Ilang araw na din simula nang manirahan ako sa mansion na ito. Ilang araw na din akong nababagot sa sobrang tahimik ng buong bahay.
Ilap din sa akin ang mga nagtatrabaho dito.
At dahil sa wala akong magawa, nandito ako ngayon sa malawak na sapa, tumatambay.
Inis ko naman pinambabato ang tubig.
"Pinuno!"
Nagkunot-noo naman akong binaling ang kinaroroonan ng nagsalita. Nakita ko naman siyang nakangising nakapatong sa isang malaking bato.
"NANG DAHIL SA'YO BUBWIT KA, NAGKANDA LECHE NA ANG BUHAY KO DITO," inis kong pinitik ang nanlilimahid niyang noo dahilan para mahulog siya sa kinauupuan nito.
"Aray ko po naman!"
"Sa lahat ng ayaw ko ay ginagawa akong tanga!" inis ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? Nasa tamang lugar ka pa nga eh!" aniya.
"Alam mo matagal na akong nagtataka kung ano ang lasa ng sinabawan na dwende!" inis ko.
"Naku naman pinunong agaras, masamang biro po iyan!"
"Mukha ba akong nagbibiro?! Ilang araw akong nag-antay sa ibibigay mong ginto pero ano?! Pinalayas ako ng isang hampas-lupang mortal at naipagkasundo pa sa isang engkanto!"
"Patawad naman pinuno," pagmamakaawa niya.
"Sa katunayan may mga ginto ako dito," aniya.
" Wala ng silbi ang mga 'yan!"
Naiinis naman akong napasalampak sa damuhan sabay hagis ulit ng bato sa sapa.
"Nalaman ko pinuno, na isang maharlikang engkanto ang pinakasalan mo."
"Kasalanan mo ito!"
"Ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi nila nalaman na isa kang pinunong agaras."
Nagtaka din ako. Bakit hindi nila naramdaman na isa akong aswang at panganib sa angkan nila?
"Sa isip mo pinuno, planado ba ito?"
Planado nga ba?
Sino naman ang gagawa?
"Patuloy pa din ang alitan ng angkan ng mga babaylan at bruha, sa dakong timog-silingan naman, napapabalitaan ang pagsalakay ng mga aswang na pinamumunoan ng isang harimodon."
"Ano?"
"Hindi maganda ang layunin ng hari nila, pinuno."
Natigilan ako.
"Sa pag-aakala na patay ka na, karamihan sa mga pinuno ng bawat angkan---"
"Gusto ba nilang palitan ako sa pwesto?"
"Mismo."
"Karamihan sa mga aswang na nasasakopan mo ay naglakbay at nakiapid sa kapatiran ng ibang pangkat."
Tumango nalang ako. Alam kong wala na akong pakialam kung sino man ang mananalo sa kanila.
Matagal ko nang tinalikuran ang pagiging agaras. Matagal na akong tumakas sa mundong iyon.
"Iiwanan ko na dito ang mga dala ko, pinuno."
Agad naman siyang naglaho at naiwan ang bitbit niyang maliit na sako na may laman ng buhangin ginto.
Naramdaman ko naman na may paparating.
Mukhang umuwi ang engkanto na iyon.
Tumayo na ako para silipin ang mga kotseng paparating.
Hindi nga ako nagkamali, bumaba ang damuho na iyon.
"Teka, sino ang kasama niya?" bulong ko.
"Ah-- 'yan ba? Side chick ng asawa mo," mahina pa nitong tawa.
Napaatras naman ako nang may lumapit sa akin na lalaki. Namula naman ako bigla kasi ang lapit ng mukha niya kanina at naamoy ko pa talaga ang mabango niyang hininga.
Ngumiti naman ito at napatawa ulit. Sumingkit naman lalo ang mata niya na aaminin kong kinapogi niya.
Bumilis bigla ang t***k ng puso ko sa sobrang pamumula ko.
"Sorry, nagulat ata kita," tawa pa niya.
"Si-sino ka?" nauutal kong tanong.
"Isang kaibigan," aniya.
"Ah."
"Naku talaga itong kaibigan ko! Dinala pa talaga si Liera dito," aniya sabay kamot ng batok.
Si Liera?
"Tara, coffee?"
"Kailangan ko ng pumasok sa loob."
Hinila naman ako sabay takbo.
"Tara na!"
Hindi na ako pumalag pa. Kasi naisipan ko, kung uuwi ako, madadatnan ko sila. Nakakahiya nga naman 'yun.
Mukhang iniiwas lang ako ng taong ito sa kahihiyan kaya niya ako hilang-hila ngayon.
Sumakay na ako sa kotse niya.
Dinala naman niya ako sa isang coffee shop.
"Akala ko pa naman sa kusina ang punta natin," saad ko.
"You're too funny," aniya.
Funny?
Bumaba na kami at pumasok na kami sa shop. Hinayaan ko naman siyang pumunta ng mag-isa sa counter. Naghanap na ako ng bakanteng seats.
Ilang taon na ako sa mundong ito at sanay na ako sa pamamalakad nila. Ibang-iba sa mundong pinamumunuan ko.
Nakangiti naman siyang pumunta sa kinaroroonan ko.
Napaiwas naman ako nang tingin. Ewan ko ba pero ang lakas ng dating niya sa akin.
"By the way, Seid nga pala!"
"Adi," tipid kong sagot.
"Ah--Adi pala , ang alam ko kasi ikaw si Adelaida Magsugod," natatawa niyang sabi.
"So nakakatawa ang fullname ko?"
Napatikhim naman siya at napakamot batok.
Naiinis naman akong napasulyap sa labas.
"So ano bang work mo?"
"Librarian," saad ko.
Oo isa akong librarian sa isang private library. Private siya kasi ako ang nagmamay-ari. Nagrerent lang ako sa isang apartment para hindi ako mapaghalataan. Mahirap mamuhay sa mundong ito dahil lahat ng assets mo ay detalyado.
Nag-hire lang ako ng taong hahalili sa akin , taong rehistrado sa gobyerno nila.
"So paano kayo nagkakilala ni Arki?"
"Ha?"
Pansin kong naghihintay siya sa sagot ko.
"Sa library din," sagot ko.
"Biro lang," aniya.
"I know everything."
Nainis naman ako.
"Ugali mo bang mang-inis?"
"Ito naman, pikon agad."
"Here's your order, maam, sir."
Pansin kong shake ang inorder niya para sa akin.
Napalunok naman ako ng maamoy ko ang mabangong amoy ng strawberry .
Isa sa paborito kong pagkain ng mga tao.
"Mukhang nakuha ko ata ang fave mo?"
Umayos naman ako nang tingin sa kaniya. Mind reader ba siya?
Hindi naman siya amoy engkanto e.
"Teka," saad ko.
May napansin akong gumagalaw sa bandang leeg niya.
Hinatak ko naman siya sabay nilapit ang mukha ko sa bandang leeg niya.
Nagugutom ako.
Napapikit naman ako.
Isa siyang mandarangkal.
Napabitaw naman ako.
Pansin kong napangisi siya.
Tumayo na ako at iniwan siya.
"Adelaida!"
"Manahimik ka nga," inis ko.
"Sorry naman!"
"Wag mong paglaruan ang isip ko," inis ko.
"Bakit? May nagawa ba ako?"
Iniwan ko naman siya kaso hindi pa rin niya ako nilulubayan.
"Teka baka nandun pa si Liera!"
" Wala akong pakialam!"
"Mahal niya si Liera!"
"Sa tingin mo apektado ako?!"
Lakad pa din ako nang lakad hanggang sa maabot niya ako.
Diniinan ko naman ang kamay ko sa braso niya kaso wala akong lakas para gawin iyon.
Sumikip naman bigla ang dibdib ko.
"Anong nangyari?!"
"Iuwi mo ko."
"Oo na! Oo na!" nagmamadali niyang sabi.
Nakalimutan ko pala. Senilyohan ko na ang mutya nang pagiging agaras ko kaya sa mundong ito, isa na din akong tao, mali, isang immortal na mahina kagaya ng tao.
Nakarating na kami sa mansion at naabutan nga namin sina Arki at Liera.
Nag-uusap at kumakain sa may pool.
Pansin kong yumuko sa akin ang Liera na sinasabi nila. Lumapit naman ako kahit hinang-hina ako.
"Simula ngayon, ayong makita ang pagmumukha mo sa bahay ko."
Nabigla naman sila sa sinabi ko.
"At sino ka para pahiyain si Liera?!" inis na bulyaw ni Arki.
"Asawa mo."
Natahimik naman sila.
Ramdam ko naman ang mahigpit na paghatak ni Arki sa braso ko hanggang sa makalabas na kami sa mansion.
"Sino ka para saktan ang mahal ko?!"
"Kailangan ko pa bang ulitin?" saad ko.
"It's just a contract!"
" Pero legal," saad ko.
"Hinahamon mo ba ako?!"
"Nakakabastos bilang legal na asawa na dalhin mo dito ang kabit mo," kalmado kong pagkakasabi.
"Unbelievable!"
Hinatak ko naman ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kalmado akong pumasok ulit sa loob at naabutan kong umiiyak si Liera.
"I'm his wife at karapatan kong palayasin ka dito," kalmado kong pagkakasabi .