STANLEY’S POV
“Pumayag na si Hershey na lumipat kayo ng bahay bago mag-birthday si Kim…”
Nandito na ako sa law firm namin pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang napag-usapan namin ng daddy ni Hershey. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na pumayag na tumira sa isang bahay kasama siya at ang pamangkin kong si Kim.
“You and Hershey have to make Kim feel that she has a complete family…”
Umayos ako ng upo at napasapo sa noo. Kayang-kaya ko naman na tumayo bilang totoong tatay ni Kim pero ibang usapan na iyong titira ako sa isang bahay kasama si Hershey!
“f**k! That house will never be at peace as long as that woman is there!”
Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na titira sa isang bahay kasama ang isang babae. At sa lahat ng babae na pwede kong makasama sa isang bahay ay si Hershey pa!
Goddammit! Mawawalan ng katahimikan ang buhay ko dahil sa ingay ng bunganga ng babaeng ‘yon!
Pero wala akong choice dahil napapayag na ni Atty. Rivera ang anak niya na tumira sa isang bahay kasama ko.
Naistorbo ako sa ginagawang pag-iisip nang katukin ng kasamahan kong abogado na si Arlan ang table ko. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakapasok na siya dito sa opisina ko.
“What?” kunot ang noong tanong ko dahil nakatitig siya sa akin at mukhang napansin niya ang pagkatulala ko. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na nandito sa loob ng opisina ko kaya hindi ko alam kung narinig ba niya ang mga pinagsasabi ko kanina na halos lahat naman ay tungkol lang kay Hershey!
“Hanggang ngayon ba, pare, hindi pa rin tapos ang iringan ninyong dalawa ni Hershey? The hatred is long overdue. Baka iba na ‘yan, Stan…” Halatang nang-aasar na komento niya. Nagsalubong ang mga kilay ko at sinalubong ang nang-aasar na tingin niya.
Kagaya ni Hershey ay kaklase at kababata rin namin itong si Arlan kaya kilala niya si Hershey at alam niya na noon pa man ay hindi na kami magkasundo lalo na at class president namin si Arlan kaya siguradong hanggang ngayon ay tandang tanda niya ang mga pangyayari sa aming magkakaklase noong high school.
“Baka hindi naman talaga galit ‘yang nararamdaman ninyo ni Hershey sa isa’t-isa, Stan…” pagpapatuloy niya pa kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko. “Baka naman totoo iyong nabalitaan ko noon na naging kayo talaga–”
“Shut the f**k up, Arlan. Kung sino man ‘yang nagpakalat ng pekeng balitang ‘yan ay pasalamat siya dahil hindi ko siya nahuli. I am going to fūcking sue them for defamation!” kunot ang noo at mariing bulalas ko. Ilang dekada na ang nakalipas pero hindi pa rin nakakalimutan ng mga kaklase namin ang balitang ‘yon. Sa tuwing may alumni ay palaging nabubuksan ang topic tungkol doon kaya mas lumalala lang ang iringan sa pagitan namin ni Hershey.
“Kung sino man ang nagpakalat ng balitang ‘yon ay siguradong gusto siyang makilala ng lahat dahil siya lang ang makakasagot kung naging kayo ba talaga ni Hershey o hindi–”
Mariing nagmura ako kaya tumigil siya sa pagsasalita. “We were never a thing in the past, Arlan. Ako ang paniwalaan mo dahil ako ang nakakaalam ng lahat,” mariing sambit ko. Tumaas ang kilay niya at nagkibit balikat.
“But Hershey never denied that rumor, Stan. Baka naman nagkagusto talaga si Hershey sayo noon at naudlot lang dahil sa dami ng mga babaeng na-linked sayo?” nakangising dagdag niya pa. Kagat ang ibabang labi na binantaan ko siya ng tingin para tumigil na sa pagbalik tanaw sa nakaraan. Ngumisi siya ng nakakaloko kaya tinanong ko na lang sa kanya ang dahilan ng papunta niya dito sa opisina ko.
“Why the hell are you here? Sabihin mo na ang pakay mo dahil marami akong trabaho ngayon,” pag-iiba ko sa usapan. Umayos siya ng tayo at saka hindi na nagdalawang isip na sabihin ang dahilan ng pagpunta niya dito sa opisina ko.
