Panimula
"Ilang araw na akong nagtitimpi," inis ng landlady ko sabay singhot ng hawak niyang yosi. Napapikit naman ako ng bugahan niya ako ng usok.
"Mas mabuting umalis ka na sa unit na 'to !" bulyaw niya. Agad naman nagsipasok ang mga alipores niya.
Nagkalat sila sa loob at pinaghahagis ang mga gamit ko.
Halos maiyak naman ako kasi ang dami ng tao nakiki-marites.
Wala naman akong nagawa kundi pulutin nalang ang nakasalampak kong maleta. Pinagpupulot ko naman ang ibang gamit ko.
Bigla naman may dumating na mga nakasuot na suit. Napaangat naman ako nang tingin nang mapansin kong tinutulungan nila ako.
"We will settle her remaining balance," saad ng lalaki na nasa edad 40's na at mukhang abogado ang dating niya.
"Naku naman , teka matanong ko lang kung sino ba kayo?" saad ng landLady.
Imbes na sagutin siya ay tinalikuran lang ito tsaka ako kinausap at inalalayan.
"Mukhang nahuli na ata kami nang dating," pilit niyang ngiti sabay lahad ng kamay niya. Inabot ko naman ito at dahan- dahan na tumayo.
"Maraming sa-salamat."
Pansin ko naman na binubuhat ng mga kasamahan niya ang mga gamit ko papasok sa isang magarang itim na van.
"Hindi mo naman sinabi na yayamanin ka pala hija!"
Napakunot-noo naman ako.
Nilahad naman niya ulit ang kamay niya at naglakad kami papunta sa van. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Hindi ko naman sila kilala pero bakit nagpapauto ako?! Ano ba dapat kong gawin?
Ayoko naman magpa-iwan sa lugar na ito kaya sumakay na ako.
Ako lang mag isa sa loob ng van kaya nagtaka ako.
Sinilip ko naman ang bandang likod at may ibang kotse pa palang naka-convoy. Napahawak nalang ako sa dibdib ko sabay isip. Sino ba sila?
Napabuntong-hininga nalang ako at napapikit.
"Teka..." saad ko.
Nanghihina ako.
Nataranta naman ako nang nagsimula ng tumakbo ang kotse.
"A-anong gina-gawa ni-yo?" at nandilim na ang lahat.
---
Naramdaman ko naman ang malamig na kamay sa katawan ko.
"AAAAH," sigaw ko.
Ngunit mas nagulat ako sa bumungad sa akin ngayon!
Nasa loob ako ng isang kwarto at may nag-aayos sa akin.
"Sino kayo?!"
Ngumiti lang sila at inayos ulit ang damit ko. Inalalayan naman ako ng isang kasamahan nilang babae at dahan-dahan akong hinarap sa salamin.
Ano 'to? Bakit naka-make up na ako?
May pumasok naman ng tatlong babae na tulak-tulak ang isang cart na may mga gown na nakasabit.
"These are the gowns that master Arki chose," ani ng isa.
"Which one do you prefer, madame?"
Napatulala naman ako.
Hindi ko alam pero natulala na ako bigla sa gown na nasa harap ko. Naguguluhan ako kung bakit puti lahat. Pang kasal ba ito?
Ngumiti naman ang isa at pinalabas na ang dalawang gowns .
Binihisan na nila ako at napatanga na lang ako.
Halatang mamahalin lahat ng pinasuot nila sa akin. At kahit anong tanong ko ay hindi nila sinasagot.
Hinatid naman nila ako sa isang kwarto.
"Ang ganda mo po," saad ng babae.
Napatango nalang ako at nagpasalamat.
Lumabas na nga siya sa kwarto at naiwan na ako. Mukhang nasa loob ako ng isang mansion at hindi ako handa kung sino ang kakaharapin ko.
May kumatok naman ng pinto at bumungad sa akin ang lalaking tumulong sa akin kanina.
"Masaya akong makita ka ulit, madame."
"Hindi ko maintindihan," saad ko.
Ngumiti naman siya at nilahad sa akin ang isang envelope.
Nagtataka naman akong binuksan ito.
