HERSHEY’S POV
“Anong sinabi mo kay Kim?”
Likas naman na mapagpasensya ako lalo na sa mga bata pero pagdating sa kapakanan ng pamangkin kong si Kim ay parang gusto kong sumabog lalo na at nagiging masyado siyang sensitive nitong mga nakaraang araw. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang dahilan ng pagiging sensitive ni Kim kaya inis na inis ako.
I have been with her almost all day every weekday. Kapag weekend ay doon siya sa bahay nina Stanley nag i-stay dahil iyon ang napagkasunduan ng pamilya namin at ng pamilya nila.
“I’m asking you, Pepper. Anong sinabi mo kay Kim?”
Pilit pa rin akong nagtitimpi habang nagtatanong. Bilang isang preschool teacher ay praktisado ko na kung paanong maging kalmado lalo na pagdating sa mga bata.
Hindi pa rin siya nagsalita kaya yumuko na ako para mapantayan ang mukha niya. Nakasimangot siya at mukhang wala talagang balak na umamin sa ginawa niya kaya mas nilawakan ko pa ang pang-unawa. Hindi lang naman si Kim ang kauna-unahang estudyante dito sa school na nakaaway ni Pepper dahil likas talaga siyang maldita. Hindi ko lang talaga magawang mag pasensya ng todo ngayon dahil umiyak na si Kim. Hindi naman siya iyakin na bata kaya kung nagawa na niyang umiyak ngayon ay ibig sabihin ay hindi na lang basta-basta ang sinabi ni Pepper sa kanya.
“Pepper, I’m asking you–”
“I just told her the truth! Masama na ba ang magsabi ng totoo ngayon, Teacher Hershey?” Halos pabalang na sagot niya. Huminga ako ng malalim. Hindi ko estudyante si Pepper pero parang gusto ko na siyang ibalik sa sinapupunan ng nanay niya dahil sa pagiging maldita niya!
“Ano ngang sinabi mo sa kanya? Sabihin mo sa akin kung anong sinabi mo kay Kim at ako ang magsasabi sayo kung may katotohanan ba ‘yon,” marahang paliwanag ko. Kitang-kita ko ang panghahaba ng nguso niya kaya kagat ang ibabang labi na pinigilan ko ang sarili na pagdikitin ang mga labi niya!
Bago ako magtanong sa kanya ay alam ko na ang mga sinabi niya kay Kim. Gusto ko lang talaga siyang paaminin para humingi siya ng pasensya kay Kim pero mukhang matigas talaga ang ulo nitong si Pepper at walang balak na mag-sorry kaya nagsisimula na akong mainis!
“Pepper–”
“My Mom said I always have the rights to be silent if I don’t want to talk about something,” sagot niya kaya napamaang ako sa mukha niya. Alam ko namang sa edad ni Pepper na limang taon ay matalino talaga siya dahil bukod sa parehong abogado ang parents niya ay mataas ang IQ niya kumpara sa mga bata dito sa preschool. “And I want to use my rights now. Excuse me but I have to go home now,” aroganteng dagdag niya pa at saka walang pagdadalawang isip na humakbang para talikuran ako kaya tuluyan nang nasagad ang pasensya ko at tumayo para utusan siyang bumalik dito sa pwesto ko dahil hindi pa ako tapos sa pakikipag usap sa kanya.
“I also have the right to scold you if you don't follow your teacher’s order!” bulalas ko at saka humakbang palapit sa kanya pero sa halip na makinig si Pepper sa akin ay nilabas niya pa ang dila niya at saka tumakbo palayo! Napamura ako sa isip at hahakbang na sana para habulin siya pero kahit si Pepper ay natigil sa pagtakbo dahil humarang sa daan niya si Stanley Hwang.
Nagsalubong agad ang mga kilay ni Stan nang salubungin ang tingin ko. Pinigilan kong mapairap sa kanya dahil makita ko pa lang siya ay kusang nag-iinit na talaga ang ulo ko. Kaya siguro ilang gabi na akong hindi makatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung paano ko siyang pakikisamahan kapag tumira na kami sa iisang bahay!
Living with an arrogant and annoying lawyer like Stanley Hwang will surely put me in trouble!
“Do you know who I am?”
Natigil ako sa pag-iisip at paninitig ng masama kay Stan nang narinig ko siyang nagsalita at kinausap si Pepper.
“No. I don’t know you,” nagmamalditang sagot ni Pepper. Umawang ang bibig ko nang marinig na nagmura ng malutong si Stanley. Alam ko namang likas na hindi mahaba ang pasensya niya sa kahit na sino kaya dapat ay hindi na ako magulat na nasagad agad ni Pepper ang pasensya niya!
“Then listen to me ‘coz I am going to introduce myself,” mariin at aroganteng sambit ni Stan at saka nagpatuloy sa pagsasalita. Hindi ko akalain na papatol siya sa bata pero ayaw kong pigilan siya sa ginagawang pakikipag usap kay Pepper.
“I am Atty. Stanley Hwang,” pormal at mayabang na pakilala niya kay Pepper. “And I am Kim’s dad,” dagdag niya pa. “Kilala mo na ba ako ngayon?” tanong niya kay Pepper.
Hindi nagsalita si Pepper pero nakita ko kung paano siyang nag-panic dahil sumulyap pa sa gawi ko. Tumikhim ako at saka sinamantala ang pagpapanic niya nang magpakilala si Stan na daddy ni Kim. Halatang-halata sa reaksyon niya na may kasalanan siya at guilty kaya dapat ay samantalahin ko ang takot niya kay Stan para mapaamin siya sa kung anong sinabi niya kay Kim.