“Ipapaalala ko lang sayo na may stag party si Rupert bukas ng gabi,” simula niya. Kumunot ang noo ko. Dahil sa pakikipag usap sa akin ng daddy ni Hershey tungkol sa paglipat namin ng bahay ay muntik ko nang makalimutan ang kasal ng isa sa pinakamalapit sa akin na abogado dito sa law firm namin. Mabuti na rin at pinaalala ni Arlan ang tungkol sa stag party ni Rupert dahil siguradong makakalimutan ko na dahil sa dami ng iniisip ko nitong mga nakaraan.
“Ang gaganda at puro bata ang kinuhang babae na mag-eentertain sa mga bisita. Siguradong mag-eenjoy ka, Stan…” nakangising kantyaw niya. Ngumisi lang ako dahil hindi naman na niya kailangan na sabihin na mag-eenjoy ako dahil siguradong mag-eenjoy talaga ako doon lalo na kung may mga babae.
Ilang sandali lang ay tumunog na ang phone ni Arlan kaya agad na nagpaalam na siya sa akin na babalik na sa opisina niya. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho at pansamantalang inalis sa isip ang pagtira ko sa iisang bahay kasama si Hershey.
Kahit naman tumira kami sa iisang bubong ay wala namang magbabago! Hindi siya pwedeng makialam sa buhay ko at ganon din ako sa kanya.
“Walang pa ring pakialaman sa buhay ng isa’t-isa kahit na magsama at tumira pa kami sa iisang bahay!”
Lunch break nang naisipan kong tawagan si Kim sa school. Kabilin bilinan ni Mommy na ngayon pa lang ay iparamdam ko na kay Kim na ako ang daddy niya dahil may mga pagkakataon na hinahanap hanap na niya ang atensyon ng isang totoong ama.
Ang kababata namin at co-teacher ni Hershey na si Gwinnett ang nakasagot sa tawag ko. Sa halip na kausapin ako ay ipinasa niya agad kay Hershey ang tawag kahit na si Kim lang naman talaga ang balak kong kausapin kaya ako tumawag!
“Hershey! Si Stan nasa telepono!”
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang boses ni Hershey sa background.
“Bakit? Ako ba ang hinahanap?” Halatang ayaw ni Hershey na makipag usap sa akin kaya tumaas ang kilay ko.
Wala rin naman akong balak na makipag usap sayo!
Ilang sandali pa ay narinig ko siyang tumikhim bago sinagot ang tawag ko. “What do you need?” Halatang tamad na tamad na tanong niya sa akin.
“Si Kim ang kailangan kong makausap at hindi ikaw,” mariin at prangkang sagot ko. Kahit na hindi ko siya nakikita ay ramdam ko agad ang gigil niya sa akin kaya wala sa sarili na napapangisi ako.
“Edi sana ay sinabi mo kay Gwinette na si Kim ang gusto mong kausapin!” mariin at halatang iritado na sambit niya.
“Paano kong sasabihin kung inunahan na akong magdesisyon ng kaibigan mo?” nakataas ang kilay na katwiran ko. Narinig kong bumulong bulong pa siya ng kung anu-ano bago nagpaalam para dalhin si Kim doon para makausap ko.
“Your Daddy Stan is on the phone…” narinig kong paliwanag ni Hershey kay Kim.
“Hello, daddy?” Napangiti ako nang marinig ang boses ni Kim sa kabilang linya.
“Hello, baby! How are you?” tanong ko.
“I’m not fine po,” sagot niya. Kumunot ang noo ko at agad na umayos ng upo. Isa sa mga ugali ni Kim ay iyong kapag hindi siya okay ay sinasabi niya agad. Kaya ngayon na sinasabi niya na hindi siya okay ay alam kong hindi talaga siya okay.
“What happened, Kim? Tell me,” agad na utos ko. Hindi siya sumagot agad kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “How about lunch? Have you eaten yet?” marahang tanong ko.
“Not yet. Wala po akong gana,” sagot niya. Magtatanong pa sana ako pero narinig kong binalik na niya kay Hershey ang phone.
“Kim! Wait!” narinig kong tawag ni Hershey at saka kinausap ako. “Umiiyak si Kim. Mamaya ka na tumawag!” narinig ko pang paalam ni Hershey bago niya binaba ng tuluyan ang telepono. Mariing napamura ako at agad na kumilos para puntahan si Kim sa school at alamin ang dahilan ng pag-iyak niya.