Nasa venue na kami halos lahat ay nagsisiyahan. Katabi ko ngayon ang lalaking ito at halatang banas na din ang mood niya. Sinong mag-aakala na ang isang masaya at gwapong aura niya kanina ay mapapalitan ng pagkabanas at bored na aura ngayon. Tunay nga na tuso ang isang 'to.
Natuon naman ang atensyon ko sa taong nagsalita.
Itinaas naman nito ang hawak niyang wine glass tsaka tumugon.
"Masaya ako na mabibigyan mo na ako ng apo, anak," saad ng lalaki. Nararamdaman ko na siya ang pinuno ng buong sinasakupan nila.
Nauhaw naman ako bigla sa sobrang kaba. Paano ba ako humatong sa punto na'to?
"Gusto ko na sa susunod na buwan ay mabubuntis kana, hija,anak!"
Nasamid naman ako sa tubig na iniinom ko. Natawa naman sila kasabay ng pag-akbay sa akin ng damuho na 'to.
"Oo naman."
Ano daw?! Pinandilatan ko naman siya sa sobrang inis.
Nabigla naman ako nang halikan niya ako sa noo.
"Makisama ka nalang," bulong niya at halatang naiinis.
Humarap naman siya ulit sa kanila at nagsalita.
"Ilan ba ang gusto mo, ama?"
"Naku naku!"
Nagsihiyawan naman ang lahat.
Napayuko naman ako sa sobrang hiya.
Natapos ang buong seremonya at hinatid na din ako ng isang security sa room ko.
"Teka, hindi ba kayo sabay na aalis?" tanong ng magiging ama ko na din.
"Ha? Ah-- ikaw naman mahal," hila sa akin ng lalaki na 'to.
Agad na kaming nagpaalam sa ama niya. Sabay na kaming lumabas at pumasok sa elevator.
Nag-iba naman ang mood niya nang nasa loob na kami.
"We will sleep together in one room tonight," aniya.
"Ano?! Paano naman ako nakakasiguro na ligtas ako mula sa'yo!"
"Look, " aniya sabay lapit ng mukha niya sa akin.
"Binabayaran kita at sa ayaw at gusto mo, you will do everything what I want, " banta niya. Napalunok naman ako ng laway.
"And to clear things out, you're not my type," aniya.
Tinulak ko naman siya at napabusangot.
Napakayabang!
"Mas mabuting magkakaintindihan na tayo."
Nakarating na nga kami sa isang kwarto. Napalunok naman ako sa sobrang awkward kasi ang bango ng buong room, puno ng rose petals ang sahig at ang dami pang kandila .
"Diyan ka sa sofa matulog," aniya.
"Nakuu, ang sarap bangasan," inis kong bulong.
"May sinabi ka?" Inis niya.
Inirapan ko naman siya. Agad naman akong pumunta sa couch. Napasalampak naman ako. Wala akong pakialam. Gusto ko nang matulog.
Nakaramdam naman ako nang pagkalam ng sikmura. Nagugutom na ako.
Paano kung kainin ko nalang itong dugong bughaw na ito?
Tumayo naman ako at mukhang tulog na ata siya. Lumapit naman ako at tiningnan siya.
Pogi nga pero mayabang . Tatalikod na sana ako nang bigla akong nadapa dahil sa suot kong gown dahilan para ma tumba ako sa ibabaw niya!
"ANO BA?" inis niya.
"So-sorry."
"Do you expect na included sa contract natin ang s*x?" casual niyang tanong.
"MANAHIMIK KA NGA," sabay takip ko pa sa tenga ko.
"Don't say na you're a virgin to overreact like that?" tanong pa niya.
Agad naman akong bumangon nang bigla naman niya akong hinatak. Nagkatitigan naman kami.
"Wag mo kong subukan baka makain pa kita!" naiinis kong pagbabanta.
Nagtaka naman ako nang mapangisi siya.
Napalunok naman ako nang ilapit pa niya unti ang mukha niya sabay may binulong sa bandang tenga ko.
"Ah, so you're naughty, huh," aniya.
Natigilan naman ako.
Teka, huwag mo sabihin-- iba ang iniisip niya.
Napasigaw naman ako sabay tumayo mula sa pagkakahiga sa ibabaw niya.
"Mali ka ng iniisip!"
"In your dreams, hindi mo ko mase-seduce, naughty woman," aniya.
Agad na akong napatakbo papasok sa cr sa sobrang hiya. Naku naman!!! Nakakainis talaga!
Nakakainis!
Pansin kong may robe pala dito kaya naisipan kong maligo nalang at nang mahimasmasan ako. Mas mabuting magtatagal ako dito para naman pagbalik ko ay nakatulog na siya.
Umabot din ng ilang oras at lumabas na ako. Tahimik na sa bandang kama at mukhang natutulog na siya.
Agad na akong pumunta sa couch at mahihiga na nang bigla naman akong nagulat sa pagmumukha niya.
"Akala ko ba natutulog ka na," nauutal kong sabi.
"You've said earlier na kakainin mo pa ako,"mahina niyang sabi.
Bigla naman nagpintig ang tenga ko at ayoko ang sensasyon bumabalot sa akin ngayon.
Nilapit naman niya ang mukha niya sa akin.
Adi, huwag kang magpapadala sa kapogian ng engkanto na ito! Isa kang agaras at pagkain mo lang ang ka-uri nila!
Naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Hi ndi naman ako makagalaw.
"So this is your first time," ngisi niya. Hinalikan naman niya ako at pilit na binubuksan gamit ng dila niya ang bibig ko. Napanganga naman ako at napapikit sa sensasyon bumabalot sa pagkatao ko.
Bigla naman tumunog ang phone niya.
Agad naman akong napaupo.
"Liera," aniya.
"Saan ka ngayon?" nag-aalala niyang boses.
"Hintayin mo ko diyan!"
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa nang bigla lang siyang umalis na walang pa sabi.
Sino ba si Liera?
Tumayo na ako at pumanhik papunta sa malaking kama. Napasalampak naman ako sabay buntong-hininga.
Pansin kong may pumasok kaya naging alerto ako.
"Just stay here," aniya.
Hindi naman ako kumibo. Kinuha lang pala niya ang naiwan niyang coat.
"Pretend that we sleep together and kung may maghahanap sa akin, sabihin mo na nasa cr ako," aniya. Tumango naman ako at agad na siyang umalis.
"You can enjoy here, mukhang hindi ka pa sanay sa mga ganitong lugar e," pang-aasar nito.
Nakakainis talaga.
Napayakap nalang ako ng unan sabay impit na nagsisigaw sa sobrang inis!
Baka pagsasampalin ko siya ng kaliwaan gamit ang ginto!
Napaismid nalang ako at pilit na pinikit ang mga mata para makatulog.
Naalala ko naman ang phone na binigay ni Mr. Cruz.
Kinuha ko naman ito at pansin kong may message ito.
Mr. Cruz:
Madame, pinapasabi ni Master Arki na huwag ka na pong bumaba. Baka makita ka ni Chairman .
Napabuntong-hininga naman ako.
"Gusto ko lang naman mamuhay nang tahimik sa mundo na 'to pero bakit?!!"
Kasalanan lahat 'to ng dwende na 'yun!
Malalagot ka talaga sa akin!