“So, you have met Kim’s dad, Pepper…” sambit ko nang nakalapit sa gawi nila. Napatingin sa akin si Stan pero hindi ko siya pinansin at nag focus sa pagpapaamin kay Pepper.
“Pwede mo na sigurong sabihin sa akin ngayon kung anong sinabi mo kay Kim,” sambit ko. Tumahimik siya pero nakakunot ang noo habang patingin tingin sa gawi ni Stan. “Gusto mo bang magalit pa ang daddy ni Kim bago mo sabihin–”
“I heard Kim doesn’t have mom and dad! I only told her that I pity her for not having a parent! Masama po bang magsabi ng totoong nararamdaman, Teacher Hershey?!” bulalas niya. Napasinghap ako nang marinig na naman ang malutong na mura ni Stan.
“You brat! What the hell did you say?” iritadong tanong ni Stan at mukhang papatol na sana sa bata. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Pepper dahil sa pagmumura ni Stan kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at saka sinenyasan siya na ‘wag magmura dahil natatakot ang bata! Kitang kita ko ang gigil sa mga mata niya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“Kim does have parents!” gigil na bulalas ni Stan at nagulat pa ako nang humakbang siya palapit sa akin at saka agad umakbay at kinabig ako palapit sa katawan niya!
“W-what the hell are you doing?!” mariin pero mahinang sita ko sa kanya. Tamang-tama lang ang lakas ng boses ko sa ginawang pagsita sa kanya para hindi kami marinig ni Pepper!
Sa halip na magpaliwanag sa akin ay muling hinarap ni Stan si Pepper at nagpatuloy sa pagsasalita. “What do you think of us, kiddo? We are Kim’s parents! Anak namin si Kim kaya bawiin mo ang sinabi mong wala siyang Mommy at Daddy!” tuloy-tuloy na bulalas ni Stan at saka mas lalo pa akong kinabig palapit sa katawan niya!
Napamura ako at tiningnan siya ng masama nang halos masubsob na ako sa dibdib niya at mapayakap sa kanya dahil sa agarang pagkabig niya sa akin!
“Apologize to my daughter right now or I will sue you for spewing nonsense! That's defamation! Have you heard about that?” tuloy-tuloy na pananakot ni Stan kay Pepper.
Nakita kong nilipat ni Pepper ang tingin niya sa akin kaya taas noong tumango ako sa kanya.
“That’s right, Pepper,” sambit ko at saka sumulyap kay Stan. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at masyadong dikit na dikit ang mga katawan namin kaya nahihirapan akong huminga ng maayos!
“He–”
“My husband,” mariin na pigil ni Stan sa pagsasalita ko. Kunot ang noong nilingon ko siya.
“What?” tanong ko. Inilapit niya ang mukha niya kaya napamaang na naman ako.
“You have to tell that brat that I am your husband!” mariing utos niya kaya awang ang bibig na sinalubong ko ang titig niya.
“What–”
“Tell her I’m your husband or I will kiss you in front of that brat. Kanina pa ako nanggigigil at nagpipigil na patulan ‘yang batang ‘yan…” mariing utos niya ulit!
Sa takot na gawin niya ang sinabi niya ay sinunod ko siya. Pinakilala ko siya bilang asawa ko sa harapan ni Pepper kaya agad na bumalik si Pepper sa classroom para mag-sorry kay Kim!
Tuluyang nawala si Pepper sa paningin ko. Nang lingunin ko si Stan ay naabutan ko ang titig niya sa akin kaya agad na tinulak ko ang dibdib niya.
“W-wala na yung bata!” bulalas ko.
“Can’t you even handle a situation like that?” aroganteng sita niya agad sa akin kaya tumaas ang kilay ko.
“Are you trying to blame me?” hindi makapaniwala na bulalas ko. Nanliit ang mga mata niya at saka muling humakbang palapit sa akin.
He leaned even closer and wrapped his arm around my waist! Sa gulat ko ay sumubok akong itulak siya palayo pero mas lalo niya lang akong hinapit palapit sa katawan niya kaya wala na akong nagawa nang ilapit niya ang mukha niya at bumulong sa akin.
“It’s your responsibility because Kim is here with you,” mariing bulong niya. “Ngayon pa lang ay ayusin mo na ang pagiging nanay sa kanya–”
“Excuse me?! I don’t even have an idea on how to be a mother yet!” iritadong bulalas ko. Ang lakas ng loob niyang utus-utusan ako sa mga dapat kong gawin samantalang hindi pa naman kami nagsisimula na maging foster parent! Naglapat ang mga labi niya at saka muling inilapit ang mukha sa akin!
“Don't you know how to act like a real mother to Kim?” nanliliit ang mga matang tanong niya. “Magsanay ka na kung paanong maging isang nanay, Hershey. Kung hindi mo kayang pag-aralan ay handa naman akong anakan ka para lang matuto ka,” mariing bulong niya at mas inilapit pa ang mukha sa akin.
Iritadong tinulak ko ang mukha niya at hindi pa ako nakuntento ay umigkas ang binti ko at sinapul ang pinaka iingatan niyang pagkalalakē!
Nagmura siya pero minura ko lang din! “Subukan mo pa akong lapitan! Sisiguraduhin kong hindi mo na magagamit yang pagkalalakē mong hudas ka!” mariing banta ko bago nag martsa palayo sa kanya!