"Contract?"
Tumango naman siya at ngumiti.
"Wedding contract?" saad ko.
"Wala ka nang iisipin, Kera, alam kong walang-wala ka na ngayon at ilang buwan na din kitang pinabackground check."
"At sino ka para gawin 'yan?!"
"Alam kong wala ka ng mga magulang at alam kong wala ka nang mapupuntahan," aniya.
"Sino ka para panghimasokan ang buhay ng iba?!"
"Ipagpaumanhin mo, pero mula nung nakita kita sa isang event, nakuha mo ang atensyon ko."
Event?
"Alam kong pursigido ka sa buhay at alam kong magagampanan mo ang pagiging mabuting asawa."
"ISANG KAHIBANGAN ANG SINASABI MO."
"I'll give you time to decide," aniya.
"Ayokong patulan ang kahibangan na 'to!"
Ngumiti lang siya at umalis.
Napasalampak naman ako sa sofa sa sobrang inis.
Anong gagawin ko?!
Ilang oras din ako sa loob ng kwarto na ito nang may kumatok sa labas. Pumasok naman ang isang babae na sa pagkakaalam ko ay katulong siya ng mansion na ito.
"Tayo na po."
Tumango naman ako at sinundan siya.
"May alam ka ba dito?" tanong ko sa maid na sumundo sa akin.
"Ho? Hindi po ba ikakasal na kayo ngayon ni master Arki?"
Natigilan naman ako. Narealized ko na kung bakit ang ganda ng ayos ko ngayon lalo pa't naka-puting gown pa ako.
Hindi naman ako sumagot.
Hinatid naman niya ako sa tapat ng isang malaking pintuan. Napasinghap naman ako sa sobrang kaba.
Automatic naman nagbukas ito at bumungad sa akin ang isang engrandeng pasilyo. Nakahilira ang mga magagandang bulaklak sa gilid. Napupuno naman ng mababangong petals ang carpet. Nilibot ko ang paningin ko at mapapansin kong napapaligiran ako ng mga eleganteng tao.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko sa sobrang kaba ng nararamdaman ko.
Natigilan naman ako nang makapa ko ang bandang leeg ko, nawawala ang medalyon ko!
Biglang may background music na tinugtog.
Hindi ko alam kung anong klaseng kanta 'yun pero masasabi ko na salitang babaylan iyon.
Umikot naman ang paningin ko.
Unti-unting nandilim ang paningin ko at kulay dugo na ang nakikita ko. Kumalam bigla ang sikmura ko at napasinghap pa lalo.
"Madame," dinig kong boses.
May binigay naman siya sa palad ko kaya natigilan ako. Ang medalyon ko. Nilibot ko ulit ang paningin ko at bumalik na sa normal ang lahat.
Dahan-dahan akong naglakad sa gitna. Hindi ko pa din maaninag ang taong nasa altar. Oo tama, papunta ako sa isang altar kung saan naghihintay ang taong papakasalan ko.
Hindi ko alam kung nahihibang na din ba ako dahil hindi ko magawang tumakbo nalang at magbackout.
"So you're the woman."
Napanganga naman ako. Hindi ko akalain na isang gwapong nilalang pala ang magiging asawa ko. Gusto kong sampalin ang pisngi ko sa sobrang gulo ng utak ko. Suminghot ba ako ng droga kaya lumilipad ang isip ko? O baka nabaliw na ako sa sobrang kahirapan?
Inabot naman niya ang kamay ko tsaka ako inalalayan paharap sa pari na nasa harap.
Wala na akong maintindihan sa buong seremonya. Basta ang huling naiintindihan ko lang ..
"Maari mo ng halikan ang iyong asawa."
Napaatras naman ako ng konti nang maglapat ang mga labi namin. Natigilan ako. Ramdam ko ang pagtuyo ng lalamunan ko.
Bakit ngayon ko lang napansin?
Nagpakasal ako...
Hindi maaari..
Hindi maaring naging asawa ko ay..
Hindi maaring ang isang mataas na uri ng aswang na tulad ko ay magiging asawa ng isang maharlikang engkanto!