at pasimpleng nginuso ang katabi. Napakagat-labi siya at nagpigil ng kilig sa harap ng pinsan. "s**t, couz! Ang bango-bango niya! Siksikin mo pa ko, please?" birong totoo niya. Dahil may pagka-luka-luka ang pinsan niya, sinunod naman ito. Halos bumangga na ang pisngi niya sa matipunong balikat nito. Nag-init ang pisngi niya nang mapatingin ito sa kanya. "S-Sorry!" hinging paumanhin niya sabay pa-cute. Ngumiti naman ito at umiling. "It's okay, Miss..." sabi nito at ibinalik ang atensyon sa laro. "Hershey..." agad niyang sabi, sabay ngiti ng ubod ng tamis. Sinulyapan ulit siya nito at ngumiti. "Steven." Pakilala rin nito. "Alam ko..." wala sa sariling sabi niya. Kumunot ang noo nito. "Ha?" "I mean—yan, oh... nabasa ko sa jersey mo." sabi niya agad sabay turo sa jersey nito. Napatango-tango naman ito at tumawa ng mahina bago muling tumingin sa court. Agad niyang nilingon si Krisha. "Pati tawa niya, ang gwapo!" impit niyang bulong. Napailing lang ito at itinuro ang court. Pero hindi na siya tumingin—ibinalik niya ang tingin kay Steven. Kilig na kilig siya at napapapikit pa sa kakasinghot sa bango nito kaya parang wala na siyang naririnig sa paligid. Maingay ang mga tao, pero hindi niya iyon alintana. Para siyang nasa alapaap habang katabi ang gwapong si Steven. Natigil lang ang pantasya niya nang biglang may matigas na bagay na tumama sa ulo niya. Napapikit siya at muntik pa siyang matumba kung hindi maagap ang kanyang katabi. Nag-init ang pisngi niya sa kahihiyan nang makitang nakatunghay si Steven sa kanya, parang natatawa. "Are you okay?" tanong nito. Agad siyang umayos ng upo at nilingon ang court. Humanda sa'kin kung sino mang gumawa nun! gigil na sigaw ng utak niya. Nilinga niya ang court at tinignan kung sino ang malapit. Pakiramdam niya ay kumulo ang dugo nang makita si Stanley na nakatayo malapit sa bleacher at itinuturo ang bola sa tabi niya. Ahh, ganun?! So ikaw pala ang gumawa! Sinadya mo 'yun, ano? Para mapahiya ako sa Kuya mo? Leche ka! Ipapakain ko sa'yo 'tong bolang 'to! Inis na tumayo siya, pinulot ang bola, at malakas na ibinato kay Stanley. Hindi ito nakatingin kaya nang tumama sa ulo niya ang bola ay natumba ito sa sahig. "Buti nga sa'yo!" gigil na sigaw niya habang inaayos ang buhok. Agad na dinaluhan si Stan nina Lenard. Kitang-kita niya ang matalim na titig nito sa kanya bago siya kalabitin ni Krisha. "What?" iritado niyang tanong habang hindi inaalis ang tingin kay Stanley. Yan ang napapala mo, bwisit ka! Kinalabit ulit siya ni Krisha. Iritado na niya itong nilingon. Halos mapa-facepalm na ito habang sinusulyapan ang mga taong nanonood sa kanila. Humilig agad ito at bumulong. "Hindi si Stan 'yung bumato sa'yo! Sinubukan pa nga niyang habulin pero masyadong mabilis 'yung bola kaya tumama agad sa'yo!" Nanlaki ang mata niya. Oh my God. Halos tawagin na niya lahat ng santo at santa para iligtas siya sa kahihiyang iyon! Dahil sa sobrang kahihiyan, agad siyang tumakbo pababa ng bleachers at tuloy-tuloy na tumakbo palayo.  Shit, Hershey! Nakakahiya! sigaw ng utak niya habang mabilis na naglalakad—o, mas tamang sabihing, tumatakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD