Chapter 2

1747 Words
Hershey's POV “Woke up like this pero pulang-pula ang pisngi at naka-tigreng contact lens? ‘Yung totoo? Kamusta tulog mo, ‘te, habang suot 'yan?” nakangiwing bulong ko habang isa-isang ini-scroll ang newsfeed sa Instągrąm. Halos mapuno na ‘yun ng selfie ng malandi kong co-teacher — na ngayon ay girlfriend na ng ex kong si Darwin. Kasalukuyan akong nasa office at naisipang mag-browse muna sa internet dahil napaaga ang dating ko. Alas-sais y medya pa lang, at alas-siyete pa ang umpisa ng klase ko. I’m a pre-school teacher by profession, but lawyer at heart! Chos! Masama bang mangarap? Ito ngang girlfriend ng ex ko nangangarap gumanda kahit imposible. Ako pa kaya na natural na maganda? Umikot ang mata ko at pinalipad ang buhok ko. Ay! Hindi ko na pala magagawang mag-hair flip dahil hanggang balikat na lang ang buhok ko. Kung bakit naman kasi nauso ang pagpapagupit kapag kaka-break lang sa dyowa! “Umagang-umaga, napupuno ang opisina ng kabitteran mo!” naiiling na sabi ng co-teacher kong si Ish — short for Trisha. Napairap ako at pinagpatuloy ang pag-scroll. Bumalandra ang mukha ng ex ko sa screen kaya agad ko ‘yong nilampasan. Wait! Pwede ko naman sigurong i-report ‘yon para hindi ko na makita, ‘di ba? “Sus! ‘Yan na nga ang sinasabi ko, e! Kaya hindi nakaka-move on dahil panay bisita sa profile at tingin sa pictures! Move on, ‘te! Maganda tayo. Hindi natin kailangan ng mga pangit sa buhay!” Puna niya habang nakatingin na pala sa phone ko. Umikot ang mga mata ko. Coming from the most bitter single mom ever! E halos mapuno na ng death wish ang bahay ng tatay ng anak niya dahil sa pagkabitter niya! “Nagsalita ang alamat ng ampalayang lumobo ang tiyan dahil nakatagpo ng hokageng talong!” sabat ng co-teacher kong si Gwinette. Natawa ako nang sumimangot at humalukipkip si Ish. “Punyeta kasing mga lalaki ‘yan! Sarap na sarap kumantøt, hirap na hirap managot!” punô ng kabitterang sabi niya. Humagalpak kami ni Gwinette sa tawa. Kahit kailan, bastos talaga ang bunganga ni Ish kapag lalaki at pag-ibig ang usapan. Nawawala ang pagka-teacher niya kapag nagiging bitter. “Commitment first before anything else, ‘no! Bago ka maghubad ng panty, tanungin mo muna kung kaya kang panindigan pagkatapos. Singsing muna bago mo papasukin... sa buhay mo!” sermon ko. Sa tagal na naming magkakaibigan mula pa noong high school, kilalang-kilala na namin ang isa’t isa. Si Ish ang pinakamahina sa tukso — mabilis siyang bumigay sa matatamis na salita. Trial and error ang motto niya pagdating sa lalaki. Si Gwinette naman, mahilig sa mahahaba... ang distansya sa isa’t isa. In short, mas gusto niya ang long distance relationship dahil mas may challenge daw. Naniniwala siya sa kasabihang ‘Distance makes the heart grow fonder!’ Sus! Oo nga’t mukhang may thrill, pero malaki rin ang posibilidad na maloko ka dahil sa distansya. Out of sight, out of mind, ‘di ba? Baka mamaya, akala mo mahal ka, ‘yon pala may reserba na! Ako? Mas naniniwala pa rin ako sa commitment. Mahirap makipag-commit sa taong hindi mo mahal, kaya ‘pag pinakasalan ka niya, ibig sabihin ‘nun, mahal ka niya. “Nagsalita ang tatlong beses nang nabigyan ng singsing pero hanggang ngayon ano? Nganga! Tatlong singsing, tatlong beses kang naloko! Ano ka, ring collector? Singsing pa more!” pambabara ni Gwinette. Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Palibhasa masaya siya sa love life niya! Tumawa si Ish kaya napatingin kami sa gawi niya. “Hindi rin kasi kasal ang assurance na mahal ka talaga. Kung kasal lang ang batayan, edi sana wala nang naghihiwalay. Ang punto, hindi porke pinakasalan ka, mahal ka na. Nasa lalaki pa rin ‘yan. ‘Yung kahit gaano ka kahirap intindihin, nandiyan pa rin siya.” Pareho kaming natahimik ni Gwinette. Sa aming tatlo, si Ish talaga ang may pinakamadaming karanasan. Kami ni Gwinette, parang nasa prologue pa lang ng love story namin. Si Ish? Halos ending na. “Kaya ikaw, Hershey... sana ngayong naka-tatlo ka na, tigil na, ha? Hindi porke’t abogado ang tatay mo, dapat abogado rin ang pakasalan mo. Yang standards mo sa mga lalaki, hanggang imagination lang dapat. Baka forever nganga ka kapag ipinagpatuloy mo yan!” Umismid ako at humalukipkip. She has a point. Siguro nga ay hanggang pangarap na lang ang makapag-asawa ako ng abogado. “Korek! This time, feelings naman ang i-consider mo, hindi ‘yang punyetang pangarap. Kapag ramdam ng lalaki na di mo sila mahal, ang bilis maghanap ng iba. Hindi lahat natututunan — lalo na ang pagmamahal! Take note of that!” sermon din ni Gwinette. Sige lang, sermonan n’yo ako. Pasalamat kayo at single na ako ngayon, kundi puro pambabara lang ang aabutin n’yo sa ‘kin! Ilang sandali pa ay dumating na ang mga estudyante. Sabay-sabay kaming lumabas ng faculty room. Napansin ko ang pagpark ng isang magarang SUV sa di kalayuan. Maya-maya pa ay bumaba ang kababata at kapitbahay kong si Stanley. Naka-puting polo at saka naka-fold hanggang siko. Tipikal na itsura ng isang abogagø! Binuksan niya ang pinto para sa pamangkin niyang si Kim. Lumuhod siya sa harap nito, hinalikan sa pisngi, saka inalalayan papunta sa amin. Nagtama ang paningin namin pero agad akong umiwas. Hindi na yata mawawala ‘tong inis ko sa kanya simula pa noong bata pa kami. Ngumisi siya. Lalo akong nainis. Ang ngisi niya ang nagpapaalala ng lahat ng kapalpakan ko — lalo na nung kabataan namin. “Pag malandi ka ba, nagle-level up din ang pang-amoy mo? Ang bilis ni Kristelle, oh! Nakalapit agad kay Stan!” bulong ni Gwinette. Napalingon ako at tumaas ang kilay. Si Kristelle na halos dyowain na lahat ng lalaking sumubok na makipag flirt sa kanya! Sobrang obvious na nagpapacute siya kay Stan kaya napangiwi ako. Si Stanley naman ay wala talagang hiya — panay ang tingin sa mga hita at dibdib ni Kristelle! Diyos ko po! Wala talagang pinipiling lugar ang kamanyakan at pagiging babaero! “Hindi ako naniniwalang hindi ‘yan matitikman ni Stan! Fùck buddy number 69: Kristelle Ligaya!” bulong ni Ish na para bang nagpapakilala ng isang contestant sa contest! Napako ang mga mata ko kay Stan. Landi, ah? Seryoso ka? Sa harap ng pamangkin mo? Lumapit sila sa amin. Agad akong sumalubong kay Kim. Saling pusa lang siya sa school. Pitong buwan pa lang siya sa tiyan ng pinsan kong si Krisha nang mamatay ito sa isang car accident kasama ang asawa nitong si Steven Hwang, ang kuya ni Stan at ang lalaking unang nagpabilis ng t***k ng puso ko. Nakakatawa na ewan ang nangyari sa aming apat. Crush ko si Steven at crush naman ni Stan si Krisha. Kaya nakipagkasundo ako kay Stan para mapalapit sa kuya niya at siya naman sa pinsan ko. But in the end, sila ang nagkatuluyan. Kami? Na-left behind. Hanggang ngayon, nagsisisi ako. Bakit ba ako pumayag sa kasunduan ‘yon? “Behave ka dito, baby. I’ll pick you up again after school, okay?” Malambing na bilin ni Stan kay Kim. Tumango ito at lumapit sa akin. Siya na ang kinilalang Daddy nito. “Kung may problema, don’t hesitate to call me,” dagdag na bilin pa niya sa akin. Umismid ako at hindi siya tiningnan. “K…” tamad na tamad na sagot ko sabay hila kay Kim. Pero bago ako makaalis ay nagparinig pa siya kaya napatigil ako sa paglalakad. “New look again? You really should stop blaming your hair for whatever is happening to you. Walang kasalanan yang buhok mo sa pagpili mo ng maling lalaki.” Kunot-noo ko siyang binalingan. Tumaas pa ang kilay niya at mukhang proud na proud sa ginawang panenermon sa akin. Ngumisi siya nang makita ang naging reaksyon ko! “Mind your own business. At least may natatawag na boyfriend—” “For how long? Three months? Galingan mo kasi para di ka iniiwanan...” makahulugang pasaring niya pa. Nagpanting ang tenga ko. I threw my dirty fingers at him and mouthed, “Punyeta ka!” Ayokong marinig ‘yon ni Kim kaya pigil na pigil ko ang sarili na murahin nang malakas ang tiyuhin niya! Narinig kong tumawa si Stan. Nag-dirty finger din siya pero tinapat sa sarili niya, sabay sabi ng “Harder...” Fùck me harder. Nag-init ang pisngi ko dahil sa inis. Tinitigan ko siya ng masama. Pasalamat siya at nandito si Kim! “Bye, baby! See you later!” pahabol niya habang nakangisi. Walang hiya talaga! Kung akala ko ay nasira na ang araw ko dahil sa pambubwisit sa akin ni Stan. Pero may mas isisira pa pala sa araw ko. Pag-uwi ko ay pinatawag ako ni Daddy sa office niya. May importante raw siyang sasabihin. Pagpasok ko ay naroon ang lalaking ayaw na ayaw kong makita! Stanley Hwang. Naka-simpleng V-neck shirt at khaki shorts lang siya at nakasuot ng pambahay. But there is always something different with the way he wears his clothes. Kahit na nakapambahay siya ay nagmumukha siyang aakyat ng ligaw dahil malinis na malinis siyang tingnan! Nakahalukipkip siya habang pinapanood akong naglalakad palapit sa kanila ni Daddy. Tinaasan ko lang siya ng kilay. “What is it, Dad?” At anong ginagawa ng manyak na ‘to rito?! Alam ko kasing ayaw ni Daddy ng bastos. Tinuro sa amin ang respeto — kahit sa mga hindi karespe-respeto. Kaya kahit gusto ko nang magwala, tumahimik lang ako. “Okay... I’m not gonna beat around the bush dahil isa lang naman ang kahihinatnan ng usapang ‘to,” ani Daddy. “I want you to help Stan in fostering Kim, Hershey.” Napatingin ako sa kanya at saka tumango. Okay... ‘Yun lang pala. Wait... What did he say?! “Fostering Kim? With... him?!” halos sigaw ko habang tinuturo si Stanley. Is this a joke?! Pero June na ngayon kaya hindi na ito April Fools! Seryosong tumango si Daddy. Para akong nahulog sa bangin nang makita na seryoso ang mukha niya. “You’re gonna do it for me, right, baby Hersh?” Napatingin ako sa kanya. His eyes were full of hope. Shìt... I really can’t say no to him. Sobrang hirap tumanggi lalo na kung lumaki ako na Daddy's girl! Napatango na lang ako kahit na sobrang labag sa loob ko ang gagawin ko. Nang napatingin ako sa gawi ni Stan ay doon ko nakita ang mala-demonyong ngisi niya! Goodbye, peaceful life. Hello, hell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD